Tambayan

December 16, 2007 § 42 Comments

Kung ano ano na lang ang ginagawa ko para hindi ako makatulog. Nanood ako ng piratang DVD, naglaro sa PSP, nagkape at nagyosi. Hindi tumalab inaantok pa rin ako. Pinipilit kong gisingin ang katawan ko kaya nag jumping jack ako. Pagkatapos nun dumeretso ako sa banyo para maligo.. Ang lamig ng tubig.. Grrrr! Pagkatapos maligo, umakayat ako ng kwarto, nanigas ako pati na rin ang jolly hotdog ko dahil nakalimutan kong patayin ang aircon. Kinuha ko yung kulay blue na shirt ko, isinuot ko na din ang pantalon ko, syempre nag-underwear muna ako, pagkatapos magmedyas nagsapatos na ako. Ayun ready na ako! Ready na akong pumasok sa bahay ng panginoon! magsisimbang gabi na ako.

3:30 pa lang nasa simbahan na ako, Sinadya ko talaga na maagang pumunta para may maupuan , kaso 3:30 pa lang punong puno ang ang sibahan. Dahil walang upuan tumayo na lang ako. Pumuwesto ko dun sa may tapat ng electric fan, Pero imbes na malamigan lalo pa akong nainitan dahil hinarangan yung electric fan, Kumulo yung dugo ko dahil ang kapal ng mukha ng nung tropang mukhang bakulaw para harangan at mainitan ang gwapong tulad ko, pero dahil pinalaki ako ng maayos ng magulang ko, kahit nag-iinit na ang dugo ko hindi ko na sila pinatulan, nanahimik na lang ako dahil hindi naman ako nagpunta ng simbahan para makipag-away kundi para purihin ang Dyos.

Andaming tao, iba’t iba ang itsura, iba’t iba ang amoy. May mukhang di naligo at may mukhang bagong ligo at nakalimutang magpatuyo ng buhok. May okay ang amoy at may amoy putok. May nakapanbahay, May mukhang aatend ng Santacruzan, May mukhang manganganak sa binyag, at may mukhang gigimik, pero ang pinakamalala ay may mukhang prostitute na nakasuot na nagbebenta ng aliw dahil sa suot na sbrang ikli. Iba’t ibang itsura, iba’t ibang estado ng buhay.

Alas 4 na pero di pa nagsisismula ang Mass, katabi kong nakatayo ang isang Aleng Matanda, wala man lang nag-alok sa kanya na paupuin sya, Naasar na ata si Lola, ayun kung ano ano na lang ang napapansin, Daig pa nya si Simon Cowell kung manlait. Tama nga na kung sino pa ang palasimba sila pa yung mapanghusga. Andaming napansin ni Lola, pati yung batang mukha nasa elementarya pa lang ay mukhang pokpok na. Pati yung magsyota na ginawang Luneta ang simbahan at doon nalalampungan. Madame ang hindi nakalusot sa kanya. Marame napapansin si Lola, kaya bago pa nya ako mapansin at laiitin. Lumipat na ako ng pwesto.

Nakalipat ako ng pwesto pero ang iingay ng mga nasa paligid ko, Andami ko tuloy narinig na tsismis. At dahil 4:30 na at di pa rin nagsisimula ang mass. Umalis na ako’t baka mapaaway pa ako, dahil pati loob ng simbahan ginawang tambayan.

Bumili ako ng Puto Bungbong at Bibingka mas mahal kesa nung nakaraang taon. Hindi naman ako nagsisi na umalis na ako, dahil lalo lang naman madaragdagan yung kasalanan ko kapag naiwan ako sa simbahan. ang atensyon ko mapupunta sa mga tao hindi mapupunta dun sa Pari na nanenermon. Pagka-uwi ko binuksan ko ang TV para matignan kung anong channel ang nagpapalabas ng Simbang Gabi, amputa! ayun wala.

Frustrated Priest ako kaya alam ko na Minsan nagalit si Papa Jesus dahil ginawang market place yung temple ni God. Nasa John 2:12-22 yun. Hindi ako palasimbang tao at kaya ayaw kong nagsisimba dahil sa mga taong nakikita ko. Mga taong hindi na iginalang ang bahay ng Panginoon. Makakapal ang mukha dahil nagsisimba lang sila hindi para magbigay galang sa Dyos kundi para makipagdate sa kanilang Syota.

Ano na lang kaya ang sasabihin ni Papa Jesus pag nakita nya tayo ngayon? Ano na lang kaya ang gagawin nya mga taong ginagawag Luneta ang Templo ni Ama? ano na lang magiging reaksyon nya? Pagsisisihan nya kaya na ipinako sya sa krus at namatay para iligtas tayo?

Hindi ako santo, makasalanan akong tao, at malibog rin ako. Pero alam ko naman na dapat respetuhin ang bahay ng panginoon. Maaring masama akong tao sa paningin nyo pero maniwala kayo’t hindi may takot ako sa Dyos.

Tagged:

§ 42 Responses to Tambayan

  • cedeux says:

    simbang kain ka pla. hehe. nagsimbang gabi rin ako. maya ulit 9pm d2 malapit sa dorm. tama ka, di ko nilalahat pero maraming sagrado katoliko pero sila pa ung mapanghusga. pangit pakinggan pero ganun tlaga. nagmasid din ako sa simabahan kagabi. ako ang pinakaCUTE! wahahaha.

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    tama ka, sa mga taong pumupunta ng simbahan, di naman dapat formal ang isusuot, pro sana yung may pag galang man lng sa serbisyo ng pari, at mata ng ibang tao.

    at sana naman wag gawing business place yun.

  • noime says:

    alam mo ba kuya, isang beses ko pa lang natry yung magsimbang gabe, grade 5 pa ako nun. tapos andun lang kami sa labas ng simbahan. punung puno kasi ng tao yung simbahan eh. hehe.

    sana next year, makapagsimbang gabi na rin ako. hehe.

  • aleli says:

    nagsisimba ako pagsunday. Pero ang simbang gabi ang bagay na hindi ko tlaga kaya.. Kasi nakakatulog ako sa church.. and nakakahiya naman ang ganun..

  • aleli says:

    nagsisimba ako pagsunday. Pero ang simbang gabi ang bagay na hindi ko tlaga kaya.. Kasi nakakatulog ako sa church.. and nakakahiya naman ang ganun..

  • Carl says:

    makaramraman akon ti bibingka iti ilocanon, gayyem…

  • Carl says:

    makaramraman akon ti bibingka iti ilocanon, gayyem…

  • jeckyll says:

    sana nagpari ka na lang. at least pag punta mo sa simbahan may upuan nang naka-reserve sa iyo. tapos paringgan mo yung mga nagsisimbang TABI at simbang pasyal..hehehe

    oist, asan na yung link ko? anong hinihintay mo? pasko? wehehehe..joke lang..

  • Fjordan Allego says:

    AMEN!! grabe sinasamba kita pare!!! marami talagang ganyang tao na ginawang tambayan ang simbahan at ginawang gimik ang simbang gabi.. at ang nakakagulat pa sa kuwento mo, akalain mong nakakilala ka ng isang palasimbang mapanghusga.. tru-to-life pala talaga yun hahaha..

    hindi pala ako nakapagsimbang gabi dahil nalimutan kong 16 ang start toinkz!!! kakareview ng sandamukal na subjects na hindi ko alam kung ipapasa ko…

    http://hiraya.co.nr

  • Mariano says:

    Pareng Fer Bert, pagpasensyahan mo na ang mga tao kung ganun talaga sila. Minsan lang naman daw sa isang taon.

    Ganun din samen ang misa de gallo, ubod nang busy ang mga tao. Kanya-kanyang mga pwesto. Isang bes pa lang din ako nakapagsimba nun eh, tapos andami talagang tao.

    Di ko na itinuloy ang pagsimbang gabi, baka ako na yung makita na nasa sulok sa sunod na pagsimba ko.

  • http://kingdaddyrich.blogdrive.com says:

    kAILlan ba ako huling nagsimba?

    pucha hindi ko na maalala!

  • http://kingdaddyrich.blogdrive.com says:

    kAILlan ba ako huling nagsimba?

    pucha hindi ko na maalala!

  • redlan says:

    kimpletos rekados. hehehe. naka-relate ako sa post na ‘to. napangiti na lang ako kasi nakikita ko ang mga tinutukoy mo sa simbang gabi.

    galing!

  • redlan says:

    kimpletos rekados. hehehe. naka-relate ako sa post na ‘to. napangiti na lang ako kasi nakikita ko ang mga tinutukoy mo sa simbang gabi.

    galing!

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    starring ka sa latest post ko, my friend… lolz..

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    starring ka sa latest post ko, my friend… lolz..

  • joice says:

    haha.. di ko na makukumpleto yung simbang gabi. kainis.

    hay.. tagal ko di nakabisita dito. but hello pilipinas i’m back!πŸ˜€

  • joice says:

    haha.. di ko na makukumpleto yung simbang gabi. kainis.

    hay.. tagal ko di nakabisita dito. but hello pilipinas i’m back!πŸ˜€

  • Coldman says:

    sana makumpleto mo yung simbang gabi, achievement yun! =)

  • Coldman says:

    sana makumpleto mo yung simbang gabi, achievement yun! =)

  • XienahGirL says:

    kailangan matapos
    ang 9mornings
    kalma ka lang
    huwag ka magalala
    makakaupo ka rin
    sa 4th hanggang 6th day
    hahaha

  • XienahGirL says:

    kailangan matapos
    ang 9mornings
    kalma ka lang
    huwag ka magalala
    makakaupo ka rin
    sa 4th hanggang 6th day
    hahaha

  • gasti says:

    pre diba sabi ni papa Jesus bad ang nagmumura? hehe! nakakabanas naman talaga pag ganyang mga tao ang nakakasalamuha mo pero tiniis ko yun 2 yrs ago para lang mabuo ko ang simbang gabi..this year hindi pa ko naka-attend.

  • http://ewanko.wordpress.com says:

    parehas tau. minsan ayaw ko magsimba kasi nga ginagawang park ung templo ng Panginoon. puro magjujuwa. ampf.

    waw alam nia ung verse. stig ka. hehehehe

    buti ka pa nakakapagsimbang gabi hehe.
    ako twice pa lang. tuwing kelangan lang kami. sumasayaw kasi kami sa misa. aun.

    hindi ko rin ugali ung pagkumpleto ng simbang gabi. pero i hope ikaw makumpleto mo un hehehe

  • Lawrence Villamar says:

    “Bumili ako ng Puto Bungbong at Bibingka mas mahal kesa nung nakaraang taon.”

    Saya. Di pa ako simbang gabi…

  • Lawrence Villamar says:

    “Bumili ako ng Puto Bungbong at Bibingka mas mahal kesa nung nakaraang taon.”

    Saya. Di pa ako simbang gabi…

  • Johnjan says:

    Nakumpleto ko once itong simbang gabi. Parang oven sa loob ng simbahan sa dami tao at init na binubuga ng katawan nila. Kaya palagi sa labas na lang ako ng simbahan pumupwesto at malamig ang simoy ng hangin.

  • arjay says:

    haha. guilty. di na ako nagsisimbang-gabi mula nung isang beses ay hinabol ako ng mga aso ng kabetbahay namin nung papuntang simbahan pa lang ako. hehehe.

  • arjay says:

    haha. guilty. di na ako nagsisimbang-gabi mula nung isang beses ay hinabol ako ng mga aso ng kabetbahay namin nung papuntang simbahan pa lang ako. hehehe.

  • JOSH says:

    enjoy naman ako basahin ang expose mo sa simbang gabi! hey if u want to catch simbang gabi sa tv, abc 5, evevry 12 midnight (di ko alam kung live pero pang simbang gabi ang mass) at ni rereplay ng 5 am (produced by jesuit communication). Tapos meron din yata sa ch 13, around 7 am o 8 am , sa BIR yata ginaganap!

    Shalom alien mhan!

  • deksi says:

    Nasa John 2:12-22 yun. Hindi ako palasimbang tao at kaya ayaw kong nagsisimba dahil sa mga taong nakikita ko.

    kelangan mu pa rin magsimba kahit ayaw mu nun mga taong nakikita mo sa simbahan…

    d nmn ung mga hinayufuck ang pinunta mu dun diba???πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Tambayan at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: