Peklat

December 4, 2007 § 35 Comments


Nakakapagod ngayong araw, ni hindi man lang sumilip si Haring Araw. Malakas na naman ang buhos ng ulan, Wala pa naman akong payong. Tiyak lubog na naman ang Metro Manila sa baha nito. Hapong hapo, mukha na akong pulubi sa kayle. Nag-aantay ng jeep. Nag-aantay ng patok na jeep. Yung tipong pag pumasok ka sa jeep eh parang nasa loob ka ng bar sa lakas ng sound system at sa mga bombilyang iba’t iba ang kulay. Ang tagal ng ginugol ko sa pag-aantay at tumila na rin ang ulan. At sa wakas andyan na yung jeep na gusto kong sakyan. Ayos ang sounds Jologs na Jologs, siguradong mapapa-eeew ang mga conio. Pagpasok ko ayun sakto, narinig ko ang…

Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta….

Pucha gagong rapper na naman. Nakaupo na ako, gusto ko sanang sabayan pero pagkatapos ibigay ang bayad kay manong driver, wala na bumigay na ang aking katawan. Nakaidlip ako. Pagkamulat ko ng aking mata. Tangina lumagpas na naman ako.

Manong sa tabi lang po.

Tumigil naman si manong pero hindi nya itinabi. Sa gitna mismo sya ng kalsada tumigil. Bumaba ako’t Tumingin ako sa kanan, Tumingin ako sa kaliwa.. Ayos walang sasakyan. Inihakbang ko na ang aking paa at may sumigaw ng…

AY PUTA ANG GWAPO!!!!

ITUTULOY….
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nakaimbento kame ng laro nung bata kame gamet ang sirang gulong. Ewan ko kung sinong putanginang siraulo samin ang nakaisip paglaruan ang sirang gulong ng lumang bike ng kuya ko na matagal ng nakatago sa bodega ng Lola ko.

Mahuli taya!

Mabagal ang reflex ko kaya ako ang parateng taya. Nagkakasiyahan kame ng biglang napunta sa kalsada ang nilalaro nameng gulong. Dahil ako ang taya hinabol ko ito…

Saktong may Dumaan na Bike….

AY SI MICHAEL!!! sigaw ng mga kalaro ko. (Note: Michael ang tunay kong Pangalan)

Nagsomersault ako. Action Star na action star ang dating. Hindi ko sinadya pero mukha akong superherong lumilipad… woooohooo. nakuha ko ang gulong..

Okay lang ako. Wala akong sugat. Superhero ako!

pagmamayabang ko pa. tas napansin kong may makirot sa pisngi ko malapet sa kaliwang mata at may nakita akong dugo. Napasigaw na ako.

LOLAAAAAAA! LOLAAAAA! DUGO! may sugat ako!

Nagsorry yung nakabangga, hindi ko na maalala yung mukha nya, Pasalamat sya kung hindi baka nagantihan ko pa sya.

Mula nun nalimutan ko na yung laro, kinalimutan na namen yung mechanics. Wala ng makatanda ni isa samin. Pero kapag nakikita nila ang peklat sa aking mukha napapatawa sila dahil tandang tanda nila kung papano ako nasomersault. Pero hindi pa rin nila maipagkakailang gwapo ako kahit na nag iwan ng marka ang pagkakadisgrasya ko sa mukha noong bata ako. Nagkasiyahan at natapos ito, Natapos na ang paglalaro.

Matatapos lang ang isang laro kapag may umayaw na, Ang masaklap maaring matapos ito kapag may umiyak na isa o kaya Matatapos ang masayang laro kapag may nasaktan at nasugatan na. Nawawala na yung enjoyment. Nalimutan mo na. Pero naalala mo pa rin ang nakaraang lumipas, Na minsan ika’y naglaro at ika’y umayaw na, umiyak, nasugatan, at nasaktan. Sa pamamagitan ng Peklat sa aking mukha, natatandaan ko kung pano kame nakaimbento ng isang larong maaring ipamana namen sa susunod na henerasyon pero dahil may isang nasugatan kinailangan na nameng ibaon ito sa limot para hindi bumalik ang alaala ng sakit ng kahapon.

Ang relasyon ay parang laro, matatapos lang din ito kapag umayaw ka na, umiyak, nasaktan, o masugatan. Pero tandang tanda mo pa rin kung pano ito nag-umpisa at kung papano ito natapos,tandang tanda mo ang mga pangyayare dahil may iniwan itong marka, nag-iwan ito ng peklat sa iyong puso bunga ng sugat na dulot nito. Hindi mawawala ang peklat, hindi mawawala ang kahapon pero kahit papano hindi na ito masakit, Magaling na ang sugat at Hindi na sya sugat, isa na lamang syang Peklat.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Continuation

AY PUTA ANG GWAPO!!!!

NABANGGA ANG GWAPO!!!

NABANGGA NG JEEP ANG GWAPO!!! (sabe nung Aleng mukha may kras sakin kase tatlong beses nyang inulit yung gwapo)

May humarurot na sasakyan.. Bumagsak ako sa gitna ng kalye. Nabundol na naman ako. May bumabang isang magandang bebot na nakasuot ng puti mula sa jeep na nakabundol sakin, Akala ko’y anghel, kinausap nya ako.

Sir Are You Okay? I’m Sally at isa akong nurse. may Sugat ka at dumudugo ito. are you okay?

Pakiramdam ko nasa heaven na ako… At nasa isang gilid lang ang Bloomfields na kumakanta ng “Ale, nasa langit na ba ako?”..

Nakayanan ko pang sumagot..

Yes, Im okay sagot ko (wow! english yun! dagdag pogi points..)

Pero You’re Bleeding.. sabe ng magandang dilag na nakaputi

Okay lang. Alam kong kaya mong gamuntin yang sugat ko. At gagaling din yan at magiging peklat balang araw. Pero Nurse Sally kaya mo din bang mag-pagaling ng sakit sa puso? Pwede mo bang alagaan ang sugatan kong puso?!..

ABANGAN…
PS. Salamat kay BURAOT sa pag nominate/boto kung ano man yun kung sakali na pakulo ng kung sino mang pontio pilato ng Blogosphere.. Basta Salamat Repah! Pakyu!

Tagged: , ,

§ 35 Responses to Peklat

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    awryt mike?

    sumakit ung ulo ko sa post mo. parang komiks ni carlo caparas.
    pro enjoy pa din.

  • FerBert says:

    @ kuya Kris Jasper (ui may angel na)

    oks lang kuya…

    ambilis ah… nag-eedit pa lang ako… haha… yaan mo sa susunod di ko na kayo bibitinin para di na sumakit ulo nyo… next time puson naman papasakitin ko… lol

  • Mariano says:

    My friend, ito pala yung entry na iniaayos mo kaninang madaling-araw. Kung alam ko lang, binasa ko bago ako natulog para lalo akong di makatulog.

    Talaga nga naman ang mga gwapo, ang hilig sagasaan ng mga magagandang dilag.

    Prone to accident. Tapos may peklat pa. Ano ba yun. Haha.

  • Carl says:

    perbert, nyu yirs resolusyon mo sana yung hindi na magsinungaling. hahaha. ipinagpipilitan mo parin kyut ka. hahaha!

    e di ka naman kyut.

    POGI ka! harharhar.

  • FerBert says:

    @ Mariano- natulog ka ba? Iba talaga epkto ng panonood mo ng ano… Dame ko na ngang pelat eh dahil prone to accident ako

    @ Carl- Ser! hindi ako marunong masinungaling…Honest ako! haha.. saka di ako pogi pang aso lang ang pogi.. si arjay lang ang pogi.. haha

  • XienahGirL says:

    anakanangtetengbakla
    hahaha

    magiingat ka
    akala ko ba
    mga mababait lang
    kinukuha ni lord?
    ang bait mo kasi e
    hahaha

    akalain mo na
    pati gwapo.

    ingat ingat kokey

  • redlan says:

    ouch tinamaan ako sa lesson na yan.

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    full name ko yan.. ang haba nga eh.. wala pa jan yung surname..

  • aleli says:

    bloomfields nga ang storya… oi ano pala color ng dugo ng alien?

  • cedeux says:

    nasagasaan na, bebot pa rin iniisip! hehehe. kamuka ni mary cherry yun no? hehehe

  • Ferbert says:

    @ xienah- ui concern si xienah skin… waaaaah! nagblablush ako… haha

    @ redlan- ha? may lesson pala tg post ko na to… hahaha… juk onli kuya

    @ Krisjasper- Huwaw! haba ng name

    @ Aleli- Color BLUE

    @ Cedeux- Syempre nagmana ako sayo… lol

  • Fjordan Allego says:

    ayos talaga mga blog posts mo..

    alam mo.. tama ka.. matatapos lang ang lahat kapag may umayaw na… paano mo kaya ipaglalaban ang isang relasyon na ikaw na lang ang tumatayo kasi ang isa parang sumuko na…

    drama mode nyak nyak!!!

    http://hiraya.co.nr

  • noime says:

    ” puso ko’y nagiisa, kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta… basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya..”

    watdapakisdis. hehe. 2nd year ako nung nailab ako sa kantang yahn. rapper kasi ang tingin ko sa sarili ko nuon. muka akong timang.hehe. pero ngaun, normal na ako. nandidiri na ako sa mga ganun.😀

    kuya, magiingat ka.. baka mamaya nako. .. wala na kaming babasahin. hehehe.

  • noime says:

    oops. mali.

    meron pala siyang “sa”, bago mag puso. di ko tinitignan. hehe.

  • Coldman says:

    kumasta naman ng pagiging gwapo?! Hahaha!

  • aleli says:

    dugong bughaw pala ang mga alien… Royal Blood!

  • arjay says:

    wala na bang mas malaking font? hehe medyo malabo na kasi mata ko

  • Gerald says:

    ahaha nabitin din ako sa simula! ayus to ah. swerte mu kuya nasagasaan na may bebot pang dala. haaha

  • CeLPHiS < aBRaM > MoRPHiN says:

    okay nman pala pagkaka-bangga… ahaha… and dyos ay gumawa ng paraan… hahaha… na makakilala ng bagong bebot.. haha…

  • kingdaddyrich says:

    nabangga ang jeep na gwapo?

    jeep ang gwapo?

    ano ba?

    ha ha haa!!!

    chicksilog yung nurse sally!!!

    he hehe

  • crazed_heck says:

    hahaha…at nagpa-uso ng commercial ang tangeks…akala ko bibitinin na naman ako…

    tol, ano nangyari sa chix? di ba nahimatay sa anghit mo….?hehhehe…

    i am back tol, at least for now…tangna ang dami ko kasing ginagawa lately e…

  • crazed_heck says:

    kapal ng mukha…blue ang dugo…feeling ko mama mo yung alien sa fifth element e…anak ka niya sa labas…yun nga lang…

    wahahahaha…

    yun nga lang….tsk tsk tsk….

  • FerBert says:

    @Fjordz- woi muli kang bumalik.. lage ka naman drama mode eh.. haha

    @Noime- Nung highschool ako feeling rapper din ako tas ngayon pag nakikita ko yung mga pictures ko nun.. eeeew! nandidiri na ako.. Break em down yo! haha

  • FerBert says:

    @Coldman- Hirap na hirap pa rin ako sa pgiging gwapo.. Ang hirap talaga.. haha… kelan mo ko gagawing model? lol

    @Aleli- kneel before me.. Im your King.. Royal blood eh.. haha

  • FerBert says:

    @arjay- may 2 options ka…

    1st option:Mag contact lenses o magsuot ka ng readin glasses..

    2 Option: MAGTIIS KA!!

    @ Gerald- Kelan pa naging maswerte ang mga nasagsaan?

  • FerBert says:

    @Abram- sus! destiny na ito.. sya na ang mapapangasawa ko… lol

    @Kingdaddyrich- ewan ko sayo! naguluhan din ako bigla.. hahaha

    @Hector- Pucha pare wala akong anghit.. Mga trendsetters kase kameng mga gwapo kaya lage kameng nagpapauso… haha..

    Blue naman talaga dugo ko eh.. Bluer than blue… lol

  • Abad says:

    Michael! Michael.

    inulit ko lang para feeling close. Natawa ko dun sa biglang umeksena yung bloomfields. Mtv?

  • † alleicarg † says:

    sumakit din ang ulo ko dito ah..
    pwede gumawa ng vid gamit yung story! haha!

    apir!

  • BURAOT says:

    no problem tsong! pakyu din! hoohoooo!

  • BURAOT says:

    wahahaha! lab story.. takaw bangga ka pala.

  • FerBert says:

    @ Abad- MTV? oo ata.. Abad.. Abad… Abad… ayan feeling close din ako.. hehehe

    @Alleicarg- Cge gawan mo ng video syempre ako pa rin yung bida tas post naten sa youtube, baka sakaling maging instant celeb ako… bwahahah

    @Buraot- Salamat talaga repakoi! takaw bangga? sa lakas kase ng seks apil ko pati mga inanimate na mga jeep nagkakagusto sakin kaya trip nila akong banggain.. lol

  • yeye says:

    sus gusto mo lang talagang sa bihin sa post na to na ang pogi mo. charot hahaha

  • crazed_heck says:

    pauso kanaman ng hibernate…tangeks wag ka ngang umastang oso, alam na namin na bear ka…

    mahilig ka nga sa bear na bear e..

    tol, wag kana maghibernate, kung kelan malapit na xmas vacation tsaka ka matutulog? tama ba yun? beauty rest?

    di ko tuloy malaman kung ahas ka, buwaya o oso? maxado ba marami nakain mo?

  • Johnjan says:

    Kilala mo ba yung Ale na sigaw ng “AY PUTA ANG GWAPO”? Nais ko sana siyang arkilahin para sa aming nalalapit na Krismas Party. Sasayaw kasi ako at mag maganda kung may sumisigaw ng ganoon.

    Bwahahaha.

  • deksi says:

    ayun… gwapo ka nga…mi peklat na man….

    panalo ung stilo mo…

    oh yeah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Peklat at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: