Tinatamad Ako!

December 2, 2007 § 16 Comments

Juan Tamad- is a lazy man who was buried under the soil by monkeys who thought he was long dead because of his laziness.

Sources: WIKIPEDIA

Tamad ako at Tinatamad akong magsulat ng entry!

Mukhang nagmula ata ako sa angkan ni Juan Tamad at yun siguro ang namana ko sa ninuno kong sikat dahil sa katamaran.

Hindi ko naman ipinagmamalaki na saksakan ako ng tamad, pero yun ang totoo, Gwapo ako pero Tamad din naman ako. Sabe nga ni Mariel sa interview nya kanina sa the BUZZ: “Im only a person and I have my flaws”

Tamad akong maglinis ng kwarto, normal lang daw to sa lalake na magulo ang kwarto, pero sobrang gulo ng kwarto ko. Minsan lang akong maglinis, yun ay kung Full Moon at may topak ako.

Hindi rin ako nauutusan dahil kahit utusan nila ako, nagbibingi bingihan lang naman ako. Nung bata ako tamad din akong maligo, nagkikipaghabulan pa sakin yung yaya ko habang tinatakot ako na pag di daw ako naligo kukunin daw ako ng maligno. Pero kahit takot na takot na ko na baka nga kunin ako ng maligno ayoko pa rin maligo.

Tamad akong pumasok sa eskwelahan. Kinder pa lang ginagawa ko ng palusot ang Sakit ng Tyan. Feeling ko kase ako yung pinakamatalino sa class namen at lahat ng tinuturo ng Teacher ko nung Kinder eh alam ko na, kaya tinamad na akong pumasok.

Natapos ang Kinder at nasa gradeschool na ako, walang nagbago… tamad pa rin akong pumasok, habang tumatagal naiingit ako sa mga kaklase kong may award kaya nung Grade 4 na ako nagsipag na ako sa pag-aaral at lagi na akong pumapasok, tamad pa rin akong maligo pero masipag na akong pumasok Ayun nagbunga ang kasipagan ko napabilang ako sa listahan ng mga Honor Pupils. Pagdating Grade 6 unti unti na naman na nunumbalik ang ugali kong katamaran, kaya nung graduation sabe ng Adviser namin ako daw dapat yung 1st honorable mention pero dahil tamad akong pumasok 3rd honorable mention lang ako.

Last year pinanindigan ko na ang pagiging tamad, halos isang sem na hindi ako pumasok, at Dahil walang mapagkukuhanan ng grade syempre lagapak agad ako. Bumagsak ako. First time yun sa tanang buhay ko at Sa lahat ng First Time yun na ata ang hindi masarap, yun na ang pinakamasaklap. Kasalanan ko din naman eh, Gwapo ako pero may pagkagago.

Parang ako rin si Juan Tamad, inilibing ng buhay dahil sa katamaran. Pero di tulad ni Juan Tamad babangon ako sa hukay. Babangon ako at magbabago. Hindi ko nasisiguro na hindi na ako magiging tamad pero susubukan ko. Tamad nga ako, hindi ko ipinagmamalaki yun pero kung ikakabuti ko naman to, Hindi ako tinatamad magbago.

Tagged: , ,

§ 16 Responses to Tinatamad Ako!

  • Juz says:

    wahhh! parehas taung tamaD! Hehehe

    galaw galaw ka din… tc

  • dorkzter says:

    nyay ako grumaduate na sa pgging tamad magaral, medyo masipag na ko ngayon hehe., pero tamad parin ako in some other aspects.
    kelangan ko na din ata magbago, yoko mailibing hehe๐Ÿ˜€

  • Mojo Potato says:

    ako:tinatamad akong mag-comment…

    konsensya:pero hindi na ngayon…

    ako:walanghiya tinatamad talaga ako…

    konsensiya: cge na lang sa susunod na nga…

    ang tamad ko talaga…yakakaka

  • Aleli says:

    wow! talagang may metanoia ka ngaun ah.. ako tamad din nun.. kaso hindi na ngaun pwede!! baka palayasin na ako sa bahay kung magtamad-tamaran pa ako..ahaha!

  • FerBert says:

    @ Juz- madame tayo dito sa earth

    @ Dorkzter- Sabay tayo tungo sa pagbabago.. haha

    @ Mojo Jojo- waaah! safeguard! buti naman nakonsensya ka.. magcomment ka kapag di ka na tinatamad…

    @ Aleli- waaah! nagbago ka na? ayos! gudlak sa exam lola!

  • yeye says:

    sabihin mo sa sarili mo:

    “gusto ko labanan ang katamaran, pero tinatamad ako”

    hehehehehe

  • redlan says:

    tamad rin ako magpost ngayon kaya mabagal ang pag-update ko. dont worry lilipas rin katamaran natin.

  • BURAOT says:

    hokey lang yun tol. ang importante, eto eh advice lang naman. wag ka lang sana tatamarin huminga. pag dun, tinamad ka, wala ng bangon bangon yun.

    heheheh! pis on ert!

  • http://kingdaddyrich.blogdrive.com says:

    ang sipag mo nga mag update eh..๐Ÿ˜‰

  • aCey says:

    whoa! i didn’t know juan tamad was burried by monkeys! cool.

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    I dont think you’re tamad.. baka di ka lang inspired.

  • Mariano says:

    Ferbert, ayos lang naman maging tamad talaga. Walang masama dun.

    Hindi naman katamaran ang pagiging tamad kasi may ginagawa ka, at yun ang pagiging tamad.

    Ako naman eh tamad ngayon, dito sa trabaho, kaya kawawa ang kinabukasan ko nito.

    Tignan mo, nagpopost lang ako ng comment ko dito!

  • Fjordan Allego says:

    harujusko!!! pareho talaga tayong tamad hahahaha!!! pero gwapo pa rin!!! hahahaha!!

    http://hiraya.co.nr

  • noime says:

    ako naman, sobrang proud na ako sa sarili ko kapag natapos ko yung trabaho ko sa luob ng isang araw. lagi ko kasing ipangpapabukas anng mga gawain ko kaya minsan dehado ako.

    naiinis ako sa sarili ko dahil tamad ako. haha. buti nga kahit ppano nabawasan na ng ten % ung katamaran ko, biruin mo un, meron pang 90 % na natitira. haha.๐Ÿ˜€

  • Anino says:

    Ako naman average tamad lang. Kahit tamad ako, hindi naman ako nakakuha ng bagsak sa kolehiyo. Ikaw naman kasi, gwapong tamad.

  • deksi says:

    “Huling Pagmamayabang”

    disable si coment ah… ahahha… kaya dito nlng๐Ÿ˜€

    sinadya mu talagang walang mag coment… ahahha

    pra d masupulpul kayabangan mu… ai ang galing

    peru mas magaling ako

    ahihihihi

    Shet ang sama ko, nagself pity yung panget.

    haahaha…. awawang pangit…..
    napagtripan ni gwpo DAW!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Tinatamad Ako! at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: