Superhero

June 22, 2008 § 98 Comments

Gusto kong maging isang Superhero, Isang nilalang na may kakaibang kapangyarihan upang iligtas ang mundo sa kapahamakan. Gusto kong maging member ng Power Rangers o kaya ng Voltes V, kabilang sa isang grupo na kung saan sisigaw lang kame ng sabay sabay eh mabubuo na isang cool na robot.

Lagi kong dinarasal sa panginoon na sana may mahulog na meteorite at ako ang makakatuklas nito pagkatapos nun magkakaroon ng mutation chever at maangkin ko na ang ninanais kong cool na power. Naniniwala akong di totoo si Santa Claus, ang Easter Bunny o Tooth Fairy pero naniniwala akong mayroong Superhero.

Nawala na ang paniniwala ko sa lahat ng mga bagay, hindi na ko naniwala sa pangako ng mga lintek na pulitiko. Naging heretic na din ako pero hindi pa rin nawawala ang paniniwala ko na may mga taong lumilipad, may x-ray vision, may laser beams, may kakayahang kontrolin ang bagay bagay, may fast cell regeneration, may kakaibang lakas at kung anik anik pang kapangyarihan. Binata na ko ng matuklasan ko na ang mga napapanood ko sa pelikula at sa tv at ang mga nababasa ko sa komiks ay hindi pala totoo.

Yun lang ang tanging bagay na ninais kong makamit ang maging isang superhero pero nagising na lang ako sa katotohanang isang gago lang ang mag-iisip na totoo ang mga ganitong klase ng tao. Kahit ngayon bente anyos na ko iniisip ko kung pano kaya kung totoo ang mga superhero? mas magiging maayos kaya ang mundo? o baka instead na nuclear power ang panlaban ng mga bansang nasa digmaan eh ginagamit nila ang cool na ultraelectromagnetic chuvaness ng mga nilalang na to.

Napanood ko sa isang palabas na pambata na kung saan ang mga bida ay mga superheroes, napagod ang mga superheroes na gawin ang kanilang tungkulin dahil lahat na lang iniasa na sa kanila mula sa pag-grocery hanggang sa pagbukas ng bote ng pickle kaya ang ginawa nila hinayaan nila ang mga tao. Hanggang sa salakayin sila ng monsters since hindi na nila maasahan ang mga superhero para tulungan sila ginamit ng mga tao ang kanilang kakayahan para matalo yung monster.

Wala nga sigurong Superhero, pero lahat tayo may kakayahan para iligtas ang mundo at siguro para sakin isa lang ang pagbablog sa mga kakayahan ko upang baguhin ang mundo. Tulad nga sa tagline ng pelikulang Schindler’s list: “whoever saves one life, saves the entire world“. Lahat tayo may kapangyarihan maglitas ng buhay kinakailangan lang naten gamitin ang ating kakayahan, talento o kaalaman naten para magawa ito.

Hindi nga ako superhero pero may kakayahan naman akong magsulat at ilathala ang mga ito sa KokeyMonster.com. Hindi nga siguro kasing cool ng mga superhero ang mga kakayahan ko pero at least kahit papano alam kong sa bawat nilalathala ko may isa o dalawang natutuwa sa mga ginagawa ko at maaring nililigtas sila sa plano nilang pagpapakamatay dahil nalaman nilang mas emo pa ako kesa sa kanila.

13 posts, 900+comments, 9 categories, Page Rank 4, 11000+ visitors, 1100+ tag board messages, 100 days, 1 blog… WWW.KOKEYMONSTER.COM!

Ito ang aking lathala para sa ika-isangdaang araw ng blog na to.

Tagged: ,

§ 98 Responses to Superhero

  • dahil sa ako ang nauna mag comment dito gusto kitang batiin ng happy 100th day sa blog mo.

    at dahil ako pa rin ang nauna dito, isa lang ang sasabihin ko

    ako si Batman. sikret lang natin yun ah.

  • ponchong says:

    at ako ang pangalawa. dahil kakareply ko lang din sa comment mo sa entry ko.

    100 days na at 265 days more to go para sa anniversary.

    pareho yata kayo ng gusto ng kaibigan ko — ang maging superhero. di naman kayo nag-usap?

    congrats!

  • utakmunggo says:

    e sa palagay ko naman ang lahat ng elyen ay may sapi rin ng pagka superhero. kung gusto mo, kontakin ko si magneto para sa iyo para gawin ka niyang mutant.. may machine siya eh. hehe

  • cedeux says:

    happy 100th fb!

    gusto mo maging superhero?

    panu kung pinagbigyan ka ng pakakataon?

    pero si…

    sailormoon nga lang? hehhhee

    ingats utol!=]

  • Super-itik says:

    at sinong nagsabi sayong hindi totoo ang mga superheroes?

    KALOKOHAN! hahah! super-itik to the rescue!

    happy 100 days sa blog mo. ako ang binibilang ko ay yung posts. T-P lang ang blog ko EVER na aabot ng 100 posts. usually hanggang mga 50+ lang ako, tas i’ll get sick of it and make a new one. heheh!

    pero hindi, this time hihintayin ko mag 1 year ang thought-pollution bago ko ito i-abandon. hihihi! bigyan kitang 20 pesos kapag nahanap mo yung iba kong blog na hindi listed sa links ko sa T-P. hahah! j/k…

    happy 100th day ulet sa blog mo, have a sexy day ef bee.

  • biksoto says:

    putangina ef bee
    PAPICTURE NGA!

    tangina
    sikat ka na
    maligayang ika100 araw ng blog mo
    bwahahaha

  • jep says:

    hahaha alam ko kung ano ung nawatch mo powerpuff girls db? hehe… wala lang ung pickles ung clue ko eh… hahaha.. happy 100th sa iyong blog.. grabe daming comments ha.. nice one.. sige pagpatuloy mo lang ang pagsulat..

  • redlan says:

    ambilis ah! 100 days ka na, mas marami pa ang comments mo 900 plus na! congrats at sana ipagpatuloy mo pa rin ito kahit maging superhero ka na. kapitan alien. hehehe. at sino ang gusto mo maging kapareha? si ex pbb pa rin na si riza?

  • redlan says:

    btw, invited ka bukas sa red carpet party ek ek ko sa blog ko. hehehe

  • jericho says:

    naks.. centennarian ka na pala. congrats! back to blogging na rin ako .. sort of .. hehe

  • rimewire says:

    hakhak

    super elyens tudamaksimum “label” din tayo ah

    hakhak

    anggaleng, ngunit tila hindi ako naniniwalang isandaang araw pa lamang ang balagers mu

    hakhak

    diba sptember ka ngstart?

    hakhak

    bka naman kase iba ung oras jan sa yekok

    homigad

    hakhak

    power elyens mistik pors!

    XXXxx

  • rimewire says:

    ah, kaya naman pla

    impeyrnes umasenso tayo ah, nkabili na ng domain

    hakhak

    cge, belated 100th day anniversary, akalain mo un, parang pumasok ka sa big brader haws ah

    hakhak

    elyens poreber en eber

    XXXxx

  • ayz says:

    congrats sa 100 days ng iyong dot comπŸ˜€

    nung maliit pa ko, naniniwala ako na ako si storm! promise! totoo yan!

    at may superhero man o wala ang mga taong tulad mo at tulad ko (talagang sinama yung sarili) we’re doing the lord’s work. ahahahah..

    apir!

  • Ayiene says:

    Superhero ako kuya. Swear. HAHA. :>
    Sana totoo ang superheroes para mabawasan naman ang crime rate sa pinas. kasi kahit pulis nagiging villains eh, imbis sila ang maging hero. shit.😐

    di bale, dadating din ang araw,
    may superhero na magliligtas sa atin.

    si Jesus.πŸ™‚

  • ayyzzz says:

    HAPPY 100th DAYπŸ˜†

    kahit belated..hahaha..

    SUPERHERO ka!

    MANIWALA ka!

    SUPERHERO ka, in your OWN way…

    keep up the good work, este blog…

  • “may isa o dalawang natutuwa sa mga ginagawa ko” – FB

    ikaw at ang syota mo. bukod dun wala na. hahaha! biro lang!

    happy monthsary papi. sikat ka na talaga!

    jay ilagan, FPJ, rico yan, nida blanca, daboy, ilang lang yan sa mga sikat na kilala ko. ingat ka!πŸ˜€

    P.S.

    papicture ako next tym ha. muahhugz! lmao!

  • batopik says:

    “…mas emo pa ako kesa sa kanila.”

    hahaha! masaya mabuhay. wag kang maging emo! konggratssss nga pala tsong! hehe.. ang cute ng url name mu,, peborit ku kasi si cookie monsterrrr.. hakhak! apir! apir!

    ako naniniwalang may superhero hanggang ngayon.. ewan ko ba sa sarili ko. pati nga kay peter pan naniniwala ako. haha.. sabi kasi ng aking inay, maniwala lang daw… kasi hangga’t may taong naniniwala, magkakatotoo lahat ng mga pinaniniwalaan natin.. hihihi…brrr…

    apir tayo! hooooooo!
    xD

  • churvah says:

    huwaw!
    happy 100 days.

    more blogging days to come.

    cheers!

  • yeye says:

    sugaPA ka alien ka na nga eh gusto mopa maging superhero. hehehehe. superalien ka hahahaha

    happy centennial hahahaha LOL joke lang

    more blogging days to come alien!

  • ahaha…

    maybe this is what im saying. . . i have things to share with people too. . .

    iba nga lan sa pamamaraan mo, pero may pagkakahawig pa din.

    hmmm, tinatamad na talaga akong magsulat nayun, kaya puro 2 liners or more(pero onti talaga) ang mga lathalain na naihahain ko sa kweba ko.

    anyway, to some extent, gusto kong maging imbisibol… hindi dahil gusto kong maging superhero(sa bandang yun)…gusto ko lang malaman yung totoo, sa likod ng mga mata ko, ng mga madalas na nakikita nito.

    pero sa totoo, GUSTO KO DIN maging superhero… bleh! =p

    ahaha, parang naging seryoso naman ako sa comment ko…parang BLOG post na…ahahha!

  • lawstude says:

    Wow Congrats! Ang galing. 100 days lang pero ang dami hits. Talentado ka talaga parekoy at yan ang super power mo.

  • ellieshe says:

    happy 100th days kabsat…

    natuwa naman aku..nanonood k pla ng powerpuff gurls..ahaha..congatzπŸ˜‰

  • coldman says:

    wow! akalain mo umabot ka pala sa 100. Iba ka na talaga! Congrats!

    who you gonna call?! Ghostbusters!

  • chellie says:

    happy 100 days sa blog mo kapatid pa burger ka naman…super ka naman ha superhenyo naks uyyy ngingiti yan uy, uy, yan na oh lumalabas na yung ipin saka dimple ni ferbert! ha ha ha. pareho pala tayong mahilig din ako cartoons he he he may collection din ako ng animated movies eh original ha baka mag comment dito si edu ma trace pa ko he he he. SUPERHENYO!ang henyo ng bayan!malupit

  • Tentay says:

    wow. salamat sa pagdaan =) sana’y mapadaan kang muli.

  • janus says:

    superhero? akala ko ba alien ka? PAMBIHIRA! congrats sa 100 days ng blog mo!

  • beero says:

    happy 100th day! hehe. napakarami mong na-achieve within 100 days. daig mo pa nga si Batman eh. LOL. pero if you’re given a chance to become a superhero, what power would you like to have? hehe.

    naniniwala din ako na kahit sino ay pwedeng maging superhero dahil lahat naman tayo ay may misyong dapat gampanan sa mundo. hehe. ang mga simpleng bagay na ginagawa natin ay maaaring makapagdulot ng malaking pagbabago.

  • mhar says:

    padaan po sa blog nyo.hehehe

  • fjordz says:

    Wow! Idol talaga kita! Grabe!! Astig!! Galing galing! Akalain mo yun! Pang isang daan mo nang post ito!! Galing galing! Pero… kokontrahin pa rin kita. Mas emo ako sayo hahahhaha!!!

    http://hiraya.co.nr

  • Abad says:

    Kambal. Congrats!

    sana pag naging superhero ka, wag kang hindi latex ang costume mo.

  • Barry says:

    feeling ko “mutant” ako a la x-men nung bata ako haha

  • camille says:

    hello!!=)

    ang kulet ng mga blogs mo kakaaliw..

    kip it up..=)

  • lunes says:

    nag centennial daysary na pala ang apo ko!galing galing.

    Proud sau si LOLA! wehehe.

    Basta ako gusto ko mapabiling sa Upper East Side Elite, that’s all i am asking.

  • gusto ko rin maging darna eh kaya lang pagsusulat lang din kaya ko.hehe

    nice entry..

  • superboi says:

    hahaha. gusto ko din maging superhero. =)

  • linglingbells says:

    superhero ka talaga ferbert!πŸ˜€

  • congrats sa 100th day mo… looking forward to 100th post mo

  • ako din gusto kong maging superhero… pero malufet kung lahat ng kapangyarihan ang lahat ng superhero ay mapunta sakin. o kaya yung makakapaggrant na lang ng kahilingan ng iba wag lang maging genie dahil hindi naman hero yun no…

  • M says:

    Ako ba ang huling magkokomento dito?

    Mula nung nagsulat ka, superhero ka na para saken. Saving bored office people na kagaya ko ahaha.

    Tangina nyong lahat! Kaibigan ko tong si FB, isusumbong ko kayo dito kapag nagkaatraso kayo saken! Iba-blog kayo nito!

    Gusto ko lang ng normal na kapangyarihan, ang kapangyarihan na makapagpaibig at magmahal ng lubos na mauuwi sa kalibugan. Echos!

    Happy Hundred Days my friend, don’t fuck yourself just because you’re tigang, ahaha.

  • chroneicon says:

    ako si L! ikaw pala si Kira ah!

  • alatar_vii says:

    wow ‘tol,,, idol!!!!

    huwaw! may uma-idol na sakin. salamat!

  • Lambing says:

    huwaw happy 100th days po..πŸ˜€

    wala bang special powers ang alien?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Superhero at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: