Grinch

February 5, 2008 § 25 Comments

Wala talaga akong maisip na pwedeng ipost ngayong buwan ng mga puso siguro dahil wala naman rason para icelebrate ko ito. Inaatake ako ng sakit pag pebrero. Ang katamaran. Tamad akong lumabas ng bahay dahil nagkalat na naman ang palamuti na kulay red na korteng puso at kupido. Toro ako at galit ako sa kulay pula. Argh! ang sarap punitin nung mga yun at sunugin dun rin mismo sabay hahalakhak ako ng malakas tipong kontrabida. Tamad nga ba ako o Bitter lang?! hahaha

Kung ang Christmas may Grinch siguro ang Pebrero naman may FerBert. yun nga lang panget si grinch ako gwapo. malayong malayo ang itsura namin sa isa’t isa pero iisa lang kame ng layunin ang nakawin/sirain ang sa tingin namin ay ang pinakaaayawan naming panahon ng taon.

Ngunit di naman ako makasariling nilalang kaya hahayaan ko na lang kayo na icelebrate ang balentayns sa motel, sana nga lang pagpyestahan kayo ng mga nakatagong kamera at ng mga surot. Sana mahawaan kayo ng halitosis ng kahalikan nyo, at sana magkaroon din kayo ng STD. hahaha.. joke lang

Pag ganitong okasyon naalala ko yung pinapagawa samin ng titser namin nung elementary. Pinapagawa nya kame ng mga cards. Syempre yung card ko maraming anik anik, ako ang may pinakamakislap na card dahil inuubos ko ang glitter chenelin ek ek para makagawa ng pinakamagandang card. Nilalagyan ko din ito ng mga cotton(oo cotton as in bulak) para naman may effect. Tapos namimitas pa ako ng mga plawer para ilagay sa card ko, ang kinalabasan parang bangkay ng isang Drag Queen na nasobrahan sa make up. Ang panget. Simplicity is beauty ika nga kung alam ko lang sana na pag nasobrahan sa kaartehan eh magiging panget ang kalalabasan sana di na lang ako gumawa ng maarteng card.

Pero syempre tulad ng isang tao hindi naman mahalaga ang panlabas na anyo ng isang card kundi ang nakapaloob o nakasulat dito. Simpleng I Love You lang yung sinulat ko sa card ko para sa Tatay ko (wala na kase akong Nanay kaya si Tatay lang ginawan ko nun ng card). Yung simpleng I love you na yun marami ng nagagawa yun. Nakakapawi ng pagod at lungkot ang I Love You, masabihan ka lang nun at malaman na may nagmamahal sayo magiging okay na ang araw mo. kaya para maging okay ka naman eto para sa yo- PAKYU! kala mo i lab yu no?.. bwahahaha

Ayon kay Dr. Seuss na may akda ng How the Grinch Stole Christmas sa huli ay nalaman ni Grinch na Christmas is more than just gifts and presents, kaya lumaki na ang kanyang maliit na heart. Kung ang Christmas ay hindi lamang para sa mga regalo siguro marahil ang Valentines ay hindi lamang para magkasintahan.

Kaya siguro pinagdidiriwang ang Valentines para ipadama naten sa mga mahal naten sa buhay na mahal naten sila at mahalaga sila sa buhay naten. Hindi lang ito buwan para sa malilibog na magsing-irog kundi buwan din ito upang ipagdiwang ang pagmamahal naten sa ating mga kapatid, kaibigan, magulang, kamag-anak, maging kapuso man yan o kapamilya.

Tagged:

§ 25 Responses to Grinch

  • redlan says:

    bitter ka alng siguro. joke!

    happy valentine kapuso at kapamilya!

  • cedeux says:

    happy valentines utol!
    darating din ang time maaappreciate
    natin ang buwan na to=]

    importante, magready na! dahil malapit na bday mo=]

  • Bulaang Katotohanan says:

    happy hearts day na lang sa lahat…
    at naway gumamit ng proteksyon ang may mga balak…mwahahahahaha

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    ah basta! Kapamilya lang ako.
    LOLs..

    I celebrate Valentine everyday.

    I dont have to wait for 14th Feb to make love. hehe…

  • Ayiene says:

    yun nga lang panget si grinch ako gwapo.

    AYUN YUN EH. LINYA TO DEATH. LAKAS NG BANAT. Kung sabagay, lamang ka ng ilang ligo kay grinch. HAHA.😛

    Malamig ang balentayns ni kuya. Sayang ang ipon.

    Di bale, nandito naman kami eh, kami na lang mga date mo sa valentines.🙂 Sosyal!

  • XienahGirL says:

    ewan ko sa iyo

    pagsamahin kaya
    si grinch
    at halimaw sa banga?

    kung ano man yan
    andito lang kami para sa iyo
    🙂

  • IGZ says:

    Baka matalo ka ni piolo sa pagkakalat ng lagim sa valentimes?

  • noime says:

    BITTER! HAHAHAHAHA.
    buti na lang at..

    hapi balentayms kuya. HAPI BALENTAYMS!😛

  • kingdaddyrich says:

    the bitter the better!!

    ha ha haa… nagkataon lang siguro…

    chaka ayaw mo non memorable sa yo ang panahon na ito..

  • Coldman says:

    tama nga ang mga comments sa taas isa kang taong bitter. Hahaha!

    Ba’t ganun? parang kailan lang in-love ka. Bilis naman. Kaw talaga!

  • Dakilang Tambay says:

    happy valentines..hahaha..mass gwapong grinch..tsk tsk tsk

  • Fjordan Allego says:

    waw!!! happeeee balentayms!!! heheheh!!

    wag jka nang bitter!!!

    http://hiraya.co.nr

  • BURAOT says:

    taena tol… grabe na naman taas ng presyo nyan kina Aling Victoria..

  • repah says:

    aba hindi naman halatang wla kang maicip ma ipost.. ang haba nga eh.. happy puso pla… hehehe

  • The Gasoline Dude says:

    Update naman dyan kung ano na ngyre sa banga… = P

  • icka says:

    aba.. nauna na sa valentine’s post.

    ahaha. uu nga… yung card na pinapagawa ng adviser na kung ano anong palamuti ang nakalagay na halos bumagsak na ang papel at kung sino ang magarbo ay isasabit ang gawa sa bulletin board. haha

  • NHO4 says:

    ahahhaha fula fulang grinch!!!!!!!!!
    at dhil nagkumento c aq dito kailangan mo ng byadan ang TALENTADOPI ko!!!! ahahhahahahahaha…….
    kundi bubuhos ang ACID RAIN!!!!!!

  • wanderingcommuter says:

    pirma ka na lang ng petition na prinopropose ko…

    a motion to squash feb 14 in the calendar…

    ayus yun di ba?

  • Mariano says:

    Putanginang Valentines yan, gastos lang yan!

    Pareho rin lang tayo ng mga kaekekan sa Card. Yung saken lang eh walang kwenta dahil hindi ako artsy-fartsy nung bata.

    Pero ngayon eh subukan nyong magpaibig saken at makikita nyong doble pa sa naembalsamong Drag Queen ang ibibigay kong card.

    FerBert, sana kapag may nakita kang magkasintahang nagkakan*toooot*an eh tawagin mo ako at wasakin natin ang masaya nilang pagsasamahan. Tag Team tayo.

  • Holy Kamote says:

    @wanderingcommuter > uy, pipirma ako sa petisyon na yan. hehehe.

    @ferbert > valentines day is overrated. madalas hindi lang sya pang-isang araw sineselebreyt, sinakop na nya buong buwan ng pebrero! natabunan pati chenes new year.

    tisk.tisk.tisk.

  • yeye says:

    tama ka ferbert. pinalakas mo loob ko. LOL

    bakit ka ganyan? la na kayo ng gi-ep mo?

    plawer. hekhek. hehehe

  • davenport says:

    blog hop.. ang kulet ng blog..

    — —

    di na ako babati ng Valentines ha..

  • joice says:

    i hate balentayms too.

  • kervi says:

    Blogger KRIS JASPER ANGEL said…

    ah basta! Kapamilya lang ako.
    LOLs..

    I celebrate Valentine everyday.

    I dont have to wait for 14th Feb to make love. hehe..

    poutlong.hahaha. parang alam ko yun ah.

    ah ewan. basta ako, ni hindi ako gumawa ng card sa buong buhay ko. siguro, para sa school. pero yung tauspuso, susundin ko ginawa nyo. ilalagay ko dun “pakyu” haha.

    tama si mariano, sa taas. gastus lang yan!!! hahaha.

  • Meryl says:

    B-I-T-T-E-R.

    Hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Grinch at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: