nunal

June 13, 2008 § 151 Comments

Sa dinami dami ng pwedeng paglagyan ni God ng nunal sa katawan ko ewan ko ba kung bakit etong kuwan ko pa ang napili nyang lagyan. Ayon nga sa matatanda may mga ibig sabihin daw ang mga nunal at depende ito kung san nakalugar ang mole sa katawan mo.

Natatandaan ko pa ang sinabi ng aking grandma nung bata ako na pagtanda ko raw eh magiging babaero ako dahil sa nunal ko sa bahaging dapat itago sa publiko. Ganun din daw kase ang tatay ko, halos lahat na ata nakuha ko na sa tatay ko mula sa kanyang mukha hanggang sa nunal sa may kuwan pwera na lang siguro yung kutis ng tatay kong maputi at ilong nyang matangos pero mas lalong hindi ko nakuha ang pagiging babaero nito.

Malandi ako pero hindi ako manyak at babaero. Magkaiba ang salitang malandi sa babaero at manyak kahit itanong mo pa kay balagtas. Kakambal na ata ng pangalan ko ang salitang malandi, at aminado din naman na ako na malibog akong tao pero kahit kelan eh hindi ako naging babaero. Sa pagkakaalala ko eh hindi pa ako naging salawahan at mas lalong hindi PA ako nakikipag 3some. Although mukhang exciting ang ganong bagay lalo na yung huling nabanggit eh parang di ko ata kakayanin na gawin yun. Hindi naman sa nagmamalinis ako o nakikipagplastic o napapanggap lang na ayokong gawin ang mga bagay na iyon dahil binabasa ng gelps ko tong blog ko kundi sa napakasimpleng rason na hindi ko lang maatim na gawin yun. Kayang kaya ko naman gawin eh kung gugustuhin ko pero sabi nga ni Doraemon eh hindi porket kaya mo ng gawin ang isang bagay eh gagawin mo na saka mahal ko ang girlfriend ko hindi ako gagawa ng isang bagay na alam ko namang masasaktan sya.

Nasa dugo daw namin ang pagiging babaero. Mula pa sa ninuno ng mga ninuno ko. Kadikit na ng Middlename at Surname ko ang salitang babaero. Lolo, mga Tito, Tatay, at maging ang Kuya ko. Salamat kay God at hindi ako kabilang sa kanila. Mula sa masaganang buhay ay naghirap ang tito ko dahil sa pambababae, Pinatay ang pinsan ko dahil sa pambababae, ngayon naman sumasakit ang ulo ng utol ko dahil sa pambababae at dahil din sa pambababae ng tatay ko hindi kami tuluyang naging citizen ng bansang Canada.

May isang kasabihan na Men are polygamous by nature at ang basehan daw ng tunay na lalake ay ang pagkakaroon ng maraming babae. Mali! hindi ba ang tunay na lalaki ay may tunay na paninindigan, paninidigan na magmahal lang ng isa at ang kakayahang labanan ang tukso. Kung naniniwala kang kelangan mong magkaroon ng maraming babae para lang mapatunayan mong maton ka, tigasin at isang kang tunay lalaki pwes kelangan mong iuntog ang ulo mo ng isang libong beses sa konkretong semento para magising sa katotohanang kailan man ay hindi naging basehan ng pagiging lalaki ang pagkakaroon ng gadosenang babae.

Sa batas ng tao at sa batas ng Dyos bawal ang pagiging babaero. Wag kang Sakim! kung meron ka na ipaubaya mo na lang sila sa iba.

 June 14 2008, 9 months na akong nagblablog at 3 months na tong kokeymonster! weee

Tagged: ,

§ 151 Responses to nunal

  • jeck says:

    bakit ganun? parang tinatamaan ako sa post mo. bwahahaha. biro lang a. stick to one ‘to no. at hindi ko PA rin nagagawa yang threesome na yan? ano ba yan ha? na-curious tuloy ako. mwehehe. uy, may gelps at ‘mahal’ na akong nakita sa blog mo. simula ng makulay na blogging. haha.

    welcome back, FB! na-miss ko talaga tong blog mo.😀

  • lunes says:

    WB FB!!

    Ang pinsan ko hinabol ng itak dahil sa pagiging babaero.Kahit pareho na sila may asawa nung babae.ahaha.

    Meron ring akong isang pinsan na uber pagkababaero.Yun pala’y sa bandang huli natuklasan niya na “Kapwa ko Mahal Ko!

    Si FB MALANDI! un ay pawang katotohanan at pawang katotohanan lamang.bow.

  • acey says:

    hmmm. ang nunal ba ay mole or birth mark? at ano po ang “kuwan”, ferbert?

  • utakmunggo says:

    ayos! isa kang magandang ehemplo para sa lahat. pero bawasan mo na rin tuloy ang pagiging malandi mo dahil masakit din sa aming mga girls kapag kumekerengkeng ang boytoys namin. ahehe
    apir!

  • Tisay says:

    hehe! welcomback homie!! namiss kita ef bee! hehe! kamusta ka naman?

    oo nga ano yung “kuwan”? hahah! nakakatuwa naman, namamana pala ang pagka-babaero. hehe!

    “Men are polygamous by nature”

    zeusdemet! dapat sunugin ang nagsabi nyan! ano yun buffet? pwedeng take all you can… nyorks. kalokohan!

    happy 3 months d2 sa blog mo.

  • ponchong says:

    eto siguro ang dahilan kung bakit 14 years kang nawala. sa usaping nunal, coincidence siguro pero meron din ako sa “kuwan” ko. hehehe…..sabi daw nila habulin daw nga talaga ‘yon.

    di ko alam ung paniniwalaan kita pero malamang sa malamang ay oo. agree ako sa sinasabi. di sukatan ng tunay na pagkalalaki ang bilang ng mga babae na meron sya kundi ang kakayahan niyang manindigan at gawin ang kung anuman responsibilidad na kailangan nyang gampanan. duda nga ako sa mga lalaking maraming babae. hehehe…lao na pa kung tisoy.

    welcome back!

  • mia says:

    buti naisipan mo pang bumalik?

    tae ka, after 1000 years bago ka magpost. hmp

    kumusta naman ang bakasyon m?

    oo tama ka dyan, di dahil sa babaero ka tunay na lalaki ka na. mga bading yun sa totoo lang. hahaha

    kaya love ko bf ko e, hindi kasi siya babaero. try nya lang. puputulin ko lahat ng mapuputol sa kanya. hahaha.

    alam mo kikiligin si gf pag nabasa nya ito. hehehe

  • cedeux says:

    buti na lng stick to one ako.
    1T! juk!

    kaya ikaw pakabait na.
    makuntento na kay gf.

    ingats utol!

  • wow. napaka-makabuluhan naman nito.

  • chroneicon says:

    mabuti naman at nabasa na ni jeck to. at least kahit papaano ay mapag-iisip na siya. ngayon, kailangan itong mabasa ni lethalverses para mabawasan na ng kalahating porsiyento ang mga lumuluhang babae sa mundo hehe…

    welcome back FB!

  • ayz says:

    para kay sherwin ba ang post na to?? babaero e..a hahahaha joke!!

    ano kayang ibig sabihin ng nunal ko fb??

  • kuri says:

    pareng FB!musta?na-miss kita. *plastic* hehe.salamat sa muling pagbisita at pagbabalik!

    nunal ba ika mo? ako wala…wala ng paglagyan hehe.kahit saang parte ata ng aking magandang katawan e may makikita kang nunal.

  • repah says:

    “May isang kasabihan na Men are polygamous by nature at ang basehan daw ng tunay na lalake ay ang pagkakaroon ng maraming babae. Mali! hindi ba ang tunay na lalaki ay may tunay na paninindigan, paninidigan na magmahal lang ng isa at ang kakayahang labanan ang tukso. Kung naniniwala kang kelangan mong magkaroon ng maraming babae para lang mapatunayan mong maton ka, tigasin at isang kang tunay lalaki pwes kelangan mong iuntog ang ulo mo ng isang libong beses sa konkretong semento para magising sa katotohanang kailan man ay hindi naging basehan ng pagiging lalaki ang pagkakaroon ng gadosenang babae”

    – gusto kong miyak sa sinbi mong yan.. ikaw pa lang ang kakaibang nilalang na may ganyang persepsyon sa buhay..

    ipagpapatayo kita ng monumento… at ikaw ang kakaiba sa lhat dahil ikaw ang kaisa-isang alien na mgagawan ng monumento sa earth.. ididikit kita kay bonifacio..

  • McRey says:

    TAMA!!!

    Ako rin may nunal sa pototoy… pero hindi naman ako babaero… hahaha…

  • McRey says:

    At astig, tinalo mo pa si kokey. kaw lang ang may monumento…

  • Pedro says:

    saludo ako sa mga nakasaad sa lathalang ito. taas 2 kamay ko sama na pati 3 paa. kailanman ay hindi ang dami ng babae ang sukatan ng pagkalalake. palakpakan!

  • churvah says:

    aba..aba..
    my bago na plang post dito..

    na miss ko ang alien ng blogosphere.

    hmmmnn..di kaya may nagawa ka ky bespren ko kaya nag i-explain ka dito?

    hahaha..
    joke laang.

  • Noime says:

    * naaalala mo pa pala ako. lol *

    Anyways, ako.. muntikan na akong maging salawahan. PUTA. OO, SIGE SASABIHIN KO. MUNTIKAN NA. hahahaha. pero ayoko ng balikan yung ‘mga araw’ na yun. shet.😛 hehe.

    Ang masasabi ko lang, ayun. Mahal ko lang talaga siguro yung labidabs ko kasi kahit inihahain na yung katawan nung taong yun hindi ko tinanggap kahit andun na sa puntong bibigay na ako. HAHAHA.

    ge. ingat.

  • . says:

    Ayun. Nakikita ku ang sarili ko bilang isang babaero kaya sa ngayon, ayuku muna ng gerlps. Ayoko makasakit ng damdamin kaya mas ok na single. stik to one! stik to one hundred! hahahaha

  • krisjasper says:

    hay… salamat at nabuhay si lazarus.

    bat tagal mong nawala? nambabae ka no?

  • bluedreamer says:

    naku kunwari ka pa hindi babaero hahaha

  • Barry says:

    LOL!!!!! i so admire your writing kills in tagalog. loser ako diyan eh (pouts!)

  • señora says:

    Hehe siguraduhin mo lang na LOYAL KA NGA. haha

    Love you

  • V says:

    tong alien na to. landi mo. ahaha. andaming comments!! magchat nalang kayo ni ja!!😀

    apir tayo sa post nato. okay yan, tapat at naninindigan (ang..)! hihi. mahalin mo yan si janelle ng mabuti at may paninindigan nga.. ng ano. ewan.

    shisha monster ka narin.

  • beero says:

    nakow, buti na lang di ka nagmana sa erpat mo. hehe. di naman talaga yan ang basehan ng pagiging tunay na lalaki. mas ok pa rin yung tapat at mapagmahal na asawa at ama. hehe.

    welkam bak nga pala parekoy! parang di pa kita na-add sa links ko. add na kita ngaun. hope you’ll do same thing. hehe

  • kulot says:

    tama sila, wala sa nunal yan, depende sa paniniwala mo

  • gasti says:

    langya! pareho pa tayong may nunal sa kuwan. lols! ibig sabihin lang nyan..goodboy at loyalist ka rin gaya ko. hindi ka malandi..friendly ka lang..saka uhhm ano pa ba..di ko rin kasi alam yang threesome na yan eh pero parang masarap mapasali dyan.

    wag na wag kang gagaya sa mga kamag anak mong babaero. mahirap ng magkasakit ngyon. mahal ang gamot. saka isa pa nagbabasa nga pala dito ang gelps mo..uuuy hehe! sana di sya selosa.

  • Ferbert! IDOL! Ikaw ang ORIGINAL na MALANDI! Hehehe. = P

  • jeniffer says:

    tsong swerte ka pa din kasi asset yan (IPAGMALAKI MO!).. buti na lang jan.. atliz di sa muka “NOH”…. kilala muna? “NOH”…

  • ahahaha…

    may sikreto ako, hindi ko sasabihin. may kinalaman sa post mo.

    pero, agree ako sayo.😀

  • beero says:

    haha. di pala totoo yun kasabihan na “kung ano ang puno ay sya ring bunga” LOL.

    di pala kita na-add kahapon. hehe. sorry sa delay. LOL. pero na-add na kita a while ago! woohoo! tenks nga pala sa comment sa last post ko. hehe

  • Leyn ♥ says:

    “Malandi ako pero hindi ako manyak at babaero.”

    eh ano yung sinasabi mo nung weekend….?

    “angel locsin, i want to f*ck your boobs!”

    lol.

  • popoy says:

    ndi ko ineexcpect na mangagaling sau to FB. biro lang hihihi.

    tama yang mga pinagsasasabi mo.

    NAKU marami talagang babaero sa mundo. sa amin sa lugar namin piso tatlo ang ratio hahaha🙂

  • lethalverses says:

    haha babaero ka pala FB!!! masama yan!!!

    para kang si _, _, _ at _!!!!

    wahahaha… peace parekoy!

  • lethalverses says:

    haha babaero ka pala FB!!! masama yan!!!

    para kang sila toot, toot, toot at toot!!!!

    hehe peace!

  • Nash says:

    ui ferbert!

    haha
    your blessed

    kiddin’

    magaling ka cguro sa ano

    hahaha

    check out my first video blog ^^,

  • coldman says:

    after 100 light years nagbalik ka na pala! At san ka naman napadpad?!

    Basta ako may nunal sa palad at sa paa!

    Di ko alam kung anong ibig sabihin nun. =)

  • mnel says:

    mas marami na ang mga babae ngayon kesa sa lalake kaya nag-aagawan na. tapos yung iba pang mga lalake eh sumasama sa federasyon. ayun. lalong nauubos ang mga lalake. hehe.

    ako meron ding nunal sa ano…

    sa may balikat… pero di naman siya pasang-krus.😛

  • linglingbells says:

    i lab this post!!!!! pers taym ko lang makabasa ng isang blog ng lalaki na di pinagtatanggol ang pagiging babaero ng mga lalaki..😀

    “hindi ba ang tunay na lalaki ay may tunay na paninindigan, paninidigan na magmahal lang ng isa at ang kakayahang labanan ang tukso.” – i lab this kowt!!! i agree!!

  • ano ba yang nunal mo? buhay ba yan? baka meron din mulmul (buhok sa nunal)

    pero mag-ingat ka at baka yang nunal mo e kakambal ng nunal ni ate guy. kakatakot pag nag-reunion yung dalawang nunal.

  • mahusay na pagkakasulat. . .

    mahusay na pananaw. . .

    nakakabilib. . .

    nakakatuwa!!

    pa-apir nga!

  • salamat sa pagdalaw sa deadblog ko, honga pala…may sagot ako sa mga tanong mo dun… ingat.

  • The Islander says:

    ako merong 2. isa sa baba, isa sa taas.
    at may pahabol sa baba ng tiny bubbles.
    sabi nila habulin daw pag ganun.
    pero ibahin nyo ko. di ako easy boy. nyehehe

  • The Islander says:

    at parang type kong magplug dito… blockbuster kasi sa mandarayo eh. hehe.

    baka may natitira pa kayong awa para sa blog ko para lang di mapahiya. Nominado po ako sa Filipino Blog of the Week. Kung sino ba naman kasing nagnominate. Napasubo pa tuloy ako. Syempre kahihiyan din yon pag walang bumoto sa blog ko. Huhu. Kaya konting pabor lang… araw-arawin nyo naman. Hehehe.

    Insulare for Blog of the Week. You’re all welcome!

  • jep says:

    eto na ba ung may password dati.. haha.. aun makakapagcomment na ako…

    hahaha alam mo tawang tawa ako sa sinasabi mong nunal.. nahihiya man ako pero hahahaha may tatlo ako nun hahahahha… yikes… mga matatanda tlga gumagawa lang ng kung ano anong paniniwala… lintek sila magiging babaero ba ang isang NGSB? hahaha.. at saka for sure magiging stick to one lang ako… naniniwala ka ba? hehe

  • ayyzzz says:

    nadaan lang po

    natatawa ako ng palihim sa kinauupuan kong silya. siyett..haha..nagmumuka akong tanga hahaha😀

  • belle05 says:

    elow po.. napadaan lang.. gs2 ko sana tanong kung buhay e.. pro mukhang malabo nmang mabuhay yun dhil lagi kasing naiipit.. hehehe…

    kulit nman ng blog mo.. at dahil dyan may nbisto akong friend na member ng MNT. ahaha.

    saludo ako sau. konti nlang kasi ngyon ang mga lalake na marunong magpahalaga ng babae at relasyon.. pagpatuloy mo yan. kakakilig kau!!;D

  • Insulare says:

    sabi nila malilibog daw pag ganun eh.. pero di naman ako malibog eh. hindi talaga… nagpipigil lang ako. nyahaha

  • M says:

    natutuwa naman akong malaman na hindi mo inaabuso ang biyayang natanggap mo. maganda yan, mukhang madaming hahanga sa mga kagaya natin na mapagmahal at magagandang-lalake.

    gusto ko ding magkanunal sa parte ng katawan na hindi pinakikita sa publiko. kaso parang di ko maaatim na magpatattoo doon ng nunal.

  • kung di mo na mana yung pagiging babaero ng tatay mo baka yung apo mo or yung magiging anak mo ang mag mamana nun ganun daw kasi pag di mo na kuha yung dapat manahin mo… un u chiksmax galing sa ibang tao na walang magawa sa chenlyn nila ^^

  • wendz says:

    Panu ba matanggal ang nunal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading nunal at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: