Ube

August 2, 2008 § 46 Comments

Naalala ko dati, takot ako magpabunot ng ipin. Sinasamahan ako ni Lola upang patatagin ang loob ko. Napakaliit kong bata pero nagtratansform ako sa pagiging incredible hulk pag nagpapabunot ako, si Lola naman tatawagin lahat ng barakong kapitbahay para hawakan ako. Ganun lagi ang eksena, sasamahan nya ako, magtatapangtapangan ako pero kapag tinutusok na yung anesthesia nagwawala ako na parang hayop. Pagkatapos nun bibigyan nya ako ng chocolates. Sabi nya nasisira daw ang ngipin ko dahil sa pagkain nun pero ewan ko kung bakit pagkatapos naming bumisita sa dentista eh binibigyan nya ako maraming tsokolate saka ng kendi.

Si lola ang nagsilbing nanay/lola ko mula ng pumanaw ang mama ko. Tuwing alas tres ng hapon dadalhan nya ako ng meryerda sa school. Naiinggit sakin ang mga kaklase ko dahil bukod sa baon kong pagkain eh dinadalhan pa ako ng lola ko. Kaya ako lumobo ng ganito dahil sa sobrang alaga ng lola ko, ayaw nyang nagugutom ako.

Si lola na umiyak nung nagdeliver ako ng speech nung elementary graduation ko. Bilib na bilib sya sakin. Mana daw ako sa nanay ko na nagmana sa kanya. Ako daw ang pinakamatalinong apo nya. Lagi nya akong hinahalikan, kakaiba yung halik nya dahil may kasamang singhot pa. Nakikiliti ako kapag ginagawa nya iyon kaya tumatakbo ako pag alam kong hahalikan na nya ako.

Tuwing birthday ko lagi akong nagrerequest na gawan nya ako ng ube, Lagi nyang tinatanong kung anong gusto kong kainin. Ube ang lagi kong sagot.

Matanong akong bata, lahat tinanong ko kay lola, lahat pinapakwento ko. Yung buhay noong panahon ng hapon, kung totoong black and white nga ba ang mundo noong panahong iyon tulad sa mga lumang pelikula, kung ano ginagawa ni mama nung buhay pa sya pero hindi ako nagsasawang ipakwento ng paulit ulit ang love story nila ni Lolo.

Nung panahong halos lahat ng kapamilya at kamag anak ko eh itinakwil na ako dahil nagloloko ako sa pag aaral. Si lola lang ang tanging taong hindi ako hinusgahan. nahiya akong magpakita sa kanya noon pero sya lang ang taong umintindi sakin. Sa kabila ng agwat namin sa edad eh naintindihan nya ako. Sya lang ang tanging taong proud na proud na naging apo nya ako sa kabila ng kalokohang ginawa ko.

Sobrang mahal na ako ng lola ko, Sa kanya ko natutunan na kahit anong kamalian pa ang nagawa ng tao eh matatanggap iyon ng taong lubos na nagmamahal sa sayo.

Abril noong nakaraang taon noong nalaman kong may cancer sya tinawagan ko sya at humingi ng patawad, nag iyakan kame sa telepono. Alam kong hindi ako naging mabuting apo, sinubukan ko pero maraming beses na binigo ko sya. Isa yun sa pinagsisihan ko. Ang biguin ang taong tanging tumatanggap sakin at nagmamahal. Pinangako ko sa kanyang magtatapos ako pero binigo ko sya. Pinangako ko kong akong bahala sa kanya pag nurse na ako sa abroad, Pinangako kong papatayuan ko sya ng palasyo. Pero hindi ko na matutupad yun. Sinabi nya na gusto nya akong makita na makapagtapos ng pag aaral bago sya kunin ni Lord, nakonsensya ako. Hindi ko na matutupad yun. Yun lang ang tanging hiniling nya sakin pero hindi ko pa naibigay.

Patawad lola, Patawad sa lahat lahat ng kamaliang ginawa ko at sa pagbigo ko sayo. Asahan mo na hanggang sa magiging apo mo sa tuhod eh ibibida kita dahil ikaw ang taong nagpapalakas sakin at ngayong wala ka na hindi ko na alam kung saan pa ako kukuna nun. Pero wag ka mag alala mana ako sayo, matatag ako.

Alam kong hindi ka magiging masaya kung nakikita mo akong malungkot ngayon pero hindi ko talaga alam kung pano pipigilin ang pagtulo ng luha ko at maging masaya sa kabila ng pagpanaw mo, hindi ko alam kung pano ako ngingiti sa kabila ng madalim at malamig na panahon. Masakit lang na sa lahat ng ginawa mo sakin eh hindi man lang kita napasalamatan.

Huli na ang lahat pero Salamat pa din sa pag intindi, salamat sa pagsama sakin sa dentista, sa pagpapatatag ng loob ko, salamat sa ube at sa meryenda, salamat pagmamahal, salamat sa pag aaruga, salamat sa pagiging karamay at kaibigan, salamat pakikisabay sa mga jokes ko, sa lahat ng kwento at payo mo, salamat sa pagiging huwarang lola, salamat sa pagiging tagapagligtas ko.

Ngayong alam kong nasa langit ka na, nadagdagan na naman ang mga anghel ko. Magkikita din tayo balang araw, hindi ko nga lang alam kung dyan ang destinasyon ko basta antayin mo ko dyan nina mama, magkakasama din ulit tayo (sana) at ipapakwento ko na naman sayo ang mushy love story nyo ni lolo.

[medyo off topic] kasama ko kanina sina Xienah,Saminella,Trina Lanbandera,Mariano,Pedro at si Mr_D. Ayun mega tawanan, halakhakan. Masaya ako kanina pero pag uwi ko ng bahay masamang balita ang nadatnan ko na patay na nga si lola. Ganun talaga ang buhay. Masaya ka pagkatapos malulungkot. May kapalit ang lahat ng kasiyahan at may katumbas na kaligayan ang bawat kalungkutan wish ko lang katumbas nitong kalungkutan ko na ito pag-gugudbay sa katigangan ko! [/medyo off topic]

P.S grieving process chenelin chuva muna. mahaba habang hiatus to. sa nakakalam ng celphone number ko itext nyo na lang ako, pasahan nyo na din ako ng load kung gusto nyong magreply ako.

Tagged: ,

§ 46 Responses to Ube

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Ube at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: