Bituin

January 21, 2008 § 26 Comments

“When I look up at the sky
The stars are sparkling,
Each giving off its own light
Like the people on this planet.
Yeah, so I
Want to shine too.
I close my eyes and make a vow in my heart
And entrust my dreams to that shooting star”
(NARUTO SHIPPUDEN OST)

Nostagic. Yan ang pakiramdam ko habang pinapanhik ang hagdanan paakyat sa roof top. Gusto kong bumalik sa nakaraan hindi upang baguhin ito kundi para muling maranasan ang pakiramdam ko noon.

Tinopak na naman ako, naisipan kong tumambay sa roof top namin dala ang dalawang bote ng beer, at lumang iPod. Napakaloser ko, umiinom mag-isa! Umupo ako sa isang sulok kung saan din ako nakaupo noon. Kelan nga ba nung huli akong umakyat dito? matagal tagal na rin. Parang walang nagbago, ganun pa rin ang itsura ang pinagkaiba lang eh wala akong kasama ngayon, nag-iisa [insert emo song].

Tambayan namin to ng barkada ko, apat na taon na ang nakararaan. Mga totoy pa kame nun, sabik sa makamundong pagnanasa, mga ambisyoso, nag-uunahan kung sinong mapalad sa amin ang makakatikim ng mahiwagang bibingka ni Eba. Dito sa lugar na to kung san kami lagi naglalagi, dito ko unang nalasahan ang pait ng beer na kinalaunan ang pait ay naging tamis, sa lugar na ito una akong humithit ng yosi hanggang sa ang yosi ay naging marijuana (joke). Inaabot kame ng madaling araw, nakatingin sa kalawakan nagbibilang ng mga tala sa langit. Nag-aabang ng shooting star, nagbabakasakali na matupad ang aming mga hiling.

Madalas naming pag-usapan kung ano ang mga plano namin sa buhay, kung ano ang balak gawin. May isang nangarap na makagawa ng reusable condom at pinakamalaking vibrator na tatalunin ang haba ng LRT mula Santolan hanggang Recto tas ipapagamit daw nya ito kay Mahal at kay President Gloria. Ang isa gustong makagawa ng pinakamatinding kompyuter virus na syang magiging sanhi upang ikabagsak ni Bill Gates. Yung pinakamatino samin gustong maging photograper ng isang Men’s Magazine para may libreng himas daw sya (yun na ang pinakamatino sa amin, isipin nyo na lang kung gaano kame kagago). Ako, hindi ko pa alam ang gusto ko nun. Wala akong kaplano plano sa buhay. Hindi ko alam kung alin ang tamang landas na aking tatahakin.

Dumating ang panahon para magkahiwa-hiwalay kami upang sundin ang aming mga pangarap, ni hindi ko nga alam kong ano ang gusto kong gawin sa buhay ko nun, basta alam kong gusto kong maging mayaman para mabayaran ang utang ng Pilipinas na kinalaunan ay naging plataporma ni Eddie Gil.

Lumipad ang dalawa samin patungo sa ibang bansa, Kaming dalawa na lang ni photographer ang natira dito sa Pinas. Si Virus ay bente kwatro oras na nasa harap ng kanyang PC, inaaral ang lengwahe ng mga kompyuter; si Vibrator may sariling pamilya na sa America. Si Photographer naman ngayon ay isa ng modelo, ako eto nag-aabang ng talang babagsak sa langit na magbibigay sakin ng Puting Bato para lunukin at kapag isinigaw ko ang salitang CHUBA EKLAVU CHENELIN CHU CHU ay magtratransform ako sa pagiging Superhero na nakasuot Red na Bra at panty/bahag na may disenyong bituin sa gitna (ang laswa) o kaya baka may lumabas na friendly alien na magiging pinyoko ko . In short wala pa rin direksyon ang buhay ko. Isa pa rin akong dakilang gago.

Eto ako ngayon, nakatingin sa kalawakan, Ewan ko kung cloudy lang o masyadong polluted na ang Metro Manila kaya wala na akong makitang bituin sa langit. Wala nga sigurong nagbago sa lugar na to,ganun pa rin ang itsura, pero alam kong may nagbago, marami, isa na ako dun, oo ako, nagbago na ako. I ain’t totoy anymore na sabik makatikim ng mahiwagang bibingka/magic tahong o kung ano man ang gusto nyong itawag sa kepyas. Alam ko na rin ang gusto ko ngayon, may pangarap na ako,hindi na ako naguguluhan kung anong landas ang aking dapat tahakin. Gusto ko… Gusto kong maging Artista! Gusto kong maging Star! joke. Ayokong maging artista, hindi yun ang pangarap ko. Pero kung bibigyan man ako ng pagkakataon baket hindi, di ako marunong umarte pero nag-aakin naman ako ng mukha na ikakatulo ng laway ng buong bansa (pakihinaan ang electric fan, masyadong malakas)

If you can imagine it, you can create it. If you can dream it, you can become it.
-Ward, William Arthur

===========================

[ANNOUNCEMENT] Nung nakaraan nasa Ospital ako may nakita akong kakaiba sa CR nila, Piniktyuran ko yun at pinadala ko sa GreenPinoy. Eto yung link [/ANNOUNCEMENT]

Tagged: ,

§ 26 Responses to Bituin

  • jake says:

    pakenshet mejo dramatic 2ng entry mo…kung bubong nyo ang tambayan nyo, kami nman dati e sa tapat ng poste ng kalye naglolokohan lalo na pag brownout..
    nasa amerika nako ngayon…pero ayun, wala pa ring alam sa buhay…buti kapa…
    (greenarcher88@gmail.com)

  • ignoramous says:

    ayos,ayos.. Papayag ka kaya kung iloloveteam ka kay bellia flores o kaya kay flora gaser para gumawa ng isang movie tunkol a may-december love affair? tapos may sex scene na parang kay nora aunor at yul servo? hahaha.. pero malaki ang bayad. papatol ka kaya sa offer na yon kokey master?

  • XienahGirL says:

    polluted lang talaga
    ang manila
    hahaha

    emotero.
    tsk tsk

  • Mariano says:

    Artista, binalak ko na din yan minsan kaso lang medyo mahirap. Naiisip ko kasing magiging isnabero ako kapag sumikat na ako kaya mas pipiliin ko ng makasalamuha ang mga tao kaysa sa hangaan nila ako.

    Wala pa din akong malinis na hangarin sa buhay ko ngayon, puro walang kwenta pa din ang gusto kong gawin at marating, at ang masama pa nito eh tinatamad na akong magpatuloy sa pangarap ko. Talaga nga naman oo, tsk tsk tsk.

  • redlan says:

    it’s time to shine! again, maganda ang pagkasunod-sunod ng bawat eksena sa post na ‘to. Magaling, magaling.

    Ang mga tanong ko habang binabasa ko ay nasasagot habang tinatapos ko hanggang dulo.

  • Coldman says:

    san na nga ba, san na nga ba barkada ngayon?

    wag mong sabihing wala kang direksyon sa buhay lahat tayo meron lakarin mo lang. =)

  • noime says:

    anjan sa tabi ni ate jane yung pangarap mo. tignan mo na lang.πŸ˜‰

  • deksi says:

    walang ya to…

    wahahaha

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    di pa huli ang lahat.. we’ll pull the Titanic off the ocean floor… we’ll make a new movie of that ship..

    syempre ikaw ang bida…

    palulubugin natin uli.. tapos kunyari habang lumulubog kinakain ka ng mga pating.

    baka magka best actor ka pa sa Oscar.

    so sikat ka!

  • Fjordan Allego says:

    lam mo bang hanggang mga alas-tres o alas-dos ng gabi este madaling araw e nakatutok pa yata kami ni kookoo sa buwan kagabi.. ang ganda kasi…

    pero hilig ko ring tumambay sa rooftop.. wala nga lang kaming rooftop hehehe..

    pwede ka ng dramatic actor brad hahaha!!!

    http://hiraya.co.nr

  • Abad says:

    Gusto ko ang post na ‘to. Bihira na rin kami magkita ng barkada ko, at pinangarap ko ring gumawa ng reusable condom dati.

  • icka says:

    kala ko magbabalik showbiz ka na ulit eh… kakatapos lang ng kokey eh. pahinga ka muna.

    >ang kulit nung pic. malay mo maikli lan yung dila nung nagtype nun
    ..PLS PLUSH. HAHA.

  • cedeux says:

    argghhh! sarap tlaga balikan ang
    mga dating samahan. ung mga
    trip ng tropa… lalo mo lng maiisip at babalikan ung mga un
    kapag magisa k na lng…

    ang emo mo tlaga! sana nagyakag ka maginuman! syet… iinum din ako mamaya! hehehe

  • Miss Kurdapya says:

    ay! nahuli nanaman ako? ahehehehe!.. IN LABABO KA NGA! makapagbagbag damdamin post mo..hehe.. sabi nga nila… kapag in lab.. baduy!..

  • Holy Kamote says:

    asar. paano ba mag-emo? hirap akong mag-project bilang emotista. di pa tintubuan ng ganon ung attitude ko. uso pa naman. tsk. asar talaga.

    pang artista na lang ang bagsak natin parekoys.

  • Mojo Potato says:

    sige Pervert este Michael pag sikat ka na kami ang gagawa ng fans club mo pagkatapos libre kami sa lahat ng pelikula mo…basta mag-emote ka na sa harap ng mirror at pumila sa mga auditions baka ikaw na ang next big star…malay mo ibalik nila ang clown in a million…hehe

  • jeck says:

    ayos sa mga pangarap. alam ko namang gusto mong maging giggolo someday eh. wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. gawain ko rin yan.
    nakita mo ako sa friendster? hahaha
    add mo ako parekoy.
    may tag nga pala ako sa iyo.πŸ˜‰

  • yeye says:

    bata ka pa. malayo pa mararating mo

    magpa-plush ka na lang sa inidoro malay mo makarating ka sa ibang mundo parang sa plushed away hahahaha

  • gasti says:

    wag masyadong nag eemote at nakakabaog yan pards! hehe! enjoy ka lang sa buhay mo ngyon. isipin mo na lang ang iyong gf at ang future nyo.

    di ko rin alam ang gusto ko dati. nangangarap lang akong maging pornstar. lols

  • dorkzter says:

    ganda ng pagreminisce mo. (nabobo ako sa speling). dont wori, someday mllman mo din ang gusto mong gawin.πŸ˜€

  • aleli says:

    dream booster ang entry mo ngaun ah..sige apo..hindi na muna maglalandi ang lola mo at magfofocus sa pag-rereview..para ung dream maabot!!

    goodluck saiyo!!

  • Juz says:

    nothing beats the old Barkada!

    takte nakakamiss tuloy sila bigla.. nahawa na ako sau..emo mode..hahaha

    kung kau sa rooftop.. si jake sa tapat ng poste.. kami naman sa tapat ng tinda-tindahan ni lolo na matitigas ang tinapay,imitation ng Julie’s Bakeshop..hahaha in short, sa kalsada..
    at minsan sa sobrang inis ni lolo tindero na nangangarap maging pandero, nagdidilig siya, hindi halaman,, kami ang binabasa.. amp! hehehe

    goodluck.. wag iinom magisa.. nakakalungkot nga yaN!

  • aCey says:

    hi,ferbert! katuwa ka naman… i like the humor and train of thought in this post.

    it’s good to read something in tagalog, too, you know. hindi kasi ako marunong magsalita sa wika. kay na-appreciate ko talaga ang mga posts na ganito po.πŸ™‚

  • justmike says:

    ay kakalungkot nga yang mga ganyang churvaloo.yung naiiwan ka sa kawalan tapos marararamdaman mong tae ka lang compared sa narating nila. hehe.

    isa lang ang solusyon jan kokey, wag mong ikumpara ang sarili mo sa iba..

    sapagkat may hingit na mapalad at may kapus-palad.

    masasaktan ka lang.

    *uy pag bigstar ka na, pa awtograp.

  • Jeniffer says:

    ui, di ka nagsabi.. sasamahan sana kita sa rooftop hehe..πŸ™‚ tagay!!

  • kervi says:

    haha. di ko na sana babasahin.

    ang tangi kong napansin, yung aannouncment eh.

    haha. pilipino talaga oh.

    basahin ko nalang pag meh time ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Bituin at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: