Libing

July 9, 2008 § 54 Comments

Nakilibing ako kahapon. Namatay kase yung lola ng kaibigan ko dahil sa Aneurism. Ilang gabi din nakaburol yung lola nya pero hindi ako naka-aattend kaya hindi man lang ako nakakain ng biskwit, masarap pa naman yun balak ko pa ngang magtake home kung sakali.

Wala rin ako sa sarili ko nung mass kaya lumabas na lang ako para magyosi. Buti na lang hindi ko na naabutan yung necrological service dahil iyaking damulag ako. Sa mga ganitong okasyon ko lang napapatunayan na pwede akong maging drama actor dahil madali akong umiyak (Iyak hindi hagulgol). Sa mga ganitong okasyon mo lang din makikita na kahit sinong maton o bato sa pamilya mo mapapatunayan mong gumagana ang kanilang nasolacrimal duct dahil panigurado tutulo ang kanilang luha. Makikita mo sa mukha ng pamilya yung lungkot at pighating nadarama nila. Marerealize mo din na balang araw eh mamatay ka din at napakaikli lang talaga ng buhay.

Last month muntikan na din akong mamatay. Hindi ako uminom ng muriatic acid o ng kahit anong materyal na nakakamatay. Hindi ako duwag para magpakatay kahit na nung araw na muntikan akong mabawian ng buhay eh gusto ko talagang tumigil ang tibok ng puso at paghinga ko.

Naaksidente ako, Vehicular accident. Nakasakay ako sa motor kasama ng isa kong tropa tas biglang umangat yung harapang gulong (teorya ko naparami inom namin ng alcohol o kaya sobrang bigat ko na kaya umangat yung harapang gulong), ayun tumilapon ako! woot! Patunay na hindi ako mabigat kase tumilapon pa ko. yes! Para akong si Lito Lapid sa pelikulang Ben Tumbling kahit na hindi ko napanood yung pelikulang yun gusto kong ihalintulad yung pagtilapon ko dun sa patatumbling nitong si Lito Lapid. Wala lang para naman magmukhang maangas yung pagkatilapon ko. boo! I’m so jologs talaga sa dinami dami ng aksyon star si L.L pa napili ko.

Yung tropa ko pipti pipti at ilang linggo din sa ospital. Ako naman maswerteng galos at gasgas lang ang natamo ko. Nasabi ko na ba na nung mga panahong iyon gusto ko talagang mamatay? ay oo nasabi ko na ata kaso hindi pa rin ako namatay kahit na naaksidente ako. Patunay na hindi lahat ng hinihingi mo sa panginoon ay binibigay nya. Nung araw din na yun naalala ko yung lola kong may cancer, pilit nyang nilalabanan ang sakit na to para lamang mabuhay pa sya. Kahit na unti unti ng kinakain ng cancer cells ang katawan nya hindi pa rin sya sumusuko. Isa akong hangal para hilingin sa panginoon na kunin ang buhay ko habang may ilang taong hinihiling na sana madugtungan pa ang kanilang oras dito sa mundo.

Masamang damo nga ako, mahirap mamatay pero alam kong darating ang araw matutuyo din ako dahil hindi na ako masisinagan pa ng araw para magbigay ng ilaw, hindi na papatak ang tubig para bigyan ako ng lakas at hindi na iihip ang hangin para sakin. Hindi pa siguro ngayon ang oras ko pero baka mamaya o bukas dumating ang araw na to. Napakaiksi ng buhay para sayangin lamang sa mga walang kwentang bagay. May rason pa kung bakit ako humihinga ngayon at ginagawa ang entry na to. May panahon pa ko para baguhin ang ugaling gago ko at ituwid ang mga maling gawain ko.

“The truth is . . . once you learn how to die, you learn how to live.”Tuesdays With Morrie

§ 54 Responses to Libing

  • Tisay says:

    kamusta na paa mo efbee?

  • Maldito says:

    hu hu hu..ako din. noong bata ako hinung ko sarili ko sa lubid..pero takot ako lumundag dahil naiisip ko masakit ang lubid sa leeg..ahahahaa..

    ois…kailangan pa tayu ng daigdig kaya indi tayu pinapatay ni papa Jesas agad agad…you know…..sayang ang mga karne natin kung madedecompost lang…lols

  • M says:

    Umagang-umaga, Libing ang nabasa ko. Hindi din ako takot mamatay dati. Bata pa ako nun at naisip ko ano bang masama kung mamatay ka?

    Ngayon naman naiisip ko napakarami palang tao ang pupunta sa libing ko (ang kapal) kung mamatay ako at baka hindi sila magkasya sa bahay. Nakakahiya naman kung nasa labas lang sila.

    Ang pagiging masamang damo, isang matinding tatak sa katawan yan, kaya maging proud tayo at naging masamang damo tayo.

    Keep on growing!

  • popoy says:

    fB, naku naaksidente ka pala??

    nasabi nga kahapon ng iyong kapatid na nasa libing ka nga daw. totoo pala.

    naku, alam mo yan din ang nasa isip ko dati na okey lang sa akin na mamatay na, pero i just realized na nakakatakot pala, at naisip kong marami pa pala akong ndi nagagawa sa buhay ko at ndi ko pa nagagawa ang tunay na misyon ko kung bakit ako nabuhay at humihinga sa mundong ibabaw.

    napakagandang inspirasyon pala ni janelle dahil nagiiba na ang mga pananaw mo at pagtingin sa buhay. asteeg!🙂

  • xG says:

    tanginiks
    dramatic actor ka na
    action star ka pa

    move over mark lapid
    hahahahaha

    hindi pa ako nakakasaksi
    ng necrological services
    gusto ko
    buhay pa ako
    kapag ginawa yun
    para masarap naman pakiramdam
    habang nabubuhay
    hahahaha

    sabi ko sa inyo
    hindi malalaman ng blogosphere
    kapag patay na ako😐

  • mang BADdoy says:

    The truth is . . . once you learn how to die, you learn how to live >>> totoo yan napost ko nga rin yan sa isang entry ko regarding dun sa friend ko na may sakit😦 kalungkot kasi his dying rin…

  • John Lloyd Cruz: sana kunin mo na ako, kunin mo na lang ako!

    wahahaha.

  • mnel says:

    drink and drive? eh kung nilaslasan ko na lang kaya kayo ng pulso? tsk.

  • ahahaha. . . pinagdasal ko na din dati na sana mamatay na ako, nakiusap pa ako. . .

    “sige na po, pls. now na!”

    actually nagcomment ka sa blog na yun, pero sinabi mong hindi mo nabasa, ahahaha!

    teyka lamang. . . nabasa mo ba yun tuesdays with morrie? hanaku, kahit di ako iyakin, gumana yung tsubadramaluha duct ko. . . tsktsk, feeling ko kasi kafamily ko si morrie, youknow, in hugging terms kami before, ang wild nga ng imagination ko e, nilamon ako.=p

    flyfly!

  • Ayiene says:

    Natandaan ko nung kinwento mo sa akin na madali kang umiyak tapos kapag nanonood ka ng chessy movie, sa cr ka pa umiiyak. haha.

    srsly? naaksidente ka? hmm. ay oo, natatandaan ko na, sinabi mo yun sa twitter (o sa plurk?). Buti galos lang natamo mo. Di ba kayo na-tv? HAHA. At natuwa ka pang tumilapon ka! haha!

  • cedeux says:

    peborit ko yung quote na yan from tuesdays w/ morrie. naiyak nga ko sa buk na yan. huhuhuhu.

    pero great to hear na oks ka na utol. maraming bagay na dapat ipagpasalamat.

    ingats palagi=]

  • nawala yata first comment ko…

    i hope nag helmet ka. yung sa ulo ha.

    anyway, musta na ang senado lito?

  • V says:

    dati.. hinihintay ko nalang non na malagutan ako ng hininga.. minsan nga lang ay naiinip ako sa tagal ng paghihintay at sinusubukan ko na unahan si kamatayan.

    tsk.

    kung natuloy yun.. hindi ko makikilala si M. di ko kayo makikilala.. buti nalang hindi muna ako pinauna ni God.

    lahat tayo may purpose sa mundo. diba?

  • kulot says:

    mabigat na nga siguro talaga katawan nyo lalo na yung kaangkas mo, punompuno siguro ng redhorse katawan nyo kaya kayo nadisgrasya, ihi muna kasi bago byahe

  • coldman says:

    Kala ko madrama na ako pero nung nabasa ko tong entry mo- mas madrama ka pala sa akin. lol!

    Konting ingat ferbert. =)

  • Jhaynee says:

    nakow!! never sumagi sa isip ko ang mga ganyan..
    takot nga akong masugatan eh
    di ko rin kaya ang mga self-inflicted pain

    masaya ang buhay..

    live on

  • sexymoi says:

    weow… dramatology hihi… anyway, uu naman lahat siguro ng tao me purpose sa buhay… kapag alam na natin kung anu yun,ibig sabihin patay na tayo nun…
    ingats sa pangalawang life mo🙂

  • damdam says:

    huwaw, buti okay (kokey) ka na. minsan kasi pansamantala lang ang hirap at sakit, kaya minsan iniisip na lang natin na ma deads.. lol pero saglit lang naman yung. tiis tiis lang lagi.. buti buhay ka pa!

  • beero says:

    life is too good to waste…

    kahit kelan eh di ko pa hinagad na mapa-aga ang pagpunta ko sa langit (?). oo questionable talaga un. hehe.

    di mo pa oras un FB. baka may dapat ka pang i-accomplish. baka gusto ni Bosing na magpa-payat ka muna. hakhak!

  • yeye says:

    at talagang natuwa ka pa nung tumilapon ka sa ere hehehehe. weeeeeee.

    buti di ka na pipti pipti

    ayan concerned ako. hahaha. nurse eh. toinks

  • utakmunggo says:

    sabi ni ate maricel soriano, ang germs, hindi binebeybi, pinapatay!

    ang perbert, hindi pinapatay, kinukulong lang!

    may upside rin naman ang mga burol ano, dahil libre chibog.😀

  • Aaron says:

    parang serious ito ah … ok ka na ba?

  • camille says:

    it’s freakin’ great to be alive!!=)
    my near death experience ka pala.. hhhhmm glad u made it through..

  • taps says:

    ang hirap talaga pag naka-motor ka, parang isang paa mo nasa hukay na.

    huwaw parang parak lang! hehehe. ayos lang.. mahirap lang pag nakamotor ka at nagdrive ka pa.. kalahati ng katawan mo nasa hukay

  • b@kekang says:

    kaya aq d nagdadrive ng lasing…kc ala me lisensya..at sayang ang P150 n multa hakhakhak!!

    konting ingat lng kuya..

  • BM Garupa RN says:

    Alam ko kung bakit ka tumilapon dahil yan sa adipose tissues na kaimbak sa peritoneal cavity mo. Waahahahahahaqhahaah!

    galing galing magsulat pwede na sa tiktik o Bulgar! joke lang

    yay! BM.. ahahaha.. wala lang..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Libing at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: