Boy Bawang

July 12, 2008 § 35 Comments

kaibigan: Kumusta si Boy Bawang?

ako: Huh?

kaibigan: Hindi mo na ba sya naaalala? Si _____.. yung kagrupo mo dati sa duty. Anong balita sa kanya?

ako: Tangina naman. Humihinga pa ba yun? Masyado nang mabaho ang maynila kelangan na syang dispatsahin. Umaalingasaw na ang baktol nya. Mas magmumukha pang tao si kingkong pag pinagtabi sila.

Si Boy Bawang kagrupo ko dati sa duty sa hospital saka sa case presentation. Sya yung nilalang na nung nagsabog ng kayabangan ang panginoon eh naging sakim at kinuha ang lahat. Napakaselfish ng potah! hindi man lang nagtira para sakin. Sya yung putanginang kumain ng french fries ko na hindi man lang nagpaalam.

Sya si naging-gilfriend-ko-si-ganito-ganyan-na-hayop. Lahat na ata ng babae sa Pilipinas naging syota na nya. Dadaan kame sa isang kalye makakakita ng isang chik, titignan yung chik tas bigla syang hihirit ah si Angel yan ex ko. Tatanungin namin ang pangalan sasagot ang chik hindi pala Angel ang pangalan kundi Marian. Imbentor ang puta! pano magiging Angel ang pangalan ni Marian? pano magiging isa, ang isang lobo at isang sirena? boo! puro ka hangin! utot ka!

Sino ba naman hindi magagalit dito kay Boy Bawang. Inilalapit nya mukha nya pag nakikipag usap na parang kahit anong oras eh hahalikan ka nya buti sana kung mabango ang hininga nya. Pero tangina! balak ba nya akong patayin sa baho ng bunganga nya? Sya ba ang ginagawang tagahigop ng Malabanan Eboy Excavator (Pozo Negro) & Plumbing Services kaya ganun na lang kadikanais nais ang mouth nya? puta pare may baktol sya sa bunganga!

Ispiking of baktol itong si Boy Bawang hindi talaga patatalo kung pabahuan ang labanan pati ba naman mr.BO eh di na nya pinaubaya sa iba. napakaselpis talaga ng potah! may hallitosis na nga sya di pa nya pinaubaya yung anghit nya sa iba! Pwede na nga tong gawing sikret weapon ng Pilipinas eh. di na kailangan ng nuclear bomb. Siguradong tempok lahat sa amoy nitong walang hiyang boy bawang na to.

Dahil mabaho sya ayaw mo na sa kanya? Wala naman syang ginagawang masama ah.

Akala mo lang wala pero meron meron meron!

Every two weeks may case presentation kame. Ito yung pipili kame ng sakit ng pasyente at iprepresent sa mga panel. Dahil kagrupo ko sya, sa ayaw at sa hindi eh napipilitan akong tiisin ang kabahuan nya para lamang matapos yung ginagawa namin. Ang problema lagi kameng hindi magkasundo. Pano ba naman napakasimple lang ng sakit tas ginagawa nyang komplikado. Tapos okay na lahat sabi nya hindi daw tama may kulang. putangina! nagmamarunong pa pinacheck na namin sa adviser namin tas sasabihin nyang may mali. Hindi ko makakalimutan sa kanya yung quote nyang “Expect for the worst”. yan lagi nyang sinasabi. Hindi okay ang lahat sa kanya.. kala naman nya okay sya samin. ang baho mo ulul!

Every two weeks yun sa loob ng isang sem ganun ang gawain namin. Kulang kame sa tulog, hindi na kame makakain. uuwi ako ng bahay hindi na ako makikilala ng pamilya ko dahil mukha na akong adik. Ganun na lang lagi naming gawain. magmamagaling sya, papamukha nya sayong sya lang gumagawa, ang kapal ng mukha, tas pag natapos na ang ginagawa sasabihin nya may hindi tama kahit na okay na yung ginawa samin. At syempre sasabihin na naman nyang.. Hindi dapat kayo ganyan dapat expect for the worst palagi! Kung di lang ako nakapagtimpi baka binugbog ko na yung gagong yun.

Wala naman talagang matutunan dito sa lathala kong ito eh. Pinapakita ko lang kung gano ako kagaling mang alipusta ng tao. Pero kahit papano may gusto akong ipahiwatig sa post na to. Na lahat ng tao na dumaraan sa buhay naten maging kaaway man yan, minahal at sinaktan tayo, kaibigan, kakilala, o kung ano pa man yan eh may naibabahagi sayo sa buhay mo kahit papano.

Wala nga sigurong kwentang nilalang si Boy Bawang pero dahil sa kanya natuto kong tignan kung anong magiging outcome ng mga ginagawa ko at gumawa ng plan B. expect for the worst kumbaga. Na kelangan mong magkaroon ng alternatibong panlansi o pakana in case na magkaroon ng aberya. Naranasan ko ulet maging boy scout dahil kay Boy Bawang. Kailangan laging handa na hindi makuntento sa kung ano ang okay na para sayo dahil hindi sapat ang okay lang para makakuha ka ng maayos ng grado.

May daraan sa buhay naten at hindi naten namamalayang may natututunan na pala tayo dahil sa kanila kahit na akala mong wala kang naging magandang memorya sa kanila mapapaisip ka na lang minsan na kahit ganun sila may nakukuha kang aral mula sa mga bitch na putangina.

PS. taos puso rin akong nagpapasalamat sa mga taong bumoto sakin sa project lafftrip ni boss badoodles. Natuwa naman ako dahil mula sa rank 7 pang apat na po ako ngayon. maraming maraming salamat sa inyo.πŸ˜€

PSS. pakibisita na rin to –> STRIPSEES

Tagged: ,

§ 35 Responses to Boy Bawang

  • mas okay sana ang boy sibuyas kaysa boy bawang. ang boy bawang, malutong, mabango at masarap. samantalang ang boy sibuyas, malata, mabaho, at pag nabulok, mas mabaho.

    kahit gaano pa kawalang kwenta ng tao, kahit sino pa yan, may kaunting butil ng aral kang mapupulot galing sa kanila. malas na lang talaga kung wala.

    hindi ko alam yung boy sibuyas. tignan ko mamaya sa suking tindahan. sosyalin na nga yung balat ng boy bawang eh dati rati mumurahing plastik lang ngayon shining shimmering ek ek na

  • Pedro says:

    mareng FerBerta, TOP 4 ka na. hindi ka na ma-reach. buti na lang at nahalay na kita. baka kasi di na maulit yung napakapusok at yummy na gabing nagniig tayo sa ilalim ng iisang bubong. isa ka na kasi ngayong ultra electro magnetic super duper mega celebrity!

    ang lait mo. hahaha. sagad sa buto ang pang aalipustang ginawa mo kay boy bawang. dapat mabasa mo to. tsaka mo sabihing, si BOY BAWANG Tangina naman. Humihinga pa ba yun?

    Mareng Pedrita, maraming salamat sayo at sa mga ibang bumoto. malaki ang naitulong ng pagboto nyo sakin. Cellphone ko lang ang di mo marireach kase sira na ito. Pero marunong naman akong makitungo sa mga mabababang klase ng tao tulad mo.. hahaha.. joke lang.

    Laitero talaga ako simula nung natuto akong magsalit puro panlalait na naririnig sakin ng kapamilya ko.. haha

  • xG says:

    potah
    andon ang streepsees oh
    shet
    im so proud of you

    potah
    may BO ba ako?
    potah ka
    hahahaha

    magkasama tayo
    tapos sinulat mo ito?
    einubeh

    e kung ako sa kanya
    mag gargol na lang siya
    tapos wag niya iluwa
    lunukin niya
    atleast yung bituka
    malinis dinπŸ™‚

    akshuli
    kaya tayo nagbablog
    para lang talaga
    manlait ng kapwa
    i agree
    hahahaha

    Proud din ako sayo.. 700 na lang malapit na.. Taob na si inday. History repeats itself ika nga.. ikalawang beses mo ng mapapabagsak si Inday..

    Wala kang BO hindi ikaw to.. Boy to Girl ka.. baka mamaya isipin na talaga ng mga tao bakla ka.. haha. Naman natutuwa ako pag nakakapanlait ako ng kapwa ko dito sa blog ko.. hahahaha

  • Aaron says:

    natutunan mo rin sa kanya ang proper hygiene .. hehe …πŸ˜‰

    ayun oh.. sige isama naten yan sa listahan

  • V says:

    homaygad, lants time pa naman ngayon, nawalan ako ng gana. malakas ang imagination ko. parang naaamoy ko sya sa lupit ng pagkakalarawan mo ng putok nya sa bunganga.

    at dahil mahusay ka naman talaga magsulat, tama lang na mapabilang ka talaga sa hanay ng mga umaariba sa PLL!

    pasensya ka na V.. Wala talaga sa timing pagbasa nyo. Si M nung nakaraan ke aga aga libing na agad nabasa nya.. ikaw naman lants time.. ahihihi.. bagay nga kayo.. yikeee!

    GARABEH talaga putok nun sa bunganga.. may sakit ata yun eh.. mukhang nabubulok na lahat ng laman loob nya..

    shet! natuwa naman ako, huling nagsabi na mahusay akong magsulat eh 6 feet under the ground na.. hahaha.. salamat V!

  • ayyzzz says:

    nakoo!
    ayoko sa taong mabaho syett!
    grrrr!

    kongrats ePBi!
    pang-apat ka na!
    yehhh!πŸ˜€

    Maricel Soriano ikaw ba yan? AYOKO NG MASIKIP! AYOKO NG MABAHO! AYOKO NG PUTIK! LOL

    salamat ayyzz..
    baka naman may balak kang bumoto.. isali mo na rin ako.. hahaha.. joke lang

  • KRIS JASPER says:

    carlo aquino, ikaw ba yan?

    anw, bad ka ferbert, bad!!! inalipusta mo yung gagong yun.. kawawa naman ang anak ng potah na yun. walang kalaban laban ang mukhang tae na yun, tapos inaway mo.. may natutuhan ka naman pala sa adik na yun ah, kaya pabayaan mo na.

    Be good to animals.

    buti nga walang sumampal sakin.. bwahahaha.. I’ll keep that in mind kuya.. I’ll be kind to him na.. ikukulong ko na sya sa hawla para di na sya makawala.. lol

  • Leyn β™₯ says:

    tsk. sayang ang code name.

    paboritong kornik ko pa naman yun.

    Masarap ang boy bawang.. Sarap gawing pulutan! mas masarap pa sa mani.. (wag kang green leyn) hahaha

  • rimewire says:

    hakhak

    boy bawang ampota

    hakhak

    kawawa naman ang nilalang na yon kpag nalaman nia mga pinagsasabi nio tungkol dun

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    ayos lang kung malaman nya.. totoo naman na mabaho sya.. haha

  • Jhaynee says:

    AMBAHO ng post na to!!

    may mga tao lang talagang hindi marunong maligo ng maayos at hindi bumibili ng toothpaste..

    tsk tsk tsk!!!

    pero pinapakilala sila sa atin dahil sa rason na si papa jesus lang ang may alam..

    congrats pala sa rank mo.. naway magtuloy2 hanggang september 20. hehehe.

    mabuti pa nga yung mga aso napapaliguan ko.. kung aso lang sya malamang eh pinaliguan ko na.
    salamat! baka di ka pa nakakaboto.. iboto mo ko ah.. haha

  • mangbadoy says:

    congrats muna sayo at nag rank 4 ka sa humor blog ni badoodles…

    ang baho naman nito?

    mabaho talaga..hehe

  • churvah says:

    May daraan sa buhay naten at hindi naten namamalayang may natututunan na pala tayo dahil sa kanila kahit na akala mong wala kang naging magandang memorya sa kanila mapapaisip ka na lang minsan na kahit ganun sila may nakukuha kang aral mula sa mga bitch na putangina.

    –oo,tama yan.sa pamamagitan ng mga taong gnyan ko nalalaman na mahaba pala ang pisi ng pasensya ko.

    hehe..pang apat ka na,aus tlaga na binoto kita,u deserve it,dahil isa ka sa mga astig na blogger na nakilala ko dito.

    dear churvah, nagbasa ka ba o yung huling paragraph lang ang binasa mo? hahaha.. salamat nga pala sa pagboto mo sakin churvah..πŸ˜€

  • angel says:

    hahaha ang kulit.. talagang galit na galit ka ke boy bawang ah.. hahaha.. parang yung classmate ko na super mahangin pero ewan bakit dami pa rin may gusto sa kanya.. hmm..

    galit na galit ako sa kanya.. haha.. buti mayabang lang hindi mabaho.. minsan attractive gusto ng mga gelays ang mayabang.. sinubukan ko din yan minsan.. epektib! haha

  • Ayiene says:

    Bitter talaga kay boy bawang eh ano? haha.
    Eh paano yun, ang dami niyang chiks pero ang baho niya? Jusme, nakayanan ng mga babae niya yun? haha.πŸ˜›πŸ˜›

    HAHA. Bitter ka lang kuya.πŸ˜€ Masama ka pala maging kaaway, ang galing mong mang-alipusta! Idol!πŸ™‚ HAHA!πŸ˜„

    Imbento nya lang yung chiks nya.. kumbaga sinasabi nya yun para tumaas ang self esteem nya… hahaha.. gusto mo turuan kita manlait? hahaha

  • dansoy says:

    hoy. potah ito ha. hehe.

    boy bawang? wala na ba siya sa inggo./? kokey na atah siya ngayon.1

    hindi talaga kita magets minsan.. hindi ko alam kung matatawa ba ako sayo o maasar.. kase hindi ka naman nakakatawa.. kung hangad mong magpatawa sana naman marunong kang gumalang kahit papano.. ayoko lang tinatawag akong potah ng taong di ko kaclose..

  • jiMboy says:

    magaling! kung ako sa parehong sitwasyon, malamang ay di na ku nakapagtimpi at diniretcha ku na siya tungkol sa literal na kabahuan nya. At malamang agawin kong case presentation tungkol sa halitosis at causes ng BO! hahahahha

    hahaha.. pasalamat sya natitiis ko pa sya.. dahil kung hindi malamang inuuod na sya ngayon sa ilalim ng lupa..

  • camille says:

    nice.. kahit nang-aalipusta ka eh nakakaaliw pa din..=)

    hello camille! office girl ka siguro na hindi nagbablog.. hehe.. magblog ka na rin wee!

  • yeye says:

    oo nagpalit na ko ng url hehehe nabiyayaan hehehe

    anyway, grabe naman yang boy baktol na yan mabaktol na pero madami naging syota aba yan ang dapat mong pamarisan hahahaha joke

    imbento nya lang yung mga syota ek ek nya.. ayoko ngang pamarisan yun.. ayos na ako sa amoy ko.. haha

  • maganda pala ang palitan ng kaisipan dine, namamasyal lang po. salamat.

    batangueno ka ba kidlatanvillage? salamat sa pagdaan.. daan ka ulet ha..

  • M says:

    Wow naman siyet, ahahaha. Di pa nakontento sa halitosis, sinamahan pa ng mixed BO! Panalo talaga.

    Siguro dun niya nakukuha ang lahat ng masama niyang ugali, sa masamang amoy niya.

    Salamat na lang na kahit pawisin ako, hindi naman ako umabot sa punto na nangamoy baktol na ang bibig ko.

    may uber bad case ako ng morning breath aminado ako dun pero bilang nurse in the future alam ko naman kahalagahan ng oral hygiene.. ewan ko ba dito kay Boy Bawang nakagraduate nga ng nursing pero ang mabaho pa rin samantalang ak ona delayed na ng two years. hahaha.. bulok lang siguro yung sikmura nya kaya ganun.. malas nya.. haha

  • JUZ says:

    whoah!

    takte tama ka! nakakirita ang mga taong hindi malinis sa katawaN!

    naalala ko ang classmate kong amoy lupa na hindi mo maintindihan! hehehe

    congrats congrats!

    sana magsakit sila para malaman nila kung anong pwedeng makuha ng taong hindi malinis sa katawan.. amoy lupa? matanda na ba sya?

    yehey! salamat juz! libre mo ko kape! hahaha

  • utakmunggo says:

    nars ka na ba ferb? siguro mamamayagpag ka sa larangan ng psychiatric nursing dahil… alam mo na. ahaha

    e pero dapat dinaan mo sa positive communication si boy bawang:

    halimbawa, before kayo mag-usap ay chineck mo man lang sana ang direksyon ng hangin para di mo malanghap ang imbornal. ehehe

    di pa ako nars.. di pa nga ako gradweyt eh.. dalawang taon na akong delayed.. hehe..

  • Noime says:

    regaluhan mo ng asido. all in one.

    err.. nars in da future ako. ayokong pumatay ng tao.. pwede bang ikaw na lang magregalo sa kanya? haha

  • May ala Boy bawang din sa batch namin dati…as in..ganyang-ganyan. Mabaho, may bad breath, at mr. know-it-all.

    na-outcast nga yun sa batch namin eh. Sobrang pang-aapi ang inabot niya sa mga babae.

    at least ikaw, may napulot sa boy bawang mo. tinatanong ko pa sa sarili ngayon kung may nagawa bang mabuti sa buhay ko ang taong iyon. hehe.

    meron yan.. isipin mong mabuti.. natutunan mong hindi cool maging mabaho. hindi katanggap tanggap sa publiko ang pagiging mr know-it-all.. natutunan mo ba yan? o talaga gago talaga si boy bawang sa layp mo.. gusto mo ipasalvage na naten tutal wala naman syang naitulong sayo..πŸ˜›

  • Keiyt says:

    Ang bad! Pero okay lang, bad din siya =)) pero okay lang din kasi may natutunan ka naman sa kanya. Pati dapat hindi tumulad sa kanya — wag maging mayabang at mabaho? =)) badtrip yan. HAHA

    sabi nga sa kanta ni michael jackson.. I’m bad. I’m bad. You know it.. hehe mas gusto ko ng maging bad kesa maging boy baktol.. hahaha

  • mia says:

    bad ka talaga. tsk tsk

    ikaw nagturo sakin nito ATE mia.. haha

  • chroneicon says:

    bawat gubat talaga, may ganyan… sarap jombagin ang mga ganyan. buti na lang at dito mo binuhos fb at hindi sa pagmumukha niya kasi hindi ka naman susuntok sa imburnal d b? hehe…

    ay nako sister.. hindi ko hahayaan na maging dirty ang aking clean fist para lang masuntok yung gagong yun.. hehehe

  • eewness, pag kasama mo sya, parang suicide ebridey… uh, nakakairita ang mga taong feeling na, mabaho pa.asar!

    o well, ika mo nga, may benepisyal pa rin na nangyari sa pagkakakilala mo sa kanya. pero, ang baho talaga.

    flyfly!

    congrats pala.

    pag kasama ko sya.. ay ayoko syang kasama.. hahaha.. nakakahawa ang baktol eh. lol

  • lunes says:

    ahaha.maraming ganyan na tao. exciting nga sila pakisamahan eh. test of patience in life.

    ang pagkakaalam ko hindi ako marunong mang-away ng mga kinaiinisan ko.pero dalwang beses na pala ako sa gurls CR may nakasumbatan.wehehe.at hindi ko tinigilan hanggat di siya umiiyak on the spot.yak! nakakahiya ako.wehehe.

    test of patience.. oh God! naubos na pasensya ko sa kanya.. haha..
    huwa sabunutan. cat fight! kewl! my lola is so kewl talaga! hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Boy Bawang at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: