Upuan

March 19, 2008 § 128 Comments

It all started with a chairJUNO

YEAR 2001

Nagbibinata pa lang ako noon, tumutubo pa lang ang mga buhok sa ibat ibang parte ng katawan ko at dun nagsisimulang magbago ang boses ko kasabay nito nagsimula na rin lumaki ang tyan ko. Isang estudyante sa isang pribadong eskwelahan na mga madre ang nagpapalakad. Sapilitan nila kameng pinagrorosaryo sa umaga, dahil sa laging puyat at nabobored ako kapag nagrorosaryo para aliwin ang sarili ko nagra-rocking chair ako sabay nguya ng bubblegum at astang siga na nakaupo sa pinakahuling row sa bandang gitna.

Wala pa rin tigil sa pagdarasal ang mga kaklase ko at patuloy pa rin akong ngumunguya ng chewing gum at nagrarocking chair. Nakita siguro ni God ang kawalang hiyaang ginagawa ko at pinarusahan nga ako. BOOOOGSH! ang lakas ng pagkakabagsak ko. Natigil ang pagrorosaryo ng buong klase at nagsimula silang magtawanan maliban sa kanya. Nilapitan nya ako at tinanong kung okay lang ako. Kakaiba tong babaeng to, lahat na pinagtawanan ako pero sya hindi ako pinagtawanan, sya lang ang nagtangkang tumulong sakin upang itayo ako mula sa aking pagkakabagsak. Hindi ko mapigilan na humanga sa kanya hanggang sa ang paghangang iyon ay naging sanhi ng unang tibok ng puso ko.

Sa edad na trese anyos ay nagkaroon na ako ng kasintahan, Sya ang kauna-unahang babaeng inalayan ko ng puso ko. Pag-ibig ang bunga ng pagkakabagsak ko. Dahil sa iba’t ibang rason, isa na rin siguro dun ang pagiging bata at immature namin na para lang kameng naglalaro ng bahay bahayan ay nagkahiwalay din kame. Tulad ng ibang laro na natatapos din kapag binalutan na ng kadiliman ang kalangitan, wala ka ng makikitang araw at magsisimula ng magsigawan ang mga nanay upang pauwiin kanilang mga anak. Nagwakas ang unang pag-ibig pagkatapos ng syam buwan.

Marso 2008

Pitong taon na rin ang nakakalipas mula noong maghiwalay kame ng una kong kasintahan. Pero tunay nga na hindi mo makakalimutan ang una mong pag-ibig. Marami na akong nakarelasyon pero ibang iba ang relasyon namin ng una kong gelps. Marahil dahil totoong pag-ibig ang nararamdaman ko noon at walang halong libog.

===================================

Kung nabubuhay ako sa dekada kung saan naging binata ang tatay ko siguro gagamitin nila ang term na SPOOTING para sakin. Hinanap ko pa ang salitang to sa google, Lahat na ng dictionary sinubukan ko na pati spanish, italian, french, japanese at iba pang klase ng dictionary tulad ng SuckMyDICKtionary kaso wala talaga akong makitang salitang spooting. Hanggang sa malaman ko na ito pala ay isang term para idescribe ang taong maayos pumorma.

Bagong bago lahat ng damit ko mula sapatos, medyas, pantalon, shirt pati underwear ko bagong bili. Bumagay ang suot ko sa aking malabalyenang katawan. Naitago ng aking damit ang aking mga flaws sa katawan. Pakiramdam ko napakaperpekto ko.

Minsan lang naman ako pumorma, madalas naka shorts lang ako, simple t-shirt tas nakachucks. Nagpunta ako ng mall di pa man ako nakakapasok nakita ko na agad ang mga tropa kong dating rugby boys. Nakaporma din sila, sabay sabay kaming pumasok ng mall. Tinginan ang mga tao samin na para bang miyembro kame ng boyband na kumanta ng “oh baby baby baby chuk chak chenes chenelin”.

Hanggang sa makita ko ulit sya. Hindi ako makapaniwala pero sya nga iyon, ang unang babaeng inalayan ko ng puso ko. Nagpaalam ako sa mga tropa ko na may pupuntahan lang ako saglit. Hinabol ko sya pero hindi ko na sya nakita. Walang patlang at hinanap ko pa rin sya. Naikot ko na ang buong mall ngunit hindi ko na sya natagpuan o nakausap man lang sana.

Napagod na ako sa kakahanap hanggang sa may makita akong upuan sa dulo. Tama! uupo muna ako at susubukang habulin ang aking hininga pagkatapos noon ay babalikan ko ang tropa. Umupo na ako ng biglang BOOOOGSH! bagsak na naman ako. Nakakahiya dahil tinginan ang mga tao. Ang ganda pa naman ng porma ko tapos eto mapapahiya ako. Tatayo na sana ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Excuse me are you alright? isang boses na parang nagpawala ng kahihiyan ko tila ba nagsasabing “tumayo ka na dyan nandito na ako”.

Tinignan ko kung sino yun, at nasorpresa ako ng makita ko sya. Lahat parang naging background lang nya at boses lang nya ang tanging naririnig ko. Buong atensyon ko sa kanya nakatuon. Kay tagal kong hindi narinig ang kanyang malambing na tinig. Hindi ko akalain na muli kong maririnig ang boses na yun nang dahil lang sa muling pagkakabagsak ko sa aking kinauupuan. History repeats itself, sa ganitong paraan din dati unang tumibok ang puso ko ngayon iniisip ko kung tulad ba ng dati, Pag-ibig din ba kaya ang magiging bunga ng muling pagkabagsak ko?

Tagged:

§ 128 Responses to Upuan

  • anonymous says:

    ahaha. buti na lang at may twitter. updated ako. AHAHA.

    ayos. kamusta naman yung si persgelpren? ganun pa rin ba? ayihie. alam mo kuya, talo pa pala kita.pano una akong kumerengkeng 12 years old oa lang ako. HAHA. nagkaboyps ako nung persyir HS. tas nagbreak kami after 6months. xka dumating si papa kriz. hehehe. goodluck naman. sana makita mo na yung dapat mong makita. hehe.

    .noime.

  • anonymous says:

    oy di ah. grade 5 naman ako nung nagkaruon ako. haha. 10 lang ata ako nun. hehehe. pero lumalandi na rin ako nung panahong yun. may kasulatan na ako ng labbletter. pero di naging kame. hindi ko pa naisip yun eh. basta soooobrang kras ko yun. naalala ko pa nga pangalan nun eh, si ‘Ace’. HAHA.

    • ferbert says:

      Once a week lang ako magpost..
      o kaya every 5 days..
      wag nyo akong madaliin..
      busy ako sa social life ko… hahaha

      tinamo? parang tangina mo unag basa ko dyan.. lol

      Ang kasunod nito yung pelikulang ONE MORE CHANCE NA..

      Pwedeng ako na lang.. Ako na lang ulet?

  • Lianne says:

    Namangha naman ako sa kwento sa likod ng una mong pag-ibig. At ang ganda rin ng muli ninyong pagtatagpo. Hahaha. At tama ang ginamit to sum it all up, “it started with a chair” ni Juno. Haha. aylabit.πŸ™‚

    • ferbert says:

      KUYA ka dyan! mas matanda ka sakin ng apat na taon!

      oo putol yan kase may kasunod pa.. part 2 kumbaga.. hehe

      Ganun talaga pag pers lab walang halong libog.. weee!

  • lunes says:

    wehehe..mabuti naman at naaus ito. natulog ka pa ba?? o inantay mo itong maaus? ako itinulog ko na lang.pagkagising ko, okie na.

    ang swerte mo naman sa mga chairs. ako malaki ang malas ko sa chair. kasi nung nandun ung kras ko sa bahay, tapos uupo ako sa chair – ung ogag ko na kapatid, hinila ung chair. To my surprise, naramdaman ko nsa semento na ako.. sympre turnoff si kras..ahaha…

  • kurisujae says:

    ang galing ng kwento pare.
    that’s wat u col DESTINY.
    anlupet!

    gudluk bro!

    (ey,wala pa ata ako sa earthlinks…hehe.thanks for dropping by sa stupidblog)

    kurisujae’s last blog post..KJ & GF’s Love Story (Part 1)

  • popoy says:

    Bakit ba hinahabol ako ng mga kwento at problemang pag-ibig?? Dahil ba sa year of the Rat ako at ito’y isa sa mga hula ng mga feng shui experts?? hehehe.

    nakakatuwa ang kwento mo IHO. Ako’y nagagalak na hindi lang pala sa mushy at cheesy napelikula lang nagaganap ang mga eksenang yan.

    Gudlak sau FerBert at sa babaeng twice nang sumagip sau sa kahihiyan HAHAHA.. PIZ!!!

    popoy’s last blog post..Mag TAG tayo ngayon HOLY WED…

  • churvah says:

    aba..may bago na pla.
    after 48 yrs..
    lol!

    tinamo nga nman ng dahil sa upuan.
    nka kuha ng pers gelpren.
    ano kaya susunod na kabanata sa kwentong ito?

    churvah’s last blog post..thank you,bunso!

    • joice says:

      yung bestfriend kong malande grade1 pa lang kame nakikipagsulatan na ng love letter,,, ako pa tigaabot… tapos eventually nung grade 4 na kame, ako naman naging crush nung kapalitan nya ng sulat.. hahaha.. tapos nalaman ko na pinsan ko pala sya.. hahaha..

      joice’s last blog post..I Can’t Forget the Days of Old*

  • jeck says:

    putol? ganda ng love story mo kuya. medyo kinilig po ako. natatandaan ko rin yung pers lab ko. hindi pa po ako tuli nun kuya. wala ring halong libog. hahahahaha
    wish ko maging maganda ang takbo ng lab team niyo kuya. hanggang sa muli, kuya ferbert. ahihihihi

    jeck’s last blog post..para kay birthday girl

  • Abad says:

    wow, this is almost too good to be true. parang kumukoreanovela.

    bumagsak din ako ng ginawa kong rocking chair ang upuan ko noong highschool. Sa likod ako nakaupo kaya dalawang beses akong nauntog, sa pader at sa sahig. wala namang tumawa sakin, nagunahan silang itayo ako. batas. haha.

  • Meryl says:

    Nang dahil sa rocking chair. Bow. Woohoo.

    Meryl’s last blog post..On hiatus.

  • Ayiene says:

    At aba’y akalain mo bang sa pagkabagsak ng upuan nag-umpisa at sa pagkabagsak din ng upuan nagtapos.πŸ™‚

    Aww, may pag-asa pa ba maging kayou ulit? Siguro first loe never dies talaga.

    Excuse me are you alright?

    English ispokening. Nose bleed. Kung ako yan, ‘bata, ok ka lang?’

    PS. Wow, may commentluv ka na rin dito.

  • coldman says:

    naku, pwedeng-pwede ka ng script writer!

    galing.

    coldman’s last blog post..The teaching experience

  • Leyn β™₯ says:

    magandang teknik yun a.
    try ko rin magpa bagsak minsan baka sakaling may sumalo na prince charming… at makahanap na ko ng lab layp.

    wehehehe.

  • Ngayon ko lang nabasa ito pero kanina pa akong nagtatatanga dito sa opisina. Bakit nga ba hindi ko kagad nabasa ito para sinipag naman lang akong magpatuloy sa buong araw ko.

    Maganda ang kwento mo FerBert, hayaan mo akong sabihan kita ng IDOL!!!

    Siguro kung sa mataas na building ako magpapabagsak baka mapaibig ko pa ang isang anghel. Pero sabi nila wala daw gender ang anghel so sa silya na lang ako magpapabagsak.

    Mariano Juancho’s last blog post..Taribyot

  • xienahgirl says:

    buwiset na blogroll
    di ko tuloy alam
    kung may updates
    nahuhuli ako
    naknangbituka
    tsk

    ako
    ang pers lab ko
    pati pers kras ko?
    pano nga ba?
    lahat ay nagsimula

    sa pangangalabit
    hahaha

  • jep says:

    naks naman.. nagkita ulet kau.. hmmm.. karir na yan.. teka may bf ba siya? kung wala, ano pang hinihintay mo upo ka ulet sa upuan tapos hintayin mo siya hehehe.. naman nagkamali ako ng paglagay ng comment at nailagay ko siya sa ibang entry mo.. pasensya na, natanga eh wala pa kasing tulog eh.. haha..

    jep’s last blog post..Pedomorphic

  • mnel says:

    FB, literal ka ha? you literally fell in love. hahahaha.

    ako 11 lang ako nung nagkaroon ako ng first boyfriend na tumagal ng tumataginting na 1 month and 1 day. hahahaha.

  • cedeux says:

    una, pasensya na nagun lang ako nakapagcomment. mejo di pa tapos kakaparty ko! hehehe

    peborit mo rin pla si juno ah?

    pers lab ba ito utol? sya nga ba ulit un?
    kung worth naman ibigay at itry ang lahat para lang sa pagibig at alam mong ikasisiya mo yun… bakit hindi mo subukan… at least ngaun may edad kna, may mga natutunan kna sa mga nauna mong relasyon…

    kung sa tingin mo, worth isuko at ibigay ang lahat sa taong yun… sige lang.

    suportahan kita utol! hehe

  • krisjasper says:

    pamatay talaga yung running shorts sa JUNO.. yung sa BF niya. LOL. pati yung headband. wala lang.. pinanood ko yang juno one week before pinalabas sa UK cinemas, pirated from US (DVD copy).. nakatulog ako. haha… pero gusto ko yung soundtrack.

    anw, baka naman maging halimaw sa banga na naman yan? ikaw din, dahan dahan lang.. slow but smooth. wag mong (idiin, err..) madaliin.

  • acey says:

    1 lang ang masabi ko: hahaha.

    (nakakatawa ka talaga)

    acey’s last blog post..on graduating

  • geisha says:

    pag-ibig?
    masdan ang ginawa mo?

    hehehheπŸ˜†

  • McRey says:

    Oh no… sarang ing gayo?! wahaha

    Nakakainggit, kailan ko kaya mararanasan ang ganyang piling?! Wahahaha… parang teen movie.

    McRey’s last blog post..Welga ako sa welga nyo!!! AMFSHET!

  • Fau Rafili says:

    anak nang tokwa, kailangan bang laging malaglag sa upuan… haiz… pero ang kulet ah! nakakatuwa naman yung labstori noy… WEIRD! kailangan pa kasing malaglag eh.. si kaya’t ang Embarrassing Moments mo eh siya mismong Happiest and Unforgettable Experiences mo. nyahahaha! kakatuwa to Grabe. Bat di ka Magsulat ng libro???

    Fau Rafili’s last blog post..Virgin Pussy😦

  • magpalaglag ka parati sa upuan para parati mo rin siya makikita.. hahaah.. hindi mo naman kinuwento yung kwento pagkatapos ng kwento mo. mas kaabang abang kaya yun!

  • veramoko says:

    napakadaming comments. tinatamad akong basahin, malamang may nagsabi na pero pareng alien.. literal na na fall-in-love ka. ang gandahhh.

    veramoko’s last blog post..of themes and family outings

  • Johnjan says:

    Waw! Nice reference to Juno. Love that movie and liked your story. hehehe pwede na atang entry sa “maalaala mo kaya”.πŸ˜›

    Johnjan’s last blog post..Lent

  • ANONIMOUS says:

    bagong blog daw…ang arte! tse!πŸ˜‰

    me bagong post ako tol…

    hulaan mo kung sino ako…hihihi

    hhhhhhehhhhhhhhhhchhhhhhhhhkhhhhhhhhhhthhhhhhohhhhhhhhrhhhh

  • BURAOT says:

    huuuu! kahaba ng pila…eniwey, babatiin lang kita tol dito sa bago mong dotcom. nakanaks, me password protect pa yung ibang post ha? ano yun porn? nyahahahah!

  • straycat260 says:

    Ang moral lesson magrosaryo ka naman. hehe.. Nice blog dre..

    straycat260’s last blog post..Madrasta:Tabeth

  • joice says:

    feeling ko peyborit mo yang juno. hehehe. so will it end too in a chair?

    ang kyut naman… magandang lab istori ito.. sana pag-ibig ulit ang kabagsakan mo..πŸ™‚

  • Miranda says:

    dahil ang ganda ko, nakita ko ang blog mo.

    aliw naman ako sa kwento mo. so kumusta naman sya? pinagtawanan ka ba? kase kung ako yun, tatawa ako ng malakas, at sisigawan ka ng.. HOY ANG LAKI LAKI MO NAHUHULOG KA PA RIN SA UPUAN! SAN KA BA PINAGLIHI HA? HA?! HA?!!!

    hehehehehe. pero di nga ang galing. balitaan mo kame kapag naging kayo ulit.

    Miranda’s last blog post..Hay Buhay

    • ferbert says:

      hahahaha..
      parang grade 1 eh
      ako palang yung anak
      sa bahay bahayan namin..
      di pa ko tatay..

      taena! pabata ng pabata..
      pag anak ko nagkaboyps ng kinder
      naku po! ewan ko lang..
      pero baka nga magmana mga anak ko sakin
      kase malandi tatay nila.. hehehe..πŸ˜›

  • gasti says:

    walangya nalula ako sa dami ng comments!

    ayos na ayos ang love story..perslab never dies talaga at akalain mo nga namang magkikita pa kayo..hanep! dizizit! wag mo ng pakawalan pa..bagay na theme song dyan ay fallin…and now Im fallin..catch me if you can..haha! ganun ka ba talaga kabigat or ka-clumsy para bumagsak na lang ng basta basta? ingat ka baka sa susunod na bagsak mo di ka na makabangon.

  • walastik sa dami ng mga komentos heheheheπŸ˜‰

    ang swerte mo namang malaglag sa upuan hehe.

    syota ni juan’s last blog post..panawagan ng NOVALICHESπŸ˜‰

    • anonymous says:

      Naalala ko tuloy yung kaklase ko nung Grade 4. Pucha. Naikwento kasi sakin nung kaibigan ko, Grade 1 palang daw yung si tawagin na lang nating R eh, nanrape na. Tsktsk. Haha. RAPE TALAGA! AS IN! R-A-P-E

      anonymous’s last blog post..fact hedeyk 2

  • wow. hanep talaga. dameng komentos internas ah! anlufet mo idol.

    Prinsipe ng Pangarap!’s last blog post..Nomu.

  • Anino says:

    Kokey, tumitibok pala ang puso ng isang monster?

    Wala bang Xerex stories dyan?

  • b@kekang says:

    11 yrs.old,at grade 5 aq ng ngka 1st love,sobrang higpit ng parents q,d nila maintindihan n normal sa tao ang mainlove..palagi silang galit saken..broken hearted n aq d p nila alam..palagi aqng umiiyak ng mag isa..alang karamay..alang nkakaintindi..ang sakit!huh!..(singhot,hikbi)

  • DONGMONYO says:

    waaw! kakatats! hehe! bagay sa inyo eh “baby ur my destiny u and i we’re meant to be”…hahaha!

  • uy ayos ah. bakit ba kinakailangang bumagsak ka sa tuwing natatagpuan ang tunay na pag-ibig… maaaring SIGN yun na siya ngang talaga ay para sa iyo at ikaw naman ay para sa kanya. sa pagkakahulog mo sa upuan ay siya ring pagkakahulog mong muli sa bitag nang pag-ibig. ngayon pa bang matured na kayo at alam na ang tunay na kahulugan ng love. hahaha! go get her!

  • […] love pare! Sino ba naman hindi maaliw sa temang yun? Nakwento ko na sa inyo yung first gelpren ko na wala man lang kangkangang nangyare. Trese ako nun wala pa akong alam sa makamundong bagay […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Upuan at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: