gusto ko ng 15K!

March 29, 2008 § 54 Comments

After ng ilang milyong taon ngayon lang ako boboto. Hindi naman ako naging busy pero pinag isipan kong maigi kung sino ba talaga ang iboboto ko para makapasok sa papremyo ni Badoodles na Project Lafftrip Laffapalooza 2008 na naglalayon na makahanap ng sampung nakakatawa/nakakabaliw/nakakatuwang blogs na gawa ng Pinoy.

1. Chiksilog ni Xienah- Baket sya ang number 1? simple lang ang sagot sa katanungang iyan dahil sya ang number 1 sa puso ko. Sya ang diyosa ng blogosphere, ang babaeng gumawa ng kasaysayan dahil sya lang ang tanging nilalang na nakapagpabagsak kay Inday. Isang babaeng puno ng kalandian pero isang mabuting kaibigan. Sa pagbabasa ng kanyang mga lathala unti unti ka na lang mabibihag at maaadik at hindi ka na makakawala sa gayuma na dulot ng Chik na may itlog. Yan ang blog ni Xienah, parang yosi na pag sinimulan mo ng hithitin hindi ka na makakatigil.

2. Kokey Monster ko- HAHAHA! natatawa ako bat ko ba binoboto sarili ko dito. Ayokong magbuhat ng bangko kaya kokopyahin ko na lang ang sinabi ni Buraot na syang nagboto sakin.

“Ibang klase kasi etong tirada nitong repapips ko, kahit me mura, hindi katulad nung mura nung ibang mga blogs na walang kwenta. Dito pag nakatikim ka ng lumalagutok na PI, you are loved”. –Buraot

3. My Dear Diarya ni Mr.D – Ang kulay taeng blog! Simpleng humirit pero mabagsik.

4. Anak Ni Kulapo ni Buraot- Lahat ng entries nya mabenta, lahat tinawanan ko pati ang madramang yugto ng buhay nya na naging latang yupi ang mamahalin nyang tsekot.

5. Ulirat Ni Mariano: Loser’s Realm ni Mariano- Mahaba ang buhok nito pero walang kinalaman yun kaya ko sya iboboto. Parang nobela kung magsulat ng entry, minsan korni pero mas madalas funny. 😀

Ayun natapos ko na rin sa wakas! Medyo nahirapan ako sa pagboto dahil maraming blogs ang nakakatawa at nakakatuwa. Eto pa listahan ko ng mga blogs na kinagigiliwan ko din. Anukayayun, Marijuana Den, Instant Pakulo, Holy Kamote, Laging Maaraw sa Tuguegarao, Jolog’s Socialite, Row Morning Boleros, Manager’s Launchpad, Miss Kurdapya, Gasti, Jeckyll at Green Pinoy

Kung gusto nyong manalo ng Nokia N70 Music Edition o Sony Cybershot Digital Camera, o halagang 15,000 pesos Bumoto na kayo. Para sa mga impormasyon bisitahin na lamang ang blog ni Sir Badoodles.

PS. Para po kay Sir Badoodles. Pag isahin nyo na lang po yung boto ng Tanginang Alien (luma kong blog) saka po nitong bago kong site etong KokeyMonster.

Advertisements

Bakit Madalang Ako Magpost?

March 27, 2008 § 103 Comments

If you were to raise kids, Never tell them they’re smart. They’ll never study
-Gyeon-woo (My Sassy Girl)

 

Limang taon ako nung una akong isinabak ng tatay ko sa paaralan. June 1993, Kinder at kaklase ko noon ang una kong kras. Matalinong bata raw ako kase mana daw ako sa namayapa kong ina. TAE! di naman eh. Mas matalino kaya ako sa nanay ko. Joke. Syempre mas matalino si inay ni kalahati nga ata sa talino nya eh di ko namana.

Kung yung ibang eskwelahan para sa kinder eh tatak lang ang pinauuwi nila sa mga mag-aaral na parang baboy na inaprubahan ng tagasuri ng karne, sa eskwelahan ko ribbons ang pinamimigay na korteng star. Araw araw akong nag-uuwi ng ribbons dahil matalino ako PERIOD.

Pero paslit pa lang ako eh tamad na ako. Pang umaga kase ang pasok ko eh halos lahat ng show na pambata eh pinapalabas sa umaga, saka hindi lang ako pinabayaan sa kusina pinabayaan din ako sa tv room kaya sa murang edad eh tv adik ako kaya ayun kinatamaran kong pumasok, mas enjoy manood sa boob tube kesa mag aral, pero mas enjoy panoorin ang boobs ni Ehra Madrigal. (Sa mga TV networks kasalanan nyo kung bat ako naging tamad. Porn ang ipalabas nyo sa umaga para pumasok ang mga bata). Saka isa pa kung bat ako tinamad kase pakiramdam ko lahat ng tinuturo ng titser ko eh alam ko na. Hindi ako grumaduate ng kinder pero nakapag grade 1 ako (wag nyo ng tanungin kung pano baka maging sobrang yabang pa image ko sa inyo)

Nung gradeschool naman dun nahasa ang acting skills ko kase tuwing dinadatnan ako ng katamaran eh umaarte ako na masakit ang tyan ko o masama ang pakiramdam ko. Best actor ata ako kaya paniwala naman ang mga guardians ko. Highschool ako noong naging imaginative at lahat ng brain cells ko eh pinapagana ko para lang makaisip ng magandang rason kung bat ako absent. Naging bihasa din ako sa pagsulat ng mga excuse letters. Ngayon sinong magsasabing wala kang matututunan kapag umabsent ka?.

Pala-absent pa rin akong tao hanggang ngayon na nasa kolehiyo na ko sa katunayan yun ang rason kung bat ako bumagsak noong nakaraang school year. Nakarma ang gago! buti nga sakin. Kala ko pagkatapos nun magiging matino na ako at sisipagin na ako sa pag-aaral pero hindi pala. Muntikan na rin akong ma-FDA ngayong sem dahil nga lagi akong wala sa classroom (wag nyo ng tanungin kung saang lupalop ako nagpupunta dahil masyado ng personal ang tanong na yan). Maraming gustong makipagpalit sa utak ko pero sabi ko sa kanila wag na kase magiging tamad din kayo ienjoy nyo na lang ang pagiging bobo. CHOS! Hindi ko din alam kung pano aayusin ang buhay ko kaya wag nyong sabihin na ayusin ko ito.

Ngayon kung bakit ko sinasabi ko ito sa inyo yun ay upang ipaalam sa inyo na kaya ako madalang magpost kase tamad ako. Pagpasok nga kinatataram ko ,ang magblog pa kaya. Isa pa tao din naman ako at marami akong dapat atupagin sa buhay ko, isa na ang seks layp. Isipin nyo na lang na nakikipaglandian ako kaya wala na naman akong bagong post.

Yun lang, kaya pasensya kung wala masyadong update kase busy ako sa pag aayos ng aking buhay. Saka ang pangit naman kung araw araw ako mag-aupdate eh wala naman masyadong nagaganap sa buhay. Kung araw araw ako mag-aupdate baka isama ko na rin kung pano ako magjakol sa umaga, wag yun baboy yun. Hindi carnival ang blog ko na laging may palabas. Saka hindi rin ako payaso na lagi na lang magbibigay ng mga katatawanan sa inyo. Sana maintindihan nyo. Isa pa summer na kelangan kong magpakasaya!

Protected: Blog Break

March 23, 2008 Enter your password to view comments.

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Upuan

March 19, 2008 § 128 Comments

It all started with a chairJUNO

YEAR 2001

Nagbibinata pa lang ako noon, tumutubo pa lang ang mga buhok sa ibat ibang parte ng katawan ko at dun nagsisimulang magbago ang boses ko kasabay nito nagsimula na rin lumaki ang tyan ko. Isang estudyante sa isang pribadong eskwelahan na mga madre ang nagpapalakad. Sapilitan nila kameng pinagrorosaryo sa umaga, dahil sa laging puyat at nabobored ako kapag nagrorosaryo para aliwin ang sarili ko nagra-rocking chair ako sabay nguya ng bubblegum at astang siga na nakaupo sa pinakahuling row sa bandang gitna.

Wala pa rin tigil sa pagdarasal ang mga kaklase ko at patuloy pa rin akong ngumunguya ng chewing gum at nagrarocking chair. Nakita siguro ni God ang kawalang hiyaang ginagawa ko at pinarusahan nga ako. BOOOOGSH! ang lakas ng pagkakabagsak ko. Natigil ang pagrorosaryo ng buong klase at nagsimula silang magtawanan maliban sa kanya. Nilapitan nya ako at tinanong kung okay lang ako. Kakaiba tong babaeng to, lahat na pinagtawanan ako pero sya hindi ako pinagtawanan, sya lang ang nagtangkang tumulong sakin upang itayo ako mula sa aking pagkakabagsak. Hindi ko mapigilan na humanga sa kanya hanggang sa ang paghangang iyon ay naging sanhi ng unang tibok ng puso ko.

Sa edad na trese anyos ay nagkaroon na ako ng kasintahan, Sya ang kauna-unahang babaeng inalayan ko ng puso ko. Pag-ibig ang bunga ng pagkakabagsak ko. Dahil sa iba’t ibang rason, isa na rin siguro dun ang pagiging bata at immature namin na para lang kameng naglalaro ng bahay bahayan ay nagkahiwalay din kame. Tulad ng ibang laro na natatapos din kapag binalutan na ng kadiliman ang kalangitan, wala ka ng makikitang araw at magsisimula ng magsigawan ang mga nanay upang pauwiin kanilang mga anak. Nagwakas ang unang pag-ibig pagkatapos ng syam buwan.

Marso 2008

Pitong taon na rin ang nakakalipas mula noong maghiwalay kame ng una kong kasintahan. Pero tunay nga na hindi mo makakalimutan ang una mong pag-ibig. Marami na akong nakarelasyon pero ibang iba ang relasyon namin ng una kong gelps. Marahil dahil totoong pag-ibig ang nararamdaman ko noon at walang halong libog.

===================================

Kung nabubuhay ako sa dekada kung saan naging binata ang tatay ko siguro gagamitin nila ang term na SPOOTING para sakin. Hinanap ko pa ang salitang to sa google, Lahat na ng dictionary sinubukan ko na pati spanish, italian, french, japanese at iba pang klase ng dictionary tulad ng SuckMyDICKtionary kaso wala talaga akong makitang salitang spooting. Hanggang sa malaman ko na ito pala ay isang term para idescribe ang taong maayos pumorma.

Bagong bago lahat ng damit ko mula sapatos, medyas, pantalon, shirt pati underwear ko bagong bili. Bumagay ang suot ko sa aking malabalyenang katawan. Naitago ng aking damit ang aking mga flaws sa katawan. Pakiramdam ko napakaperpekto ko.

Minsan lang naman ako pumorma, madalas naka shorts lang ako, simple t-shirt tas nakachucks. Nagpunta ako ng mall di pa man ako nakakapasok nakita ko na agad ang mga tropa kong dating rugby boys. Nakaporma din sila, sabay sabay kaming pumasok ng mall. Tinginan ang mga tao samin na para bang miyembro kame ng boyband na kumanta ng “oh baby baby baby chuk chak chenes chenelin”.

Hanggang sa makita ko ulit sya. Hindi ako makapaniwala pero sya nga iyon, ang unang babaeng inalayan ko ng puso ko. Nagpaalam ako sa mga tropa ko na may pupuntahan lang ako saglit. Hinabol ko sya pero hindi ko na sya nakita. Walang patlang at hinanap ko pa rin sya. Naikot ko na ang buong mall ngunit hindi ko na sya natagpuan o nakausap man lang sana.

Napagod na ako sa kakahanap hanggang sa may makita akong upuan sa dulo. Tama! uupo muna ako at susubukang habulin ang aking hininga pagkatapos noon ay babalikan ko ang tropa. Umupo na ako ng biglang BOOOOGSH! bagsak na naman ako. Nakakahiya dahil tinginan ang mga tao. Ang ganda pa naman ng porma ko tapos eto mapapahiya ako. Tatayo na sana ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Excuse me are you alright? isang boses na parang nagpawala ng kahihiyan ko tila ba nagsasabing “tumayo ka na dyan nandito na ako”.

Tinignan ko kung sino yun, at nasorpresa ako ng makita ko sya. Lahat parang naging background lang nya at boses lang nya ang tanging naririnig ko. Buong atensyon ko sa kanya nakatuon. Kay tagal kong hindi narinig ang kanyang malambing na tinig. Hindi ko akalain na muli kong maririnig ang boses na yun nang dahil lang sa muling pagkakabagsak ko sa aking kinauupuan. History repeats itself, sa ganitong paraan din dati unang tumibok ang puso ko ngayon iniisip ko kung tulad ba ng dati, Pag-ibig din ba kaya ang magiging bunga ng muling pagkabagsak ko?

tisk

March 18, 2008 § Leave a comment

its raining raining

oh baby its raining raining

come into me

come into me

Salamat

March 14, 2008 § 67 Comments

Hayaan nyong simulan ko ang bagong chapter ng pagiging blogger ko sa pamamagitan ng isang Pasasalamat.

THANK YOU!

Tila ba nakalimutan na ng mga tao ang salitang salamat. O marahil ay naging tamad lang sila dahil tatatlong syllables lang naman ang salitang ito ngunit hindi na nila maiwika. Pwede rin naman nahihiya sila na animo’y ikakabawas ng kanilang pagkatao ang ipaabot ang pasasalamat nila sa kapwa. Maari din na nagka-amnesia na ang mga tao at parte na lang ng nakaraan ang salitang ito, Tulad ng mga epiko ng iba’t ibang tribo ng dito sa Pilipinas na iniwan na sa nakaraan at nakalimutan na. Maari din kayang dumating ang araw na ang salitang ito ay mabaon na sa limot at wala ng makaalala.

Regular akong pasahero ng jeepney, kung ang nakasaad sa birth certificate mo ay Filipino Citizen ka ngunit ni minsan sa buhay mo ay hindi ka pa nakakasakay nito, hindi ka lehitimong Pinoy. Katulad ng balut na pamantanyan daw ng pagiging Noypi ang pagkain ng mabuhok na sisiw nito. At kung hindi YOUCHOOB ang pagbigkas mo sa website na YOUTUBE hindi ka rin maituturing na Pinoy. Ito raw ang mga batayang sukat ng pagkakaroon ng Lahing Malayo na nakatira sa Pilipinas. Kung ganun hindi pala ako Pilipino.

Mabalik tayo sa usapang jeepney, halos araw araw akong sumasakay ng jeep papasok sa eskwelahan, gagala, at pauwi. Ito ang mode of transportation naming mga masa na may kotse ngunit wala naman pambili ng gas.

Malimit akong umupo sa pinakaloob ng parte ng jeep sa pinakadulo, ang responsibilidad lang naman ng nasa dulo ay ang maging taga abot ng bayad at sukli kasama na rin dyan ang pagpasa ng virus sa katawan mo o ang mapasahan ng virus galing sa mga katabi mo. Sa mga sampung pasahero na iniabot ko ang kanilang bayad o sukli mabibilang ko lamang sa daliri ko sa kamay ang mga nagsambit ng salitang salamat (para akong tanga eh sampu lang naman ang daliri ko sa kamay). Wala pa ni sa kalahati sa kanila ang marunong magpasalamat.

Pag nasa mall naman ako at pinagbubuksan ko ng pinto ang iba ngunit kakaunti lang din ang mga nagpapasalamat. OO ginusto ko ang bagay na yun na walang hinihiling na kapalit. Iniaabot ko ang sukli/bayad o pinabukasan ko sila ng pinto na walang inaasam. Hindi ako pinanganak para maging taga-abot ng bayad/sukli o maging tagabukas ng pinto. Pero sana naman kahit papano matuto naman silang magpasalamat.

Nanood ako nung nakaraan ng America’s Next Top Model Cycle 10 at inalis ang contestant na pinuri nina Tyra Bank at iba pang judges ngunit hindi sya marunong magpasalamat. Ang naging ending pinatalsik sya sa show. Iyak sya ng iyak. Sayang kung marunong lang syang magpasalamat baka sakali umabot pa sya hanggang sa finals. Sana isang malaking palabas na lang ang mundong ito sa isang telebisyon. Isang reality show na kung saan maalis din ang mga taong hindi marunong magpasalamat. Baka kung nagkagayon ay hindi na ikahiya, kalimutan o katamaran ng mga Pilipino ang pagsambit ng salitang salamat.

PS. Nais kong pasalamatan ang mga taong naging bahagi ng luma kong Blog TANGINANG ALIEN At ang mga taong nasa likod ng matagumpay na pagkakaroon ko ng datkom. Sina Xienah at Ayiene. Sa lahat ng mga kaibigan ko, naging kaibigan at magiging kaibigan. MARAMING SALAMAT SA INYO!

Pakidagdag na lang po sa links nyo ang KOKEYMONSTER.COM

(wag alisin ang cursor sa submit query ng mga 3-5 seconds para maisubmit ang inyong mga komento. Pasensya na)

Muntik kong makalimutan. Ika-anim na buwan ko nga din pala ngayong Marso 14 sa mundo ng pagblablog.. weee!

KOKEYMONSTER

March 13, 2008 § Leave a comment


Eto na ang tamang panahon para iwan ang blog na ito at lumipat sa bago kong bahay.

KOKEYMONSTER
ang kokey ng ina mo…
(dabol yu dabol yu dabol yu dat kokeymonster dat kom)

Where Am I?

You are currently viewing the archives for March, 2008 at Kokey Monster.