Sayo Lang ang Kalibugan ko

July 28, 2008 § 74 Comments

akda nina: Mariano Juancho, FerBert Bautista at Heneroso

kung makitid ang utak mo. Pakiusap wag mo na lang basahin to.

Ikaw iniisip ko tuwing ako’y nagjajakol
Pangalan mo ang sinisigaw ko pag nilalabasan na ako
ikaw ang dahilan kung bakit tumitigas to

Dahil sayo basa na ang brip ko
Talbog lahat ng porn kapag ikaw nakita ko
Isang ngiti mo lang dalawang putok na agad ako
pagmamahal ko man ay tunay at totoo
Kalibugan pa din gumagabay sa pagibig ko sayo

Kapag umiihi ako, ikaw gustong kaharap ko
Kaya kong unatin ang bulbol ko para sayo
Masarap kumantot pero mas sumasarap kung
ikaw ang kapartner ko

Tamod ko ay para lamag sa bibig mo
Oh, mahal ko
Ang titi ko ay ginawa para lamang sa pekpek mo
Ang dibdib mo ay ginawa para susushin ko

Dalawang kamay ko na ang ginagamit ko
kapag ikaw ang nasa isip
Sana hindi na ako magising mula
sa basa kong panaginip

Simula nang makilala ka, ako’y tinitigasan sa tuwina
kahit di ka trabaho, ikaw ang papasukan ko
kahit di ka palay, ikaw ang babayuhin ko
Kahit di ka lolipop, ikaw ang didilaan ko

Kahit amoy kimchi pa yan, mani mo’y kakainin ko
kahit di ka nagshave, at sumingit sa ngipin ko
ikaw pa rin ang mahal ko
dahil langit ang nararamdaman
tuwing nag-iiyutan tayo

Bulbol mong manipis ang nasa aking isipan
Gusto ko nang bumili ng condom dyan sa may tindahan
Sapagkat ang kaligayahan mo ay ang aking kagustuhan
bawat butas ng katawan mo, ay aking didilaan
oops paumanhin, pwera lang sa puwitan

Ibuka mo na ang hita mo at
Iyong matutuklasan
ang naging dahilan
ng pagkakasala ni Eba at ni Adan

Wag kang umiyak, ikaw ay tumahan
lamasan, sundutan, dilaan at pinggeran
Yan ang paiiralin nating buong
madamagan
Mamayang Gabi tayo ay maggagamitan
Ipaparanas ko sayo ang sarap na
di mo Malilimutan..

PS. Salamat kay Trina Labandera para sa kanyang kowtable na “Sayo Lang ang Kalibugan ko” na naging inspirasyon para makagawa ng tulang ito. πŸ˜›

Advertisements

WordCamp Philippines 2008

July 24, 2008 § 6 Comments

Nagregister ako para sa Word Camp Philippines 2008 na inorganisa ng Mindanao Bloggers

Mukhang Sosyalin tong event na ito at dahil social claymber ako na walang social life eh sasali ako dito.

Ang pagtitipong ito ay naglalayon upang bigyan ang mga Bloggers o non Bloggers ng pagkakataong matuto ng PHP, HTML, CSS etc. At dahil mahina ako sa mga bagay na ganun eh naisipan kong sumali upang lumawak ang aking kaalaman sa nasabing paksa. Ito rin ang pagkakataon upang makakilala o makihalubilo sa mga kapwa natin blogista.

Gaganapin ito sa ika-Septyembre 6 ng taong kasalukuyan sa Augusto-Rosario Gonzalez Theater, College of Saint Benilde, Manila.

Ang event na ito ay hindi magaganap kung hindi dahil sa mga sponsors:

singungaling

July 23, 2008 § 48 Comments

Tinamaan ng sakit na insomia. Nanlalaki ang eyebags. Hindi makatulog. Iniba ang position. Nagpaikot ikot sa kama. Wala talaga. Ayaw sakin ng tulog. Ayaw ng tulog sa mga katulad ko, hindi sapat ang mukhang ala Jomari (chan) para pagbigyan ako ng Tulog. Ayaw nya sakin. Wala akong magagawa doon. Hindi sya kawalan pero sana kahit isang beses lang eh pagbigyan naman nya ako. Gusto muli kitang matikman Miss Tulog. Gusto kitang maexperience ulet. Gusto ko ulet maexperience ang sarap na dulot mo at ang paglalaway ko sa piling mo.

Nanood na lang ako ng DVD mula sa pirates of Quiapo, buong magdamag nagbabakasaling dalawin ako ng antok. Pinanood ko ang Sin City. Wala naman talaga akong balak panoorin ito kung hindi dahil kay Quentin Tarrantino. Okay sige, nagsisinungaling ako sa sinabi kong iyon. Dahil ang totoo pinanood ko ito dahil sa mga pigura ng mga babaeng halos hubad na at gusto ko silang ikama.

Ugali ko ng maglista ng mga kowtable sa mga pinapanood kong pelikula. Pati sa mga porn flicks eh isinasaulo ko ang mga sinasabi ng mga porn star pero kadalasan puro Ooooh at Aaaah lang ang tumatatak sa isip ko dahil nakatuon ang atensyon ko sa ibang bagay. “Power don’t come from a badge or a gun. Power comes from lying. Lying big, and gettin’ the whole damn world to play along with you. Once you got everybody agreeing with what they know in their hearts ain’t true, you’ve got e’m by the balls.” yan ang isang linya sa pelikulang Sin City na tumatak sa isip ko. Halos kalebel lang ito ng She loved me at my worst. You had me at my best and you chose to break my heart” ni John Lloyd sa One More Chance.

Power comes from Lying kaya hindi na ako magtataka kung bakit lahat ng nasa kapayarihan eh mga sinungaling. Alin nga ba sa mga pinangako nila ang natupad na? at naniniwala ba kayong by 2020 eh Developed Country na ang Pinas? boo! kalokohan! hanggat hindi naalis sa pwesto ang mga sinungaling at corrupt na opisyal ng bansa hindi matutupad yan. May ilang taon pa bago mag 2020 pero napakaimposibleng maalis sa sistemang pulitikal ng Pinas ang mga ganitong klaseng Pulitiko. Hello nga pala sa mga Pulitikong Gago! tangina nyo po sana mamatay na kayo! mga a-hole!

Sa pagkakatanda ko limang taon ako nung una akong nagsinungaling. Nabasag ko yung banga sa bahay na mas mahal pa sa buhay ko. Dahil sa takot sinabi kong Hindi ako nakabasag noon. Pero tulad ng sabi ni Bob Ong sa libro nyang MacArthur “Pag pinaniniwalaan namin kayong naglaro ng tubig kahit na kahit basang-basa ang mga damit ninyo, Kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko”. May mga hindi maipaliwanag sa mga magulang kung bakit nalalaman nilang hindi nagsasabi ng totoo ang kanilang mga anak. Siguro dahil kilala na nila tayo dahil sa sperm at egg cells nila tayo nabuo. Ang ending naparusahan ako hindi dahil nabasag ko yung jar kundi dahil sa pagsisinungaling ko.

Hindi ako eksperto sa pagsisinungaling. Madali akong mabuko. Isa iyon sa mga talents na hindi binigay sakin ng Dyos. Madali lang malaman kung nagsisinungaling ako. Kaya malamang hindi ako epektibong Pulitiko balang araw. Minsan nanahimik na lang ako dahil alam ko naman pag nagsinungaling ako mabibisto rin naman ako. Mas mabuti hindi na lang magsalita kesa gumawa ng maidagdag sa listahan ng mga kasalanan upang masunog ang kaluluwa ko sa impyerno.

I just found out there’s no such thing as the real world just to lie you’ve got to rise above -John Mayer


Kimchi

July 18, 2008 § 39 Comments

Ang Kimchi ay parang Puke, mabaho pero masarap

Yan ang pinagpyestahang kowtables ko sa Plurk. (i-stalk nyo nga pala ako sa plurk –> Plurk Ni EfBee). Wala lang gusto ko lang gawin yang intro dito sa entry ko. Pampahaba kumbaga saka para ipaalam sa inyo na iplurk nyo ko. Plurk Me yeah!

Tulad ng kimchi napakabaho ng life ko recently. Hindi naman talaga sya mabaho na umaalingasaw (Gusto ko lang sabihin yan para naman maikonek yung Masarap na Parang Puke dito sa ipopost ko). Ang ibig kong sabihin ay hindi ako tinatantanan ng problema. Pakiramdam ko nga May pagnanasa sakin ang problema kaya ayaw nya akong tigilan. Para syang obsessed stalker na gustong makasiping ako sa bed. Hoy Problems, please stop me! Tigilan mo ako!

Ayun mukha na naman akong Panda kakaisip sa problema. At kung may natutunan man akong lesson sa dalawapung taon apat na buwan at sampung araw kong nabubuhay dito sa earth ay wag isipin ang Problema. Wag mong isipin ang problema dahil hindi ka naman iniisip nyan. Para syang pinagpapantasyahan mong porn star na lagi mong iniisip tuwing nagtitikol ka, nasa isip mo sya pero nung mga panahong sya ang laman ng isip mo eh sakto naman iba ang iniisip nya (e.g pagpapalagay ng piercing sa clits nya? kung anong position ang gagawin nya para sa cheap na tabloids at kung gaano kataas ang pitch ng boses nya sa tuwing nasasarapan sya? o kaya facial expression nya para kunwari nag orgasm na sya).

Masyado lang sigurong malakas ang sex appeal ko’t ayaw akong tantanan ng problema. Pero bakit ko ba naman iyon iisipin gayong napakaraming bagay naman dito sa mundo na dapat kong pagtunan ng pansin (e.g kung saan site ako manonood ng porn mamaya? kung anong klaseng porn ang panonoorin ko mamaya? kung sinong porn star ang panonoorin ko mamaya? shet puro na lang porn. Tigang na tigang na ako!! hahaha).

Hindi problema ang dapat kong bigyan ng atensyon kundi kung pano ko masusolusyunan yung hinaharap kong problema ngayon. Kung magkukulong lang ako sa kwarto buong araw at iisipin sira na ang buhay ko dahil may problema na naman at kung magdadabog ako at matatampo kay God na dinadagan na naman nya ang problema ko bukod sa pagiging tigang eh walang patutunguhan ang buhay ko. Kelangan kong umaksyon at solusyunan ito dahil wala naman magagawa ang paiyak iyak. mamumugto lang ang mata ko. Kelangan may gawin ako para lubayan na ako ng problema ko.

May nabasa ako dati na ang importante sa problema ay hindi ang kung pano mo ito nasolusyunan kundi kung ano ang naging epekto ng problema sayo at kung ano ka pagkatapos mo itong solusyunan. Kung nakatayo ka pa rin ba pagkatapos ng problema o nagwagayway ka ng puting bandila at sumuko dito. Kung naging mas matatag ka dahil dito o mas naging gago dahil nagpatalo ka’t hindi mo nasolusyunan ito.

Wala naman kwenta ang buhay kung puro sarap lang eh. Kelangan din natin ng problema minsan para patatagin tayo. Mahirap mabuhay pero matutunan mo rin itong ienjoy. Parang birhen na bibingka ni eba lang na sa una’y masakit, mahapdi, makirot at mahirap pasukin pero ilang ulos lang eh mag-eenjoy ka na rin.

β€œThe problems of the world cannot possibly be solved by skeptics or cynics whose horizons are limited by the obvious realities. We need men who can dream of things that never were.” -John Fitzgerald Kennedy

(Ang entry ito ay epekto ng pagbabalik tanaw ko sa Tanginang Alien/TaLien, mahalay, malibog, bastos pero kahit papano eh may sense naman ata na pagsusulat. haha)

CTC?

July 15, 2008 § 46 Comments

WARNING: ANG SUSUNOD NA LATHALA AY DI ANGKOP SA MGA BATANG TAGABASA PATNUBAY NG MAGULANG AY KAILANGAN.

Nung isang araw may nakipagchat sakin. Hindi ko kilala kung sino kaya naman tinanong ko kung saan nya nakuha yung yahoo ID ko ang sagot nya..

Napakalaking PUTANGINA ang rereply ko kaso di ko na pinindot yung enter button kaya di ko na lang sya pinansin. At dalawang beses pa nyang sinabi yun. Parang pinagmumukha nya talaga akong manyak. Tangina sa dinami dami ng manyak sa Pinas bakit ako pa. Hindi nga ako manyak ang kulit eh MALIBOG lang. Ilang beses ko bang sasabihin yan sa mundo ng internet?

Hindi na nga akong marunong kumantot. At wala na sa utak ko ang salitang iyot, dyug, kangkangan. Taena nakalimutan ko na kung pano nga yun eh. Hindi na ako marunong nun dahil matagal na akong tigang. At kung naghahanap kayo ng manyak na kachat bakit di kayo maghanap sa adult sites. Natitiyak kong libo libo ang makikita nyong manyak doon. Putangina! MALIBOG LANG AKO HINDI MANYAK!!!

Kung libog na libog na kayo wag nyo kong ichat.. Ikaskas nyo na lang sa pader, o kaya makipagsex ka na lang sa aso, pwede ka din gumamit ng talong at kapag naputol yung talong dagdagan mo na rin ng okra, kalabasa, sitaw para instant pinakbet na. Parang awa nyo na. Wag ako, maghanap na lang kayo ng iba. Next time na lang. Di ako pwede may gelpren ako ngayon. hahaha. joke lang.

[Off Topic] birthday nga pala ng gelpren ko ngayon.. Ayos 18 na sya.. Legal age na.. pwede na.. Pwedeng pwede na.. Pwede na syang uminom ng alak! YEHEY!. Happy bday Janelle! I love you.. ahihihi *kiligero mode LOL [/Off Topic]

Boy Bawang

July 12, 2008 § 35 Comments

kaibigan: Kumusta si Boy Bawang?

ako: Huh?

kaibigan: Hindi mo na ba sya naaalala? Si _____.. yung kagrupo mo dati sa duty. Anong balita sa kanya?

ako: Tangina naman. Humihinga pa ba yun? Masyado nang mabaho ang maynila kelangan na syang dispatsahin. Umaalingasaw na ang baktol nya. Mas magmumukha pang tao si kingkong pag pinagtabi sila.

Si Boy Bawang kagrupo ko dati sa duty sa hospital saka sa case presentation. Sya yung nilalang na nung nagsabog ng kayabangan ang panginoon eh naging sakim at kinuha ang lahat. Napakaselfish ng potah! hindi man lang nagtira para sakin. Sya yung putanginang kumain ng french fries ko na hindi man lang nagpaalam.

Sya si naging-gilfriend-ko-si-ganito-ganyan-na-hayop. Lahat na ata ng babae sa Pilipinas naging syota na nya. Dadaan kame sa isang kalye makakakita ng isang chik, titignan yung chik tas bigla syang hihirit ah si Angel yan ex ko. Tatanungin namin ang pangalan sasagot ang chik hindi pala Angel ang pangalan kundi Marian. Imbentor ang puta! pano magiging Angel ang pangalan ni Marian? pano magiging isa, ang isang lobo at isang sirena? boo! puro ka hangin! utot ka!

Sino ba naman hindi magagalit dito kay Boy Bawang. Inilalapit nya mukha nya pag nakikipag usap na parang kahit anong oras eh hahalikan ka nya buti sana kung mabango ang hininga nya. Pero tangina! balak ba nya akong patayin sa baho ng bunganga nya? Sya ba ang ginagawang tagahigop ng Malabanan Eboy Excavator (Pozo Negro) & Plumbing Services kaya ganun na lang kadikanais nais ang mouth nya? puta pare may baktol sya sa bunganga!

Ispiking of baktol itong si Boy Bawang hindi talaga patatalo kung pabahuan ang labanan pati ba naman mr.BO eh di na nya pinaubaya sa iba. napakaselpis talaga ng potah! may hallitosis na nga sya di pa nya pinaubaya yung anghit nya sa iba! Pwede na nga tong gawing sikret weapon ng Pilipinas eh. di na kailangan ng nuclear bomb. Siguradong tempok lahat sa amoy nitong walang hiyang boy bawang na to.

Dahil mabaho sya ayaw mo na sa kanya? Wala naman syang ginagawang masama ah.

Akala mo lang wala pero meron meron meron!

Every two weeks may case presentation kame. Ito yung pipili kame ng sakit ng pasyente at iprepresent sa mga panel. Dahil kagrupo ko sya, sa ayaw at sa hindi eh napipilitan akong tiisin ang kabahuan nya para lamang matapos yung ginagawa namin. Ang problema lagi kameng hindi magkasundo. Pano ba naman napakasimple lang ng sakit tas ginagawa nyang komplikado. Tapos okay na lahat sabi nya hindi daw tama may kulang. putangina! nagmamarunong pa pinacheck na namin sa adviser namin tas sasabihin nyang may mali. Hindi ko makakalimutan sa kanya yung quote nyang “Expect for the worst”. yan lagi nyang sinasabi. Hindi okay ang lahat sa kanya.. kala naman nya okay sya samin. ang baho mo ulul!

Every two weeks yun sa loob ng isang sem ganun ang gawain namin. Kulang kame sa tulog, hindi na kame makakain. uuwi ako ng bahay hindi na ako makikilala ng pamilya ko dahil mukha na akong adik. Ganun na lang lagi naming gawain. magmamagaling sya, papamukha nya sayong sya lang gumagawa, ang kapal ng mukha, tas pag natapos na ang ginagawa sasabihin nya may hindi tama kahit na okay na yung ginawa samin. At syempre sasabihin na naman nyang.. Hindi dapat kayo ganyan dapat expect for the worst palagi! Kung di lang ako nakapagtimpi baka binugbog ko na yung gagong yun.

Wala naman talagang matutunan dito sa lathala kong ito eh. Pinapakita ko lang kung gano ako kagaling mang alipusta ng tao. Pero kahit papano may gusto akong ipahiwatig sa post na to. Na lahat ng tao na dumaraan sa buhay naten maging kaaway man yan, minahal at sinaktan tayo, kaibigan, kakilala, o kung ano pa man yan eh may naibabahagi sayo sa buhay mo kahit papano.

Wala nga sigurong kwentang nilalang si Boy Bawang pero dahil sa kanya natuto kong tignan kung anong magiging outcome ng mga ginagawa ko at gumawa ng plan B. expect for the worst kumbaga. Na kelangan mong magkaroon ng alternatibong panlansi o pakana in case na magkaroon ng aberya. Naranasan ko ulet maging boy scout dahil kay Boy Bawang. Kailangan laging handa na hindi makuntento sa kung ano ang okay na para sayo dahil hindi sapat ang okay lang para makakuha ka ng maayos ng grado.

May daraan sa buhay naten at hindi naten namamalayang may natututunan na pala tayo dahil sa kanila kahit na akala mong wala kang naging magandang memorya sa kanila mapapaisip ka na lang minsan na kahit ganun sila may nakukuha kang aral mula sa mga bitch na putangina.

PS. taos puso rin akong nagpapasalamat sa mga taong bumoto sakin sa project lafftrip ni boss badoodles. Natuwa naman ako dahil mula sa rank 7 pang apat na po ako ngayon. maraming maraming salamat sa inyo. πŸ˜€

PSS. pakibisita na rin to –> STRIPSEES

Libing

July 9, 2008 § 54 Comments

Nakilibing ako kahapon. Namatay kase yung lola ng kaibigan ko dahil sa Aneurism. Ilang gabi din nakaburol yung lola nya pero hindi ako naka-aattend kaya hindi man lang ako nakakain ng biskwit, masarap pa naman yun balak ko pa ngang magtake home kung sakali.

Wala rin ako sa sarili ko nung mass kaya lumabas na lang ako para magyosi. Buti na lang hindi ko na naabutan yung necrological service dahil iyaking damulag ako. Sa mga ganitong okasyon ko lang napapatunayan na pwede akong maging drama actor dahil madali akong umiyak (Iyak hindi hagulgol). Sa mga ganitong okasyon mo lang din makikita na kahit sinong maton o bato sa pamilya mo mapapatunayan mong gumagana ang kanilang nasolacrimal duct dahil panigurado tutulo ang kanilang luha. Makikita mo sa mukha ng pamilya yung lungkot at pighating nadarama nila. Marerealize mo din na balang araw eh mamatay ka din at napakaikli lang talaga ng buhay.

Last month muntikan na din akong mamatay. Hindi ako uminom ng muriatic acid o ng kahit anong materyal na nakakamatay. Hindi ako duwag para magpakatay kahit na nung araw na muntikan akong mabawian ng buhay eh gusto ko talagang tumigil ang tibok ng puso at paghinga ko.

Naaksidente ako, Vehicular accident. Nakasakay ako sa motor kasama ng isa kong tropa tas biglang umangat yung harapang gulong (teorya ko naparami inom namin ng alcohol o kaya sobrang bigat ko na kaya umangat yung harapang gulong), ayun tumilapon ako! woot! Patunay na hindi ako mabigat kase tumilapon pa ko. yes! Para akong si Lito Lapid sa pelikulang Ben Tumbling kahit na hindi ko napanood yung pelikulang yun gusto kong ihalintulad yung pagtilapon ko dun sa patatumbling nitong si Lito Lapid. Wala lang para naman magmukhang maangas yung pagkatilapon ko. boo! I’m so jologs talaga sa dinami dami ng aksyon star si L.L pa napili ko.

Yung tropa ko pipti pipti at ilang linggo din sa ospital. Ako naman maswerteng galos at gasgas lang ang natamo ko. Nasabi ko na ba na nung mga panahong iyon gusto ko talagang mamatay? ay oo nasabi ko na ata kaso hindi pa rin ako namatay kahit na naaksidente ako. Patunay na hindi lahat ng hinihingi mo sa panginoon ay binibigay nya. Nung araw din na yun naalala ko yung lola kong may cancer, pilit nyang nilalabanan ang sakit na to para lamang mabuhay pa sya. Kahit na unti unti ng kinakain ng cancer cells ang katawan nya hindi pa rin sya sumusuko. Isa akong hangal para hilingin sa panginoon na kunin ang buhay ko habang may ilang taong hinihiling na sana madugtungan pa ang kanilang oras dito sa mundo.

Masamang damo nga ako, mahirap mamatay pero alam kong darating ang araw matutuyo din ako dahil hindi na ako masisinagan pa ng araw para magbigay ng ilaw, hindi na papatak ang tubig para bigyan ako ng lakas at hindi na iihip ang hangin para sakin. Hindi pa siguro ngayon ang oras ko pero baka mamaya o bukas dumating ang araw na to. Napakaiksi ng buhay para sayangin lamang sa mga walang kwentang bagay. May rason pa kung bakit ako humihinga ngayon at ginagawa ang entry na to. May panahon pa ko para baguhin ang ugaling gago ko at ituwid ang mga maling gawain ko.

“The truth is . . . once you learn how to die, you learn how to live.”Tuesdays With Morrie

Where Am I?

You are currently viewing the archives for July, 2008 at Kokey Monster.