STD

December 20, 2007 § 15 Comments

TYPE TYPE TYPE TYPE….. ERASE ERASE ERASE

Yan ang nangyayari sakin ngayon, nagtatype ako ng bago kong entry pero pilit ko itong binubura dahil ayon sa Republic Act 0234 o mas kilala bilang Inimbentong Batas ng Isang Sira Ulo ay hindi pa dapat ako nagsusulat ng entry hangga’t hindi pa sumasapit ang ika-Isandaang araw ng aking pagblablog. Sadyang suwail at wala akong disiplinang nilalang kaya ako nagsusulat ngayon. Di bale ng makulong basta makapagsulat ako.

Konsensya: Hindi ka pa dapat nagsusulat ng entry, Lumalabag ka sa batas, masama ito.
Ako: Huh? sino ka naman?
Konsensya: Michael ako ang iyong konsensya.
Ako: Ngek! kelan pa ako nagkaroon ng Konsensya. Wala kaya ako nun.

Parang commercial lang ng sabon. Pilit akong nakikipagtalo sa konsensya ko. Eto talaga ako eh, Suwail, walang disiplina at walang konsensya.

Maraming Pinoy ang kulang sa disiplina at aminado akong kabilang ako sa mga iyon. Wala akong disiplina sa pagkain, lamon kung lamon yan ang aking patakaran. Maari akong makipagpaligsahan sa pagwapuhan pero kung pagandahan ng katawan, wala na, suko na agad ako, sa inyo na yan.

Kung si Manny Villar minsan sinabing ST lang ang kailangan. Sipag at Tyaga. Ako naman STD ang kailangan ng bayan, Sipag, Tyaga at Disiplina. Kasalukuyan ata akong nanonood ng porn o nagjajakol nung nagbuhos ng Disiplina ang Poong Maykapal.

Nanood ako nung nakaraan ng sine, at bago magsimula ang palabas, Pinalabas muna ang advertisement ng MMDA ang Metro Gwapo. Wala akong balak pumasok sa pulitika pero Kung magiging Presidente ako ng bansa gagawin kong disiplinado ang mga Pilipino. Ngunit bago ko madisiplina ang bansa kelangan ko munang unahin ang Sarili ko. Paano magiging disiplinado ang mamamayan kung ang lider ay hindi naman. Wala akong pinapatamaan dito at hindi ko sinasabing walang disiplina si Gloria. Ang akin lang naman ay sana maging mabuting ehemplo ng bayan ang mga lider ng bansa.

Ilang bansa na ang umunlad dahil sa disiplina, Hindi naman malayong mangyare na maging maganda ang Pilipinas kung lahat ng tao dito ay may disiplina. STD lang ang kailangan ng bayan para umunlad. Sipag, Tyaga at Disiplina.

Siguro kelangan kong paluin ang katawan ko tulad ng mga magulang na dinidisplina ang kanilang anak pero hindi naman ako masochist. Sabe ni Steve Pavlina: “Self-discipline is like a muscle. The more you train it, the stronger you become. The less you train it, the weaker you become.” Kelangan ko lang itrain ang sarili ko na parang aso. Wala akong alam sa pagiging aso, pero alam ko sa sarili ko na kaya ko to.

PS. Ang susunod na entry ko ay ipopost sa December 22 (ika-isandaang araw ng aking blog). Pinaghandaan ko talaga to dahil kumuha ng ako ng putograper para kuhanan ako ng nude. Makikita nyo na ang mukha ni FerBert, Mukha pa lang ulam na. Ilang araw din akong di natulog dahil lage lang akong nasa gym para gawing muscles ang mga taba sa aking katawan.

Tagged:

§ 15 Responses to STD

  • » nhoii says:

    hahaha. sana meron din ako nung tinatawag na STD. kulang kulang kasi ako niyan eh. tsk.

    MALAPIT NA IKA-100 DAYS MO! BWAHAHAHA!:P

  • XienahGirL says:

    alam mo
    doon ako natawa sa label mo e
    DISCIPLINE
    anak ng lugaw na may tokwa
    tsk tsk

    iba na yan fer bert
    tsk tsk

  • redlan says:

    ako as in kulang sa discipline. sa lahat na bagay wala akong conrol…..

    galing ha. STD!

    abangan ko ang 100 post mo.

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    artistang Ferbert, Mas mabilis ang lipo.. 2mrw na pala yan?

  • cedeux says:

    hehehe! STD pla ha? malapit na ang ika 100 mo utol at kasalukuyang may 1 oras 17 minuto at 27 segundo.

    desiplina – ako rin, kelangan ko nito. ang gastos ko lately wala naman akong syota. hahaha! apir

  • Coldman says:

    Disiplina ang kailangan para umunlad ang ating bayan.

    Parang politician in the making ka na ah? =)

  • Saminella says:

    shet. na-eexcite ako sa post mo 2m.

    hey sensya na kung ginawa kitang call center agent nitong mga nakaraan (hello may i help you ang drama natin haha)

    mwah! meri xmas!

  • Eminemz says:

    Matanda kana! CONGrats sa iyong ika 100 days ^^

  • jeckyll says:

    michael pala real name mo. o baka ako na lang ang hindi pa nakakaalam. ako din kailangan ko nang mag-gym dahil namumuo na ang taba sa katawan ko kaso lang natatakot ako dahil wala akong kasama sa gym. karamihan kasi ng nasa gym ngayon eh mga bruskong chuva ever. tsaka nakakaliit daw ng pitutoy kapag nag-gym ka. sayang lang ang asset ko..bwehehehe

  • Mariano says:

    Fer Bert, binabati kita sa iyong ika-isandaang post bukas.

    Pero bago yun, nagustuhan ko ang ideya mo ng STD. Mas mahusay ka pa kay Villar dahil di niya naisama ang Discipline. Mukhang dun naman lahat nag-uugat ang sipag at tiyaga. Ako man, walang disiplina sa kahit sa anong parte ng katawan ko.

    Siguro kaylangan talaga natin ang mga Zaido para mapaunlad ang ating disiplina.

    Tangina, sana naman gandahan mo ang pose mo at yung mukhang original ha? Yung tipong mababakla pati mga bulag dahil sa tindi ng pose mo.

  • Mariano says:

    Ang bobo ko talaga pareng Fer Bert. Hindi pala ika-isandaang post kundi ika-isandaang ARAW. Sa sobrang utak-pulgas ko eh hindi ko nadistinguish ang ARAW sa POST. Pasensya ka na ha.

  • gasti says:

    mukhang kelangan ko na rin i-train ang sarili ko para sa disiplinang yan…at bumalik na sa pagbubuhatng barbel..haaays!

    bukas na pala yung ika-isandaang araw mo..ayan na magkakalabasan na ng lawit!..hehehe!

  • aleli says:

    wahaha.. natawa ako sa STD…

    ang hirap tlaga ng disiplina. Parang pinag-halo halo ng lahat…

    goodluck sa next post!! wehehe…

  • arjay says:

    ipagkalat ang STD! wohoo! hahaha

  • deksi says:

    Kasalukuyan ata akong nanonood ng porn o nagjajakol nung nagbuhos ng Disiplina ang Poong Maykapal.

    pinagkaluuban ka ng panginoon ng disiplina… kaso pinalabas mu lng sila :laugh:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading STD at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: