Superhero

June 22, 2008 § 98 Comments

Gusto kong maging isang Superhero, Isang nilalang na may kakaibang kapangyarihan upang iligtas ang mundo sa kapahamakan. Gusto kong maging member ng Power Rangers o kaya ng Voltes V, kabilang sa isang grupo na kung saan sisigaw lang kame ng sabay sabay eh mabubuo na isang cool na robot.

Lagi kong dinarasal sa panginoon na sana may mahulog na meteorite at ako ang makakatuklas nito pagkatapos nun magkakaroon ng mutation chever at maangkin ko na ang ninanais kong cool na power. Naniniwala akong di totoo si Santa Claus, ang Easter Bunny o Tooth Fairy pero naniniwala akong mayroong Superhero.

Nawala na ang paniniwala ko sa lahat ng mga bagay, hindi na ko naniwala sa pangako ng mga lintek na pulitiko. Naging heretic na din ako pero hindi pa rin nawawala ang paniniwala ko na may mga taong lumilipad, may x-ray vision, may laser beams, may kakayahang kontrolin ang bagay bagay, may fast cell regeneration, may kakaibang lakas at kung anik anik pang kapangyarihan. Binata na ko ng matuklasan ko na ang mga napapanood ko sa pelikula at sa tv at ang mga nababasa ko sa komiks ay hindi pala totoo.

Yun lang ang tanging bagay na ninais kong makamit ang maging isang superhero pero nagising na lang ako sa katotohanang isang gago lang ang mag-iisip na totoo ang mga ganitong klase ng tao. Kahit ngayon bente anyos na ko iniisip ko kung pano kaya kung totoo ang mga superhero? mas magiging maayos kaya ang mundo? o baka instead na nuclear power ang panlaban ng mga bansang nasa digmaan eh ginagamit nila ang cool na ultraelectromagnetic chuvaness ng mga nilalang na to.

Napanood ko sa isang palabas na pambata na kung saan ang mga bida ay mga superheroes, napagod ang mga superheroes na gawin ang kanilang tungkulin dahil lahat na lang iniasa na sa kanila mula sa pag-grocery hanggang sa pagbukas ng bote ng pickle kaya ang ginawa nila hinayaan nila ang mga tao. Hanggang sa salakayin sila ng monsters since hindi na nila maasahan ang mga superhero para tulungan sila ginamit ng mga tao ang kanilang kakayahan para matalo yung monster.

Wala nga sigurong Superhero, pero lahat tayo may kakayahan para iligtas ang mundo at siguro para sakin isa lang ang pagbablog sa mga kakayahan ko upang baguhin ang mundo. Tulad nga sa tagline ng pelikulang Schindler’s list: “whoever saves one life, saves the entire world“. Lahat tayo may kapangyarihan maglitas ng buhay kinakailangan lang naten gamitin ang ating kakayahan, talento o kaalaman naten para magawa ito.

Hindi nga ako superhero pero may kakayahan naman akong magsulat at ilathala ang mga ito sa KokeyMonster.com. Hindi nga siguro kasing cool ng mga superhero ang mga kakayahan ko pero at least kahit papano alam kong sa bawat nilalathala ko may isa o dalawang natutuwa sa mga ginagawa ko at maaring nililigtas sila sa plano nilang pagpapakamatay dahil nalaman nilang mas emo pa ako kesa sa kanila.

13 posts, 900+comments, 9 categories, Page Rank 4, 11000+ visitors, 1100+ tag board messages, 100 days, 1 blog… WWW.KOKEYMONSTER.COM!

Ito ang aking lathala para sa ika-isangdaang araw ng blog na to.

nunal

June 13, 2008 § 151 Comments

Sa dinami dami ng pwedeng paglagyan ni God ng nunal sa katawan ko ewan ko ba kung bakit etong kuwan ko pa ang napili nyang lagyan. Ayon nga sa matatanda may mga ibig sabihin daw ang mga nunal at depende ito kung san nakalugar ang mole sa katawan mo.

Natatandaan ko pa ang sinabi ng aking grandma nung bata ako na pagtanda ko raw eh magiging babaero ako dahil sa nunal ko sa bahaging dapat itago sa publiko. Ganun din daw kase ang tatay ko, halos lahat na ata nakuha ko na sa tatay ko mula sa kanyang mukha hanggang sa nunal sa may kuwan pwera na lang siguro yung kutis ng tatay kong maputi at ilong nyang matangos pero mas lalong hindi ko nakuha ang pagiging babaero nito.

Malandi ako pero hindi ako manyak at babaero. Magkaiba ang salitang malandi sa babaero at manyak kahit itanong mo pa kay balagtas. Kakambal na ata ng pangalan ko ang salitang malandi, at aminado din naman na ako na malibog akong tao pero kahit kelan eh hindi ako naging babaero. Sa pagkakaalala ko eh hindi pa ako naging salawahan at mas lalong hindi PA ako nakikipag 3some. Although mukhang exciting ang ganong bagay lalo na yung huling nabanggit eh parang di ko ata kakayanin na gawin yun. Hindi naman sa nagmamalinis ako o nakikipagplastic o napapanggap lang na ayokong gawin ang mga bagay na iyon dahil binabasa ng gelps ko tong blog ko kundi sa napakasimpleng rason na hindi ko lang maatim na gawin yun. Kayang kaya ko naman gawin eh kung gugustuhin ko pero sabi nga ni Doraemon eh hindi porket kaya mo ng gawin ang isang bagay eh gagawin mo na saka mahal ko ang girlfriend ko hindi ako gagawa ng isang bagay na alam ko namang masasaktan sya.

Nasa dugo daw namin ang pagiging babaero. Mula pa sa ninuno ng mga ninuno ko. Kadikit na ng Middlename at Surname ko ang salitang babaero. Lolo, mga Tito, Tatay, at maging ang Kuya ko. Salamat kay God at hindi ako kabilang sa kanila. Mula sa masaganang buhay ay naghirap ang tito ko dahil sa pambababae, Pinatay ang pinsan ko dahil sa pambababae, ngayon naman sumasakit ang ulo ng utol ko dahil sa pambababae at dahil din sa pambababae ng tatay ko hindi kami tuluyang naging citizen ng bansang Canada.

May isang kasabihan na Men are polygamous by nature at ang basehan daw ng tunay na lalake ay ang pagkakaroon ng maraming babae. Mali! hindi ba ang tunay na lalaki ay may tunay na paninindigan, paninidigan na magmahal lang ng isa at ang kakayahang labanan ang tukso. Kung naniniwala kang kelangan mong magkaroon ng maraming babae para lang mapatunayan mong maton ka, tigasin at isang kang tunay lalaki pwes kelangan mong iuntog ang ulo mo ng isang libong beses sa konkretong semento para magising sa katotohanang kailan man ay hindi naging basehan ng pagiging lalaki ang pagkakaroon ng gadosenang babae.

Sa batas ng tao at sa batas ng Dyos bawal ang pagiging babaero. Wag kang Sakim! kung meron ka na ipaubaya mo na lang sila sa iba.

 June 14 2008, 9 months na akong nagblablog at 3 months na tong kokeymonster! weee

Where Am I?

You are currently viewing the archives for June, 2008 at Kokey Monster.