sino si Ferbert?!

December 1, 2007 § 12 Comments

Nasa side bar ko ang YM ko at mula nung inilagay ko ang YM ko dyan. Madame ng nag-add (madame kase akong fans… waaah!) at madame din naman akong inadd. At eto ang mga ilang example ng pakikipag-usap ko sa kapwa ko blogger

EXAMPLE 1:
Ako: Mabaet ako!
Blogger A: wehehe
Ako: Masama ako
Blogger A: wehehe

EXAMPLE 2:
Ako: Virgin pa ako
Blogger B: Saan sa ilong?
Ako: Di na ako Virgin.
Blogger B: Talaga?

EXAMPLE 3:
Ako:
Gwapo ako!
Blogger C: Talaga lang ha?
Ako: Panget ako!
Blogger C: Hindi nga?

“Never explain yourself. Your Friends don’t it and Your Enemies wont believe it”

SINO SI FERBERT?

Importante ba talaga na malaman kung sino ako? Kung ano itsura ko? Kung ano ang mga pinagkakaabalahan ko? Kung Saan ako nag-aaral? Kung matalino ba ako? Kung okay ang sex life ko? Kung May Social Life ba ako? Kung ano ako?

At kapag sinagot ko ba ito paniniwalaan nyo ba ako? I tried it,tried to explain myself para makilala ako ng Tao kahit sa YM lang pero iilan lang ang naniwala. Iilan lang ang di nangailangan ng explanasyon ng pagkatao ko. Halos lahat, tinanong ako kung ano itsura ko, kung ano ang totoong pangalan ko, kung ano ako.

Nung nagsisimula ako bilang isang blogger, Totoong name ko pa ang user name na ginagamet ko nun, at pinapakita ko pa ang picture ko sa madla, nasa links ko din noon ang Friendster account ko pati na multiply at myspace. Mga sampu lang ata ang ang nakakita ng totoong picture ko at si Fjordz lang ang inadd ko sa friendster, tagahanga kase nya ako, tagahanga ko din sya. Pareho kameng Elibs sa isa’t isa.

Pero napag-isip isip ko na mas mahirap magsulat kapag kilala ako ng tao. Marame akong sikreto at etong blog na ito ang alter ego ko. Ang Mrs. Hyde ko, ang kasiraan ng utak ko, ang kabaliwan at kagaguhan ni MICHAEL (tunay kong pangalan), ang ibang angulo ng pagkatao ko. Tulad ni Xienah may Multiple Personality Disorder din ako, and i need medical atention.

Mahalaga pa ba ang eksplanasyon ko sa pagkatao ko? mahalaga ba na makita nyo ang tunay kong anyo? Maaring makasabay mo ko sa jeep, Maaring ako yung lalakeng kumuha ng number mo sa isang bar, maaring ako ang teenager na kasama mong humihigop ng kape sa starbucks, maareng ako ang batang kinamumuhian mo, Pwede din na ako ang pantansya mo, ako rin marahil ang taong gusto mong patayin. Ako ay si Ferbert at wala na akong balak i-explain kung sino ako. Dahil kung kaibigan kita hindi mo kailangan ito, at kung di kita kaibigan di mo rin naman paniniwalaan ang ekplanasyon ko.

Sabe nga ni BIG BROTHER ang lahat ay may oras, lahat ay may panahon, at makikilala mo rin ako sa TAKDANG PANAHON…

Tagged: ,

§ 12 Responses to sino si Ferbert?!

  • XienahGirL says:

    dapat ako una dito.
    magkakamatayan kapag hindi ako
    wahaha
    🙂

    tama yan–
    with a beautiful face comes great responsibility

    ang hirap maging maganda
    ano kaya feeling ng panget?
    kaya di ko masagot yung
    ‘how can you face your problem
    if your problem
    is your face?
    palaisipan e
    🙂

    laking manong ka
    laki ng katawan
    🙂
    kita ko pic mo nun dati e
    wahaha

  • KRISJASPER says:

    awryt mayt?

    at least masusulat mo ang gusto mong isulat…
    minsan gusto kong magpost ng tagalog kaya lng di maiintindihan ng mga kasama ko sa work, boss ko at friends nia…

    au revoir.

  • FerBert says:

    @ xienah- hahaha… diba gwapo ako? oks lng mlake katawan.. gwapo naman ako eh… haha.. Naisip ko din yan minsan, kug pano maging panget?

    @Krisjasper- oo nga eh. para akong isang superhero na kailangang itago ang identity..

  • redlan says:

    michael nasaan si fjordan?

    dito sa blog hindi uso ang asl pls. hehehe. mas makilala ka dito thru sa sinusulat mo. yan kasi i-broadcast ang kagwapuhan kaya binaha ng mga taong. hehehe

  • redlan says:

    tanong pala. sorry

  • my-so-called-quest says:

    whoop whoop! ironically, its easier for us to write post that is based on our daily experiences, we are trying to be true to what we write but our identities are still concealed. parang mga superheroes, they can only function with a mask or a clumsy suit. hehe.

    BTW, i’m not using a pen name.=)

  • FerBert says:

    @ Redlan- ewan ko nga kuya eh.. Busy ata sya sa YFC. yun ang pagkakaalam ko ayon sa twitter nya.

    GWAPO AKO, yung lang muna ang clue sa ngayon. Makikita nyo na lang ako sa tv balang araw, magugulat ka n lang kase yung gwapong artista pala ay walang iba kundi gagong me ari ng blog na to.

    @ Cedeux- Ako si Superman. kelangan kong itago ang identity ko para isave ang mundo. haha..

    Mga experiences ko din naman tong mga nakalagay dito sa blog ko. kelangan ko lang itago ang identity ko kase ayokong magsulat ng autograph pag nasa mall ako.. haha

  • Aleli says:

    “wehehe” pala ha!! babaguhin ko na yan.. “ahaha” nanaman..

    mahirap pala magtago ng identity..hhmmm.. try ko din kya one of these days..pag bumagsak ako sa CG hindi na ako uuwi.magkakaroon na ako ng fugue..ahaha…

    pano naman ako makakapagtago ng identity.. eh ngaun pang alam pati ng mama ko ang blog address ng blog ko..

    basta fer-bert isa lang tanong ko sau apo: bakit pala hindi ka nagdrugs??weehehe…ingat!!

  • noime says:

    kung nahihirapan ka sa pagiging guwapo, nahihirapan naman ako sa pagiging maganda.. tsk (haha.minsanan na lang ‘to)

    🙂

  • KRIS JASPER ANGEL says:

    dalawa lang yan bert.. Superhero or terorista.. hehe..

  • Saminella says:

    shet. ang moda ng entry na ito. Panalo ka kuya.

  • Mariano says:

    May katagalan na din akong nagba-blog. Kaso sa ibang platform.

    Ngayon ko lang naisip na dapat palang magtago ng katauhan kasi baka mainis sayo ang presidente at ipadukot ka na lang bigla. O baka mainis sayo yung kaopisina mong sinasabihan mo ng panget. O mademanda ka ng kumpanya dahil sa paninira mo sa produkto nilang may ipis sa loob ng lata.

    Minsan, mas mainam ang magtago. Exciting, nakakakilig.

    Tara, yosi tayo!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading sino si Ferbert?! at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: