usisero

December 30, 2007 § 20 Comments

Ilang araw na ako dito sa probinsya. Walang humpay na inuman at walang hangganang kamustahan. Ilang araw na rin akong di nakakapagblog. Namimiss ko na ang usok at polusyon ng metro manila. Namimiss ko na ang kama ko’t mga ikinakama ko, ang kwarto ko’t kwarto ng mga babae sa buhay ko, ang laptop ko at ang koneksyon ko sa internet. Higit sa lahat namimiss ko na kayo.

May Internet naman dito sa Ilocoslovakia kaso walang internet connection yung bahay namin dito. Kailagan ko pang maghanap ng Internet Shop. Eto ang ayaw ko eh, ang magbrowse ng internet sa publikong lugar. Pero kailangan ko ng gumawa ng entry dahil baka malaos na ang Tanginang Alien. Inuulit ko, ayoko talaga sa mga Computer/Internet Shop dahil sa mga kabataang adik sa RPG na daig pa ang may built in microphone sa ingay, isa pa napaparanoid ako sa mga nasa likod ko. Pakiramdam ko kase eh tinitignan nila tong entry na ginagawa ko. Para silang Spy na nagmamatyag ng mga letrang tinatype. Sanay naman ako dahil sa lakas ng sex appeal ko eh libo libo ang aking stalker. Pero iba tong feeling ng nagtatype ako ng entry na many nakatingin sakin. Hindi ako sanay, nawawala ang focus ko. Parang gusto kong makipag-away.

Walang privacy sa lugar na to, sa kamalas malasan. Hindi ako pwedeng magbukas ng porn site dahil sa mga usisero’t pakialamerong tambay dito sa Shop. Wala ata silang GMRC na subject nung gradeschool kaya di nila alam ang pagrespeto sa Privacy. Hindi lang naman tong mga to ang usisero dahil sa 84 milyon na populasyon ng Pinas eh halos 84 milyon din ata ang mga Usisero.

-FLASHBACK-
Gradeschool ako nun at dito pa ako sa probinsya nakatira, kasalukuyan akong nanonood ng Mighty Morphin Power Rangersng mapansin ng ate ko na nasusunog yung bahay ng kapitbahay namin. Lumabas ang ate ko’t nagsisigaw ng “SUNOG! SUNOG!”. Ayoko syang mamaos dahil lab na lab ko ang ate ko, nakijoin na rin ako sa pagsigaw ng “SUNOGGGG!!!”. Di pa dumarating ang bombero kaya nagbuhat ang mga barako kong mga insan ng balde baldeng tubig at pilit na inapula ang apoy. Ayokong magbuhat, bata pa ako, ayokong magkaluslos kaya binuksan ko ko lang ang faucet at naglagay ng tubig sa balde nila.

Andaming tao nun, walang nakalakas ng loob na tumulong, nasa labas lang sila’t nanonood, animoy may shooting si Fernando Poe Jr.. Wala silang ginawa. Hindi sila tumulong. Mga usisero lang talaga sila. Tangina nila! Dumating ang mga bombero, salamat sa Dyos napigil yung pagkalat ng apoy.

May isang pangyayare din na napatunayan ko na hindi lang mga taga-probinsya ko ang Usisero. Minsan sumakay ako ng jeep ng may isang lalaki na umakyat sa billboard at gustong magpakamatay. Madaming Media pero mas maraming mga usisero’t usisera. Nakakita lang sila ng kamera, nagpunta na sila doon. Para silang mag-o-audition sa isang reality show. Napansin ko na mas maraming usisero kesa sa mga gustong tumulong, Natraffic tuloy ako.

Sa panahong pwede silang makialam at tumulong wala silang ginawa kundi ang manood at maging usisero. Tangina nilang lahat! mas gusto pa nilang pagtsismisan at pakialaman ang buhay ng may buhay kesa tulungan ang nasusunog na bahay ng kanilang kapitbahay. Mas gusto pa nilang magpabida sa kamera kesa iligtas ang buhay ng taong wala sa katinuan at gustong magpakamatay.

Galit ako sa mga Usisero! Ayoko rin sa mga Pakialamero pero mas ayoko at mas galit ako sa Taong ayaw magbigay ng tulog.

Tulong tulong tayo tungo sa pagbabago. Iboto si Ferbert sa pagkapangulo! (CHARING!!)
Happy New Year sa inyo!
Advertisements

LOSER

December 22, 2007 § 35 Comments

“You just have to get through high school. High school sucks for anyone who’s the least bit different. But then there’s college, and then out in the real world, you’ll find where you belong.”

Dr. George O’Malley
(Grey’s Anatomy; Season 2 Epidode 22)

Sa totoo lang hindi ako naging masaya nung highschool. Wala akong kwentong maibabahagi sa inyo na espesyal tungkol sakin nung highschool. Isa lang akong simpleng estudyante. Ginusto kong maging gwapo pero laging mas may gwapo sakin, Sinubukan kong maging matalino pero lagi pa rin akong nasa listahan ng mga bobo, Sinubukan kong maging henyo sa Math pero bumagsak pa rin ako. LOSER AKO! Walang espesyal sakin… Isa lang akong ordinaryong estudyante na walang special highschool stories.

Pagkagraduate ko ng gradeschool mula sa isang public school, ipinasok ako sa isang prestisyosong eskwelahan para doon maghighschool. Bibihira lang ang nakakapasok dito dahil sa bukod sa kelangan mong maging matalino kelangan din na kaya mong bayaran ang tuition fee dito. Medyo mabigat sa bulsa pero sulit naman.

First day of School, kulang na lang gayahin ko ang sayaw sa Rexona. Let’s do the first day high dahil sa excitement. Ayun ayos naman naitapak ko na rin ang aking paa sa ekwelahan na pang-mayaman. First year at First day of classes pa lang ramdam ko ng hindi ako belong sa sosyal kong kamag-aaral. Nanliit ang tingin ko sa sarili ko. Sa eskwelahan ng mga Conio ako lang ang nag-iisang Jologs.

COOL KIDS VS. THE LOSERS

Kabilang ako sa mga grupong Losers, mga below-average na mag-aaral, hindi mapera, jologs pumorma, basted sa mga chicks, mga hindi katalinuhan, mahina sa sports, mga basura. Pilit kong nilalaban ang mga Cools Kids, nakikipagsabayan sa kanilang kakayahan pero nagsawa na ako’t bigla na akong sumuko. Wala na! Loser talaga ako. Pikit mata kong tinanggap na kahit kailan hindi ko mapapantayan ang mga nilalang na to, umupo ako kung san naka-assign ang upuan ko malapet sa basurahan. Nanahimik ako, nag-iisip, humihikbi, Ayun dun na ako nagsimulang maging Emo.

Ikaw magsusulat? Oh c’mon! eh ang tanga tanga mo, pano ka magsusulat?

Hindi lantarang sinabe pero yun ang naramdaman ko kaya hindi ko tinangkang magsulat sa School Paper namin nung Highschool dahil para lang yun sa mga matatalino, walang place ang katulad kong obobs dun. Isang beses ko lang nakita ang pangalan ko sa School Paper namen, at yun ay nung nagsecond place ako sa Oration. Dun lang ako magaling, tanga ako sa english pero maarte ang diction ko, Dun lang ako pwedeng makipagsabayan, Dun ko lang pwede maipakita ang kakayahan ng isang Jologs na Bobo pero hanggang 2nd place lang ako.

Mahilig akong magsulat, mula pa nung nakahawak ako ng crayons, isunulat ko na ang sa tingin ko noon at spelling ng pangalan ko. “ACKDNA” yan ang nakasulat sa wall sa bahay namin sa probinsya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubura, “ACKDNA” malayo sa totoong spelling ng pangalan ko. Dun siguro ako kinakitaan ng magulang ko na balang araw magiging outlet ko ang pagsusulat. Masaya ako kapag nagsusulat ako, narerelease ko ang frustrations ko, mga hinanakit ko, ang mga kadramahan ko. At dahil hindi ako napagbigyan ng pagkakataon ng magsulat sa School paper namin kuntento na ako sa mga sinusulat ko sa mga huling pahina ng notbuk ko, masaya na ako’t nakakapagvandal ako sa CR sa school, okay na ako kahit hanggang sa tissue paper lang pwedeng ilathala ang mga sinusulat ko.

Sampal sa isang taong gustong magsulat ang masabihang wala akong karapatang magsulat, dahil tanga ako’t wala akong pwede isulat kundi mga bagay na nakakalibog. Nagtapos na ako ng highschool pero ganun parin ang pakiramdam ko. Pero hindi ako sumuko, walang kinalaman sa literatura o mga eklavu ang kurso ko, wala akong pormal na pag-aaral sa pagsusulat maliban na lang sa mga natutunan ko nung gradeschool at highschool ako.

Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin ko na AYOKONG MAGSULAT. hindi na ako highschool, malaya na ko, wala ng magsasabe sakin ng hindi ako pwedeng magsulat. Karapatan kong ipahayag ang mga nararamdaman ng aking damdamin, malaya akong ipahiwatig ang nais kong sabihin. Kaya ayun gumawa ako ng blog. Ang dating nanliliit sa sarili ngayon ay lumaki ang self-esteem, ang dating walang karapatang magsulat ngayon ay sinasabihang magaling. Lumaki ng lubusan ang ulo ko dahil sa mga papuri nyo. Dahil dyan napag-isip isip ko hindi na muna ako titigil sa pagblablog. Nag-uumpisa pa lang ako at magiging Loser lang ulet ako kung titigil ako. Marame pa akong isusulat, Marameng araw pa ang ating Pagsasamahan.

Eto ang aking entry para sa ika-isandaang araw ng TANGINANG ALIEN sa Blogosphere. Maligayang Pasko!

There are two kinds of people in this world – winners and losers. Inside each and everyone of you, deep inside the core of your being is a winner waiting to be awakened and unleashed upon the world.

-Little Miss Sunshine

STD

December 20, 2007 § 15 Comments

TYPE TYPE TYPE TYPE….. ERASE ERASE ERASE

Yan ang nangyayari sakin ngayon, nagtatype ako ng bago kong entry pero pilit ko itong binubura dahil ayon sa Republic Act 0234 o mas kilala bilang Inimbentong Batas ng Isang Sira Ulo ay hindi pa dapat ako nagsusulat ng entry hangga’t hindi pa sumasapit ang ika-Isandaang araw ng aking pagblablog. Sadyang suwail at wala akong disiplinang nilalang kaya ako nagsusulat ngayon. Di bale ng makulong basta makapagsulat ako.

Konsensya: Hindi ka pa dapat nagsusulat ng entry, Lumalabag ka sa batas, masama ito.
Ako: Huh? sino ka naman?
Konsensya: Michael ako ang iyong konsensya.
Ako: Ngek! kelan pa ako nagkaroon ng Konsensya. Wala kaya ako nun.

Parang commercial lang ng sabon. Pilit akong nakikipagtalo sa konsensya ko. Eto talaga ako eh, Suwail, walang disiplina at walang konsensya.

Maraming Pinoy ang kulang sa disiplina at aminado akong kabilang ako sa mga iyon. Wala akong disiplina sa pagkain, lamon kung lamon yan ang aking patakaran. Maari akong makipagpaligsahan sa pagwapuhan pero kung pagandahan ng katawan, wala na, suko na agad ako, sa inyo na yan.

Kung si Manny Villar minsan sinabing ST lang ang kailangan. Sipag at Tyaga. Ako naman STD ang kailangan ng bayan, Sipag, Tyaga at Disiplina. Kasalukuyan ata akong nanonood ng porn o nagjajakol nung nagbuhos ng Disiplina ang Poong Maykapal.

Nanood ako nung nakaraan ng sine, at bago magsimula ang palabas, Pinalabas muna ang advertisement ng MMDA ang Metro Gwapo. Wala akong balak pumasok sa pulitika pero Kung magiging Presidente ako ng bansa gagawin kong disiplinado ang mga Pilipino. Ngunit bago ko madisiplina ang bansa kelangan ko munang unahin ang Sarili ko. Paano magiging disiplinado ang mamamayan kung ang lider ay hindi naman. Wala akong pinapatamaan dito at hindi ko sinasabing walang disiplina si Gloria. Ang akin lang naman ay sana maging mabuting ehemplo ng bayan ang mga lider ng bansa.

Ilang bansa na ang umunlad dahil sa disiplina, Hindi naman malayong mangyare na maging maganda ang Pilipinas kung lahat ng tao dito ay may disiplina. STD lang ang kailangan ng bayan para umunlad. Sipag, Tyaga at Disiplina.

Siguro kelangan kong paluin ang katawan ko tulad ng mga magulang na dinidisplina ang kanilang anak pero hindi naman ako masochist. Sabe ni Steve Pavlina: “Self-discipline is like a muscle. The more you train it, the stronger you become. The less you train it, the weaker you become.” Kelangan ko lang itrain ang sarili ko na parang aso. Wala akong alam sa pagiging aso, pero alam ko sa sarili ko na kaya ko to.

PS. Ang susunod na entry ko ay ipopost sa December 22 (ika-isandaang araw ng aking blog). Pinaghandaan ko talaga to dahil kumuha ng ako ng putograper para kuhanan ako ng nude. Makikita nyo na ang mukha ni FerBert, Mukha pa lang ulam na. Ilang araw din akong di natulog dahil lage lang akong nasa gym para gawing muscles ang mga taba sa aking katawan.

Tambayan

December 16, 2007 § 42 Comments

Kung ano ano na lang ang ginagawa ko para hindi ako makatulog. Nanood ako ng piratang DVD, naglaro sa PSP, nagkape at nagyosi. Hindi tumalab inaantok pa rin ako. Pinipilit kong gisingin ang katawan ko kaya nag jumping jack ako. Pagkatapos nun dumeretso ako sa banyo para maligo.. Ang lamig ng tubig.. Grrrr! Pagkatapos maligo, umakayat ako ng kwarto, nanigas ako pati na rin ang jolly hotdog ko dahil nakalimutan kong patayin ang aircon. Kinuha ko yung kulay blue na shirt ko, isinuot ko na din ang pantalon ko, syempre nag-underwear muna ako, pagkatapos magmedyas nagsapatos na ako. Ayun ready na ako! Ready na akong pumasok sa bahay ng panginoon! magsisimbang gabi na ako.

3:30 pa lang nasa simbahan na ako, Sinadya ko talaga na maagang pumunta para may maupuan , kaso 3:30 pa lang punong puno ang ang sibahan. Dahil walang upuan tumayo na lang ako. Pumuwesto ko dun sa may tapat ng electric fan, Pero imbes na malamigan lalo pa akong nainitan dahil hinarangan yung electric fan, Kumulo yung dugo ko dahil ang kapal ng mukha ng nung tropang mukhang bakulaw para harangan at mainitan ang gwapong tulad ko, pero dahil pinalaki ako ng maayos ng magulang ko, kahit nag-iinit na ang dugo ko hindi ko na sila pinatulan, nanahimik na lang ako dahil hindi naman ako nagpunta ng simbahan para makipag-away kundi para purihin ang Dyos.

Andaming tao, iba’t iba ang itsura, iba’t iba ang amoy. May mukhang di naligo at may mukhang bagong ligo at nakalimutang magpatuyo ng buhok. May okay ang amoy at may amoy putok. May nakapanbahay, May mukhang aatend ng Santacruzan, May mukhang manganganak sa binyag, at may mukhang gigimik, pero ang pinakamalala ay may mukhang prostitute na nakasuot na nagbebenta ng aliw dahil sa suot na sbrang ikli. Iba’t ibang itsura, iba’t ibang estado ng buhay.

Alas 4 na pero di pa nagsisismula ang Mass, katabi kong nakatayo ang isang Aleng Matanda, wala man lang nag-alok sa kanya na paupuin sya, Naasar na ata si Lola, ayun kung ano ano na lang ang napapansin, Daig pa nya si Simon Cowell kung manlait. Tama nga na kung sino pa ang palasimba sila pa yung mapanghusga. Andaming napansin ni Lola, pati yung batang mukha nasa elementarya pa lang ay mukhang pokpok na. Pati yung magsyota na ginawang Luneta ang simbahan at doon nalalampungan. Madame ang hindi nakalusot sa kanya. Marame napapansin si Lola, kaya bago pa nya ako mapansin at laiitin. Lumipat na ako ng pwesto.

Nakalipat ako ng pwesto pero ang iingay ng mga nasa paligid ko, Andami ko tuloy narinig na tsismis. At dahil 4:30 na at di pa rin nagsisimula ang mass. Umalis na ako’t baka mapaaway pa ako, dahil pati loob ng simbahan ginawang tambayan.

Bumili ako ng Puto Bungbong at Bibingka mas mahal kesa nung nakaraang taon. Hindi naman ako nagsisi na umalis na ako, dahil lalo lang naman madaragdagan yung kasalanan ko kapag naiwan ako sa simbahan. ang atensyon ko mapupunta sa mga tao hindi mapupunta dun sa Pari na nanenermon. Pagka-uwi ko binuksan ko ang TV para matignan kung anong channel ang nagpapalabas ng Simbang Gabi, amputa! ayun wala.

Frustrated Priest ako kaya alam ko na Minsan nagalit si Papa Jesus dahil ginawang market place yung temple ni God. Nasa John 2:12-22 yun. Hindi ako palasimbang tao at kaya ayaw kong nagsisimba dahil sa mga taong nakikita ko. Mga taong hindi na iginalang ang bahay ng Panginoon. Makakapal ang mukha dahil nagsisimba lang sila hindi para magbigay galang sa Dyos kundi para makipagdate sa kanilang Syota.

Ano na lang kaya ang sasabihin ni Papa Jesus pag nakita nya tayo ngayon? Ano na lang kaya ang gagawin nya mga taong ginagawag Luneta ang Templo ni Ama? ano na lang magiging reaksyon nya? Pagsisisihan nya kaya na ipinako sya sa krus at namatay para iligtas tayo?

Hindi ako santo, makasalanan akong tao, at malibog rin ako. Pero alam ko naman na dapat respetuhin ang bahay ng panginoon. Maaring masama akong tao sa paningin nyo pero maniwala kayo’t hindi may takot ako sa Dyos.

I love you Pare!

December 11, 2007 § 27 Comments

They Say I look Good. I say I even taste Better.

Tumambling naman ako nung nabasa ko tong SMS na to na pinadala sakin ng tropa ko.

Actually hindi naman talaga ako gwapo, Moreno ako, Medyo Matangkad, Medyo hawig kay Bong Revilla at Jomari Yllana (DAW). Medyo may itsura. Hindi talaga ako kagwapuhan, katamtamang gwapo lang. Average na average. Kung ire-rate ko ang kagwapuhan ko siguro mga 6.5, very average. Sa ganyang paraan ko idedescribe ang sarili ko kung isa akong SINUNGALING, PLASTIK at HUMBLE na Nilalang…

Pero hindi ako ganun. Natural na sa akin ang pagiging mayabang pero at least may ipagmamayabang naman talaga ako. Ay! hindi pala ako mayabang… HONEST lang pala ako. Kase hindi ako sinungaling. At hindi ako nagsisinungaling dahil talagang UBER GWAPO AKO AT ANG LAKAS NG AKING SEX APPEAL.

I AM SO DAMN HOT! sabe ko nga kay Mariano kanina sa usapan namen sa YM. kung pwede ko lang ipamigay ang pagiging hot, malamang ibinigay ko na.

Problema talaga naming mga gwapo ang mga nahuhumaling sa min. Simpleng tingin lang napapasagot na. Makukuha kita sa tingin effect. Hindi rin maiiwasan na may mga kaibigan na magkagusto sayo. Well hindi ko rin naman sila masisisi dahil saksakan ako ng gwapo. Infairness may taste sila dahil type nila ako.

Pero paano kung isang araw may magrecite sayo sa harap mo ng tagline ni Jolina na: “My biggest chuba chu chu is falling in love with my bestfriend”? Paano nga kung ang bestfriend mo ang mainlab sayo? Paano kung ang bestfriend mo ay lalaki din tulad mo?

“Sorry tol, pero in love na ako sayo.. =(“

Text yan ng Bestfriend ko, inantay ko yung susunod na text nya dahil akala ko dun nya ipapadala yung punchline nya. Pero, nalungkot na lang ako bigla ng mabasa ko to:

“Tol, bakla ako. Sorry eto talaga ako. Hindi ko na kayang itago. Mahal kita tol”

Anak ng.. putangina! This guy’s in love with you pare ang drama. Nagalet ako.. Nagalit ako hindi dahil bading sya, nagalit ako dahil bestfriend pa naman ang turing ko sa kanya pero nakuha pa nyang maglihim sakin. Wala naman sakin kung ano sya eh, iginagalang ko yung desisyon nya. nasa sa kanya yun kung gusto nyang maging straight, bading, bisexual, asexual, trisexual, quadrisexual o kung ano pa man na sexual na yan. Marami akong kaibigan bading, at malaki ang respeto ko sa kanila. Dahil para sakin ang isang tao ay nirerespeto hindi dahil sa kung ano sya, kung lalake ba sya o bading pero dahil sa Kung sino sya.

Bestfriend ko pero hindi nya ako pinagkatiwalaan, samantalang lahat ng butas na pinapapasok eh kinukwento ko sa kanya pati kung pano ko napasok ang butas sa kweba ni eba. Tiwala lang naman yung gusto ko eh, sana man lang nung una pa lang pinagkatiwalaan na nya ako.

Wala namang kaso sakin na ako yung iniisip nya tuwing nagjajakol sya, wala naman sakin na sa twing nakikita nya ako eh nalilbugan na sya, wala namang problema sakin kung nung sabay kameng mag-cr sa mga urinal sa mall eh sumisilip pa sya. Hindi ba ako karapat-dapat ng pagtitiwala nya? Sana naman kahit di na nya ako binigyan ng tiwala sana nung una pa lang nagpakatotoo na sya. Sayang ang pagkakaibigan… Paano ako ulet magtitiwala sa taong ayaw magtiwala sakin? saka paano ako magiging totoo sa taong hindi naman pala totoo? Sabe nga sa isang soft drink commercial date (itago na lang naten yung soft drink sa pangalan na SPRITE): Walang Drama basta.. magpakatotoo ka!

Pagkatapos ng mahabang pag-iisip tinext ko ulet sya kanina lang (1:46 am)

“Putangina tol! bading ka? tanginang mukha kase to. Pati ikaw naging bading na rin dahil sa gwapong mukhang ito”

tetenentenentenentenentenentenenen (message alert tone)

“Pakyu! naniwala ka naman. Ulol!”

Ang korni ng patawa nya pero parang nabunutan naman ako ng tinik. Ibang klase yung sense of humor nya, nakakainis. Ewan ko kung bading nga sya o hindi pero sabe naman nya hindi daw sya bading, may tiwala ako sa kanya, kaya paniniwalaan ko sya. Pero kung sakali man na member sya ng 3rd sex eh oks lang naman sakin kung yun ang gusto nyang landas na tahakin, basta ba wag lang nya akong mamanyakin at gagahasain.

“The glory of friendship is not the outstretched hand, nor the kindly smile, nor the joy of companionship; it’s the spiritual inspiration that comes to one when he discovers that someone else believes in him and is willing to trust him with his friend.”

-Ralph Waldo Emerson

Peklat

December 4, 2007 § 35 Comments


Nakakapagod ngayong araw, ni hindi man lang sumilip si Haring Araw. Malakas na naman ang buhos ng ulan, Wala pa naman akong payong. Tiyak lubog na naman ang Metro Manila sa baha nito. Hapong hapo, mukha na akong pulubi sa kayle. Nag-aantay ng jeep. Nag-aantay ng patok na jeep. Yung tipong pag pumasok ka sa jeep eh parang nasa loob ka ng bar sa lakas ng sound system at sa mga bombilyang iba’t iba ang kulay. Ang tagal ng ginugol ko sa pag-aantay at tumila na rin ang ulan. At sa wakas andyan na yung jeep na gusto kong sakyan. Ayos ang sounds Jologs na Jologs, siguradong mapapa-eeew ang mga conio. Pagpasok ko ayun sakto, narinig ko ang…

Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta….

Pucha gagong rapper na naman. Nakaupo na ako, gusto ko sanang sabayan pero pagkatapos ibigay ang bayad kay manong driver, wala na bumigay na ang aking katawan. Nakaidlip ako. Pagkamulat ko ng aking mata. Tangina lumagpas na naman ako.

Manong sa tabi lang po.

Tumigil naman si manong pero hindi nya itinabi. Sa gitna mismo sya ng kalsada tumigil. Bumaba ako’t Tumingin ako sa kanan, Tumingin ako sa kaliwa.. Ayos walang sasakyan. Inihakbang ko na ang aking paa at may sumigaw ng…

AY PUTA ANG GWAPO!!!!

ITUTULOY….
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nakaimbento kame ng laro nung bata kame gamet ang sirang gulong. Ewan ko kung sinong putanginang siraulo samin ang nakaisip paglaruan ang sirang gulong ng lumang bike ng kuya ko na matagal ng nakatago sa bodega ng Lola ko.

Mahuli taya!

Mabagal ang reflex ko kaya ako ang parateng taya. Nagkakasiyahan kame ng biglang napunta sa kalsada ang nilalaro nameng gulong. Dahil ako ang taya hinabol ko ito…

Saktong may Dumaan na Bike….

AY SI MICHAEL!!! sigaw ng mga kalaro ko. (Note: Michael ang tunay kong Pangalan)

Nagsomersault ako. Action Star na action star ang dating. Hindi ko sinadya pero mukha akong superherong lumilipad… woooohooo. nakuha ko ang gulong..

Okay lang ako. Wala akong sugat. Superhero ako!

pagmamayabang ko pa. tas napansin kong may makirot sa pisngi ko malapet sa kaliwang mata at may nakita akong dugo. Napasigaw na ako.

LOLAAAAAAA! LOLAAAAA! DUGO! may sugat ako!

Nagsorry yung nakabangga, hindi ko na maalala yung mukha nya, Pasalamat sya kung hindi baka nagantihan ko pa sya.

Mula nun nalimutan ko na yung laro, kinalimutan na namen yung mechanics. Wala ng makatanda ni isa samin. Pero kapag nakikita nila ang peklat sa aking mukha napapatawa sila dahil tandang tanda nila kung papano ako nasomersault. Pero hindi pa rin nila maipagkakailang gwapo ako kahit na nag iwan ng marka ang pagkakadisgrasya ko sa mukha noong bata ako. Nagkasiyahan at natapos ito, Natapos na ang paglalaro.

Matatapos lang ang isang laro kapag may umayaw na, Ang masaklap maaring matapos ito kapag may umiyak na isa o kaya Matatapos ang masayang laro kapag may nasaktan at nasugatan na. Nawawala na yung enjoyment. Nalimutan mo na. Pero naalala mo pa rin ang nakaraang lumipas, Na minsan ika’y naglaro at ika’y umayaw na, umiyak, nasugatan, at nasaktan. Sa pamamagitan ng Peklat sa aking mukha, natatandaan ko kung pano kame nakaimbento ng isang larong maaring ipamana namen sa susunod na henerasyon pero dahil may isang nasugatan kinailangan na nameng ibaon ito sa limot para hindi bumalik ang alaala ng sakit ng kahapon.

Ang relasyon ay parang laro, matatapos lang din ito kapag umayaw ka na, umiyak, nasaktan, o masugatan. Pero tandang tanda mo pa rin kung pano ito nag-umpisa at kung papano ito natapos,tandang tanda mo ang mga pangyayare dahil may iniwan itong marka, nag-iwan ito ng peklat sa iyong puso bunga ng sugat na dulot nito. Hindi mawawala ang peklat, hindi mawawala ang kahapon pero kahit papano hindi na ito masakit, Magaling na ang sugat at Hindi na sya sugat, isa na lamang syang Peklat.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Continuation

AY PUTA ANG GWAPO!!!!

NABANGGA ANG GWAPO!!!

NABANGGA NG JEEP ANG GWAPO!!! (sabe nung Aleng mukha may kras sakin kase tatlong beses nyang inulit yung gwapo)

May humarurot na sasakyan.. Bumagsak ako sa gitna ng kalye. Nabundol na naman ako. May bumabang isang magandang bebot na nakasuot ng puti mula sa jeep na nakabundol sakin, Akala ko’y anghel, kinausap nya ako.

Sir Are You Okay? I’m Sally at isa akong nurse. may Sugat ka at dumudugo ito. are you okay?

Pakiramdam ko nasa heaven na ako… At nasa isang gilid lang ang Bloomfields na kumakanta ng “Ale, nasa langit na ba ako?”..

Nakayanan ko pang sumagot..

Yes, Im okay sagot ko (wow! english yun! dagdag pogi points..)

Pero You’re Bleeding.. sabe ng magandang dilag na nakaputi

Okay lang. Alam kong kaya mong gamuntin yang sugat ko. At gagaling din yan at magiging peklat balang araw. Pero Nurse Sally kaya mo din bang mag-pagaling ng sakit sa puso? Pwede mo bang alagaan ang sugatan kong puso?!..

ABANGAN…
PS. Salamat kay BURAOT sa pag nominate/boto kung ano man yun kung sakali na pakulo ng kung sino mang pontio pilato ng Blogosphere.. Basta Salamat Repah! Pakyu!

Tinatamad Ako!

December 2, 2007 § 16 Comments

Juan Tamad- is a lazy man who was buried under the soil by monkeys who thought he was long dead because of his laziness.

Sources: WIKIPEDIA

Tamad ako at Tinatamad akong magsulat ng entry!

Mukhang nagmula ata ako sa angkan ni Juan Tamad at yun siguro ang namana ko sa ninuno kong sikat dahil sa katamaran.

Hindi ko naman ipinagmamalaki na saksakan ako ng tamad, pero yun ang totoo, Gwapo ako pero Tamad din naman ako. Sabe nga ni Mariel sa interview nya kanina sa the BUZZ: “Im only a person and I have my flaws”

Tamad akong maglinis ng kwarto, normal lang daw to sa lalake na magulo ang kwarto, pero sobrang gulo ng kwarto ko. Minsan lang akong maglinis, yun ay kung Full Moon at may topak ako.

Hindi rin ako nauutusan dahil kahit utusan nila ako, nagbibingi bingihan lang naman ako. Nung bata ako tamad din akong maligo, nagkikipaghabulan pa sakin yung yaya ko habang tinatakot ako na pag di daw ako naligo kukunin daw ako ng maligno. Pero kahit takot na takot na ko na baka nga kunin ako ng maligno ayoko pa rin maligo.

Tamad akong pumasok sa eskwelahan. Kinder pa lang ginagawa ko ng palusot ang Sakit ng Tyan. Feeling ko kase ako yung pinakamatalino sa class namen at lahat ng tinuturo ng Teacher ko nung Kinder eh alam ko na, kaya tinamad na akong pumasok.

Natapos ang Kinder at nasa gradeschool na ako, walang nagbago… tamad pa rin akong pumasok, habang tumatagal naiingit ako sa mga kaklase kong may award kaya nung Grade 4 na ako nagsipag na ako sa pag-aaral at lagi na akong pumapasok, tamad pa rin akong maligo pero masipag na akong pumasok Ayun nagbunga ang kasipagan ko napabilang ako sa listahan ng mga Honor Pupils. Pagdating Grade 6 unti unti na naman na nunumbalik ang ugali kong katamaran, kaya nung graduation sabe ng Adviser namin ako daw dapat yung 1st honorable mention pero dahil tamad akong pumasok 3rd honorable mention lang ako.

Last year pinanindigan ko na ang pagiging tamad, halos isang sem na hindi ako pumasok, at Dahil walang mapagkukuhanan ng grade syempre lagapak agad ako. Bumagsak ako. First time yun sa tanang buhay ko at Sa lahat ng First Time yun na ata ang hindi masarap, yun na ang pinakamasaklap. Kasalanan ko din naman eh, Gwapo ako pero may pagkagago.

Parang ako rin si Juan Tamad, inilibing ng buhay dahil sa katamaran. Pero di tulad ni Juan Tamad babangon ako sa hukay. Babangon ako at magbabago. Hindi ko nasisiguro na hindi na ako magiging tamad pero susubukan ko. Tamad nga ako, hindi ko ipinagmamalaki yun pero kung ikakabuti ko naman to, Hindi ako tinatamad magbago.

Where Am I?

You are currently viewing the archives for December, 2007 at Kokey Monster.