Fuck Man

April 19, 2008 § 87 Comments

Ilang gabing hindi makatulog, puyat at iniisip ang mga bagay bagay. Ilang araw ng di makapagtype ng maayos dahil nasobrahan sa kakalaro ng putotoy psp. Gabi gabing pinipilit makatulog o makaidlip man lang pero ayaw makisama ng katawan ko. Para mawala ang pagkabagot at para makatulog nilalaro ko ang FIGHT NIGHT ROUND 3. (dahil hindi ako magaling mag eksplika eh bisitahin mo na lang ito para malaman kung anong klaseng laro ito)

Dahil uso ang larong boksing dito sa Pinas, yan ang nilalaro ko. Dito rin ako nagkaroon ng pagkakataon para papangitin lalo ang pagmumukha ni Emmanuel Dapidran Pacquiao. Sapagkat suntok sa buwan na makadaupang palad sya sa totoong buhay eh dito ko na lang din natupad ang pangarap kong Pakyuhin si Pacquiao. I mean masambit ang malutong pa sa chicharon na PAKYU PACQUIAO!

Teka, bago kayo magbigay sakin ng death threat dahil nilalait ko ang Pambansang Kamao eh nais kong sabihin na hindi ako anti-PacMan, galit lang ako sa mga kapwa ko mayabang. At kelangang pa bang imemorize na mas magaling naman ako di hamak na mag ingles sa kanya!

Hindi naman ako nahilig sa boksing dahil ayoko ng nakakakita ng dalawang taong nagsasakitan. Hindi rin ako mahilig sa wrestling kahit na aminado ako na mahilig akong makipag wrestling at makipagboksing sa mga kapatid ko nung mga panahong supot pa ako. (INFO: nakipagboksing ako sa kuya ko nitong october lang pero tuli na ko nun.. ang mature namin no. nagboboksing pa kame. haha).

Boxing is a primitive sport. Oh wow sabi sa inyo mas magaling ako mag ingles kay Fuck Man. tulad ng nasabi ko ang larong boksing ay isang primitive sport. Yun lang naman ang pananaw ko kaya kung di man tayo nagkakasundo sa aking kuro kuro ukol sa larong ito ay mabuting manahimik ka na lang dahil ako ang may ari ng site na ito at hindi ko hinhingi ng opinyon mo. joke lang (half meant)

Hindi ko rin naman maiwasang manood ng boksing paminsan minsan dahil kelangan ko ring suportahan ang ating mga kababayan saka wala rin masyadong taong nagsisilabasan kapag may laban si Fuck Man kaya mas mainam na manood na lang ng boksing kesa gumala mag isa. Hindi naman ako magpapakaplastik at sasabihing hindi ako natutuwa kapag nakikita kong bumabagsak ang mga kalaban ng mga kababayan nateng Pinoy. Tahimik akong tao pero napapasigaw ako, napapahiyaw at nangigigil kapag nakikita kong liamado (tama ba spelling?) ang pambato naten.

Minsan pakiramdam ko isa rin akong boksingero na nasa featherweight division na ipinasok sa isang fight kalaban ang heavyweight na boksingero. Bugbog sarado, sira ang pagmumukha, duguan at pagod at sa bawat pagbagsak ko eh marami ang natutuwa. Napakahirap bumangon mula sa pagkakabagsak. Binibilangan ka pa at na prepresure ka na at iniintindi na kelangan mong tumayo bago pa umabot sa sampu. Bumagsak ka na nga pero maraming tao ang nasisiyahan at nagsisipalakpakan pa na parang may birthday party, ang matindi mas liligaya pa sila lalo pag hindi ka na nakatayo mula sa kinasadlakan mo. K.O na ko! masakit tanggapin pero isa na akong talunan. Kelangan ko na lang bumawi sa susunod na laro. Yun ay kung bibigyan pa ko ng isa pang pagkakataon.

Tagged: ,

§ 87 Responses to Fuck Man

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Fuck Man at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: