My Way

January 11, 2008 § 48 Comments

[ANNOUNCEMENT] Rank 21-22 ako sa PROJECT LAFFTRIP LAFFAPALOOZA. Salamat sa lahat ng bumoto.. Pwede pa po kayong mag-vote ng inyong peborit Patawa Blog (Humor blog nga ba tong blog ko?!) at manalo ng mga Prizes.. kung gusto nyo pwede nyo rin akong iboto…. (Charing! ) Salamat talaga! Maraming Salamat sa inyo[/ANNOUNCEMENT]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

And now, the end is here
And so I face the final curtain

My friend, I’ll say it clear

I’ll state my case, of which I’m certain
I’ve lived a life that’s full
I traveled each and ev’ry highway
And more, much more than this,
I did it my way

Anong meron sa kantang ito? May sademonyo ba ang komposer nito?Alagad ba ni satanas ang idolo ng lolo kong si Frank Sinatra?Anong hiwaga ang bumabalot sa awiting ito? Baket halos lahat ng kumakanta nito sa KTV bars ay nalalagutan ng hininga? Bigla bigla mo na lang makikita sa balita ang headline na “LALAKING KUMANTA NG MY WAY GINULPI, SINAKSAK, BINARIL,PINALAPA SA ASO, KINATAY AT BINENTA SA SLAUGHTER HOUSE, SINUNOG AT GINAWANG BARBECUE, GINAWANG PROPS SA HORROR BOOTH KINAIN NG MANANANGGAL ANG PUSO, ISINUOT SA MALETA AT ITINAPON ANG BANGKAY SA PASIG RIVER.”

LSS ako sa kantang ito. paulit ulit kong kinakanta na parang sirang plaka kahit na hindi alam ang tamang lyrics. YES I DID IT MY WAY.. Sumakay ako ng tryck (traysikel) papunta sa loob ng aming semi-pangmayaman at semi-pangmahirap na subdivision. sa labas ako pumuwesto sa likod ng amoy araw/amoy anghit na drayber. Doon ang trono ko, doon ako mahilig pumuwesto dahil gusto kong ipakita sa madla ang nakakainlab kong pagmumukha. Sumisipol ako to the tune of My Way (ano pa nga ba) ng biglang “BLAAAAAG!”. Bumagsak ang cellphone ko.Wasak na wasak! tsk tsk tsk.. Nagkahiwahiwalay ang parte. Sinubukan kong buuin na parang jig saw puzzle.

HOLD ON MY DEAR SELFOWN.. WAG MO KO IWAN

Nagpunta ako ng mall nagbabakasakali na pwede pang ayusin ang naghihingalong cellphone ko. “Gawin nyo ang lahat ng magagawa nyo.Nagkahanda akong magbayad kahit magkano.” (parang eksena sa hospital) . May Sentimental value sakin ang aking mahal na cellphone. Nahirapan ako sa pagkumbinsi sa tatay ko na bilhan ako ng isa sa pinakamahal na modelo.Palibasa Ilokano kaya umiral ang pagkakuripot. Kalahati lang daw nung presyo ng gusto kong cellphone ang ibibigay nya. Bahala na daw akong dumiskarte kung pano ko mahahagilap ang kalahating halaga nung phone para daw matutunan ko na mahirap maghanap ng pera lalo na’t mababa na ang palitan ng dolyar sa piso. Dalawang buwan akong nagtiis, nangayayat ako para lang makaipon ng ganong kalaking halaga. Ginusto kong tumambay sa circle pero mababa ang pambili ng cellphone kapalit ng dangal ko

“GINAWA NAMIN ANG LAHAT PERO WALA NA. MAINAM NA BUMILI NA LANG KAYO NG BAGO”. Wala na. Patay na ang cellphone ko. Lahat ng paghihirap ko nabalewala. Wala pang anim na buwan sira na. Ang bilis bilis. Cellphone ang simbolo ng estado ng buhay ng tao, Magtitiis na muna ako sa lumang 3310 ko.

Good News, Bad News

Pwedeng pwede na akong magtext sa loob ng jeep at sa kalye na hindi nangangamba na baka ma-snatch ang 3310 ko, Bad News di na muna ako makakatambay sa mga pang sosyal na tambayan. Sosyal Klaymber ako eh. Pake alam ko! Bat naman ako mahihiyang tumambay sa mga sossy places.Subukan nilang laiitin ang 3310 ko at ng makatikim sila ng kayabangan ko.

ANG LAHAT AY MAY KATAPUSAN. Walang permanente dito sa mundo. Pwede nasa iyo ang isang bagay sa isang iglap bigla na lang tong mawawala. Dalawang bagay lang ang hindi nagbabago. Kamatayan at buwis. Hindi mo matatakasan ito maliban na lang kung may lahi kang engkanto. Ang cellphone pwedeng maging uso, pwedeng malaos at pag nasira ito mahihirapan ka na itong ayusin mas mainam na bumili ka na lang ng bago. Hindi pa ako handa ng mawala ito, bigla na lang nasira ito, natapos, huminto, nawalan ng silbi, namatay na ang aking cellphone. Game Over na. Pagwawakas ng isang bagay na pinaghirapan.

Tulad ng buhay ng tao, na balang araw lahat tayo ay gigilitan sa leeg ni kamatayan gamit ang kanyang matulis palakol, malalagutan ng hininga at papanaw sa mundong ito. Titigil rin ang pag-agos ng tubig sa mga ilog, malalanta rin ang mga puno’t bulaklak, mapapagod ang mga ibon sa paglipad. Mawawalan din ng liwanag ang araw, buwan at mga bituin. Mawawala din tayong lahat. Darating din ang araw ng ating katapusan. Maglalaho din tayo, mamatay tayo. (Morbid! haha)

nothing is static or fixed, that all is fleeting and impermanent, is the first mark of existence. It is the ordinary state of affairs. Everything is in process. Everything—every tree, every blade of grass, all the animals, insects, human beings, buildings, the animate and the inanimate—is always changing, moment to moment.

Tagged:

§ 48 Responses to My Way

  • arjay says:

    cellphone lang yan, pede pang palitan. haha.

  • arjay says:

    cellphone lang yan, pede pang palitan. haha.

  • my-so-called-Quest says:

    astig ang patapon na cp na-
    correlate pa nyan sa buhay. ibang klase ka tlaga.

    madali lng yan. addtional 20T sa tuition will solve everything! hehe
    joke lng un.

  • my-so-called-Quest says:

    astig ang patapon na cp na-
    correlate pa nyan sa buhay. ibang klase ka tlaga.

    madali lng yan. addtional 20T sa tuition will solve everything! hehe
    joke lng un.

  • Ayiene says:

    akalain mo, may epekto pala ang My Way sa buhay ng tao. Nawasak tuloy cellphone mo. Sayang naman. T_T

  • Ayiene says:

    akalain mo, may epekto pala ang My Way sa buhay ng tao. Nawasak tuloy cellphone mo. Sayang naman. T_T

  • FerBert says:

    @ arjay- sabagay.. I still have my 3310 naman eh.. haha.. tiis tiis muna..

    @cedeux- Sige Sige gawin ko ng 25T pang gimik naten yung 5.. haha.. grabe naman kumupit.. hanggang 10T lang ako.. haha

    @ayiene- Oh! wag ng kakanta ng my way baka malasin din phone mo.. =)

    my way ata ni fred durst alam ko!
    hahaha

  • my-so-called-Quest says:

    my way ata ni fred durst alam ko!
    hahaha

  • dorkzter says:

    bakit ung dean namin,super peborit yang kantang yan, pero umabot na xa ng 69 years!! di parin xa natitigok. hehe. bagam ken tatang mo igatangan naka ti barbaron!!😀 hehe sayang ung cp!😀

  • Noime says:

    bakit ganun. hindi naman ako kumanta ng my way nun nung nasira fone ko. HAHA. walangyang my way yan. tsktsk.

    tama ka kuya, ang lahat ay may katapusan. haay.

  • Noime says:

    bakit ganun. hindi naman ako kumanta ng my way nun nung nasira fone ko. HAHA. walangyang my way yan. tsktsk.

    tama ka kuya, ang lahat ay may katapusan. haay.

  • Xtian says:

    ok nga yan.. tagal masira… hehehe…

  • Xtian says:

    ok nga yan.. tagal masira… hehehe…

  • Mariano says:

    Baka naman MY WAY ang ring tone ng celphone mo kaya namatay siya.

    Mahirap talaga mawalan ng bagay na kagaya ng selpon, lalo na kung puro porno ang laman nun, nakakahinayang din.

    Sa susunod, itali mo na siyang maige sa yo para hindi na malaglag. Tanggalin mo na din ang MY WAY sa isip mo. Palitan mo na lang ng SEXBOMB ang LSS mo.

  • Josh says:

    tangina mo! ang husay mo magsulat!!

  • Josh says:

    tangina mo! ang husay mo magsulat!!

  • redlan says:

    Marami na talaga natiguk sa my way na yan.

    Ma okay na yung sa cp mo nangyari. dahil marami pang cp mabibili mo habang buhay ka. bui na lang cp mo ang nasira keysa kagwapuhan mong mukha.

  • redlan says:

    Marami na talaga natiguk sa my way na yan.

    Ma okay na yung sa cp mo nangyari. dahil marami pang cp mabibili mo habang buhay ka. bui na lang cp mo ang nasira keysa kagwapuhan mong mukha.

  • Meryl says:

    Tama, napakadali kaya humingi ng kickback sa tuition. Hahaha.😀

  • Meryl says:

    Tama, napakadali kaya humingi ng kickback sa tuition. Hahaha.😀

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    social climber na artista (starlet?), as always 10 over 10 na naman ang post mo.. clap! clap! clap!

    e-glue mo na lng yang fone na yan para madala mo sa mga sosing tambayan kahit di na uma-andar. pang face value na lng ba.

    dorkzter- kuripot nga tatay ko diba.. ilokano nga agpayso.. haha

    Noime- haha.. ewan.. lol

    Xtian said…
    matgal na ba yug 6 months? =)

    Mariano- wala namang scandal yun.. lalagyan ko pa lang sana kaso nasira na.. di ko tuloy matatalbugan si xienah

    Josh- Woi Josh! wala kang iniwan na link. Tangina! maraming salamat!

    redlan- oo nga eh.. buti di na sira ang fes ko. sayang yun..

    Meryl- expert ka siguro no? paturo naman ng tricks dyan

    KRIS JASPER ANGEL- pang face valu tulad ko… hahaha.. face lang ang meron ako..

  • aleli says:

    swerte ko hindi pa ako naisisraan ng fone.. kasi bago masira, nawawala na..

    ahaha..una akong nawalan hskul.. tapos dalwa nung college.. hindi ko alam kung ano nun kinakanta ko nun..

    kaya ang fone ko ngaun, ung mga fone na tinatapon na pabalik ng snatcher.. tingnan lang natin kung ma-apatan pa ako..ahaha…

    sus mapera ka naman..kyang kya palitan.. saka na pala ung katol mo..utang na muna..ahaha..

  • XienahGirL says:

    impermanence
    is not even
    a freaking word
    😐

    haha
    PATAY
    yung picture ko andon diba?
    tsk tsk

  • XienahGirL says:

    impermanence
    is not even
    a freaking word
    😐

    haha
    PATAY
    yung picture ko andon diba?
    tsk tsk

  • Coldman says:

    mag ipon at bumili ng bago para masaya. =)

    wala talagang permanente sa mundo.

  • Coldman says:

    mag ipon at bumili ng bago para masaya. =)

    wala talagang permanente sa mundo.

  • kingdaddyrich says:

    shit ang dilim…

  • kingdaddyrich says:

    shit ang dilim…

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    Mike, thanks sa contri… LOLZ..

    kapamilya ka no? na email mo na add mo?

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    Mike, thanks sa contri… LOLZ..

    kapamilya ka no? na email mo na add mo?

  • Ignoramous says:

    Congrats sa pagpasok Fer bert kahit hindi nila naintindihan na emo blog ka.

  • Ignoramous says:

    Congrats sa pagpasok Fer bert kahit hindi nila naintindihan na emo blog ka.

  • Abad says:

    Nagbebenta ako ng phone. Kaya lang malayo ako. tsk. Nang manakaw ang cellphone ko noong asa pangalawang school ko ako e naka3310 din ako sandali. lintek na mga kaklase ko, cellphone ko lagi ang napapagtripan.

  • CresceNet says:

    Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations🙂. I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my site, it is about the CresceNet, I hope you enjoy. The address is http://www.provedorcrescenet.com . A hug.

  • yeye says:

    i love 3310
    masarap pang-text
    hehehehe

    kahit katabi ko eh naka i-phone, keber na lang.

    bsta maka-txt

    haha my way.
    amp ka.
    bakit ka kumakanta nun
    hehehehe

  • yeye says:

    i love 3310
    masarap pang-text
    hehehehe

    kahit katabi ko eh naka i-phone, keber na lang.

    bsta maka-txt

    haha my way.
    amp ka.
    bakit ka kumakanta nun
    hehehehe

  • blogadikted says:

    hahahaha, ang morbid ng ending, lahat talaga matatapos…pero habng di a tapos, enjoy life…enjoy mo 3310 mo, hahaha

  • blogadikted says:

    hahahaha, ang morbid ng ending, lahat talaga matatapos…pero habng di a tapos, enjoy life…enjoy mo 3310 mo, hahaha

  • Juz says:

    naku ako hirap mag kick back.. ang hirap gumawa ng pekeng receipt eh.hehe

    lahat nga ng bagay may ending but pwede din iprevent..

    kanta ka nalang ulit ng my way. toinks…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading My Way at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: