Bituin

January 21, 2008 § 26 Comments

“When I look up at the sky
The stars are sparkling,
Each giving off its own light
Like the people on this planet.
Yeah, so I
Want to shine too.
I close my eyes and make a vow in my heart
And entrust my dreams to that shooting star”
(NARUTO SHIPPUDEN OST)

Nostagic. Yan ang pakiramdam ko habang pinapanhik ang hagdanan paakyat sa roof top. Gusto kong bumalik sa nakaraan hindi upang baguhin ito kundi para muling maranasan ang pakiramdam ko noon.

Tinopak na naman ako, naisipan kong tumambay sa roof top namin dala ang dalawang bote ng beer, at lumang iPod. Napakaloser ko, umiinom mag-isa! Umupo ako sa isang sulok kung saan din ako nakaupo noon. Kelan nga ba nung huli akong umakyat dito? matagal tagal na rin. Parang walang nagbago, ganun pa rin ang itsura ang pinagkaiba lang eh wala akong kasama ngayon, nag-iisa [insert emo song].

Tambayan namin to ng barkada ko, apat na taon na ang nakararaan. Mga totoy pa kame nun, sabik sa makamundong pagnanasa, mga ambisyoso, nag-uunahan kung sinong mapalad sa amin ang makakatikim ng mahiwagang bibingka ni Eba. Dito sa lugar na to kung san kami lagi naglalagi, dito ko unang nalasahan ang pait ng beer na kinalaunan ang pait ay naging tamis, sa lugar na ito una akong humithit ng yosi hanggang sa ang yosi ay naging marijuana (joke). Inaabot kame ng madaling araw, nakatingin sa kalawakan nagbibilang ng mga tala sa langit. Nag-aabang ng shooting star, nagbabakasakali na matupad ang aming mga hiling.

Madalas naming pag-usapan kung ano ang mga plano namin sa buhay, kung ano ang balak gawin. May isang nangarap na makagawa ng reusable condom at pinakamalaking vibrator na tatalunin ang haba ng LRT mula Santolan hanggang Recto tas ipapagamit daw nya ito kay Mahal at kay President Gloria. Ang isa gustong makagawa ng pinakamatinding kompyuter virus na syang magiging sanhi upang ikabagsak ni Bill Gates. Yung pinakamatino samin gustong maging photograper ng isang Men’s Magazine para may libreng himas daw sya (yun na ang pinakamatino sa amin, isipin nyo na lang kung gaano kame kagago). Ako, hindi ko pa alam ang gusto ko nun. Wala akong kaplano plano sa buhay. Hindi ko alam kung alin ang tamang landas na aking tatahakin.

Dumating ang panahon para magkahiwa-hiwalay kami upang sundin ang aming mga pangarap, ni hindi ko nga alam kong ano ang gusto kong gawin sa buhay ko nun, basta alam kong gusto kong maging mayaman para mabayaran ang utang ng Pilipinas na kinalaunan ay naging plataporma ni Eddie Gil.

Lumipad ang dalawa samin patungo sa ibang bansa, Kaming dalawa na lang ni photographer ang natira dito sa Pinas. Si Virus ay bente kwatro oras na nasa harap ng kanyang PC, inaaral ang lengwahe ng mga kompyuter; si Vibrator may sariling pamilya na sa America. Si Photographer naman ngayon ay isa ng modelo, ako eto nag-aabang ng talang babagsak sa langit na magbibigay sakin ng Puting Bato para lunukin at kapag isinigaw ko ang salitang CHUBA EKLAVU CHENELIN CHU CHU ay magtratransform ako sa pagiging Superhero na nakasuot Red na Bra at panty/bahag na may disenyong bituin sa gitna (ang laswa) o kaya baka may lumabas na friendly alien na magiging pinyoko ko . In short wala pa rin direksyon ang buhay ko. Isa pa rin akong dakilang gago.

Eto ako ngayon, nakatingin sa kalawakan, Ewan ko kung cloudy lang o masyadong polluted na ang Metro Manila kaya wala na akong makitang bituin sa langit. Wala nga sigurong nagbago sa lugar na to,ganun pa rin ang itsura, pero alam kong may nagbago, marami, isa na ako dun, oo ako, nagbago na ako. I ain’t totoy anymore na sabik makatikim ng mahiwagang bibingka/magic tahong o kung ano man ang gusto nyong itawag sa kepyas. Alam ko na rin ang gusto ko ngayon, may pangarap na ako,hindi na ako naguguluhan kung anong landas ang aking dapat tahakin. Gusto ko… Gusto kong maging Artista! Gusto kong maging Star! joke. Ayokong maging artista, hindi yun ang pangarap ko. Pero kung bibigyan man ako ng pagkakataon baket hindi, di ako marunong umarte pero nag-aakin naman ako ng mukha na ikakatulo ng laway ng buong bansa (pakihinaan ang electric fan, masyadong malakas)

If you can imagine it, you can create it. If you can dream it, you can become it.
-Ward, William Arthur

===========================

[ANNOUNCEMENT] Nung nakaraan nasa Ospital ako may nakita akong kakaiba sa CR nila, Piniktyuran ko yun at pinadala ko sa GreenPinoy. Eto yung link [/ANNOUNCEMENT]

Advertisements

My Way

January 11, 2008 § 48 Comments

[ANNOUNCEMENT] Rank 21-22 ako sa PROJECT LAFFTRIP LAFFAPALOOZA. Salamat sa lahat ng bumoto.. Pwede pa po kayong mag-vote ng inyong peborit Patawa Blog (Humor blog nga ba tong blog ko?!) at manalo ng mga Prizes.. kung gusto nyo pwede nyo rin akong iboto…. (Charing! ) Salamat talaga! Maraming Salamat sa inyo[/ANNOUNCEMENT]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

And now, the end is here
And so I face the final curtain

My friend, I’ll say it clear

I’ll state my case, of which I’m certain
I’ve lived a life that’s full
I traveled each and ev’ry highway
And more, much more than this,
I did it my way

Anong meron sa kantang ito? May sademonyo ba ang komposer nito?Alagad ba ni satanas ang idolo ng lolo kong si Frank Sinatra?Anong hiwaga ang bumabalot sa awiting ito? Baket halos lahat ng kumakanta nito sa KTV bars ay nalalagutan ng hininga? Bigla bigla mo na lang makikita sa balita ang headline na “LALAKING KUMANTA NG MY WAY GINULPI, SINAKSAK, BINARIL,PINALAPA SA ASO, KINATAY AT BINENTA SA SLAUGHTER HOUSE, SINUNOG AT GINAWANG BARBECUE, GINAWANG PROPS SA HORROR BOOTH KINAIN NG MANANANGGAL ANG PUSO, ISINUOT SA MALETA AT ITINAPON ANG BANGKAY SA PASIG RIVER.”

LSS ako sa kantang ito. paulit ulit kong kinakanta na parang sirang plaka kahit na hindi alam ang tamang lyrics. YES I DID IT MY WAY.. Sumakay ako ng tryck (traysikel) papunta sa loob ng aming semi-pangmayaman at semi-pangmahirap na subdivision. sa labas ako pumuwesto sa likod ng amoy araw/amoy anghit na drayber. Doon ang trono ko, doon ako mahilig pumuwesto dahil gusto kong ipakita sa madla ang nakakainlab kong pagmumukha. Sumisipol ako to the tune of My Way (ano pa nga ba) ng biglang “BLAAAAAG!”. Bumagsak ang cellphone ko.Wasak na wasak! tsk tsk tsk.. Nagkahiwahiwalay ang parte. Sinubukan kong buuin na parang jig saw puzzle.

HOLD ON MY DEAR SELFOWN.. WAG MO KO IWAN

Nagpunta ako ng mall nagbabakasakali na pwede pang ayusin ang naghihingalong cellphone ko. “Gawin nyo ang lahat ng magagawa nyo.Nagkahanda akong magbayad kahit magkano.” (parang eksena sa hospital) . May Sentimental value sakin ang aking mahal na cellphone. Nahirapan ako sa pagkumbinsi sa tatay ko na bilhan ako ng isa sa pinakamahal na modelo.Palibasa Ilokano kaya umiral ang pagkakuripot. Kalahati lang daw nung presyo ng gusto kong cellphone ang ibibigay nya. Bahala na daw akong dumiskarte kung pano ko mahahagilap ang kalahating halaga nung phone para daw matutunan ko na mahirap maghanap ng pera lalo na’t mababa na ang palitan ng dolyar sa piso. Dalawang buwan akong nagtiis, nangayayat ako para lang makaipon ng ganong kalaking halaga. Ginusto kong tumambay sa circle pero mababa ang pambili ng cellphone kapalit ng dangal ko

“GINAWA NAMIN ANG LAHAT PERO WALA NA. MAINAM NA BUMILI NA LANG KAYO NG BAGO”. Wala na. Patay na ang cellphone ko. Lahat ng paghihirap ko nabalewala. Wala pang anim na buwan sira na. Ang bilis bilis. Cellphone ang simbolo ng estado ng buhay ng tao, Magtitiis na muna ako sa lumang 3310 ko.

Good News, Bad News

Pwedeng pwede na akong magtext sa loob ng jeep at sa kalye na hindi nangangamba na baka ma-snatch ang 3310 ko, Bad News di na muna ako makakatambay sa mga pang sosyal na tambayan. Sosyal Klaymber ako eh. Pake alam ko! Bat naman ako mahihiyang tumambay sa mga sossy places.Subukan nilang laiitin ang 3310 ko at ng makatikim sila ng kayabangan ko.

ANG LAHAT AY MAY KATAPUSAN. Walang permanente dito sa mundo. Pwede nasa iyo ang isang bagay sa isang iglap bigla na lang tong mawawala. Dalawang bagay lang ang hindi nagbabago. Kamatayan at buwis. Hindi mo matatakasan ito maliban na lang kung may lahi kang engkanto. Ang cellphone pwedeng maging uso, pwedeng malaos at pag nasira ito mahihirapan ka na itong ayusin mas mainam na bumili ka na lang ng bago. Hindi pa ako handa ng mawala ito, bigla na lang nasira ito, natapos, huminto, nawalan ng silbi, namatay na ang aking cellphone. Game Over na. Pagwawakas ng isang bagay na pinaghirapan.

Tulad ng buhay ng tao, na balang araw lahat tayo ay gigilitan sa leeg ni kamatayan gamit ang kanyang matulis palakol, malalagutan ng hininga at papanaw sa mundong ito. Titigil rin ang pag-agos ng tubig sa mga ilog, malalanta rin ang mga puno’t bulaklak, mapapagod ang mga ibon sa paglipad. Mawawalan din ng liwanag ang araw, buwan at mga bituin. Mawawala din tayong lahat. Darating din ang araw ng ating katapusan. Maglalaho din tayo, mamatay tayo. (Morbid! haha)

nothing is static or fixed, that all is fleeting and impermanent, is the first mark of existence. It is the ordinary state of affairs. Everything is in process. Everything—every tree, every blade of grass, all the animals, insects, human beings, buildings, the animate and the inanimate—is always changing, moment to moment.


pagbabago

January 3, 2008 § 15 Comments

ETO YOSI MO!

Katagang binigkas ng kuya ko habang inaabot ang isang kahang yosi. Gusto ko sana syang murahin dahil ilang araw na akong nagpipigil sa pagsmoke. “PUTANGINA MO!” sasabihin ko dapat sa kanya yan ng harap-harapan kaso bigla kong naalala pareho kame ng Ina, baka bumangon sa hukay ang aking loving mother at multuhin nya ako’t atakihin pa ako sa puso.

Huling yosi ko yung hinithit ko ng bisperas ng New Year. Habang nagpapaputok ay nagyoyosi ako, pinagsasabay ang amoy ng pulbura at paghihit ng sigarilyo. Parang wala akong history ng hika. Mabuti na lang at yosi talaga yung nahihithit ko at hindi paputok dahil kung nangyare yun.. wala na. GUDBAY BYOTIPUL FES na ako. Maswerte talaga ako’t di naman ako nagkamali kung alin ang hihithitin ko, kung ang sigarilyo ba o ang super lolo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagkitakita kame ng mga kaklase ko nung highschool nung 26 sa isang resort na nirentahan ng kaibigan kong balik bayan galing Hawaii, kasama ko ang mga Jologs at Conio, enjoy naman. Wala talaga akong balak pumunta dahil alam kong di ako mag-eenjoy pero nagkamali ako, nag-enjoy ako ng todo todo. Enjoy ako dahil busog na busog ang mata ko sa mga babae, gusto ko silang lunurin tas mabo-volunteer ako para i-CPR sila pagkatapos maiinlab na sila sakin kase iniligtas ko ang kanilang buhay tas magkakaroon na ako ng seks layp at hindi na ako matitigang pero hindi naging matagumpay ang plano ko. Palpak! marunong silang lumangoy, hindi sila nalunod, hindi ko sila maiiligtas, tigang pa rin ako.

Nagulat ang lahat ng nagsindi ako ng Yosi. Hindi nila inakala na ang gud boy nung highschool at marunong ng mag-smoke. “Nagbabago ang tao sabe ko sa kanila, Hindi dahil nagyoyosi na ako ay masama na ako. Ako pa rin si Michael, mas gumuwapo lang, mas lumakas ang sex appeal at marunong na akong magyosi.” Pagkatapos kong sindihan ang aking sigarilyo, nakijoin na rin sila sakin. TAE! nagulat pa sila na nagyoyosi ako eh sila rin pala naninigarilyo na rin.. gusto ko silang pagsusuntukin.

Hindi pa natatapos ang party ay ubos na ang dala kong yosi, pati sigarilyo ng mga kasamahan ko ay Ubos na rin.. “ARGH! YOSI! PAHINGI NG YOSI!”. hindi ko napansin na yun na pala ang lumalabas sa bibig ko. Sabe nung kaklase kong loko loko at Mabisyo nung highschool sakin. “Grabe naman to! Baron?!”. Shet! ikinopara ako kay Baron, ganun na lang ba ako kahayok? ganun na lang ba ako kasugapa sa sigarilyo,?

Whoah! teka di nga ba’t ang nagsabi sakin nun ay isang loko loko, isa sa mga siraulo, at kabilang sa pinakamatigas ang ulo nung highschool. Pero hindi na daw sya ganun ngayon, naniwala naman ako dahil mukhang nagbago na nga sya. Mukhang mabaet na sya. Nagpalit na ata kami ng katauhan sya na yung mabaet, ako na yung masama. Nakayaan nyang magbago para sa ikabubuti nya, ako naman nagbago para sa ikakasama ko. Nainspire ako sa kanya. Nagbago na sya, magbabagong buhay na rin ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


“Sige salamat. Sayo na lang
.” sagot ko sa gago kong utol.

“Mukhang tuloy tuloy na yang pagbabago mo ah“. sabe ng kuya ko.

“Kelangan eh, Tumatanda na tayo” (Parang ang tanda ko na eh magbebente pa lang ako ngayong taon na to.)

Wala akong New Years resolution dahil alam kong malabong matupad ko ito, mafrufrustrate lang ako pag di ko yun natupad baka maglaslas pa ako ng pulso. Gusto ko lang talagang tigilan o kahit na bawasan man lang ang paninigarilyo. May kontrol ako sa sarili ko, pipigilan ko ang urge hanggat kaya, hanggat kaya ko pa kakayanin kong pigilan ang kagustuhan ng katawan kong manigarilyo. Nakaya ng lokoloko kong kaibigan/dating kaklase na magbago, kayang kaya ko rin magbago.

Where Am I?

You are currently viewing the archives for January, 2008 at Kokey Monster.