Putangina Theory

November 24, 2007 § 26 Comments

Maagang natapos ang klase ko kahapon kaya naman umuwi na agad ako para magsulat sana ng bagong post kaso biglang nagtext yung tropa ko kaya di na ako nakapagpost.

katropa: TAE! asan ka? punta ka dito. Inuman tayo.

ako: PUTANGINA! color coding ang 9 at 0 ngayon

katropa: GAGO ka May kotse ka na?

ako: PAKYU Wala pa.. Sige punta na ako dyan.

Sa twing katext ko ang mga tropa ko hindi pwede mawala ang mura. Paraan yan ng pagpapakita namin na pinapahalagahan namen ang isa’t isa (ang weird no?) Pero ni minsan hindi ko inakala na magmumura ako, pinalaki kase ako ng isang Nanay na ginustong maging Madre, Seminaristang Kuya, Lolang Apostolada, Tatay na di ko narinig na nagmura at Ateng uber sa pagkarelihiyosa. Hindi ako nagtangkang magmura nung nasa poder pa nila ako pero nung College na ako, dun na ako naging palamura, nanibago ang mga kakilala ko dahil di nila lubos maisip na nagmumura na pala ako. Tingin kase nila sakin ay Isang Santo na hindi nagkakasala, hindi nagbibigkas ng mga masasamang salita, walang kalibog libog sa katawan at hindi nagsasalsal. Masyadong malake ang inaasam ng mga tao sakin kaya matagal tagal bago nila natanggap na hindi talaga ako santo na dapat purihin at sambahin.

Kelan at Paano ba nagiging Masama ang isang salita? balak ko sanang magresearch tungkol dito sa National Library kaso may inuman kame ng tropa. Hindi tuloy nasatisfy ang curiosity ko. Alam kong ang salitang puta ay hango sa salitang Spanish dahil sa twing nanonood ako ng Latin Porn ay lagi kong naririnig ang salitang PUTA (Shet! di naman halata na mahilig akong manood ng porn). Dahil hindi nakapunta sa library para magresearch pinagtyagaan ko na lang ang internet.

PUTA- Literally means whore. Although in Spanish this word is used as the word “fuck” in English; even though their meanings are different. This word expresses anger, discontent, embarrassment and many more. Could be used as a verb, adverb, adjective, ect. (http://www.urbandictionary.com/define.php?term=Puta)

Likas na Matatalino ang mga Pilipino at Makabayan kaya siguro nila dinagdagan nila ng INA ang PUTA para maging makaPilipino at dun nabuo ang salitang PUTANGINA.

PUTANG INA-It is generally a filipino curse literally meaning bitch mother or if used against somebody as a curse like ” putang ina mo” means you’re mother is a bitch or son of a bitch. Usually used when ones gets really mad with somebody and wants to pick a fight. (http://www.urbandictionary.com/define.php?term=Putang+Ina)

Pero kelan at paano nga ba nagiging Masama o bastos ang isang salita?

Walang detalye kung pano nagsimula ang salitang Puta pero may mga possibleng pinanggalingan ito. Maaring ito ay nagmula sa salitang Italian na PUTTANA o kaya isang Salitang Spanish na pinaikling PROSTITUTA.

Hindi naman ako palabasa ng Bibliya kaya hindi ko alam kung merong verse dun na nagsasabeng may mga salitang bawal sambitin dahil kapag nagsalita ka nito ay mapupunta ka sa impyerno at susunugin ang kaluluwa mo. Gayunpaman alam kong bawal manghusga ng kapwa, bawal mang-insulto at bawal manakit ng tao. Kung ang salitang PUTA is pinaikling salita para sa PROSTITUTA o Prostitute, hindi ba nakakainsulto at nakakapanakit ito. Kung ganun nagiging bastos o mahalay ang isang salita kapag ginamit ito upang mang insulto, manghusga at makapanakit na iba.

Ewan ko kung tama ang teorya ko dahil hindi naman ako gaanong matalino at patay na si Ernie Baron para mapagtanungan ko kung tama nga itong Theory ko. Pero alam kong masama ang salitang Putangina. Gayunpaman wala akong pakealam kung masunog man ako sa impyerno dahil hindi ko naman intensyon makapankit ng tao kaya magmumura ako hanggang kelan ko gusto. Inilalabas ko lang ang nararamdaman ko. Husgahan nyo na ako bilang isang taong mahalay, walang modo, o bastos dahil nagmumura ako pero naniniwala akong Hindi porket nagmumura ang isang tao ay dapat na itong i-lethal injection at sunugin sa impyerno. Husgahan nyo na ko, wala akong pakealam dun basta tandaan nyo lang to:


“Judge not, that you be not judged. For with what judgment you judge, you will be judged; and with the measure you use, it will be measured back to you. And why to you look at the speck in your brother’s eye, but do not consider the plank in your own eye? Or how can you say to your brother, ‘Let me remove the speck from your eye’; and look, a plank is in your own eye? Hypocrite! First remove the plank from your own eye, and then you will see clearly to remove the speck from your brother’s eye” (Matthew 7:1-5).


Tangina mo kung hindi ka nagmura ni minsan sa buhay mo. Maaring mahilig akong magmura pero wala kang karapatan para husgahan ako. Shet! mukhang Serious na ang dating ko nito. nakakapanibago.. hahaha

Tagged:

§ 26 Responses to Putangina Theory

  • Daniel Yuson says:

    sa entablado..,
    ang pag mumura ay…
    bahagi nang pag e-express nang sarili..!
    ginagamit din itong motivation..!

  • KRISJASPER says:

    at talagang naglaan ka ng panahon para lng e-rationalize ang paggamit ng P* INA.. hehe..

    APIR!

  • Aleli says:

    woi..ang galing galing!! hmmm.. may point.. mejo nakakapagmura din ako..pero hindi ko naman sinasadya..by accident..pag-galit..wehehe..

  • FerBert says:

    @ Daniel- sige Sir pag kulang ako sa motivation magmumura ako ng magmumura..

    @ Krisjasper- Kuya, dapat binuo mo na.dapt di mo na ginawang P* Ina… lol

    @ Aleli- haha… kaya pala ako nagmumur kase nagmumura din ang lola ko.. may pinagmanahan…

  • xienahgirl says:

    napakahabang proseso naman bago makapagkomento

    anakngpitumputpitongputingtupa
    ganyan din kami ng tropa ko
    murahan
    hindi lang yan
    yurakan at laitan pa ng pagkato.
    hahahha

    sa palagay ko
    hindi naman masama yun
    masakit lang talaga
    sa pandinig
    kapag hindi ka nagmura
    ipinapakita mo
    ang respeto mo sa isang tao

    lalo na yung malulutong
    na galing sa
    batang kalye
    naku
    sarap pitikin ng betlogs
    wahahaha

  • FerBert says:

    @ xienah- baka naman isa ka sa tropa ko? hahaha…

  • redlan says:

    i was born in the province. medyo conservative dun ang mga tao. Noong nag-aral na ako sa high school sa city, wow, almusal lang ang pagmumura. dinala ko sa probinsiya. Tinanong ako: Yan ba ang natutunan mo sa syudad?

    Ang pagmumura sa city ay parang expression lang. I found it kewl to hear nga like belatsing ilik. hehehe. When u sued to say it, minsan nakakalimutan mo pati sa harap ng mga respetadong tao, napamura ka although hindi mo sinasadya.

    napamura rin ako noon…. hehe. parang astig ka kapag nagmumura ka.

  • redlan says:

    used pala not sued.

  • FerBert says:

    @ Redlan- cool pla tong blog ko kase may MURA yung title ko.. lol… Same here, natuto lang akong magmura nung tumira na ako dito sa maynila.. Pero pag nasa probinsya ako pinipigilan kong magmura lalo na kapag nandun lola ko kase tiyak na aatakihin sya sa puso

  • Abad says:

    hindi ako nagmumura.

    Ano? ayaw mo maniwala? tangina mo pala eh.

    Tama, nakasanayan na lang natin magmura. hindi naman natin laging hangad na makasakit pag nagmumura. kaya lang bakit hindi natin kayang gumamit ng ibang salita kung kailangan natin maglabas ng emosyon. parang yung teacher ko nung high school madalas niyang sabihing “ukis ti mais.” haha, hindi maiintindihan ng ibang readers mo yan.

  • noime says:

    “ISA KANG PUTA”

    .nabasa ko yan dati sa libro namin sa noli me tangere. tawa ako ng tawa kasi pati pala si jose rizal nag-mumura. tas naisip ko. hndi pala mura ang p*ta dati. haha.

  • Aleli says:

    uu nag-mana ka nga ata sa lola mo pero mas magaling ka ata pagdating jan.wehehe

    dalwa na pala kayong apo ko sa blogosphere… ikaw at ung GF mo..sabi ko from now on dapat apo ko na rin xa…tc!!

  • arjay says:

    haha. pak-syet! ang galing mo talaga. idol!

  • FerBert says:

    @ Abad- (Translation) Ukis ti mais= Balat ng mais… yan para maintindihan nila.. hehe

    @ Noime- Shet! kelangan ko ulet basahin yung nolime tangere wala na akong malala..

    @ Aleli- haha.. mga ilang taon na lang magkaka-apo ka na sa tuhod.. lol

    @ Arjay- OMG! another fan… hahaha

  • coldman says:

    Di ako mahilig magmura, pero once napuno ako dun lang talaga. Wow, parang ang bait ko. Hahahaha!

  • Aleli says:

    kelan pala ung apo ko sa tuhod???maabutan ko pa kya un?wwehehe..

  • yeye says:

    t*ng in* mo

    ex link tayo. hehehehe salamat!

  • zeus-zord says:

    e tang ina naman pala e, bat wala ako sa list mo?

    wakekeke

    hmmmm

    bakit kelangan pang mag mura ng tao?

    basta ako ang pag mumura kapag asa kama ka alng at libog n libog na… wakekeke

  • FerBert says:

    @ Coldman- Wow! para ambaet baet mo nga… haha

    @ Aleli- Ayaw pa pagalaw ni misis… siguro next week.. lol

    @ Yeye- Ang Kapal ng mukha nito matapos akong murahin tas makikipag-exlink.. joke

    @ Zeus- Shet! di ako nagmumura sa kama.. Puro halinghing at ungol lang… haha

  • my-so-called-Quest says:

    kung ang mura ay sakit. malamang marami n ko nahawahan

    kung ang mura ay nakamamatay, malamang bawas na populasyon ng pinas gawa ko

    kung ang mura ay i love you, marami na ko syota ngaun

    kung ang mura ay pera, malamang bilyonaryo na ko

    naaasar ako sa sarili ko dahil minsan di natatapos ang sentence ng walang mura. nagawa ko n syang noun, adjective, verb at adverb. hehe. naku. isa un sa kung pede baguhin. hehe ang una kong mura ay noong 6-8 y/o ako at un ay Son of a……. lamas ang bibig ko ng nanay ko. hehe

  • BURAOT says:

    tangna talaga naman oo… kundi pa ke coldman, di kita maiispatan..

    sya sya.. a-add kita sa list ng blag ko ha.. baka naman di mo ko isama sa listahan mo ha.

    gatdemet!

  • FerBert says:

    @ cedeux- Putangina! makata! haha

    @ Buraot- TAE! link kita mamaya repa! salamat sa dalaw!

  • dorkzter says:

    hahaha i like your opinion on this one. talagang APPROVED sakin. hehe, di naman ako palamura talga. nagmumura lang pag nabadtrip or pag ngugulat. hehehe.
    hmm, tungkol sa mura ang post na to pero meron pang kasamang verse galing bible!!! astig ka talaga!! hehehe

  • FerBert says:

    @ Dorkzter- woi! salamat repa! shhhet! putangina! hahaha

  • Mojo Potato says:

    o etoh na…lahat ng masarap napapamura tayo…

    sa sex…tangina! anssssaaarrraaapp!
    sa kubeta…tangina…anlaki!
    sa rock concert…tangina astig!
    sa banyo…tangina andulas…

    hhehehe

  • FerBert says:

    @ mojo potato- salamat sa dalaw repah! ano nga pala yung sex? hahaha… salamat ulet! apir!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Putangina Theory at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: