LOSER

December 22, 2007 § 35 Comments

“You just have to get through high school. High school sucks for anyone who’s the least bit different. But then there’s college, and then out in the real world, you’ll find where you belong.”

Dr. George O’Malley
(Grey’s Anatomy; Season 2 Epidode 22)

Sa totoo lang hindi ako naging masaya nung highschool. Wala akong kwentong maibabahagi sa inyo na espesyal tungkol sakin nung highschool. Isa lang akong simpleng estudyante. Ginusto kong maging gwapo pero laging mas may gwapo sakin, Sinubukan kong maging matalino pero lagi pa rin akong nasa listahan ng mga bobo, Sinubukan kong maging henyo sa Math pero bumagsak pa rin ako. LOSER AKO! Walang espesyal sakin… Isa lang akong ordinaryong estudyante na walang special highschool stories.

Pagkagraduate ko ng gradeschool mula sa isang public school, ipinasok ako sa isang prestisyosong eskwelahan para doon maghighschool. Bibihira lang ang nakakapasok dito dahil sa bukod sa kelangan mong maging matalino kelangan din na kaya mong bayaran ang tuition fee dito. Medyo mabigat sa bulsa pero sulit naman.

First day of School, kulang na lang gayahin ko ang sayaw sa Rexona. Let’s do the first day high dahil sa excitement. Ayun ayos naman naitapak ko na rin ang aking paa sa ekwelahan na pang-mayaman. First year at First day of classes pa lang ramdam ko ng hindi ako belong sa sosyal kong kamag-aaral. Nanliit ang tingin ko sa sarili ko. Sa eskwelahan ng mga Conio ako lang ang nag-iisang Jologs.

COOL KIDS VS. THE LOSERS

Kabilang ako sa mga grupong Losers, mga below-average na mag-aaral, hindi mapera, jologs pumorma, basted sa mga chicks, mga hindi katalinuhan, mahina sa sports, mga basura. Pilit kong nilalaban ang mga Cools Kids, nakikipagsabayan sa kanilang kakayahan pero nagsawa na ako’t bigla na akong sumuko. Wala na! Loser talaga ako. Pikit mata kong tinanggap na kahit kailan hindi ko mapapantayan ang mga nilalang na to, umupo ako kung san naka-assign ang upuan ko malapet sa basurahan. Nanahimik ako, nag-iisip, humihikbi, Ayun dun na ako nagsimulang maging Emo.

Ikaw magsusulat? Oh c’mon! eh ang tanga tanga mo, pano ka magsusulat?

Hindi lantarang sinabe pero yun ang naramdaman ko kaya hindi ko tinangkang magsulat sa School Paper namin nung Highschool dahil para lang yun sa mga matatalino, walang place ang katulad kong obobs dun. Isang beses ko lang nakita ang pangalan ko sa School Paper namen, at yun ay nung nagsecond place ako sa Oration. Dun lang ako magaling, tanga ako sa english pero maarte ang diction ko, Dun lang ako pwedeng makipagsabayan, Dun ko lang pwede maipakita ang kakayahan ng isang Jologs na Bobo pero hanggang 2nd place lang ako.

Mahilig akong magsulat, mula pa nung nakahawak ako ng crayons, isunulat ko na ang sa tingin ko noon at spelling ng pangalan ko. “ACKDNA” yan ang nakasulat sa wall sa bahay namin sa probinsya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubura, “ACKDNA” malayo sa totoong spelling ng pangalan ko. Dun siguro ako kinakitaan ng magulang ko na balang araw magiging outlet ko ang pagsusulat. Masaya ako kapag nagsusulat ako, narerelease ko ang frustrations ko, mga hinanakit ko, ang mga kadramahan ko. At dahil hindi ako napagbigyan ng pagkakataon ng magsulat sa School paper namin kuntento na ako sa mga sinusulat ko sa mga huling pahina ng notbuk ko, masaya na ako’t nakakapagvandal ako sa CR sa school, okay na ako kahit hanggang sa tissue paper lang pwedeng ilathala ang mga sinusulat ko.

Sampal sa isang taong gustong magsulat ang masabihang wala akong karapatang magsulat, dahil tanga ako’t wala akong pwede isulat kundi mga bagay na nakakalibog. Nagtapos na ako ng highschool pero ganun parin ang pakiramdam ko. Pero hindi ako sumuko, walang kinalaman sa literatura o mga eklavu ang kurso ko, wala akong pormal na pag-aaral sa pagsusulat maliban na lang sa mga natutunan ko nung gradeschool at highschool ako.

Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin ko na AYOKONG MAGSULAT. hindi na ako highschool, malaya na ko, wala ng magsasabe sakin ng hindi ako pwedeng magsulat. Karapatan kong ipahayag ang mga nararamdaman ng aking damdamin, malaya akong ipahiwatig ang nais kong sabihin. Kaya ayun gumawa ako ng blog. Ang dating nanliliit sa sarili ngayon ay lumaki ang self-esteem, ang dating walang karapatang magsulat ngayon ay sinasabihang magaling. Lumaki ng lubusan ang ulo ko dahil sa mga papuri nyo. Dahil dyan napag-isip isip ko hindi na muna ako titigil sa pagblablog. Nag-uumpisa pa lang ako at magiging Loser lang ulet ako kung titigil ako. Marame pa akong isusulat, Marameng araw pa ang ating Pagsasamahan.

Eto ang aking entry para sa ika-isandaang araw ng TANGINANG ALIEN sa Blogosphere. Maligayang Pasko!

There are two kinds of people in this world – winners and losers. Inside each and everyone of you, deep inside the core of your being is a winner waiting to be awakened and unleashed upon the world.

-Little Miss Sunshine

Tagged:

§ 35 Responses to LOSER

  • XienahGirL says:

    ako rin nung higshcool
    kahit nung college
    ginusto ko talaga mapasama
    sa school paper.
    hindi bilang isa sa mga subject
    kundi bilang manunulat.
    medyo nanghihinyang ako.
    hindi ko gusto
    ang mga nakasulat
    sa schoolpaper.
    parang isang malaking katsa
    na minantsahan ng dugo
    mula sa ilong
    dahil sa mga malalalim
    na baynagang salita.

    bukod sa mga iliterado–
    lahat may kakayanang sumulat.

    pero hindi lahat
    may puso sa pagsulat
    🙂

    happy 100th blogging day

  • XienahGirL says:

    ako rin nung higshcool
    kahit nung college
    ginusto ko talaga mapasama
    sa school paper.
    hindi bilang isa sa mga subject
    kundi bilang manunulat.
    medyo nanghihinyang ako.
    hindi ko gusto
    ang mga nakasulat
    sa schoolpaper.
    parang isang malaking katsa
    na minantsahan ng dugo
    mula sa ilong
    dahil sa mga malalalim
    na baynagang salita.

    bukod sa mga iliterado–
    lahat may kakayanang sumulat.

    pero hindi lahat
    may puso sa pagsulat
    🙂

    happy 100th blogging day

  • Mariano says:

    Pareng Ferbert, masaya ako at di ka pinanghinaan ng loob na magsulat. Ako pa ata ang naging inspirasyon mo sa entry na ito at loser ang title, haha.

    Sabihin mo sa nga walang tiwala sayo eh magiging tigang sila habang buhay at matutuyot ang mga betlog nila.

    Congrats sa ikaisandaang araw mo, at syempre meri krismas!

  • jeckyll says:

    naks dapat pala sa school ka namin naghayskul. kami lang ang school paper na jologs ang staff..hehehe
    pareho tayo ng nararamdaman tungkol sa pagba-blog. ang sarap maramdaman na na-e-express mo yung sarili mo at may mga nagbabasa sa mga sinusulat mo. sana marami pang 100 days ang dumating sa blog mo. cheers para sa iyo parekoy! keep on blogging!
    merry christmas, too.🙂

  • arjay says:

    sa wakas natapos din. hehehe.

    di mo kelangan ng lisensya para makapagsulat kaya keep on blogging.

    maganda ‘tong mga posts mo.
    aliw yet napupulutan ng mga gintong aral. hehehe.

    happy christmas!

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    Kung European lang ako, bigay ko sa yo ang Nobel price.

    Extremes pala tayo. Ako gusto kong maging simple lagi pro kahit anung gawin ko, nag eexcelle pa rin. Hay.. Minsan nga pinulot ko lang ang basura sa kalye para itapon sa bin, hayun nakita ni Queen Zabeth, ginawa akong Lord sa Parliament.

    lolz.

    Merry Christmas Ferbert. Seriously, Im happy to know that u’v gained ur confidence thru blogging. E nasaan na ang mga Popular Clasmates mo? may blog ba sila? baka hanggang friendster lang!

  • cedeux says:

    kung nasa opisina tau o nagaaral pa ngaun, aminin natin “we want to belong” or at least “be unique.”

    ayoko ng akong hiskul, napaglaruan, nabigo. di ko nakilala sarili ko nun. pilit na gustong makisakay kung anung uso. nung kolehiyo ko nakilala sarili ko at kung ano ang gusto ko.

    walang karapatan ang sino para sabihing wala kang karapatang sumulat. karapatan mo ang marinig at maexpress ang nais mo.

    happy 100th utol. salamat sa oras at pangungulit. wala kang kasing kulit! hehehe

    salamat utol!

  • redlan says:

    May katuturan ang mga posts mo kahit sinulat mo in a funny way. Nagustuhan ko ang pamaraan ng pagsulat mo dahil:

    1. may mababasa akong mga facts.
    2. nakadagdag sa aking nalalaman o nakadagdagdag kaalaman.
    3. natatawa ako sa mga punchlines mo.
    4. yung first letter ng paragraph ay bold. ito ang originality mo.
    5. na-imagine ko ang bawat eksena na sinasabi mo(except urself na nagha-handwritten. alam mo na yun). hehehe.

    keep on blogging. kasi sa pagsubaybay ko nitong blog mo, may mga new ideas akong nalalaman.

    congrats and merry christmas michael aka ACKDNA. Mabuhay ka!

  • Saminella says:

    hehe. hindi mo kailangan maging professor emeritus para makapagsulat. Wag kang mag-alala, hindi lang ikaw ang ambisyoso, ako din nagpapanggap lang na marunong magsulat. eh kebs ba ng mga tao eh sa gusto ko magsulat.

    Isa ako sa mga natutuwa sa mga gawa mo kaya masaya ako na patuloy ang blog na ito.

    kudos!

  • aleli says:

    at eto na ang ika 100th day post!

    hhhmmm… naiyak ako jan sa movie na little miss sunshine. astig kasi.

    Sa totoo lang, gifted ka! Konti lang ang mga katulad mo, na ang sinusulat ay talagang hindi tinitigilan ng reader hanggat hindi natatapos. Kaya ipag-patuloy mo lang ito…

    congrats!!

  • » nhoii says:

    sana hindi pa ako huli.

    sana makahabol pa ako.

    sana tanggapin mo pa rin.

    haha. powtah. anlandi ko. haha.
    gusto ko lang sabihing HAPPY 100TH BLOGGING DAY! (:

    ingat lage.

  • » nhoii says:

    sana hindi pa ako huli.

    sana makahabol pa ako.

    sana tanggapin mo pa rin.

    haha. powtah. anlandi ko. haha.
    gusto ko lang sabihing HAPPY 100TH BLOGGING DAY! (:

    ingat lage.

  • dorkzter says:

    i love this post!😀
    highschool\, di din ako ngenjoy dun, except on my last year nung sumali na ko bilang isang features editor ng school paper nmin. saya din kasi naransan kong mkilaban sa press conference, provincial level. kahit di nanalo, ok naman ang experience. hehe. dun ako nkpagpasya na kumuha ng kurso sa college na related with writing, pero ayaw ng parents, kaya bagsak ko, business course, pero ok nmn, no regrets. hehe happy 100th post!!! sana madami ka pang maishare samin!! “:D

  • BURAOT says:

    ah…. i see… so… marunong kang magsulat?

    joke lang. heheheh. meri krisamas tol.

  • BURAOT says:

    ah…. i see… so… marunong kang magsulat?

    joke lang. heheheh. meri krisamas tol.

  • kingdaddyrich says:

    akala ko wala akong mai blog?

    parang ansama ng memories mo sa hasykul skul mo. gusto mo sunugin natin|? hahaha

    ako rin.. maraming bad memories from hayskul!! hayy..

    MERRY CHRISTMAS BONG REVILLA BLONDE JULIA AKA ACKDNA!

  • Saminella says:

    heyhey!

    changed my blog layout kaya nawala ang mga links. Pakipuntahan na lang po ang aking blog then meron dung widget na “add your site here”. paki-add na lang po ang url mo.

    salamat!

  • Coldman says:

    babati na ako ng happy new year! pakabait ka! =)

  • Coldman says:

    babati na ako ng happy new year! pakabait ka! =)

  • Gerald says:

    inspiring kua.. galing.. sulat lang!

  • Gerald says:

    inspiring kua.. galing.. sulat lang!

  • crazed_heck says:

    ako ginusto komg magsulat pero feeling ko lagi nalang me kulang sa sinusulat ko…ahahaha…

    happy new year kaibigan…

  • wei says:

    Sampal sa isang taong gustong magsulat ang masabihang wala akong karapatang magsulat,

    ~parang sinabi na din ng nagsabi sayo(?!) na wala kang karapatang mabuhay…

    napadaan lang po ^^

  • wei says:

    Sampal sa isang taong gustong magsulat ang masabihang wala akong karapatang magsulat,

    ~parang sinabi na din ng nagsabi sayo(?!) na wala kang karapatang mabuhay…

    napadaan lang po ^^

  • CeLPHiS < aBRaM > MoRPHiN says:

    quitters never win… hahaha.. a looser today… winner tomorrow… parang star margarine lng… aheheh… tska merry xmas and happy new year

  • CeLPHiS < aBRaM > MoRPHiN says:

    quitters never win… hahaha.. a looser today… winner tomorrow… parang star margarine lng… aheheh… tska merry xmas and happy new year

  • deksi says:

    ika-isandaang araw ng TANGINANG ALIEN sa Blogosphere.

    congratsz

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading LOSER at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: