Cain & Abel

April 6, 2008 § 107 Comments

FB: Ilipat mo nga yan. Para kang bata. Ano ba yan Kung Fu Kids? sus!
Bunso: Aba! nagsalita ang matanda. Mas malala ka pa nga sakin eh. Mga pinapanood mo cartoons.

Hindi na ko umimik dahil totoo naman na puro mga cartoons ang mga pinapanood ko. Isa akong bata na natrap sa katawan ng isang malaking mama. Saka pag sumagot ako hindi na naman matatapos ang bangayan naming mag utol na pwedeng mauwi sa asaran. Ang lakas mang asar nitong bunso namin, eh mabilis pa naman ako maasar kase alaskador din ako. Ganun daw talaga. Yung mga mahilig mang alaska eh mabilis maasar.

Isang taon lang ang tanda ko sa kanya at nung bata kame ay lagi kameng magkatulad ng damit pati tsinelas at brip. Kung anong meron ako dapat meron din sya at dapat pareho talaga. Pilit kaming pinagmumukhang kambal ng aming mahal na Inay. Kamukha ko ang tatay ko sya naman kamukha ni Mama. Sya talaga yung orihinal na baboy ng pamilya, ewan ko ba kung bat nung lumaki na kame eh nagkapalit na kame katawan.

Magkaibang magkaiba kame, sya nahilig sa sports ako naman nahilig sa pagjajakol, sya ang good boy ng pamilya ako naman ang prodigal son, mas gwapo sya sakin pero mas malakas naman ang aking sex appeal, mas matalino ako sa kanya pero mas marami syang medalya pero kahit na magkaiba kame may isang bagay pa rin na nag uugnay samin. Magkapatid kami. Ako si Cain at sya si Abel. Pero di tulad ng kwento sa bible hindi ko kayang patayin ang kadugo ko.

Madalas kaming magkasagutan at walang araw na hindi kami nagsisigawan. Umagang umaga palang eh nag aaway na kami. Mga simpleng bagay na pilit kong pinapapalala. Mas matanda ako sa kanya pero aminado akong mas matured sya mag-isip kesa sakin.

Malimit ko din syang utangan at madalas eh nakakalimutan nyang na may utang ako sa kanya kaya masarap syang utangan. Pero madalas ko naman syang ilibre kaya hindi na rin nya ko sinisingil.

Isang beses nagdrama sya sabi nya “iiyakan mo din naman ako pag namatay ako eh” sinagot ko na lang sya sa pamamagitan ng malakas na tawa at sinabi ko na “magpapapyesta ako nun! mas sasaya ang mundo pag nawala ka” pero sa loob loob ko gusto ko syang murahin “Tangina ka! wag kang ganyan ako muna mamamatay bago ka,wag mo kong unahan”

Pero seryoso hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala si bunso, kahit na madalas ko syang tawaging ampon eh kahit papano eh kapatid ko pa rin yun. Saka sya lang ang taong nakakausap ko ng matino dito sa bahay. Pwede kong sabihin sa kanya lahat ng bagay na hindi ko masabi sa mga iba kong kapatid. Ayokong maging Emo pero kung mawawala si bunso maaring sumunod ako.

Gusto kong maging bunso pero mas okay maging kuya kase meron kang utusan. Kaya pasensya na bunso kung minsan abusado utol mo.

Mayabang sya, pilosopo at gago. Mga bagay na mukhang namana nya sakin. Hindi ko pa nasasabi na mahal ko sya coz duh! that is so gay. Hindi naman ata tama na mag akapan kami at mag iyakan at sasabihin sa isa’t isa ang katagang “I LOVE YOU UTOL”, ang laswa nun kaya ipapaubaya na lang namin yun sa mga ate namin. Pero alam ko naman na alam nya na lab na lab sya ng gwapo nyang kuya. Malayo pa bday mo pero babatiin na kita. Happy Bday Bunso sa May 24. Mahal na mahal ka ni kuya kahit na mukha kang tanga.

PS. Kinuha ko yung baby pic mo. Wag ka maasar.
ETO PIC NI BUNSO

PPS. Oy YODS (kuya ko na blogger din) wag ka magselos next time ikaw naman gagawan ko ng entry.

Tagged: , ,

§ 107 Responses to Cain & Abel

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Cain & Abel at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: