Alamat ng Halimaw sa Banga

February 1, 2008 § 39 Comments

Noong unang panahon may isang mahiwagang banga na natagpuan malapit sa dagat pasipiko. Maganda ang banga, mukhang galing China kaya naman pinasuri ito ng mga taong bayan para matiyak na hindi ito ginamitan ng mga nakakalasong materyal.

Sabe nung tagasuri: Duh? this is not Mattel. wala itong lead content kahit na formalin wala. promise!

Nagbunyi ang mga tao ng malaman nilang Hindi nakakalason ang banga. Ibinigay nila ito sa kanilang pinuno. Dahil perpekto ang pagkakagawa nito tinangka ng mga taga ibang tribe na agawin ito. Dumanak ang dugo, pero hindi nila ito nakuha. Alam ng mga taga ibang tribe na hindi nila makakayanang agawin ang Mahiwagang banga kaya naman ikinalat nila ang tsimis na may halimaw sa loob nito. Nakikitsismis din noon ang lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ni Lotlot de Leon kaya ginawan nila ito ng pelikula nung 1986 na may title na HALIMAW SA BANGA.

Madaling napaniwala ang Pinuno ng tribu eklavu kaya naman binasag nya ito. Huli na ng malaman nyang hindi iyon totoo. Sinubukan nya muling itong ayusin gamit ang sinaunang Super Glue na gawa sa malagkit na katas na nagmumula sa mga kalalakihan kapag nakikipag*T OOOOT*. Nabuo nya ulit to pero di na sing ganda ng dati nanghinayang ang Pinuno kaya naman nagpaka-emo ito at naglaslas ng pulso. Ang bangkay nya ay ipinaloob sa banga at naging halimaw ang Pinuno kaya noon ang tsismis tungkol sa halimaw sa banga ay nagkatotoo.

THE END

Sa relasyon hindi maiiwasan na magkatampuhan, maraming problema ang pwedeng maranasan. Maraming gagong gustong manira kaya gagawa ng tsismis kahit na wala naman batayan. Tulad ng Pinuno ng Eklavu Tribe wag kang basta basta makikinig sa mga tsismis na yun, matuto kang magtiwala at kung hindi, baka masira mo ang mahiwagang banga.

Sinubukan kong ayusin ang aming relasyon basag na banga. Nagkalat ang mga bubog kaya nagtamo ng maraming sugat ang palad ko, naging duguan, mahapdi, makirot, Ang Sakit sakit. Kahit masakit pinagpatuloy ko pa rin buuin hanggang sa nabuo muli ito Pero hindi na ito tulad ng dati, di na ito kasing ganda ng dati, halatang halata na ang mga marka, halatang ang mga linya ng pagkakabasag, mga biyak, at namantsahan pa ito ng aking dugo. Mahina. Hanggang sa masagi ulet ito at nabasag muli. Gusto kong ayusin kaso nanghihina na ako. Paubos na aking dugo, sobrang kirot na ng mga sugat ko, wala na akong lakas upang buuin muli ito.

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko. Susubukan mo pa rin bang buuin ang basag na banga kahit na alam mong maari kang masugatan dito at hindi mo rin naman ito maibabalik sa dati o kukuha ka na lang ng walis at lilinisin ito? Ipagpapatuloy mo pa rin ba ang isang relasyon kahit na nasasaktan ka na o ikaw na mismo ang lalayo para hindi ka na muling masaktan pa?

A millon words would not bring you back...
i know cause ive tried...
and a millon tears wouldnt either...
i know because ive cried

Tagged: , ,

§ 39 Responses to Alamat ng Halimaw sa Banga

  • noime says:

    bibili na lang ako ng bagong bangal. yung tipong kaya kong ayusin kapag nasisira, yung tipong hindi bibitaw.

    kaya mo yan kuya. kung wala na talagang mangyare eh.. anjan naman si kuya mariano. LOL.

    wilabyoo!šŸ˜‰

  • noi says:

    antanga ko. banga yun. hindi banga. wahahahaha.

  • jeck says:

    tangina pare!

    kung ako yun, hindi ko na ipagpipilitan pang buuin ang banga. tanga na ako kapag pinagpilitan ko pa. naging mahalaga man sa akin yun, alam ko naman na may natutunan ako sa pagkakamali ko. madami pa akong banga na makukuha at alam ko na gagawin ko ang lahat para lang hindi na ulit mabasag ang bago kong banga.

  • Fjordan Allego says:

    sana ganun nga lang kadali humanap ng bagong banga.. hindi ganun kadali yun.. o baka para lang sa akin.. madrama lang talaga siguro hehehe.. pero seryoso.. hindi madaling makalimot at hindi madaling bumitaw..

    http://hiraya.co.nr

  • aCey says:

    the story is funny, ha. and philosophical ang dating nating nga, ah!šŸ™‚

  • aCey says:

    i learned from a japanese potter na maaayos pa ang nabasag banga. kahit po daw ito ay isa sa pinaka-sensitive na ceramic… don’t worry. everything will work out well, just believe.šŸ™‚

  • The Gasoline Dude says:

    You’re still young. Marami pang banga dyan. Wag muna masyadong magseryoso.

    But it’s really up to you. If you feel that the relationship is worth saving, and that you’ve already invested so much, then kaya mo yan!

    But then again, it takes two to tango.

  • sancho delubyo says:

    Putangina pareng FerBert, gusto kong magmura, putangina talaga!

    Tsk tsk tsk, mahusay, mahusay ang kwento.

    Kung ako ang tatanungin mo, magsusuot muna ako ng gwantes para di na ako masugatan sa pagbuo.

    Kumbaga, kunsakaling magbuo man ako ng bangang nabasag, paghahandaan ko na. Gagamit ako ng gwantes, mamahaling glue, protective goggles, at laboratory gown. Tapos ipupwesto ko na ang banga sa isang lugar kung saan di na ito muling mababasag. Titignan ko ang mga sanhi kung bakit ito nabasag para maipwesto na ito ng maayos at di na muling mabasag pa.

  • icka says:

    pede mo pang mabuo ang banga. gamitin mo ang glue gun, idikit mo kung kya ng powers mo.

    mabubuo mo nga, pero andun pa rin yung marka na nabasag ito.

    bili ka nlng bago. may sale sa kanto 3 for 99. chinaware.

  • Coldman says:

    sabi ko dati ayaw ko yung sinisiksik ko ang sarili ko sa taong ayaw na sa kin, pero iba talaga pag mahal mo, kakainin mo talaga ang pride mo. =(

    pag isipan mong mabuti.

  • redlan says:

    Ilang beses kong inayos ang banga, iba iba ang sira pero kapag malala na ang sira, malas na yun tulad ng basag na salamin.

    I gave a 2nd chance, pag hindi nagbago, talagang tinatapon ko. Tama ka, nasa isip mo na gagawin pa rin niya. wala ng full trust.

    Pero merong mga tao na nagbabago.

  • Ayiene says:

    Ito na ang pinakahihintay na post. Problema, nabitin ako.

    Walangdyong banga yan. Mahirap ba ayusin? Bili ka na lang ng super glue, yung tipong pag dinikit mo, dikit na talaga all the way, walang bitawan.

    Sayang naman ang mga dolyares na naipon mo kuya para sa date niyo. Nako.šŸ˜

  • igno says:

    Walang sugat ang hindi nagagamot ng sariling sikap at ng magandang nurse..

  • cedeux says:

    nasan na ung halimaw? hayyy… kala ko suspense!

    pero seryoso, kung ano sa tingin
    mo ang makakabuti para sa INYO,
    hindi ung makakabuti para SAYO lang.
    isispin mo kung nasa kalagayan ka nya?

    mahirap magmahal ng buong buo…
    dahil darating ang panahon, mababasag un, masisira, at ibabaon…

    kaya dapat kalahati ng banga
    lang dapat ilaan next time, magtira ka next time ng para sau.

    If it’s worth fighting for, ipaglaban mo. kung ano ang desisyon nya, respetuhin mo.

    kaya mo yan utol!

  • XienahGirL says:

    eto lang yan

    kung gusto may paraan
    kung ayaw maraming dahilan

    ikaw ba
    gusto mo pa magdisplay
    ng banga na may lamat?

    gusto mo ba na
    kutkutin ang kamay
    na may sugat
    mula sa bubog?

    kung ano mapagpasyahan
    ng puso mo
    siguraduhin mo na
    nakaresbak ang utak mo

  • justmike says:

    paanu kung ang basag na banga ang bubuo sa kasiyahan, mga pangarap at buhay mo, hahayaan mo bang kasama rin nitong magkapira piraso ang lahat?

    hindi di ba?

    *lahat dumadaan dyan, wag ka maghanap ng perpektong banga.maging matibay ka sa mga lamat, lagi silang darating.tuwing aatake, alalahanin mong marami kang reserbang pandikit…di ka mauubusan ng super glue.

  • Bulaang Katotohanan says:

    hmm medyo ayoko sa mga banga, dati kasi kinulam ang mama ko at nang magpainit kami ng insenso at natapat ito sa giant-triplet-dragon-banga namin e sumilab ang apoy nito, tanda daw ng engkanto.ako kasi yung nagoorasyon nun, baka ako yung bad spirit…hmmm

    pero sa sitwasyon mo, depende sa banga… kung malaki pa yung mga pitak at di pa pulbos at abo ang iang piraso, puwede pa sigurong mabuo, pero kung talagang dust in the wind na yung iba at wala ka ng mighty bond/pasensya, nasa sa iyo yan…magtityaga ka pa ba sa bangang kilala mo na ang loob at labas o kumuha ng bagong banga na baka may halimaw na bad spirit sa loob?

  • Scarlet says:

    walang bagay sa mundo ang permanente. lahat, pwedeng magbago. hindi natin mapapigilan watevs mang pagbabago yun.

    uhm.. para saken, nasugatan ka na. sinubukan moh na ang makakaya moh para maibalik sa dating kinalalagyan ang mga bagay-bagay. siguro tama na yun. ipanatag moh na lang ang loob moh sa pag-iisip na you did what you can do. at least, may ginawa kang paraan. kung deserving xang mabasag, mababasag parin yan kahit gamitan moh pa ng limang tube ng mighty bond.

    cheer up. be happy.šŸ™‚

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    why throw when you can save it?

    these are just trials in your relationship.. expect more to come.. learning from these things’ll make you stronger. if u let go now, you just gave what those morons (yung sabi mo eh mga nagtsitsismis) want.

    let them break the vase…
    as long as both of you are always ready to seal it back.

  • kervi says:

    Hahaha. Astig na analogy. HAHAHA. commedy pinaghalo sa love life.

    Pero ang ganda ng pagkakakwento. At maganda ang ibig masabi ng pagsasama.

    Ang dapat mong gawin, kapag nasira yang banga na yan…

    …bumili ng bago?
    nope.
    …iglue lahat?
    nope.

    kundi…
    …sumigaw ng “XHIET!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
    haha. joke lang.

    depende naman yan kung gaano mo kamahal yang bungo^H^H^H^H^H^H banga na yan. pag yan ang nagiisang banga, wala na talagang magagawa kundi pagsikapin mong maayos ito…
    …o managinip.

    (o kung gusto mo, gawa ka sarili mong banga :D)

  • gasti says:

    taena talagang mga ganyang experience…mahirap mainvolve sa relasyong may lamat na…mapupuno lang ng away at pagdududa yan. kung kaya mo maghanap ka ng ibang banga…yun nga lang depende kung kaya mo ng tumingin ng iba.

  • Anonymous says:

    sana hindi pop up tong comments. naiirita kasi ako sa pop up eh.

  • joice says:

    ayusin at buuin mo ulit ang banga—yun eh kung gusto pa nyang magpaayos. pero kung ang banga mismo ang gumib-ap sa iyo, baka kelangan mo ng mag-isip isip.

    mahirap yan lalo na kung walang effort si partner. sugat sugat ka na pero wa care pa rin… maaayos ang lahat kapag HINDI NA LANG IKAW ang nagwowork. conjugal yan.

  • kingdaddyrich says:

    hindi na uso ang banga.

    mag tupperware ka na kasi para hindi madaling mabasag…

  • Meryl says:

    Hay nako. Sino ba kasi ‘yang banga na ‘yan. Este ano pala.

    Depende din kasi ‘yan sa banga kung gusto niya ba magpaayos. Kahit bagay lang siya. Kaya siguro madalas nababalewala mo.

    Maaayos kung gustong maayos.

    Kung ayaw, huwag mong pilitin.

    Baka mas lalo lang masira ito.

    Baka lalong hindi na pwedeng buuin kasi sobrang liit na ng mga parteng nabasag.

    Hay. Kaya mo ‘yan, pare. Aja!

  • Dakilang Tambay says:

    ANG ganda Fb.. wla ako masabi.. ibibili kita ng bagong banga promise.. hihi..

  • Dakilang Tambay says:

    seryoso..ako nang lalayo, kasi mas masasaktan ako pag pinagpatuloy ko na.mahirap na ayusin ang isang sirang relasyon. mahirap pero kelangan mo tanggapin na tapos na. kesa naman kasama mo nga SIYA pero nasasaktan ka rin naman. dumaan na ako sa ganyan. tulungan ka namin para maging masaya ka ulit.

  • jeniffer says:

    haikzz.. nakakatakot naman yung bangang yun, uso na pala emo noon.. hehe.. hayup talaga!!! hehe…alamat ba yun o horor story? hehe..

  • Mojo Potato says:

    nakakapanibago na EMO ka ngayon pervert…well, nangyayari talaga yan sa lahat ng relasyon…itong cliche palagi ang sinasabi nila…time will heal the scarred and wounded heart…basta ako di ako takot sa halimaw sa banga…takot ako pag wala nang basi sa banga o wala ng tapuy sa banga kasi tapos na ang inuman dito sa bundok….hehehe

  • kervi says:

    W0W!!!

    Ngayun ko lang naintindihan yung analogy.
    Astig ah. HAHA.

    Kahit meh problema ka, nagawa mo pa reng magpatawa.

    Kahit na nasasaktan ka, nagawa mo itong maikwento nang hindi nahahalata ang sakit.

    Galing! wwooot!!!

  • Miss Kurdapya says:

    hay naku!.. iba talaga nagagawa kapag inlab…at sawi sa pag ibig… yung banga ko.. ayun basag na …

    dont worry… dami pa dyan friend.. dadating ang time.. mahahanap mo din yung “d one” na magsasabi.. walang basagan ng banga!

  • Juz says:

    ang mahiwagang banga story lives on…

    sighs., sadyang madali nga mabasag ang marupok na banga.. but may mga ways para maingatan ito..

    wag ka magalala,, madami pang banga dyan… un astig and talagang sakto para sa iyo.,.,.,.,

  • BURAOT says:

    taena pare.. emo ka nga. me problema ka pala sa puso kaya ayaw mo ng valentayms. hehehhe.

    anyhoo, eto payo ko bilang joe d’ mango.. subukan mo kayang kausapin ng masinsinan yung banga. bigyan mo pa ng isa pang chance ang sarili mo na magka-ayos kayo ng banga mo.

    kung talaga naman na wala nang maaasahan kahit pa i-offer mo ang iyong kakaibang pandikit para mabuo ulit yung banga, move on.

    panahon na para magsaya. maghanap ng bagong banga na tatanggapin ang iyong malagkit na pandikit. nang sa gayon sya ding basag na banga ay kahanap ng iba.

    matuto sa karanasan na hindi lahat ng banga ay gawa sa plastik.

  • arjay says:

    if it’s worth fixing then why not. kung ganun kahalaga ang isang bagay sa’yo dapat handa kang gawin ang lahat upang huwag itong mawala sa iyo.

  • RCYAN says:

    Ok lang… I’ll still try to fix it pa rin. Pero, siguro naman, alam mo rin naman ang hangganan mo, ‘di ba? Alam ko kung kailan ka titigil sa pag-aayos at pag-asam na maaari mo pa ring ibalik ang dati… Maaaring magtagumpay ka o mabigo pero at least, you can still say na, “I did my best…” At kapag nabigo ka, “But I guess my best wasn’t good enough…” Weheheheheeheheheh!!! (^^,) ‘Di ba? All things are worth a second try… Salamat nga pala sa pagkokomento sa aking blog entry tungkol kay Simeon. Hahahah! Kilala na siya sa internet. Hahahah!!! (^0^)

  • juvil says:

    tama!Ɯ

  • rakatak says:

    ayos ah… nakakatawa sa simula pero me kadramahan naman pala sa huli.

  • Anonymous says:

    ako, pwede mo akong maging bagong banga. HAHAHAHAHAHAHAHA.

    sana naman hindi mo mabasa ‘to. SANA LANG. SANA. SANA.šŸ˜›

    .noime.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Alamat ng Halimaw sa Banga at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: