I’m Back!

February 27, 2008 § 65 Comments

BAD NEWS: NAGBABALIK NA NAMAN ANG ALIEN SA BLOGSPERYO!

Masamang balita yan lalo na sa mga naasar sakin at nagagalit kung meron man. Oo alam ko naman i cannot please everybody so pake ko, eat your puke! Pasensya na lang dahil nagbabalik na naman ako upang magpasabog ng lagim at kabastuhan at walang humpay na murahan sa mundo ng web log.

Pero bago ang ako umenter kelangan munang ihanda ang red carpet na made in Pakistan at kelangan may Drumroll din [insert drumroll] [insert red carpet] [insert penis] ayan okay.. weee!

So ano nga ba naman ang pinagkakaabalahan ko nitong nakaraang araw na nawala ako. MADAMI AKONG PINAGDAANAN as in super dameeeee! mapapakshet ka sa mga napagdaan ko lalo na yung pangyayare tungkol sa isang BYOTCH! pero anyway highway okay na ako (ata), di na ako bitter (ata), pero eto sigurado ako pumapayat na ako kahit tanong nyo pa kay Mama Sam. Natapos na nga din pala ang aming exam at ayoko naman sanang magyabang pero HIGHEST ako! isa pa.. isa pa.. HIGHEST AKO! pakshet! malalagay na naman ako sa DL nito. oh wow yabangers ever ako! patayin mo na ako pero hindi mo na maalis ang kayabangan sa dugo ko.

Halos dalawang linggo din akong nawala, di naman talaga ako nawala nandyan lang ako sa tabi tabi, nagbabasa pa rin ng blog, nagkokomento, nakikipagaguhan sa mga kapwa bloggista. Labing isang araw na di ako gumawa ng entry, wow! nakayanan ko yung 11 days na yun na di gumagawa ng entry. Amazing! Adik ako sa pagblablog at di ko lubos maisip na nakayanan kong di magsulat ng aking adventures and eklavus sa buhay.

Kahit papano eh naging okay naman ang hiatus ko balak ko pa sanang i extend kaso baka mawalan na ako ng mambabasa at tuluyan nyo ng kalimutan ang TANGINANG ALIEN. Salamat nga pala sa mga nagbabasa ng blog ko. Ang saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya ko kase umabot ng ng 60+ ang aking komento, alam kong kaunti lang yun kumpara sa iba pero natats ako ng sobra na umabot na ng ganung karami ang komento ko, nakikipaglevel echos na ko sa mga sikat na bloggers. Malapit na rin ata akong magkaroon ng sariling article sa wikipedia, abangan nyo na rin ako sa susunod na issue ng TIME magazine kaso available lang sya sa pantasya ko.

Yun lang muna sa ngayon, nais ko lang ipaabot sa inyo na ako’y muling nagbabalik sa pag gawa ng mga walang kwentang entry at upang lalong kainggitan at kamuhian ng aking mga maderpaking paking mader heyters ko.

PS. SPAMMER pa rin ako sa WordPress. PAKYU WP! nasa Spam ang mga komento ko sa inyo mga wordpresser at ibang dotcomista. May galit ata sakin ang WordPress. Kumakalat kase ang balita na Galit daw sa mga GWAPO ang WordPress. Pero mukhang sakin lang galit ang WP kase nilalagay nya sa spam ang mga comments ko so ibig sabihin nun AKO LANG ANG GWAPO. Subukan nyong sabihin na di ito totoo at uupakan ko kayo.

Advertisements

Heeyatousero

February 16, 2008 § 66 Comments

Sinong walanghiya ang nagsabing hiatus ako? tsktsktsk. Hindi ako hiatus, Blog break lang, semi-hiatus. Parang ganun na rin yun.

Ang hiatus ay sitwasyon na kung saan ang isang blogger ay humihinto pansamantala sa pagblablog. Ang sanhi nito ay ang virus na tinatawag na imbentong virus ni FerBert dahil hindi naman talaga virus ang sanhi nito gusto ko lang sabihin na virus ang pinagmulan nito, wala lang, pauso.

Hindi naman siguro nararapat na bigla bigla na lang akong aalis na hindi man lang nagbibigay sa inyo ng mga rasones. (Plural yan ha. Imbento ko na naman yang word na yan). Kaya gumawa ako ng listahan ng mga dahilan kung why trip kong maghiatus.

Una gusto kong maghiatus dahil naiingit ako. Sa mga kakilala kong blogger marami na ang naghiatus. Ano ba ang tingin nila sa sarili nila? na sila lang may karapatang maghiatus? Putangina nila! kaya eto maghihiatus ako para ipamukha sa kanila na marunong din akong maghiatus.

Ikalawa, winarningan ako ng propesor ko dahil walang silbi na mataas ang nakukuha ko sa mga exam kapag di ako pumapasok. Hindi naman talaga yan kasali sa mga rasones ko kung bat ako hiatus. Gusto ko lang idagdag, pamparami.

Ikatlo, Malibog akong tao! at ang pinakamasaklap na pwedeng mangyari sa Tulad kong malibog ay ang matigang ng ilang linggo. Sa tinagal tagal ng hindi ako nakikipag *TOOOOT* kaya ko na sigurong punuin ng tamod ang isang pitsel. Nagsawa na ko kay Mariang Palad, puro kalyo na rin ang palad ko, kelangan ko ng tagapalad. Kaya ang oras na ginugugol ko sa paggawa ng entry at gagamitin ko na lang upang makapangbola ng chiks. Mahirap maghanap ng chickabebes dahil maarte ako. Malibog nga akong tao pero pinipili ko naman ang mga sinisipingan ko. Aba, ang swerte naman kung isang panget na nilalang ang makakatikim ng Tender Juicy OH SO YUMMY Hotdog ko.

Ikaapat, Gusto kong patayin ang LAHAT mga pulitiko ng Pinas. Una sa listahan ko si Gloria panghuli ang mga Baranggay Kagawad namin. Pinaplano kong maigi ang assination nila kaso ayoko mismo na ako ang papatay sa kanila dahil mababahiran ng kanilang itim na dugo ang aking iskin.

Ikalima, Hindi na ako masaya sa pagblablog at Alam ko rin na hindi na rin kayo masaya sa mga sinusulat ko dito sa TALIEN.

Ikaanim. Tamod Tamad ako. Marami akong ideya , marami akong pwedeng iblog kaso tamadero ako.

Yan ang anim na rasones kung baket ang mahihiatus. Pero baka next week makagawa ako ng entry. Ang labo no? heeyatousero ako pero gagawa ako ng entry next week.. tsktsktsk

LRT

February 11, 2008 § 44 Comments

Inubos ng eskwelahan ang lakas ko kaya mabuti na lang at may naupuan pa ako sa dinami dami ng mga tao. Tahimik akong nakaupo at sinusubukang umidlip para magkaroon naman ako ng konting lakas. Nakarating sa ikalawang istasyon ang LRT, bigla may pumasok na isang dilag. Chinita, makinis ang balat, mapula ang kanyang mga labi, mapupungay ang kanyang mga mata. Yun ang tipo kong babae. Nag slowmo ang lahat at ang atensyon ko nasa kanya lang. Para syang isang anghel na inihulog ng langit upang sagipin ako sa kapaguran at upang iligtas ako sa kaBITTERan. Marahil eto na yung tinatawag nilang love at first sight. Kung isa man tong pelikula siguradong “Ipagpatawad mo” ang musical background nito. ” Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo Ipagpatawad mo, minahal kita agad”

Nanalangin ako na tabihan nya ako, malakas ako kay God, PUTANGINA! tinabihan nya ko. Di ko alam ang magiging reaksyon ko. Rinig ko ang tibok ng puso ko, lub dub lub dub, sinisigaw na putangina mahal na kita ms. chinita. Naalala ko ang pelikulang My Sassy Girl na kung saan sa loob din ng train nagsimula ang pagmamahalan ng dalawang bidang artista. Pero wala ako sa pelikula, totoong buhay to. Pasimple ko syang tinitigan sa mukha, parang kilala ko sya. OO parang naging bahagi na sya ng buhay ko. Maaring sya ang naging asawa ko nung past life ko.

Nahuli nya akong tumititig sa kanya. Binuka nya ang kanyang mapupulang labi. May lumabas na salita “HELLO” ata sinabi nya pero di ko masyadong narinig dahil mas malakas ang tibok ng puso ko. Nahuli nya ako ano pa bang magagawa ko kundi sumagot din ng “HI” sabay ngiti at pakita ng dimples. Tumawa si Ms. Chinita sabay bigkas ng “MICHAEL? KUMUSTA KA NA?”. Kilala nya ako, di kaya isa sya sa mga stalker ko? pano nya nalaman ang pangalan ko? Lola kaya nya si Madam Auring? pero hindi maari yun dahil ang ganda nya samantalang si Madam Auring mukhang bulok lang na kalamansi. Manghuhula kaya sya? Kung may kapangyarihan syang manghula kaya din kaya nyang basahin ang sinasabi ng utak ko, pareho ang winiwika ng puso’t isipan ko na mahal kita Ms.Chinita kahit ngayon lang kita nakita.

“DI MO NA BA AKO NATATANDAAN? SI (itago na lang naten sya sa pangalang Candy dahil sa kanyang matatamis na ngiti) to. Kaklase mo nung 1st Year.”
Bumalik ang memorya ko. Putangina! sya na ba to. Yung laging tumatabi sakin nung 1st year, yung na nabisto na may gusto sakin dahil sa isang inuman pero ibang iba na sya. Ang panget nya dati tas ngayon pwede na syang makipagsabayan kay Marimar sa ganda. Nahiya ako pero nagpapacute pa rin ako sa kanya. Nagkwentuhan kame. Ayoko ng tumigil ang Train. Gusto kong patigilin ang oras dahil alam kong pag nakarating na ang train sa huling istasyon hindi na tayo makakapag-usap, magpapaalam na tayo sa isa’t isa.

Nalumbay ako ng makarating sa huling destinasyon ang train. Kinuha ko number nya. Sabay kaming lumabas ng pintuan, hanggang sa makalabas kame ng istasyon ng LRT, may isang lalaki na nag-aantay sa kanya, boyfriend nya. Itinago ko sa isang ngiti ang pagdurusa ng puso ko. Nasasaktan ako dahil hindi ko pa nililigawan nalaman ko na, na may mahal na sya at wala na akong pag-asa. Pagdurusa to dahil sabi nga sa kanta ng APO HIKING SOCIETY; mahirap magmahal ng syota ng iba. Para akong binatukan ng Dyos, pinapangaralan at sinasabe sakin na : “ang arte arte mo kase noon. dapat niligawan mo na sya dati pa, di sana ikaw na ang kasakasama nya”

Ikinaway na nya ang kanyang mga kamay, namamaalam na sya. Ikinaway ko din ang aking kamay umaasa na sa muli naming pagkikita sa loob ng train ako na ang boypren nya.

[OFF TOPIC]Sinabihan akong suplado kase di ako nagrereply sa mga comments nyo kaya simula ngayon magrereply na ulit ako sa mga puna/opinion/eklavu sa mga blog entry ko [/OFF TOPIC]

Grinch

February 5, 2008 § 25 Comments

Wala talaga akong maisip na pwedeng ipost ngayong buwan ng mga puso siguro dahil wala naman rason para icelebrate ko ito. Inaatake ako ng sakit pag pebrero. Ang katamaran. Tamad akong lumabas ng bahay dahil nagkalat na naman ang palamuti na kulay red na korteng puso at kupido. Toro ako at galit ako sa kulay pula. Argh! ang sarap punitin nung mga yun at sunugin dun rin mismo sabay hahalakhak ako ng malakas tipong kontrabida. Tamad nga ba ako o Bitter lang?! hahaha

Kung ang Christmas may Grinch siguro ang Pebrero naman may FerBert. yun nga lang panget si grinch ako gwapo. malayong malayo ang itsura namin sa isa’t isa pero iisa lang kame ng layunin ang nakawin/sirain ang sa tingin namin ay ang pinakaaayawan naming panahon ng taon.

Ngunit di naman ako makasariling nilalang kaya hahayaan ko na lang kayo na icelebrate ang balentayns sa motel, sana nga lang pagpyestahan kayo ng mga nakatagong kamera at ng mga surot. Sana mahawaan kayo ng halitosis ng kahalikan nyo, at sana magkaroon din kayo ng STD. hahaha.. joke lang

Pag ganitong okasyon naalala ko yung pinapagawa samin ng titser namin nung elementary. Pinapagawa nya kame ng mga cards. Syempre yung card ko maraming anik anik, ako ang may pinakamakislap na card dahil inuubos ko ang glitter chenelin ek ek para makagawa ng pinakamagandang card. Nilalagyan ko din ito ng mga cotton(oo cotton as in bulak) para naman may effect. Tapos namimitas pa ako ng mga plawer para ilagay sa card ko, ang kinalabasan parang bangkay ng isang Drag Queen na nasobrahan sa make up. Ang panget. Simplicity is beauty ika nga kung alam ko lang sana na pag nasobrahan sa kaartehan eh magiging panget ang kalalabasan sana di na lang ako gumawa ng maarteng card.

Pero syempre tulad ng isang tao hindi naman mahalaga ang panlabas na anyo ng isang card kundi ang nakapaloob o nakasulat dito. Simpleng I Love You lang yung sinulat ko sa card ko para sa Tatay ko (wala na kase akong Nanay kaya si Tatay lang ginawan ko nun ng card). Yung simpleng I love you na yun marami ng nagagawa yun. Nakakapawi ng pagod at lungkot ang I Love You, masabihan ka lang nun at malaman na may nagmamahal sayo magiging okay na ang araw mo. kaya para maging okay ka naman eto para sa yo- PAKYU! kala mo i lab yu no?.. bwahahaha

Ayon kay Dr. Seuss na may akda ng How the Grinch Stole Christmas sa huli ay nalaman ni Grinch na Christmas is more than just gifts and presents, kaya lumaki na ang kanyang maliit na heart. Kung ang Christmas ay hindi lamang para sa mga regalo siguro marahil ang Valentines ay hindi lamang para magkasintahan.

Kaya siguro pinagdidiriwang ang Valentines para ipadama naten sa mga mahal naten sa buhay na mahal naten sila at mahalaga sila sa buhay naten. Hindi lang ito buwan para sa malilibog na magsing-irog kundi buwan din ito upang ipagdiwang ang pagmamahal naten sa ating mga kapatid, kaibigan, magulang, kamag-anak, maging kapuso man yan o kapamilya.

Alamat ng Halimaw sa Banga

February 1, 2008 § 39 Comments

Noong unang panahon may isang mahiwagang banga na natagpuan malapit sa dagat pasipiko. Maganda ang banga, mukhang galing China kaya naman pinasuri ito ng mga taong bayan para matiyak na hindi ito ginamitan ng mga nakakalasong materyal.

Sabe nung tagasuri: Duh? this is not Mattel. wala itong lead content kahit na formalin wala. promise!

Nagbunyi ang mga tao ng malaman nilang Hindi nakakalason ang banga. Ibinigay nila ito sa kanilang pinuno. Dahil perpekto ang pagkakagawa nito tinangka ng mga taga ibang tribe na agawin ito. Dumanak ang dugo, pero hindi nila ito nakuha. Alam ng mga taga ibang tribe na hindi nila makakayanang agawin ang Mahiwagang banga kaya naman ikinalat nila ang tsimis na may halimaw sa loob nito. Nakikitsismis din noon ang lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ni Lotlot de Leon kaya ginawan nila ito ng pelikula nung 1986 na may title na HALIMAW SA BANGA.

Madaling napaniwala ang Pinuno ng tribu eklavu kaya naman binasag nya ito. Huli na ng malaman nyang hindi iyon totoo. Sinubukan nya muling itong ayusin gamit ang sinaunang Super Glue na gawa sa malagkit na katas na nagmumula sa mga kalalakihan kapag nakikipag*T OOOOT*. Nabuo nya ulit to pero di na sing ganda ng dati nanghinayang ang Pinuno kaya naman nagpaka-emo ito at naglaslas ng pulso. Ang bangkay nya ay ipinaloob sa banga at naging halimaw ang Pinuno kaya noon ang tsismis tungkol sa halimaw sa banga ay nagkatotoo.

THE END

Sa relasyon hindi maiiwasan na magkatampuhan, maraming problema ang pwedeng maranasan. Maraming gagong gustong manira kaya gagawa ng tsismis kahit na wala naman batayan. Tulad ng Pinuno ng Eklavu Tribe wag kang basta basta makikinig sa mga tsismis na yun, matuto kang magtiwala at kung hindi, baka masira mo ang mahiwagang banga.

Sinubukan kong ayusin ang aming relasyon basag na banga. Nagkalat ang mga bubog kaya nagtamo ng maraming sugat ang palad ko, naging duguan, mahapdi, makirot, Ang Sakit sakit. Kahit masakit pinagpatuloy ko pa rin buuin hanggang sa nabuo muli ito Pero hindi na ito tulad ng dati, di na ito kasing ganda ng dati, halatang halata na ang mga marka, halatang ang mga linya ng pagkakabasag, mga biyak, at namantsahan pa ito ng aking dugo. Mahina. Hanggang sa masagi ulet ito at nabasag muli. Gusto kong ayusin kaso nanghihina na ako. Paubos na aking dugo, sobrang kirot na ng mga sugat ko, wala na akong lakas upang buuin muli ito.

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko. Susubukan mo pa rin bang buuin ang basag na banga kahit na alam mong maari kang masugatan dito at hindi mo rin naman ito maibabalik sa dati o kukuha ka na lang ng walis at lilinisin ito? Ipagpapatuloy mo pa rin ba ang isang relasyon kahit na nasasaktan ka na o ikaw na mismo ang lalayo para hindi ka na muling masaktan pa?

A millon words would not bring you back...
i know cause ive tried...
and a millon tears wouldnt either...
i know because ive cried

Where Am I?

You are currently viewing the archives for February, 2008 at Kokey Monster.