pagbabago

January 3, 2008 § 15 Comments

ETO YOSI MO!

Katagang binigkas ng kuya ko habang inaabot ang isang kahang yosi. Gusto ko sana syang murahin dahil ilang araw na akong nagpipigil sa pagsmoke. “PUTANGINA MO!” sasabihin ko dapat sa kanya yan ng harap-harapan kaso bigla kong naalala pareho kame ng Ina, baka bumangon sa hukay ang aking loving mother at multuhin nya ako’t atakihin pa ako sa puso.

Huling yosi ko yung hinithit ko ng bisperas ng New Year. Habang nagpapaputok ay nagyoyosi ako, pinagsasabay ang amoy ng pulbura at paghihit ng sigarilyo. Parang wala akong history ng hika. Mabuti na lang at yosi talaga yung nahihithit ko at hindi paputok dahil kung nangyare yun.. wala na. GUDBAY BYOTIPUL FES na ako. Maswerte talaga ako’t di naman ako nagkamali kung alin ang hihithitin ko, kung ang sigarilyo ba o ang super lolo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagkitakita kame ng mga kaklase ko nung highschool nung 26 sa isang resort na nirentahan ng kaibigan kong balik bayan galing Hawaii, kasama ko ang mga Jologs at Conio, enjoy naman. Wala talaga akong balak pumunta dahil alam kong di ako mag-eenjoy pero nagkamali ako, nag-enjoy ako ng todo todo. Enjoy ako dahil busog na busog ang mata ko sa mga babae, gusto ko silang lunurin tas mabo-volunteer ako para i-CPR sila pagkatapos maiinlab na sila sakin kase iniligtas ko ang kanilang buhay tas magkakaroon na ako ng seks layp at hindi na ako matitigang pero hindi naging matagumpay ang plano ko. Palpak! marunong silang lumangoy, hindi sila nalunod, hindi ko sila maiiligtas, tigang pa rin ako.

Nagulat ang lahat ng nagsindi ako ng Yosi. Hindi nila inakala na ang gud boy nung highschool at marunong ng mag-smoke. “Nagbabago ang tao sabe ko sa kanila, Hindi dahil nagyoyosi na ako ay masama na ako. Ako pa rin si Michael, mas gumuwapo lang, mas lumakas ang sex appeal at marunong na akong magyosi.” Pagkatapos kong sindihan ang aking sigarilyo, nakijoin na rin sila sakin. TAE! nagulat pa sila na nagyoyosi ako eh sila rin pala naninigarilyo na rin.. gusto ko silang pagsusuntukin.

Hindi pa natatapos ang party ay ubos na ang dala kong yosi, pati sigarilyo ng mga kasamahan ko ay Ubos na rin.. “ARGH! YOSI! PAHINGI NG YOSI!”. hindi ko napansin na yun na pala ang lumalabas sa bibig ko. Sabe nung kaklase kong loko loko at Mabisyo nung highschool sakin. “Grabe naman to! Baron?!”. Shet! ikinopara ako kay Baron, ganun na lang ba ako kahayok? ganun na lang ba ako kasugapa sa sigarilyo,?

Whoah! teka di nga ba’t ang nagsabi sakin nun ay isang loko loko, isa sa mga siraulo, at kabilang sa pinakamatigas ang ulo nung highschool. Pero hindi na daw sya ganun ngayon, naniwala naman ako dahil mukhang nagbago na nga sya. Mukhang mabaet na sya. Nagpalit na ata kami ng katauhan sya na yung mabaet, ako na yung masama. Nakayaan nyang magbago para sa ikabubuti nya, ako naman nagbago para sa ikakasama ko. Nainspire ako sa kanya. Nagbago na sya, magbabagong buhay na rin ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


“Sige salamat. Sayo na lang
.” sagot ko sa gago kong utol.

“Mukhang tuloy tuloy na yang pagbabago mo ah“. sabe ng kuya ko.

“Kelangan eh, Tumatanda na tayo” (Parang ang tanda ko na eh magbebente pa lang ako ngayong taon na to.)

Wala akong New Years resolution dahil alam kong malabong matupad ko ito, mafrufrustrate lang ako pag di ko yun natupad baka maglaslas pa ako ng pulso. Gusto ko lang talagang tigilan o kahit na bawasan man lang ang paninigarilyo. May kontrol ako sa sarili ko, pipigilan ko ang urge hanggat kaya, hanggat kaya ko pa kakayanin kong pigilan ang kagustuhan ng katawan kong manigarilyo. Nakaya ng lokoloko kong kaibigan/dating kaklase na magbago, kayang kaya ko rin magbago.

Tagged:

§ 15 Responses to pagbabago

  • my-so-called-Quest says:

    beri gud! stop yosizising! haha. kaya mo yan. sabi nga nila isa lng dapat ang bisyo. at dahil utol tau… babae na lang! hehehe. cge! galingan mo jan

  • Mojo Potato says:

    Hmmm…wag ka na ngarud magyosi…padalhan kita ng damo galing cordillera…hehehe…paborito daw to ng mga alien eh…nyahahah…

  • noime says:

    meron akong naisip na new years reso mo.

    alam mo kung ano?

    *puntahan yung blog ng pinakamagandang bata*

    hahaha., joke lang. pero di pa tayo bati. haha. LOL.

  • Abad says:

    Tama, magquit ka habang maaga. Mag kasing edad pala tayo. Sayang at hindi tagumpay ang plano mong pagiging hero sa mga chic. tiba tiba ka sana.

  • Coldman says:

    Yosi boy! Tigil na.
    Bat ganun yung layout mo, nasa gilid? Hmmm….

  • redlan says:

    wow, pagbabago sa bagong taon. great idea and good move indeed!

    sana ikaw ang nagpakalunod para sila ang mag cpr sau.

  • yeye says:

    tama wag ka na magyosi. hehehehe un lang. ok na kahit tigang ka bsta wag ka nagyosi. masnakakatigang un., (ano?) hahaha

  • justmike says:

    ayan makikitangina na rin ako finally. hehe.

    yosi kadiri motto ko in life. wahahaha. ulol. i smoked when i was in my first year in college. dami kasi bad implowenz. pero tinigil ko, mabaho sa bibig, badtrip. hehe.

    nyweyz, tama yan. itigil mo bago pa dumating yung panahong gusto mo ng itigil pero hindi na maipapayong gawin ito dahil ang nicotine na lamang ang nagsisilbing pandikit ng baga mo sa katawan mo. hehehe.

    ayun. apir!

  • xienahgirl says:

    wag ka na manigarilyo

  • jeckyll says:

    isang mabisang paraan para mabawasan ang pagyoyosi—magkaroon ng gerlpren. sa tuwing may urge ka na mag-yosi, halikan mo sa labi ang gf mo. ayon kay freud, ang mga chain smokers ay may oral fixation kaya kailangan nilang ibsan ang pagkatigang nga kanilang mga labi. kaya mabisang paraan ang salpakan ang bunganga na mamasang dila ng iyong kasintahan. kailangan mo na talaga ng babae.
    P.S. wag kang maniwala. imbento ko lang lahat yan.

  • Mariano says:

    Alam mo pareng alien, gusto ko na din magquit. Nagsabi pa ako bago magbagong-taon na yun na ang last kong yosi para sa 2007. Tapos ganun din pala, yung yosi ko kinabukasan eh ang una kong yosi para sa 2008. Ang galing-galing ng resisting force. Pero talagang pinipilit ko na si Jerome na tumigil. Minsan tinitiis ko na din na di siya makasama sa yosi moments.

    Sama-sama na lang tayo sa pagbabago at pagpigil ng bisyong sigarilyo. Ibuhos na lang natin ang desire sa mga tahong ng gabi.

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    sarap yata ng yosi.. lalu na ang may mint.. anw, anung nangyari sa lay out mo?

  • crazed_heck says:

    sarap ng yosi sarap ng yosi sarap ng yosi sarap ng yosi…

    tawag jan flooding para di kana maghanap…

    wahahahah

  • FerBert says:

    Manager Kris. gumawa ako ng layout ng wala sa oras.. sana okay na tong bago kong layout sa kopyuteristiks mo.. =)

  • deksi says:

    kip smoking pervert….

    sa sementeryo pa rin bagsak mo…

    manigarilyo ka man oh indi….

    mamamatay ka pa rin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading pagbabago at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: