Pusangina mo!

April 29, 2008 § 107 Comments

PUTA! PUTA! PUTA!

Yan ang sinisigaw ng pamangkin kong 3 y/0 na bulol tuwing nakakakita ng pusa. Hindi ako magtataka kung balang araw eh makikipagtagisan sakin tong pamangkin kong to sa palutungan ng mura. Baka pag lumaki to ganito na lang sabihin nya sakin: ” Putangina mo talaga tito, anak ka ng ang taba mo talaga tanginang yan, kelan ka ba matututong pukeng inang magpapayat shet. Taena mo tito yer so fat! Pakshet ka! Pakyu! Pakyu! Pakyu ka talaga! Pakamatay ka na lang gago ka!”

I’m a cat person kase naman takot ako sa aso lagi kase ako nakakagat in fuck fact muntikan na akong mamatay dahil sa rabies. Yung huling alaga naming aso na galisin nung bata ako eh pinapainom ko pa ng expired na gamot, Aba malay ko ba na iba pala ang gamot ng tao sa gamot ng aso saka malay ko ba sa expiration chuva, basta alam ko lang kelangan nya ng gamot para gumaling yung galis nya. Kinabukasan pag gising ko kinuha na sya ni Papa God.

Madami akong pusa, I really love pussies I mean Pusa. Mga pusakal lang sila na nakita ko sa kalye at inampon ko. Yung iba basta basta na lang pumupunta sa bahay tapos ayun pinapakain ko mula noon hindi na ako nakakakita ng daga, Isa pang dahilan yun kung baket gusto ko ng pusa kase Zemmiphobic ako. Kumakaripas ako ng takbo pag nakakakita ako ng daga! Mas takot pa ko sa daga kesa sa mga manginginom sa labas ng subdivision namin. Kaya ko pang makipagbunong braso sa mga adik na nakatambay at magugustuhin ko pang chupain sipsipin ako ni dracula kesa makakita ng daga.

Sabi ng mga kuya’t ate ko eh takot daw ako sa pusa nung bata ako, yun daw yung panakot nila sakin pag nagloloko ako. Nito lang naman ako natuwa sa mga pusa, dala na rin siguro ng impluwensya ng mga kaibigan kong sumasampalataya sa mangkukulam. Saka gumanda rin yung disposisyon ko sa buhay mula nung nagkaroon ako ng mingming. Madalas din kaming mag away ng ex ko dahil mas mahal ko pa daw yung mga pusa ko kesa sa pussy nya kanya. Lagi rin kameng nag-aaway ni bunso pag nakikita kong sinisipa nya yung mga pusa ko.

Pero kamailan lang eh parang wala na akong nakikitang pusa dito sa bahay. Namaos na ko sa kaka-wiss wiss wiss wiss pero hindi pa rin sila nagpapakita. Hindi ko alam kung niligaw na sila ni Yods dahil balak nyang mag-uwi ng aso o nilayasan na talaga ako ng mga kuting ko. tsktsktsk. Well, ano pa bang magagawa ko kung ayaw na nilang bumalik sakin. Ganun naman talaga ang buhay eh lagi may mang-iiwan at may iiwanan, malas ko lang ako yung iniwan. Madalas din akong kalmutin ng mga pusang inang to kaya Kahit anong klaseng alaga pa ang gawin mo, magkakaroon pa rin sila ng lakas para kalmutin ka. Kaya eto maghahanap ako ng expired na gamot para ipainom sa asong iuuwi ng utol kong si Yods. Bwhahahaha!

Advertisements

adik

April 27, 2008 § 48 Comments

“Lahat ng adik eh sumisikat pwede din Lahat ng sumisikat eh nag-aadik”

-Mariano (hachipatuchi.blogspot.com)

Maaring tama nga si Pareng Mariano dahil naging sikat ang insan kong dating adik yun nga lang eh namatay sya sa isang karumal dumal na krimen dalawang taon na ang nakakaraan. Namatay muna sya bago sya sumikat.

Kelangan ko na din sigurong itigil ang pagsinghot ng betsin at pagtira ng katol at sunog na gulong. Saka wala akong balak sumikat hindi ako araw para sumikat dahil isa akong star!


Fuck Man

April 19, 2008 § 87 Comments

Ilang gabing hindi makatulog, puyat at iniisip ang mga bagay bagay. Ilang araw ng di makapagtype ng maayos dahil nasobrahan sa kakalaro ng putotoy psp. Gabi gabing pinipilit makatulog o makaidlip man lang pero ayaw makisama ng katawan ko. Para mawala ang pagkabagot at para makatulog nilalaro ko ang FIGHT NIGHT ROUND 3. (dahil hindi ako magaling mag eksplika eh bisitahin mo na lang ito para malaman kung anong klaseng laro ito)

Dahil uso ang larong boksing dito sa Pinas, yan ang nilalaro ko. Dito rin ako nagkaroon ng pagkakataon para papangitin lalo ang pagmumukha ni Emmanuel Dapidran Pacquiao. Sapagkat suntok sa buwan na makadaupang palad sya sa totoong buhay eh dito ko na lang din natupad ang pangarap kong Pakyuhin si Pacquiao. I mean masambit ang malutong pa sa chicharon na PAKYU PACQUIAO!

Teka, bago kayo magbigay sakin ng death threat dahil nilalait ko ang Pambansang Kamao eh nais kong sabihin na hindi ako anti-PacMan, galit lang ako sa mga kapwa ko mayabang. At kelangang pa bang imemorize na mas magaling naman ako di hamak na mag ingles sa kanya!

Hindi naman ako nahilig sa boksing dahil ayoko ng nakakakita ng dalawang taong nagsasakitan. Hindi rin ako mahilig sa wrestling kahit na aminado ako na mahilig akong makipag wrestling at makipagboksing sa mga kapatid ko nung mga panahong supot pa ako. (INFO: nakipagboksing ako sa kuya ko nitong october lang pero tuli na ko nun.. ang mature namin no. nagboboksing pa kame. haha).

Boxing is a primitive sport. Oh wow sabi sa inyo mas magaling ako mag ingles kay Fuck Man. tulad ng nasabi ko ang larong boksing ay isang primitive sport. Yun lang naman ang pananaw ko kaya kung di man tayo nagkakasundo sa aking kuro kuro ukol sa larong ito ay mabuting manahimik ka na lang dahil ako ang may ari ng site na ito at hindi ko hinhingi ng opinyon mo. joke lang (half meant)

Hindi ko rin naman maiwasang manood ng boksing paminsan minsan dahil kelangan ko ring suportahan ang ating mga kababayan saka wala rin masyadong taong nagsisilabasan kapag may laban si Fuck Man kaya mas mainam na manood na lang ng boksing kesa gumala mag isa. Hindi naman ako magpapakaplastik at sasabihing hindi ako natutuwa kapag nakikita kong bumabagsak ang mga kalaban ng mga kababayan nateng Pinoy. Tahimik akong tao pero napapasigaw ako, napapahiyaw at nangigigil kapag nakikita kong liamado (tama ba spelling?) ang pambato naten.

Minsan pakiramdam ko isa rin akong boksingero na nasa featherweight division na ipinasok sa isang fight kalaban ang heavyweight na boksingero. Bugbog sarado, sira ang pagmumukha, duguan at pagod at sa bawat pagbagsak ko eh marami ang natutuwa. Napakahirap bumangon mula sa pagkakabagsak. Binibilangan ka pa at na prepresure ka na at iniintindi na kelangan mong tumayo bago pa umabot sa sampu. Bumagsak ka na nga pero maraming tao ang nasisiyahan at nagsisipalakpakan pa na parang may birthday party, ang matindi mas liligaya pa sila lalo pag hindi ka na nakatayo mula sa kinasadlakan mo. K.O na ko! masakit tanggapin pero isa na akong talunan. Kelangan ko na lang bumawi sa susunod na laro. Yun ay kung bibigyan pa ko ng isa pang pagkakataon.

Cain & Abel

April 6, 2008 § 107 Comments

FB: Ilipat mo nga yan. Para kang bata. Ano ba yan Kung Fu Kids? sus!
Bunso: Aba! nagsalita ang matanda. Mas malala ka pa nga sakin eh. Mga pinapanood mo cartoons.

Hindi na ko umimik dahil totoo naman na puro mga cartoons ang mga pinapanood ko. Isa akong bata na natrap sa katawan ng isang malaking mama. Saka pag sumagot ako hindi na naman matatapos ang bangayan naming mag utol na pwedeng mauwi sa asaran. Ang lakas mang asar nitong bunso namin, eh mabilis pa naman ako maasar kase alaskador din ako. Ganun daw talaga. Yung mga mahilig mang alaska eh mabilis maasar.

Isang taon lang ang tanda ko sa kanya at nung bata kame ay lagi kameng magkatulad ng damit pati tsinelas at brip. Kung anong meron ako dapat meron din sya at dapat pareho talaga. Pilit kaming pinagmumukhang kambal ng aming mahal na Inay. Kamukha ko ang tatay ko sya naman kamukha ni Mama. Sya talaga yung orihinal na baboy ng pamilya, ewan ko ba kung bat nung lumaki na kame eh nagkapalit na kame katawan.

Magkaibang magkaiba kame, sya nahilig sa sports ako naman nahilig sa pagjajakol, sya ang good boy ng pamilya ako naman ang prodigal son, mas gwapo sya sakin pero mas malakas naman ang aking sex appeal, mas matalino ako sa kanya pero mas marami syang medalya pero kahit na magkaiba kame may isang bagay pa rin na nag uugnay samin. Magkapatid kami. Ako si Cain at sya si Abel. Pero di tulad ng kwento sa bible hindi ko kayang patayin ang kadugo ko.

Madalas kaming magkasagutan at walang araw na hindi kami nagsisigawan. Umagang umaga palang eh nag aaway na kami. Mga simpleng bagay na pilit kong pinapapalala. Mas matanda ako sa kanya pero aminado akong mas matured sya mag-isip kesa sakin.

Malimit ko din syang utangan at madalas eh nakakalimutan nyang na may utang ako sa kanya kaya masarap syang utangan. Pero madalas ko naman syang ilibre kaya hindi na rin nya ko sinisingil.

Isang beses nagdrama sya sabi nya “iiyakan mo din naman ako pag namatay ako eh” sinagot ko na lang sya sa pamamagitan ng malakas na tawa at sinabi ko na “magpapapyesta ako nun! mas sasaya ang mundo pag nawala ka” pero sa loob loob ko gusto ko syang murahin “Tangina ka! wag kang ganyan ako muna mamamatay bago ka,wag mo kong unahan”

Pero seryoso hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala si bunso, kahit na madalas ko syang tawaging ampon eh kahit papano eh kapatid ko pa rin yun. Saka sya lang ang taong nakakausap ko ng matino dito sa bahay. Pwede kong sabihin sa kanya lahat ng bagay na hindi ko masabi sa mga iba kong kapatid. Ayokong maging Emo pero kung mawawala si bunso maaring sumunod ako.

Gusto kong maging bunso pero mas okay maging kuya kase meron kang utusan. Kaya pasensya na bunso kung minsan abusado utol mo.

Mayabang sya, pilosopo at gago. Mga bagay na mukhang namana nya sakin. Hindi ko pa nasasabi na mahal ko sya coz duh! that is so gay. Hindi naman ata tama na mag akapan kami at mag iyakan at sasabihin sa isa’t isa ang katagang “I LOVE YOU UTOL”, ang laswa nun kaya ipapaubaya na lang namin yun sa mga ate namin. Pero alam ko naman na alam nya na lab na lab sya ng gwapo nyang kuya. Malayo pa bday mo pero babatiin na kita. Happy Bday Bunso sa May 24. Mahal na mahal ka ni kuya kahit na mukha kang tanga.

PS. Kinuha ko yung baby pic mo. Wag ka maasar.
ETO PIC NI BUNSO

PPS. Oy YODS (kuya ko na blogger din) wag ka magselos next time ikaw naman gagawan ko ng entry.

WALA AKONG GANA MAGBLOG!

April 4, 2008 § 14 Comments

nakakawalang gana magblog. Wala ako sa sarili kaya hindi ako makagawa ng entries saka makadalaw sa site nyo. Ewan ko. basta babalik na lang ako kung kelan okay na ko. yun lang. Pahinga muna ako sa pagblablog baka sakaling bumalik yung gana ko.

Ge hanggang dito na lang muna.

add nyo na lang ako sa YM. at least dun hindi ako nawawalan ng gana pwera na lang sa mga taong walang sense kausap. Dyos ko! Eto YM ako- alienferbert

UPDATE: 8:47 pm

Bigla akong ginanahan magblog. Gusto kong pasalamatan ang sarili ko dahil binoto ko ang blog ko sa project lafftrip at ang mga taong natuwa’t binoto rin ako. Masaya ko pong binabahagi sa inyo na NUMBER 7 na ako sa project of the year na ito. Mula sa number 21 eh umakyat ako! Maraming Salamat sa inyo. Hayaan nyong suklian ko kayo ng mga entries na gagawin ko pa sa susunod na mga araw. Yun lamang po. Muli Salamat ng Marami sa inyo. weeee

Where Am I?

You are currently viewing the archives for April, 2008 at Kokey Monster.