usisero

December 30, 2007 § 20 Comments

Ilang araw na ako dito sa probinsya. Walang humpay na inuman at walang hangganang kamustahan. Ilang araw na rin akong di nakakapagblog. Namimiss ko na ang usok at polusyon ng metro manila. Namimiss ko na ang kama ko’t mga ikinakama ko, ang kwarto ko’t kwarto ng mga babae sa buhay ko, ang laptop ko at ang koneksyon ko sa internet. Higit sa lahat namimiss ko na kayo.

May Internet naman dito sa Ilocoslovakia kaso walang internet connection yung bahay namin dito. Kailagan ko pang maghanap ng Internet Shop. Eto ang ayaw ko eh, ang magbrowse ng internet sa publikong lugar. Pero kailangan ko ng gumawa ng entry dahil baka malaos na ang Tanginang Alien. Inuulit ko, ayoko talaga sa mga Computer/Internet Shop dahil sa mga kabataang adik sa RPG na daig pa ang may built in microphone sa ingay, isa pa napaparanoid ako sa mga nasa likod ko. Pakiramdam ko kase eh tinitignan nila tong entry na ginagawa ko. Para silang Spy na nagmamatyag ng mga letrang tinatype. Sanay naman ako dahil sa lakas ng sex appeal ko eh libo libo ang aking stalker. Pero iba tong feeling ng nagtatype ako ng entry na many nakatingin sakin. Hindi ako sanay, nawawala ang focus ko. Parang gusto kong makipag-away.

Walang privacy sa lugar na to, sa kamalas malasan. Hindi ako pwedeng magbukas ng porn site dahil sa mga usisero’t pakialamerong tambay dito sa Shop. Wala ata silang GMRC na subject nung gradeschool kaya di nila alam ang pagrespeto sa Privacy. Hindi lang naman tong mga to ang usisero dahil sa 84 milyon na populasyon ng Pinas eh halos 84 milyon din ata ang mga Usisero.

-FLASHBACK-
Gradeschool ako nun at dito pa ako sa probinsya nakatira, kasalukuyan akong nanonood ng Mighty Morphin Power Rangersng mapansin ng ate ko na nasusunog yung bahay ng kapitbahay namin. Lumabas ang ate ko’t nagsisigaw ng “SUNOG! SUNOG!”. Ayoko syang mamaos dahil lab na lab ko ang ate ko, nakijoin na rin ako sa pagsigaw ng “SUNOGGGG!!!”. Di pa dumarating ang bombero kaya nagbuhat ang mga barako kong mga insan ng balde baldeng tubig at pilit na inapula ang apoy. Ayokong magbuhat, bata pa ako, ayokong magkaluslos kaya binuksan ko ko lang ang faucet at naglagay ng tubig sa balde nila.

Andaming tao nun, walang nakalakas ng loob na tumulong, nasa labas lang sila’t nanonood, animoy may shooting si Fernando Poe Jr.. Wala silang ginawa. Hindi sila tumulong. Mga usisero lang talaga sila. Tangina nila! Dumating ang mga bombero, salamat sa Dyos napigil yung pagkalat ng apoy.

May isang pangyayare din na napatunayan ko na hindi lang mga taga-probinsya ko ang Usisero. Minsan sumakay ako ng jeep ng may isang lalaki na umakyat sa billboard at gustong magpakamatay. Madaming Media pero mas maraming mga usisero’t usisera. Nakakita lang sila ng kamera, nagpunta na sila doon. Para silang mag-o-audition sa isang reality show. Napansin ko na mas maraming usisero kesa sa mga gustong tumulong, Natraffic tuloy ako.

Sa panahong pwede silang makialam at tumulong wala silang ginawa kundi ang manood at maging usisero. Tangina nilang lahat! mas gusto pa nilang pagtsismisan at pakialaman ang buhay ng may buhay kesa tulungan ang nasusunog na bahay ng kanilang kapitbahay. Mas gusto pa nilang magpabida sa kamera kesa iligtas ang buhay ng taong wala sa katinuan at gustong magpakamatay.

Galit ako sa mga Usisero! Ayoko rin sa mga Pakialamero pero mas ayoko at mas galit ako sa Taong ayaw magbigay ng tulog.

Tulong tulong tayo tungo sa pagbabago. Iboto si Ferbert sa pagkapangulo! (CHARING!!)
Happy New Year sa inyo!

Tagged:

§ 20 Responses to usisero

  • Mojo Potato says:

    buti na lang at di ka nabaon sa snow sa north pole…siguro dahil tanginang alien ka…isa lang ang payo ko…iwasan magpaputok ngayong bagong taon…at baka next year ay daddy ka na…nyahahaha…buti at nakapagblog ka na ulet…zzzzzzz

  • noime says:

    kaya ayoko pumunta ng probinya eh. pero masarap rin manirahan dun kung hindi lang ako internet adik. ;]]

    buti namn kuya at makakabalik ka na. akala ko iniwan mo na yung tanginang alien eh. hehe.

    gena! hintayin ka naman ah! ;]]

    ps. papalit ako ng link ko ah! Happy New Year!

  • Saminella says:

    grabe naiintindihan kita sa pagkairita sa mga maiingay na online gamers sa mga shop. Dati nag nenet ako at may isang gamer na sigaw ng sigaw at ang weird nya mag-isa lang siya. gustung-gusto ko tlga syang saksakin sa ngala-ngala dat time pero dahil isa akong kind-hearted bitch di ko na tinuloy.

    ang mga usi dapat sinusunog.

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    nice to read from u again!

    Happy New Year!

  • Gerald Tipones says:

    yeah. may isang netshop din dito sa may sampaloc.. tae talagang shop yun..

    mga nakahubad na barakong nagdodota at kung anoanong games.. sigaw pa ng sigaw. wala na ngang aircon at electricfan ay dinagdagan pa nila eew..

    hehe happy new year..

  • Juz says:

    whoah!! nakaka relate ako sau!

    kung gano nakaka asar at nakaka yamot ang mga batang musmos na maiingay at parang d na naliligo kaka laro ng RPG!!! hehehe samahan pa ng mga teenagers na ganun din ang mga ginagawa! tatanda na, d pa marunong maligo..
    ultimate pasaway ng mga compshops!! hehehehe

    Happy New Year Dude!
    Enjoy your trip in Ilocos.. pasalubong!!
    tupig and chichacorn cheese flavor ah! hehehe just kidding!^_^

  • XienahGirL says:

    ayan din ang ayaw ko
    ang magblog sa internet shops
    MAKIKILALA NILA
    ANG CHIKSILOG GIRL
    patay
    hindi ko pwede ibunyag yun
    lalo na kung sa recto ako
    iinternet
    kinakabahan talaga ako e
    🙂

    balik ka na

  • aleli says:

    Happy New Year!!

    Sus ang dami tlaga usisero..un na lang nahostage kmi sa McDo..nanonood pa sila..ako gusto ko na magdisappear dun!! sa sobrang hiya at nakauniform pa ako..ahaha..

    babalik pala ako…kaso may katagalan pa…

  • cutie pie cedeux says:

    whoah! ngaun ko lang nabasa post mo utol! happy new year! jan ka pa ba ilocos? anu pasalubong mo sakin? hehe

    happy new year ulit at naway magtagumpay ka sa pagkapangulo! hehehe

  • mnel says:

    ang pinakaayoko eh yung mga nasa scene of the crime na at lahat, titingnan lang nila yung kaawa-awang biktima na mabugbog, mahold-up o masaksak. imbis na gumawa ng kahit anong hakbang para matulungan yung tao. hindi naman nila kailangan maging si superman o wonderwoman para tumulong. isang malaking bato lang diretso sa ulo ng suspect ayos na eh.

  • crazed_heck says:

    oist…asan yung pasalubong? lumayas ka pala…

    tol, paano ako naging si spongebob?

    di ko gets…slow ako ngayon e…

  • crazed_heck says:

    sabi ko na nga ab e…ako si spongebob, ikaw si patrick…well naprove ko na si spongebob ako…di na gumagana utak ko…ahihihi…

    pasenxa tol…not been myself lately…nag-aastral projection yung sarili ng kusa…di ko makontrol…

    wahahahha…

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    Ferbert, please see my recent post. Uv been tagged.

  • crazed_heck says:

    ewan tol…soulsearching…december ko 5 posts lang…nakakawalng gana e…ewan ko lang…i know babalik din to…

    sana soon…

    punyetang soul kc yan…hirap hanapin…galing magatago…masyadong lagalag…

    wahhahaha

  • redlan says:

    nakabalik ka na sa lungga mo? (usisero ako no?)

    sana huwag makialam na wala namang ginagawa. sana tulungan na lang.

    happy new year ferbert!

  • joice says:

    haha, nature na talaga ng mga pinoy yan. nako.

    ako din ayoko sa internet shop. nung nagdodorm pa ko wala ako choice. haha.

    happy new year fer bert. =D

  • MarianoJuancho says:

    talagang dapat sinasamba ang mga may kagaya mong ideyolohiya sa buhay. sino nga ba naman ang may gusto ng mga katabi mong bata sa computer shop ay mga musmos na maiingay? Okay lang sana kung medyo sosyalin sila, kaso eh may SunScent Baby Cologne sila palagi.

    Minsan na din naman akong naging usisero eh, kaya wala akong mababanggit na pagiging ayaw ko sa kanila. Masarap maging usisero lalo na sa mga shooting ng bold films, panalo yun.

    Happy new year Fer Bert. Sana eh malakas pa din ang iyong sex appeal.

  • gasti says:

    nagkalat talaga mga yan lalo na sa maynila..ayoko rin sa internet shop kc madami talaga nakikitigin sa monitor mo at hindi ka makapagbrowse ng mga seksing babae..

    happy new year ferbs!

  • deksi says:

    Tulong tulong tayo tungo sa pagbabago. Iboto si Ferbert sa pagkapangulo! (CHARING!!)
    Happy New Year sa inyo!

    wag kau sa usesiro…

    sa elusyonado nlng kau….. ahihihih

  • Ella Villacora says:

    Ang saya magbasa sa blog mo. Sayang at wala ng bago *insert sad face*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading usisero at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: