Heaven

July 3, 2008 § 79 Comments

Walang Heaven. Hindi yun totoo.

Yan ang mga binitiwan kong sagot nung tinanong ako ng aking pamangkin kung meron nga bang heaven at kung ano ang itsura nito. Hindi ko maipinta ang reaskyon ng aking pamangkin ng marinig sakin ang katagang yan. Halata sa kanyang mukha na hindi sya naniniwala sakin at gusto nya akong murahin.

Kung matino kang tao hindi mo sasabihin sa isang walang muwang na paslit na hindi totoo ang panuhol ng kanilang magulang upang tumino sila, ang problema hindi ako matino, abnormal ako kaya yan ang isinagot ko. Pag nagpapakita kase ako ng asal gago nung childhood days ko eh sinasabi nila sakin na hindi daw ako pupunta sa heaven at masusunog ang aking soul sa hell. Nagpakabait ako pero madali akong magsawa. Nanawa ako sa pagiging mabait at nagsimulang maging atheist at tumigil sa paniniwalang may Dyos at may langit.

Pero hindi rin nagtagal ang pagiging atheist ko, mga isang taon lang ako nakulong sa kadiliman. Malas nga lang nung mga panahong tinanong ako ng pamangkin ko kung may heaven nga ba eh kasalukuyan kong pinapaniwala ang sarili kong kathang isip lang si God tulad ni Santa.

Tulad ng mga paniniwala ng karamihan ang langit daw ay isang lugar kung saan napupunta ang mga mabubuting kaluluwa pero noong July 21, 1999 sinabi ni Pope John Paul II na:

“Heaven is neither an abstraction not a physical place in the clouds, but a living, personal relationship with the Holy Trinity. It is our meeting with the Father which takes place in the risen Christ through the communion of the Holy Spirit”

Hindi ko na maeelaborate yan dahil mahina ako sa english. Pero turo sakin ng teacher ko sa Christian Living noong highschool na ang heaven nga daw ay hindi isang lugar kundi isang pakiramdam na kung saan lagi kang masaya dahil naniniwala kay Ama.

Ngayong hindi na ako atheist kung muling itatanong sakin kung nasan ang heaven at kung totoo ito. Simple lang ang isasagot ko. Totoong may langit, maaring hindi nga ito isang lugar. Pero naniniwala ako dito at hindi ko na kelangan pang mamatay para maramdaman ito dahil sa tuwing kasama ko ang mahal ko parang nasa langit na ang pakiramdam ko. (keso! haha)

Tagged: ,

§ 79 Responses to Heaven

  • V says:

    parang yung homily lang nung linggo.

    iba pa ang kingdom of heaven sa heaven.
    di na mahalaga sakin yun, alam ko naman kung san aabutin ko at ng ostya na nginuya ko nung araw na yun.

    ayan na nga at nabibitak na ang lupang kinatatayuan ko. welcome daw. hehe.

    ganda lay out. anlakeeee!

  • Tisay says:

    i won’t say i’m an atheist, but i am agnostic. you know, just to keep it neutral. ha-ha. but i agree. heaven is just a state of mind.

    the only thing that comes after death, is decomposition. ha-ha! it’s just that the thought of heaven makes dying something to look forward to and not feared.

    rawr! halaveeet! and i like your new bg efbee! hehe! apir!

  • churvah says:

    yun yun eh..ung banat sa huli,
    isa kang daga..haha..mahilig sa keso.

    naging atheist din ako a few years back.
    pero masarap pa rin ung feeling na maniwala na may God kaya nag balik loob ako..*amen*

    pero sa totoo lang naniniwala ako na may HEAVEN,kung san pumupunta ang mga mababait na namamatay..hehe,bakit ba,kanya kanyang paniniwala lang yn,db?

  • Pedro says:

    “dahil sa tuwing kasama ko ang mahal ko parang nasa langit na ang pakiramdam ko.”

    OO na lang!

    wahahahaha.😀

  • Finch says:

    my best bet:
    god has left the building a long time ago.

  • janus says:

    waw! napaka holy naman ng post… hehehe… ganda ng lay out!!!

  • ellieshe says:

    may kanta yan eh..”langit ang aking nadarama, sa tuwing kapiling ka…”nakz’

    Pag sinabi kaseng heaven sa mga bata eh yung maraming clouds..hehe..sky naman yun.

    nagsyaat met ti layout aytoy balay mu kabsat! mejo nakakalito nga lang..hehe

  • Aaron says:

    hahaha. emo mo. leche. hehehe kidding. magandang topic… heaven. basta ako, gusto ko lagi me kadugtong na “on earth”..;)

  • xG says:

    handa ka na ba
    na maging kontrobersiyal
    sa mga binitawan mong salita?

    uh oh
    you got my back🙂

  • ayyzzz says:

    hahaha.
    super keso.
    sweet naman!

    oye-oye…

  • jep says:

    awww sumuko ka sa pagiging atheist… kulang kasi ang rason mo para maging atheist…

    halos matagl tagal na rin akong atheist.. para sa akin ang rason na binitawan ng iyong guro ay pantakip lang dahil wala silang deskripsyon na maibigay.. sino ba naman sila para malaman ang meron sa langit eh asa bibliya na kung ano ang deskripsyon nito.. basta ako kalasag at sandata ko ang isang bibliya tulad din ng mga ‘believer’ na ito rin ang kanilang sandata..

    humayo ka kapatid…

  • ced says:

    i feel you utol! hahahaha.

    pero langit talaga ang pakiramdam.
    lumulutang sa tuwa. yung tipong may after shock pa kapag naghiwalay na kayo, lumulutang ang pakiramdam. hehehe

    pero kung ako tatanungin ng bata, malamang di ko alam ang sasabihn ko. hehehe.

  • ang galing!!!! parang newspaper…

    anyway, religion ang topic… kaya no comment muna… kasi ako, di ko pa alam kung ano talaga eh… confused pa rin…

  • yeye says:

    buti naman hindi ka na atheist.

    meron heaven. kung may faith ka. ok.🙂

  • amikus says:

    deist ako. yun lang. hehe

    ganda ng lay-out mo. apir.
    -padaan lang po-

  • acey says:

    nice post, ferbert!!!!

  • popoy says:

    ang keso nga. pero fb tanong ko lang? pano mo nararanasan ang langit pag kasama mo ang mahal mo? hehehehe😉

  • beero says:

    penge ng keso. jowk!

    pero mahirap ngang i-explain ang konsepto ng heaven sa mga bata. kasi kahit nga ibang matatanda eh di ganun kalawak ang kaalaman sa ganitong mga usapin. (ako ba talaga to?) hehe.

    march pa nung last akong nakabisita sa simbahan. but it doesn’t mean that i lost my faith. sa katunayan, lagi kong hinihiling kay God na sana minsan paggising ko may isang limo na sa labas ng gate namin. LOL

  • beero says:

    i hate cha FB! LOL. at least sosyal kasi limo pa panghatid sa kin. haha

  • M says:

    Lagot ka kay Pope Benedict! Ahaha.

    Naniniwala man ako sa kunsepto ng langit at hanggang ngayon eh naiisip ko pa din ang image nito at kung ano ba ang meron dito pero hindi ko naman talaga yun mapapatunayan sa sarili ko.

    Kaya base sa nabasa ko dito, iaayon ko na lamang ang konsepto ng heaven sa maligayang pakiramdam tulad ng panonood kay Maria Ozawa.

    At siyempre ang pakikipagdate kay V.

  • señora says:

    Naalala ko yung times na nagkkwentuhan lang tayo at nagyyosi sa starbucks, dito sa post mo na to.. haha

    Miss na kita..

  • minsan, parang mas naaliw ako sa usapan niyo ni kuya lung-her Mariano. ahahaha. . .

    hmmmm, tsk, masyado mo akong napapabilib. earth calling NA*, earth calling NA*. . .

    isipin mo, naniwala ka sa konseptong yun. at ahahaha, naiintindihan ko na lalo yun sabi mo na rason mo kung bakit ka nagbablog. sa superhero mo ata yun nabanggit. sequel pala ito e.

    napakainformative at wala akong masasabi. pa-apir nalan!

    hahaha, ayos din yun END ng post na to.ahahaha!

    heaven– basta kasama mo ang Diyos na malupet, at nararamdaman mong mahal ka nya at mahal mo din siya. at willing kang magpakasakit basta nagmamahal ka lan.

    hanaku, siryusnes nanaman ako.

    oi oi oi, sabihin mo dun sa bata may heaven, anu ka ba, kasiyahan na nila yun, wag mong ipagkait. okay! ahahaha. =p

  • Tentay says:

    Helo fernbert? twing pupunta ko sa blog mo iba iba ang lay out mo…

    ako naman dati alam ko may heaven…

    pero ngayon di ko alam kung meron pa dahil ang gulo gulo ng buhay. sana makapunta na ko don. hahah

  • damdam says:

    muntikan ko ng sabihin na “langyang efbee to, di ko ipapakita anak ko dito”

    but its a nice entry. but what made “come back?” wala lang tanong lang..🙂

  • dansoy says:

    akala ko ba hindi mo na iilaborate ang meaning ng heaven acc. to pope john paul?! Ginawa mo nga eh,! haha. Seryoso, naniniwala din ako pero hindi ko pa totally alam kung ano ang kahulugan rin nito.

  • Abad says:

    kambal inlab ka!! wuhoooooooooo! keso nga. haha.

  • Ayiene says:

    Naniniwala ako sa heaven!

    pero ngayon ko narealize na tama si pope john paul, hindi ito place kung hindi ang relationship natin kay God.

    wow, may natutunan ako.

  • rimewire says:

    hakhak

    kahapon lng eh nawala n ang aking religion

    hakhak

    ngunit nniniwla nmn me sa god

    hakhak

    wla lng

    npadaan

    elyens

    XXXxx

  • madbong says:

    ayus ang bagong itsura bro. di ba yung heaven anak ni paco saka ni geneva?

  • JUZ says:

    >>FERBERT!! IM BACK!!

  • JUZ says:

    —FERBERT!! IM BACK!!!—

    haha. aDik ka pa din sa keso. cool.

    Dami ko talaga natutunan sa mga sulatin mo!
    **APIR APIR**

    wala lang.. it’s nice to be back!

  • chroneicon says:

    ang lalim fb! pero tama ka. buti hindi ka na atheist at hindi ka rin agnostic (assumption lang). kanya kanya lang talga

  • mr_d says:

    ako na magpapatunay na nasa heaven ka nga sa sobrang saya mo pag kasama ang mahal mo. eh kaso nga lang para naman kaming nasa purgatoryo dahil na iinggit sa ka-sweetan niyong dalawa. hahahahaha. yiheeee.

  • lunes says:

    christian living ko ng hskul ako 82.. wehehe. ganyan kababa raw kasi nun ang moralidad ko. Pero ng college ako, naging best teacher ko ung sa religion namin.Kasi ayaw niya magbgay exam,dahil hindi raw nasusukat ang pagiging mabait sa written exams!! ahaha. dbest ung matanda na un.

    oi fb. kumekeso ang kalangitan mo ngaun ah.

  • camille says:

    sensible =) great job…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Heaven at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: