LRT

February 11, 2008 § 44 Comments

Inubos ng eskwelahan ang lakas ko kaya mabuti na lang at may naupuan pa ako sa dinami dami ng mga tao. Tahimik akong nakaupo at sinusubukang umidlip para magkaroon naman ako ng konting lakas. Nakarating sa ikalawang istasyon ang LRT, bigla may pumasok na isang dilag. Chinita, makinis ang balat, mapula ang kanyang mga labi, mapupungay ang kanyang mga mata. Yun ang tipo kong babae. Nag slowmo ang lahat at ang atensyon ko nasa kanya lang. Para syang isang anghel na inihulog ng langit upang sagipin ako sa kapaguran at upang iligtas ako sa kaBITTERan. Marahil eto na yung tinatawag nilang love at first sight. Kung isa man tong pelikula siguradong “Ipagpatawad mo” ang musical background nito. ” Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo Ipagpatawad mo, minahal kita agad”

Nanalangin ako na tabihan nya ako, malakas ako kay God, PUTANGINA! tinabihan nya ko. Di ko alam ang magiging reaksyon ko. Rinig ko ang tibok ng puso ko, lub dub lub dub, sinisigaw na putangina mahal na kita ms. chinita. Naalala ko ang pelikulang My Sassy Girl na kung saan sa loob din ng train nagsimula ang pagmamahalan ng dalawang bidang artista. Pero wala ako sa pelikula, totoong buhay to. Pasimple ko syang tinitigan sa mukha, parang kilala ko sya. OO parang naging bahagi na sya ng buhay ko. Maaring sya ang naging asawa ko nung past life ko.

Nahuli nya akong tumititig sa kanya. Binuka nya ang kanyang mapupulang labi. May lumabas na salita “HELLO” ata sinabi nya pero di ko masyadong narinig dahil mas malakas ang tibok ng puso ko. Nahuli nya ako ano pa bang magagawa ko kundi sumagot din ng “HI” sabay ngiti at pakita ng dimples. Tumawa si Ms. Chinita sabay bigkas ng “MICHAEL? KUMUSTA KA NA?”. Kilala nya ako, di kaya isa sya sa mga stalker ko? pano nya nalaman ang pangalan ko? Lola kaya nya si Madam Auring? pero hindi maari yun dahil ang ganda nya samantalang si Madam Auring mukhang bulok lang na kalamansi. Manghuhula kaya sya? Kung may kapangyarihan syang manghula kaya din kaya nyang basahin ang sinasabi ng utak ko, pareho ang winiwika ng puso’t isipan ko na mahal kita Ms.Chinita kahit ngayon lang kita nakita.

“DI MO NA BA AKO NATATANDAAN? SI (itago na lang naten sya sa pangalang Candy dahil sa kanyang matatamis na ngiti) to. Kaklase mo nung 1st Year.”
Bumalik ang memorya ko. Putangina! sya na ba to. Yung laging tumatabi sakin nung 1st year, yung na nabisto na may gusto sakin dahil sa isang inuman pero ibang iba na sya. Ang panget nya dati tas ngayon pwede na syang makipagsabayan kay Marimar sa ganda. Nahiya ako pero nagpapacute pa rin ako sa kanya. Nagkwentuhan kame. Ayoko ng tumigil ang Train. Gusto kong patigilin ang oras dahil alam kong pag nakarating na ang train sa huling istasyon hindi na tayo makakapag-usap, magpapaalam na tayo sa isa’t isa.

Nalumbay ako ng makarating sa huling destinasyon ang train. Kinuha ko number nya. Sabay kaming lumabas ng pintuan, hanggang sa makalabas kame ng istasyon ng LRT, may isang lalaki na nag-aantay sa kanya, boyfriend nya. Itinago ko sa isang ngiti ang pagdurusa ng puso ko. Nasasaktan ako dahil hindi ko pa nililigawan nalaman ko na, na may mahal na sya at wala na akong pag-asa. Pagdurusa to dahil sabi nga sa kanta ng APO HIKING SOCIETY; mahirap magmahal ng syota ng iba. Para akong binatukan ng Dyos, pinapangaralan at sinasabe sakin na : “ang arte arte mo kase noon. dapat niligawan mo na sya dati pa, di sana ikaw na ang kasakasama nya”

Ikinaway na nya ang kanyang mga kamay, namamaalam na sya. Ikinaway ko din ang aking kamay umaasa na sa muli naming pagkikita sa loob ng train ako na ang boypren nya.

[OFF TOPIC]Sinabihan akong suplado kase di ako nagrereply sa mga comments nyo kaya simula ngayon magrereply na ulit ako sa mga puna/opinion/eklavu sa mga blog entry ko [/OFF TOPIC]

Tagged: ,

§ 44 Responses to LRT

  • Anino says:

    At kailan pa nagkaroon ng konsepto ng pag-ibig ang isang nilalang mula sa kalawakan?

  • FerBert says:

    di na ako magiging suplado magrereply na ako sa mga komento nyo..

    Kelan pa nagkaroon ng konsepto ng pag-ibig ang tulad kong elyen? mula pa nung nalaman ng Dyos na mas may puso pala kaming taga ibang planeta kesa sa kanyang mga nilikha.. (parang atheist naman ang dating ko nito.. basta yun na yun) hahahaha

  • cedeux says:

    abah! hahah. emo na naman
    kasya kau paglabas sa train?
    nakow! hehe. juk lng

    ligawan mo na kasi si sam para
    masaya na kaung 2. pag nagkababy
    ako ninong, batik sakin ha. heheh

  • FerBert says:

    emo na naman ba to? tsktsktsk… lagi na lang akong emo.. hahahaha..

    lol.. batik ka dyan.. may batik dyan.. ayaw ni Sam sakin.. wag pilitin kung ayaw.. kala nya.. rerepin ko yun… hahaha

  • Anino says:

    Kung makita mo ang Diyos na siyang lumikha ng lahat kasama ang pag-ibig,pakitanong kung siya din ba ang lumikha ng kasamaan.

  • FerBert says:

    kung makita ko man sya. malamang di ko na masasabe sayo kase mawiwili na ako sa heaven.. madaming chiks dun baka di na ako makabalik para sabihin sayo ang kasagutan sa tanong mo

  • Dakilang Tambay says:

    ang arte arte mo nga.. hahaha..

    hayaan mo may darating din na babae para sayo,

    tska wag kana kasi mamili pa kung maganda ba siya or panget, pasaway talga o. haha

  • FerBert says:

    oo nga eh.. parang kelan lang nung sinabihan ko sa confe na wag ng choosy si sam.. ako din pla choosy.. hahaha

  • gasti says:

    nakow! sayang naman nun..akala ko pa naman eh tuloy tuloy na ang ligawan.tsk tsk..abang abang ka muna malay mo “on the rocks” na pala ang samahan nila at tyempo namang bumalik ang pagtingin nya sayo nung magkausap kayo sa train..wag ka mawawalan ng pag asa.

    pwede na ba akong script writer? lols!

  • FerBert says:

    hahaha.. aabangan ko talaga yun..πŸ˜€

  • coldman says:

    di ko alam kung ba’t ako nalungkot pagkatapos kung basahin ‘to, dahil nangyari na rin sa kin yan pero sya umasa, naghintay lang sa wala. Tanga din ako dati. =)

    syet, ang emo ko. Hahaha!

  • FerBert says:

    tsktsktsk.. ako din eh.. nalungkot.. ang gwapo kase naten.. pinaantay naten sila.. ngayon naman ako na yung umaasa.. ang laking T!!! (tanga)

  • Bulaang Katotohanan says:

    dapat ata “terminal” yung theme song…

  • FerBert says:

    terminal yung old song? O down the terminal ek ek.. hehehe

  • noime says:

    jane.jane.je.jane.

    wala lang. haha.

    hapi balentayms kuya. tsk. makikita mo din yun kung sino mang anghel yun. sus. wag kang mag-alala.

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    awryt? sure ka? baka naman di nya yun BF?

  • Fjordan Allego says:

    ayan ayan ayan.. masyado ka kasing mapili hahahaha!! e di ngayon kaw rin ang nagsisisisi… heheheh

    http://hiraya.co.nr

  • FerBert says:

    @ Noi- sinong jane? ahahaha.. pang asar talaga eh no…

    @Kuya Kris- bopys daw nya eh.. sabe nya..😦

    @Fjordz-LOL!! oo nga eh.. mapili kase ako DATI. hahaha

  • Saminella says:

    payag na akong magpaligaw.

    basta reto mo ko sa kuya mo. haha

  • Mariano says:

    Puta yun ang mabigat dun eh. PAYAG NA DAW, kaso lang kay UTOL.

    Tsk tsk. Nabanggit nga pala ni Sam na makikipagkita siya sa iyo kapag kasama mo si Yods, ahaha.

    AKIN SI SAM!!!

    Dyan ka na lang kay Train Girl. Ako na ang bahal sa BF ni train girl.

  • The Gasoline Dude says:

    Baka naman nga hindi nya BF yun. Parang si Lucy Torres, “He’s just my cousin (or brother? nakalimutan ko na ung commercial).” Nyahaha! = D

    Tinetext mo ba naman? = P

  • wanderingcommuter says:

    ang tawag jan tadhana…nyahahaha!!!

  • Jepoy says:

    hahaha! Panalo ka talaga tol! Sayang nga. Pero wag kang magalala, masusulot mo pa yan. Me number ka nya diba. hahahah!

    O kaya abduct mo sa spaceship mo. hehe

    At ang sipag mo na nga mag reply sa comment. hahaha

  • yeye says:

    hahaha
    ewanko sayo

    panget tas gumanda napakasama hahahaha
    ayan tuloy taken na pala

    she’s already taken..jejeh…

    happy valentines ferbert!

  • Abad says:

    Ligawan mo lang! Ituro mo sakin yung boyfriend, bangkay na yan bukas. haha.

  • kingdaddyrich says:

    awts!!

    SAKET!

  • Mojo Potato says:

    Asa ka pa Ferbert! waahahhaa….belat!
    JUK!

    kaw kasi antay ka lang parekoi malay mo hindi mo pala siya makikita sa train…kundi sa bus (sabay evil grin)har har har

  • arjay says:

    inisnab mo kasi, kaya ayan tuloy. wag ka mawalan ng pag-asa. yung mag-asawa nga ey naghihiwalay, sila pa kaya. hahaha!

  • jeniffer says:

    ang sakit naman ng pagkikitang yun.. PANGBASAG PUSO dz valentines.. anyway, ok lang yan.. marami pa jan.. HAPPY VALENTINES NA LANG!!

  • KRIS JASPER says:

    alam mo… masarap yung feeling na naagaw mo ang syota ng iba.

    TRY mo.

  • Ayiene says:

    Ay yun yun eh. Sassy Girl! Diba umiyak ka nung pinanood mo yun? HAHA.

    Sayang naman, nakuha na ng iba si Ms. Chinita. So sad, sayang, bat di mo pa siya niligawan?

    Happy Balentayms kuya FB!πŸ™‚ Sana maging maligaya ka ngayon. paano? Di ko alam, pero WISH KO LANG na maging happy ka kahit malamig ang hearts day mo? Malamig nga ba? HAHA.πŸ˜€

  • FerBert says:

    @ Sam&Mariano– Putakte! lol

    @ grilledbeef- oo tinext ko na.. di ko ata inabutan yung commercial na yun.. anong taon nilabas? joke

  • FerBert says:

    @ wandring- OMG! tadhana daw.. lol

    @ Jepot- di ako sulutero. antay antay na lang pag break na sila

  • FerBert says:

    @ yeye- oo nga.. magasin! iba na ang kanyang tingin.. iba na ang kanyang ngiti.. nagbago ng lahat sa kanya.. oh oh o whoh o

    @ Abad- LOL!!! nakita fster.. laking tao mo nga… Giant! lol

  • FerBert says:

    @kingdaddyrich-awts? anong masakit sayo Kuya Rb? haha

    @ Mojo Potato- sama mo.. joke… hahahaha

  • FerBert says:

    @ Arjay- oo nga tama.. paghihiwalayin ko sila

    @ Jennifer- oo ang sakit sakit.. aray ko.. hindi ba ikaw yung nasa LRT nung isang araw? hahaha

  • FerBert says:

    @ Kuya Kris- wow! expert ka ata dito.. paturo kuya.. haha

    @ Ayiene- oo peborti ko yung sassy gerl… malamig ng vday ko.. wala akong kaakap.. hahaha

  • mnel says:

    nagreregret ka ba? hahahaha! bakit ba uso ang regret ngayon? buti loser ako at di ako nakikiuso. hehehe.

    =P

  • janus says:

    ang arte kase nung una ayan tuloy! hehehe… nakakatats naman ang ending! Parang koreanobela! hahaha

  • JOSH says:

    Parang pang valentine’s post ito ah. dont worry alien boy, darating din c Ms ryt sa buhay mo! pray hard for it!πŸ™‚

  • FerBert says:

    @ docmnel– sobra! sobra sobrang pagsisisi.. loser ako..

    @ janus- kaartehan ko naunahan ako.. pft!

    @ josh- oo pang vday entry ko to.. weee..πŸ˜€

  • RCYAN says:

    Hehehe.. Kelan kaya mangyayari sa ‘kin ‘yan? Hindi ko pa kasi nararanasan kung paano ang magkabf… Tsaka hindi ako naniniwala sa love-at-first sight. Mas gusto ko ‘yung love na nade-develop sa kalaunan ng panahon na magkasama kayo… (^-^)

  • McRey says:

    Nakakainggit…

    ako rin kaya maghiatus?!

    Wahahaha… nakakatamad din kasi minsan mag post pero mas nakakatamad din naman ang hiatus!? AMF… lols.

  • noongmalapad says:

    tangina.

    naaliw ako sa LRT.πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading LRT at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: