singungaling

July 23, 2008 § 48 Comments

Tinamaan ng sakit na insomia. Nanlalaki ang eyebags. Hindi makatulog. Iniba ang position. Nagpaikot ikot sa kama. Wala talaga. Ayaw sakin ng tulog. Ayaw ng tulog sa mga katulad ko, hindi sapat ang mukhang ala Jomari (chan) para pagbigyan ako ng Tulog. Ayaw nya sakin. Wala akong magagawa doon. Hindi sya kawalan pero sana kahit isang beses lang eh pagbigyan naman nya ako. Gusto muli kitang matikman Miss Tulog. Gusto kitang maexperience ulet. Gusto ko ulet maexperience ang sarap na dulot mo at ang paglalaway ko sa piling mo.

Nanood na lang ako ng DVD mula sa pirates of Quiapo, buong magdamag nagbabakasaling dalawin ako ng antok. Pinanood ko ang Sin City. Wala naman talaga akong balak panoorin ito kung hindi dahil kay Quentin Tarrantino. Okay sige, nagsisinungaling ako sa sinabi kong iyon. Dahil ang totoo pinanood ko ito dahil sa mga pigura ng mga babaeng halos hubad na at gusto ko silang ikama.

Ugali ko ng maglista ng mga kowtable sa mga pinapanood kong pelikula. Pati sa mga porn flicks eh isinasaulo ko ang mga sinasabi ng mga porn star pero kadalasan puro Ooooh at Aaaah lang ang tumatatak sa isip ko dahil nakatuon ang atensyon ko sa ibang bagay. “Power don’t come from a badge or a gun. Power comes from lying. Lying big, and gettin’ the whole damn world to play along with you. Once you got everybody agreeing with what they know in their hearts ain’t true, you’ve got e’m by the balls.” yan ang isang linya sa pelikulang Sin City na tumatak sa isip ko. Halos kalebel lang ito ng She loved me at my worst. You had me at my best and you chose to break my heart” ni John Lloyd sa One More Chance.

Power comes from Lying kaya hindi na ako magtataka kung bakit lahat ng nasa kapayarihan eh mga sinungaling. Alin nga ba sa mga pinangako nila ang natupad na? at naniniwala ba kayong by 2020 eh Developed Country na ang Pinas? boo! kalokohan! hanggat hindi naalis sa pwesto ang mga sinungaling at corrupt na opisyal ng bansa hindi matutupad yan. May ilang taon pa bago mag 2020 pero napakaimposibleng maalis sa sistemang pulitikal ng Pinas ang mga ganitong klaseng Pulitiko. Hello nga pala sa mga Pulitikong Gago! tangina nyo po sana mamatay na kayo! mga a-hole!

Sa pagkakatanda ko limang taon ako nung una akong nagsinungaling. Nabasag ko yung banga sa bahay na mas mahal pa sa buhay ko. Dahil sa takot sinabi kong Hindi ako nakabasag noon. Pero tulad ng sabi ni Bob Ong sa libro nyang MacArthur “Pag pinaniniwalaan namin kayong naglaro ng tubig kahit na kahit basang-basa ang mga damit ninyo, Kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko”. May mga hindi maipaliwanag sa mga magulang kung bakit nalalaman nilang hindi nagsasabi ng totoo ang kanilang mga anak. Siguro dahil kilala na nila tayo dahil sa sperm at egg cells nila tayo nabuo. Ang ending naparusahan ako hindi dahil nabasag ko yung jar kundi dahil sa pagsisinungaling ko.

Hindi ako eksperto sa pagsisinungaling. Madali akong mabuko. Isa iyon sa mga talents na hindi binigay sakin ng Dyos. Madali lang malaman kung nagsisinungaling ako. Kaya malamang hindi ako epektibong Pulitiko balang araw. Minsan nanahimik na lang ako dahil alam ko naman pag nagsinungaling ako mabibisto rin naman ako. Mas mabuti hindi na lang magsalita kesa gumawa ng maidagdag sa listahan ng mga kasalanan upang masunog ang kaluluwa ko sa impyerno.

I just found out there’s no such thing as the real world just to lie you’ve got to rise above -John Mayer


Tagged:

§ 48 Responses to singungaling

  • Myk2ts says:

    hummmn. mahirap nga magsinungaling. lalo na kung for the sake of magsinungaling lang. may mga tao kasing hobby yun. yun ang fave past-time.

    sabagay, pag sinasabi kong maunlad ang pinas, nagsisinungaling narin ako.

    uunlad ang pilipinas.. naniniwala ako.. pramis! tanong mo pa kay madame auring.. hehe

  • xG says:

    Power comes from Lying kaya hindi na ako magtataka kung bakit lahat ng nasa kapayarihan eh mga sinungaling

    hindi ako nagsisinungaling
    pero palagay ko
    may kapangyarihan ako๐Ÿ™‚

    naalala ko
    yung nasabi sa oprah
    kabaliktaran naman
    niyang sinasabi mo
    hahaha

    ano sabi ni oprah? share mo.. di ko alam yun..

  • ponchong says:

    ang masarap sa pagsisinungaling ay ang thrill na iimbestigahan ka kung ikaw ay talagang nagsisinungaling. parang sumasagot sila ng puzzle.

    tama ka ferberto at hindi lang mga pulitko ang sinungaling pati na rin ang mga inaakala nating BANAL! bwahahhaha….

    banal like the pope? bwahahaha

  • jeck says:

    hindi rin ako marunong magsinungaling ever. di ko gawain yun. kung may nagawa man akong kasalanan at pinapaamin ako. tumatahimik na lang din ako. tapos pag nabuko na, smile na lang. tapos sasaluhin ko na lang yung sampal. hehe.

    di ko gawain mangloko.. di ko rin gawaing manloko ng babae.. pero naranasan ko na rin masampal.. potah! nakakabingi..

  • Tisay says:

    rawr.

    hindi rin ako magaling magsinungaling kc palagi ako natatawa kapag nagsisinungaling ako kaya nabubuko kagad.

    ayoko ang feeling ng guilt. heheh!

    pareho tayo.. palagi akong natatawa.. tas kung seryoso naman.. hindi ako makatingin ng deretcho.. ayoko din ng pakiramdam pag nagsisinungaling. andun nga yung tinatawag mong guilt..

  • Tisay says:

    p.s. sana makatulog ka na. alam ko kung anong feeling ng di makatulog. mahirap yan. hehehe! sweet dreams na lang sayo.

    nakatulog ako kagabi.. pero ngayon.. sinumpong na naman ako ng insomia.. sana ikaw din ketie makatulog ka ng mahimbing…

  • mang BADoy says:

    “She loved me …” hindi ba you yan? pareho tayo adik din ako kakasulat at kakapause para isulat ang mga one liner! hahaha!

    she yan.. yung You.. You had me..

  • kamotenista says:

    marunong akong mag-sinungaling pero hindi ako dalubhasa kaya parating napapahamak…wahaha

    siguro kailangan ko na rin i-train ang sarili ko sa ganitong gawain…..bwahahaha

    marunong din ako pero tulad ng sabi ko hindi ako eksperto.. itretrain mo sarili mo sa pagsisinungaling? goodluck sayo.. sabi nga nila sa impyerno napupunta ang mga sinungaling..

  • Pedro says:

    2008, ilang taon ba bago mag 2020 pero ang kalagayan ng Pilipinas ay masahol pa sa isang 5050 na bansang nasa ambulansya. naghihingalo, walang asenso, walang pinagbago. ang masama dito, ang duktor ay ang mga buwayang pulitiko. so gud lak naman, kamusta naman tayo?

    alak lang ang katapat ko paghindi ako makatulog. pag ubos na at hindi pa rin ako inaantok, pinapalo ko na lang yung bote sa aking ulo.—acheche! ang korni ko. pft.

    gwapo ako. matalino. mapagmahal. ayan ang ilang patunay na hindi din ako marunong magsinungaling. BWAHAHAHAHA!

    Magtiwala na lang tayo.. tingin ko naman eh aangat pa ang Pinas.. Pero hindi ako naniniwalang sa 2020 eh developed country na ang Pilipinas.. maliban na lang kung patay na sina Erap at Gloria sa tutawnsantwenti..

    SINUNGALING KA MARE! kung nasa show ka ng kahawig mong si John Lapus malamang kanina pa sya nagsasasayaw.. Dont Lie to me! lol

  • mang BADoy says:

    “She loved me …” hindi ba you yan? pareho tayo adik din ako kakasulat at kakapause para isulat ang mga one liner! hahaha! power trip!

  • churvah says:

    -May mga hindi maipaliwanag sa mga magulang kung bakit nalalaman nilang hindi nagsasabi ng totoo ang kanilang mga anak.

    agree ako jan,lagi akong bistado ng nanay ko dati,hehe,kaya useless mag lie sa kanya..hahaba lang ang diskusyon, so tell the truth agad.

    ako din,mahilig mag take note ng mga qoutes.
    at wish ko lang sana ay nakatulog ka na after nito.

  • fjordz says:

    Ahoy!

    Ako naman, hindi ko inugali ang maglista ng mga kowtable kowtys sa mga pelikula, sa mga libro pa at mga artikulo pwede pa. Pero, hindi lang talaga maiwasan na kapag nanonood ka, habang tutok na tutok ka sa eksena at bigla na lang babanggitin ang linya na babago sa iniisip mo o iniexpect mong mangyayari o mapapa-kamanghamazing ka, yun yung time na nagiging kowtable ang isang linya sa pelikula o tv series sa akin at pinipilit kong humanap ng bagay na mapagsusulatan nun o maisend as Twit. Makakalimutin kasi ako, baka lang pagsisihan ko kung di ko maisesave.

    Nyways, pareho tayo dito “May mga hindi maipaliwanag sa mga magulang kung bakit nalalaman nilang hindi nagsasabi ng totoo ang kanilang mga anak. ” Nagtataka rin ako kung bakit nauunawaan nila tayo sa mga ginagawa natin. ‘Nauunawaan’ in a sense na, kahit alam nilang nagsisinungaling tayo, either sabihin nilang nagsisinungaling tayo at patawan ng kaparusahan o sakyan na lang nila tayo sa mga kalokohan natin. Hindi ko rin alam kung kelan nila dapat gawin yung nauna sa nahuli kong sinabi. basta, expert na sila sa pagkilatis sa mga gawain natin.

    Di ko lam kung matino kong naisulat ang comment na ito. Sana, nagets mo Idol! Hahahha!

    http://hiraya.co.nr

    nagets ko idol. bwahahaha.. pareho na tayong henyo. parang blog entry na rin.. woooh! naiintindihan tayo ng mga magulang naten.. pero sana maintindihan naten sila. Ang gulo kase nila minsan eh.. Mahirap intindihin ang mga magulang na maraming gustong ipaintindi sa mga anak nila..

  • popoy says:

    oha oha.

    gusto ko ang NO SUCH THING na yan ni Juan Mayor. Mganda ang kantang yan.

    Mahirap din palang isaulo ang mga dialogue sa mga porn, except kung mga high end porn productions ang napapanuod mo. hihihi

    gusto ko din yang song na yan. highschool ako nung sumikat to.. pero hanggang ngayon eh naeenjoy ko pa rin pakinggan..

  • chiskars says:

    ako rin mahilig!!
    mahilig sa mga kowts from movies…

    “liars go to hell..”

    nguess what movie yan… hahah..

    p.s.

    you’re a liar if you said you didn’t ever lie…

    hindi ko alam kung anong pelikula… pero sigurado akong hindi ito pelikula ni Andrew E.

  • chiskars says:

    ako rin mahilig!!
    mahilig sa mga kowts from movies…

    “liars go to hell..”

    nguess what movie yan… hahah..

    p.s.

    you’re a liar if you said you didn’t ever lie…
    by the way,
    I LIED!
    (linya ni Mirriam Santiago yun wah…)

    naalala ko yan.. yan yung sinabi nyang tatalon sya sa plane.. tapos ininterview sya ulet sabi nya I lied.. 2004 presidential election ata yan.

  • ahaha, siguro kung hindi pa ako uber antokness kagabi, nabasa ko ito ng una…ahahaha.

    ayun, hmmmmmmm. . . ewan, hindi ako masayang nagsisnungaling, pero yung tamang trip na lokohan, ayos yun. pero yun sa magulang, tae, huli din kasi lagi, kaya nga, wag nalan. . .

    habang nagiisip ako ng ipagsisinungaling, bigla ko nalan nasasabi “GANITO KASI. . . ” tapos sasabihin ko na din yung totoo. sabay ngisi =D. . . kasi parang nasa bingit ka na din kasi ng kamatayan, kaya parang mas nakakarelieve na din na mamatay ka sa mga oras na yun kesa maprolong pa. . .parang killing you softly pa. . . . . parang ganun.

    flyfly!

    malamang ikaw nga unang nakabasa.. uber antok ka na kase nung nakachat kita.. tungkol sa comment mo.. OO na lang.. sige,. sina psych war mo ba ako kookoo.. bwahahaha.. wala lang para lang may maireply.. haha

  • b@kekang says:

    ok lng ang white lies..d maiiwasan yun eh..

    ngiti na lang ako..

  • Roxy says:

    Oh well. ang pag-unlad ng pilipinas ay isang kathang isip lamang. Sa kabilang banda hindi naman laging masama ang ang magsinungaling๐Ÿ˜€ Minsan, kailangan maglie ng tao para maprotektahan ang ibang mga bagay bagay.. hehe Yun lang.๐Ÿ˜€

    maglie para maprotektahan ang bagay bagay.. ayos lang.. basta ba wag maglie at sabihing mahal mo yung tao kahit di mo naman talaga nararamdam yun kase wala kang pinoprotektahan doon.. lalo mo lang pinapahamak ang sarili.. at potah bat napasok ang usaping love dito?.. hahaha

  • Aaron says:

    sabi mo mahal mo ako. sinungaling! chos! hehe. mahirap talaga ang magsinungaling. kapag nasimulan, dire-diretso na๐Ÿ˜‰

    I never said that i love you! shet Sam! hahahaha

  • utakmunggo says:

    eh bakit dun sa ctc post mo eh sabi mo hindi ka manyak, malibog ka lang. di ba pagsisinungaling yon?

    *TAKBO!*

    hindi ako nagsinungaling doon.. pramis! mamatay ka man.. hahaha.. j/k

  • KRIS JASPER says:

    sino ba ang hindi pa nakapagsinungaling? ako may kilala ako.. buong buhay nya di pa xa nagsinungaling…

    ako.

    at fb, hindi lang “ohh” at “ahh” meron sa porn. meron ding “Yeah!”, “F**k me Hard” at “im cumm*ng”.

    ikaw talaga, panoorin mo kc yan with sound at hindi naka mute!.

    di nga.. di ka pa nagsisinungaling manager? hahaha.. yaan mo next time full volume na kahit na marinig ng buong baranggay.. haha

  • ayz says:

    mahilig din ako magkabisado ng mga dialogues sa movie.. katunayan kabisado ko nuon ang buong parent trap at fools rush in, with matching pasok ng soundtrack here and there..

    in connection to movies and lying, sobrang paborito ko ang closer. sabe ni natalie portman, lying is the most fun a girl can have without taking her clothes off kung saan sinagot sya ni jude law, bago matapos ng pelikula ng “i’m addicted to the truth. because without it, we are animals.”

    peborit line ko rin from the same movie yung sabe ni larry, the dermatologist, (na di na konektado sa lying) “depressives dont (want to be happy). because then they’d have to go out and live in this world and that can be depressing.”

    wala lang.. share ko lang baket?!

    oh yeah! natalie portman saka jude law! ang hottt ni natalie doon! shet! Closer! ooh la la!

  • lunes says:

    grabe na talaga sitwasyon ngaun ng pinas. hindi ko na keri.

    mahirap talaga magsinungaling,kasi minsan iisipin mo na rin kung paano kung ikaw ang pagsinungalingan.

    ako sinungaling pag may pinagtatakpan na tao.wehehe.

    di mo na keri? basta pag layas mo ng pinas lola.. dont forget my katol!

  • Maldito says:

    indi din ako marunong mag sinungaling…iwan ko ba..pinangdidigan ko na nag pagiging religious blogger ko..anobeh..

    minsan kasi, para mkuha mo ang gusto mo, kailangan mong magsinungaling..

    yan na siguro ang easiest way na makuha mo ang simpatya ng isang tao…

    katulad ko…lagi nalang naloloko…

    akala ko mahal niya ako..

    yun pala, sinungaling siya.

    poohtah…bakit nauwi ang comment ko sa pagibig?

    err no comment.. hahaha.. masaya lablayp ko kahit busy sya.. hahaha.. yaan mo kuya makakahanap ka din ng magmamahal sayo.. ng tapat! maniwala ka.. tignan mo nga naman sabi ko no comment pero nakareply ako sa comment mo.. hahaha

  • Ang pagsisinungaling naman kasi…mahirap lang sa simula…super magi-guilty ka. Pero tulad ng ibang mga kasalanan…sanayan lang iyan.

    yung mga super trapung-trapo natin dyan…sobrang nasanay na ang mga yan. Tayo naman, mukhang super duper nasanay na rin ata sa kanila.

    practice makes (sin) perfect.

    wala naman perpekto sa mundo.. so why practice.. bwahahaha.. potah! wala talaga akong sense sa pagrereply ng comments.. hahaha

  • Ayiene says:

    bakit ako laging dinadalaw ng tulog? maswerte ba ang maitatawag ko doon? kasi naman dahil sa sobra kong tulugera, mas inuuna ko ang matulog kesa mag-aral. haha.

    pero minsan, pag di talaga ako makatulog, nanonood ako ng mga late night shows sa Disney Channel – ang sarap kasi balikan ng mga pambatang shows eh.

    *

    Ui! Favorite line ko yan sa one more chance tsaka yung sinabi ni Janus del Prado nun nung naospital siya. Favorite cheesy Filipino movie ko rin yung one more chance eh!

    *

    ako naman, carry lang ang pagiging liar pero kadalasan nabubuko pa ako eh. nako.๐Ÿ˜

    maswerte ka dahil maraming gustong matulog pero di nila nagagawa iyon.. gusto ko yung one more chance.. chick flick pero nakeri ko naman.. Pwede bang ako na lang Ulet? waaaah.. potah napakacheesy! napakaemo! hahaha

  • acey says:

    pareho tayo ng sakit, fb. sana makatulog ka na tonight!

    ps: nakakatawa ka talaga. see pirates of quiapo part. kakaiba ka talaga, bro.๐Ÿ™‚

    nakatulog ako kagabi acey.. salamat siguro pinagdasal mo na makatulog ako.. bwahahaha.. salamat ulet!

  • The Islander says:

    oo nga napaka nila. napakasinungaling!
    pati ikaw sinungaling. kung itatanggi mong kaya ka nakatulog ng mahimbing after mong dalawin ni sonia, este, insomnia e dahil may ginagawa kang nakaka-drain ng energy. *ssshhh* atin atin lang. yan kasi ginagawa ko pag di inaantok at gusto ko nang makatulog eh. nyaha ferbert mode.

    hindi ko kilala si Sonia.. sino yun? pakilala mo sya sakin minsan baka malunasan nya sakit ko sa insomia.. tsktsktsk.. teka behave muna ako.. nagle-lurk lang yung gf ko dito.. waaah.. patay ako dun!

  • coldman says:

    ako rin, di rin ako magaling mag sinungaling!

    pero wala pa ring tatalo kay Mark lapid dahil saging lang ang may puso! Lol!

    hahaha.. kumita ba yung pelikulang yun?

  • V says:

    uhmmm. sinungaling ako. madami nang nagpatunay. kahit ako sa sarili ko, alam kong sinungaling ako. aminado ako.

    how fuckingly ironic.๐Ÿ˜›

    at least di ka nagsisinungaling pag sinasabi mong mahal mo si M.. yikeee!

  • yeye says:

    natawa ako..biglang onemore chance eh noh ehehehe

    ako, bihira lang magsinungaling. white lies pa..hehehe. mahirap magsinungaling, mabilis ako makonsensya ehehehehe

    gusto ko yung one more chance eh.. saka ang ganda ni bea dun.. *laway
    hahahaha

  • ayyzzz says:

    hindi rin ako magaling magsinungaling.
    bwahaha.
    laging nabibisto!

    ayos na yan kesa naman nagsisinungaling ka tapos di ka nabibisto.. malaking kasalanan yun.. at least pag nabisto tayo.. umaamin naman tayo.. mababawasan yung dinadala ng konsensya naten..

  • “Power comes from Lying kaya hindi na ako magtataka kung bakit lahat ng nasa kapayarihan eh mga sinungaling. Alin nga ba sa mga pinangako nila ang natupad na? at naniniwala ba kayong by 2020 eh Developed Country na ang Pinas? boo! kalokohan! hanggat hindi naalis sa pwesto ang mga sinungaling at corrupt na opisyal ng bansa hindi matutupad yan.”

    -well-said. yan ang walang bahid-kasinungalingang esteytment na aking nabasa sa tanang buhay ko.

    huwaw! nagsinungaling ako dyan nung sinulat ko yan sibuyas! ahahaha.. joke lang.. salamat salamat

  • camille says:

    i believe that sum things are better left unspoken.. that doesn’t mean that u r lying though.. hehe wala lng..

    pareho pala tayong insomniac..

    wala talaga akong balak magreply sa comment mo na to kase sabi mo some things are better left unspoken..kaya nga sana eh tatahimik lang ako.. haha

  • mnel says:

    alam mo ba na di rin ako marunong magsinungaling… at least pag kalokohan ang pinaguusapan. pero kapag seryosong bagay na at life and death situation na… hala. pinagpala na ako. haha.

    di ko alam kung maganda ba yun o ano. haha. baka twisted lang talaga ako to begin with.

    maganda yun doc.. lalo kang magiging anghel nyan.. wee! angel mnel!

  • sexy moi says:

    sa mata daw nakikita kung nag sisinungaling mga tao… hmmm kaya siguro laging nakashades yung boylet ko dati…

    honga sa mata nga daw.. pag nagsisinungaling ako di rin ako makatingin ng deretso eh..

  • beero says:

    trip ko ring maglista ng kowts sa movies. eto yung latest kong nakuha sa Dark Knight: “if you’re good at something never do it for free”. hehe

    di rin ako magaling magsinungaling. pero kung ang pagpasok sa pulitika ang tanging paraan para yumaman ako, aba eh ngayon pa lang magpapraktis na kong magsinungaling. hehe

    err.. wag mo na praktisin.. di ka namin iboboto.. hahaha

  • Ako din, hindi ako magaling magsinungaling. Lagi akong nahuhuli at nabubuko. Siet talaga! = P

    Wala ka bang work ngayon, FB? Ganyan talaga ata kapag unemployed. Simula ng mawalan ako ng trabaho, naging insomniac na din ako. Hindi ako makatulog. Ilang libong tupa na ang nabilang ko hindi pa din ako dalawin ng antok.

    wala akong work. ewan ko kung may kukuha pa sakin.. hahaha..

  • pano ba masasabi na lying? eh diba truth is relative, you just pick one that work.

    uhmm.. ang lalim.. teka kukunin ko muna yung diving suit ko.. sisisirin ko lang.. haha

  • repah says:

    fb.. sa tuwing dadalw ako sa bhay mo lgi akong ngugulat.. laging bagong ayos… pero hanga ako sa iyo.. akalain mo natandaan mo yung unang beses kang nagsinungaling .. bibihira nag mga taong nkakatanda ng ganun.. kya sbi ko na ba.. isa kng alien…. hekhekhek..

    kase kasikatan ni L.A Lopez dati.. Iodized salt iodized salt mag iodized salt tayo! haha.. salamat doon at tumalas ang memory ko..

  • Tentay says:

    Mahirap magsinungaling kasi alam mo bawat salita mo para kang sinusunog sa impyerno, pero sabagay, mas madaling maging makapal ang muka. lusot ka pa.

    madalas sabihin to dati ni kris aquino sa game ka na ba dati “may tama ka” weee.. may tama ka tentay.. pasok ka na sa pyramid round..

  • mia says:

    hindi ko talent magsinungaling. lagi ako nabubuko. kaasar tlaga.

    ganun talaga tayong mga anghel. di sanay magsinungaling..

  • Keiyt says:

    Dati nung may boylet ako, madalas ako magsinungaling sa nanay ko kung saan ako pupunta at sino ang kasama ko. Syet. Nababadtrip talaga ako kapag naaalala ko yon dahil parang “dahil lang sa gago na yon” kaya ako naglie sa nanay ko? Hayuuuuuuup ako. Ngayon, hindi na ako nagsisinungaling sa nanay ko. Mabait na ako!

    at least ngayon alam mo na hindi dapat magsinungaling sa magulang lalo na kung wala rin naman kwenta yung dahilan ng pagsisisnungaling mo..

  • icka says:

    infairness daming pick up line huh, kala ko babanggitin mo yung “ang saging lang nag may puso.. may puso.. haha”

    hindi rin ako magaling magsinungaling. wala akong talent dun haha. ido ko kasi si jamby. sabi nga ni madrigal “liar liar.. pants on fire”

    NINANG!!! WB!
    gusto mo idagdag ko yang banana lang ang may heart? hahaha

  • dansoy says:

    isa lang ang masasabi ko “Your nothing but a second grade trying hard copycat.”
    -o diba may tagline din ako, kala u huh

    “para kang karinderya na bukas sa lahat ng gustong kumain” wala lang.. trip ko lang sabihin! haha

  • M says:

    Ika nga sa Jumper, Okay lang na wag mong sabihin ang lahat, basta wag ka lang magsisinungaling. Or something like that.

    Madami na akong sinirang pagkakataon dahil sa pagsisinungaling ko pero mas marami atang pagkakataon ang napaganda ko dahil nagsinungaling ako.

    Pero pagsisinungaling pa din yun kaya boloks pa din.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading singungaling at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: