nakakahiya!

November 18, 2007 § 22 Comments

Nung thursday, pababa na ako ng building namen sa school ng may makita akong chick na kumakaway, tinignan ko at mukhang isa sa mga kaibigan ko. Eh di kumaway din ako. Ang ganda pa naman ng pagkakakaway ko tas nung tinitigan ko ng maigi habang kumakaway na parang beauty queen ay hindi pala sya yung kaibigan ko at hindi rin ako yung kinakawayan nya kung hindi yung nasa likod ko. Ayun tumawa yung magandang chick at napahiya ako. SHET! nakakahiya ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

May crush ako dati nung Grade 1 ako ,Itago na lang naten sya sa pangalang MARIA. kapitbahay namen at mas matanda sakin. 6 ako, sya naman ay 14. Mahaba ang kanyang buhok, ganun ang tipo ko nung bata ako basta mahaba ang buhok maganda na sa akin, yun kase ang pamantayan na kagandahan na nakikita ko sa shampoo commercial.

Laking probinsya ako at may puno kame ng mangga ng pinamumugaran daw ng White Lady, mahaba din daw ang buhok nun, siguro kung nagpakita yung White Lady sakin baka naging crush ko pa yun. Pero extra lang yung white lady dito sa entry ko dahil hindi naman to tungkol sa moo moo..

Isang araw nagpunta si MARIA sa bahay para makipagtsismisan sa ate ko na kabarkada nya. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko, at tumigas yung ano ko. mael at malandi na talaga ako mula pa nung bata ako. Naisip kong baka maimpress sya at magkacrush sya sa kin kapag inakyat ko yung puno ng mangga. Talentado akong bata pero hindi ko alam kung bat yung skills ko pa sa pag-akyat ng puno ang naiisipan kong ipamalas.

Inakyat ko nga yung puno, pero wala pa ako sa tutok ay natakot na ako. Gusto ko ng bumaba pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot ako. Ayokong humingi ng saklolo para tulungan ako pababa dahil mapapahiya ako sa crush ko. Pero hindi na ako nakatiis, umiyak ako ng pagkalaks lakas, buti na lang andun yung kuya ko at ibinababa ako. Pero hindi pa dyan natatapos yung kahihiyan ko dahil pagkababa ko ay napunit pa yung shorts ko, saktong wala akong brief nun kaya nakita ni MARIA ang supot na birdie ko. Shet! nakakahiya.

Pero may natutunan naman ako mula sa nakakahiyang pangyayaring iyon. Una na dyan na hindi mo kailangang i-impress ang mga chicks para mahumaling sila sayo, na mas gusto nila yung taong simple at hindi presko, kung alam ko lang sana to di sana hindi na lang ako umakyat ng puno nung bata ako, nagka-fear of heights tuloy ako. Pero aaminin kong masarap ang pakiramdam nung paakyat ako sa puno, parang lahat sila ay nasa ilalim ko, Pataas ako ng pataas pero nung malapet na ako sa tuktok ay natakot na ako. Parang buhay lang din, habang umaangat ka ay natatakot ka ng bumababa, natatakot ka ng bumagsak.

Dito sa earth minsan kung ano pa yung nakakahiyang pangyayari ay sya pang nagbibigay ng lessons sa atin, Parte na siguro yan ng takbo ng buhay ng mga tao, mapapahiya ka muna bago ka may matutunan, o kaya masasaktan ka muna bago ka mataunahan. Pero at least may maisusulat ka na sa slam book sa question na most embarrassing moment. Napahiya ka na nga may natutunan ka pa at may maisusulat ka pa..

Kaya wag kang mahihiyang mapahiya dahil lahat naman ay napahiya na at walang mangyayare sayo kung lage ka na lang mahihiya pero kelangan pa rin maging mahiyain ng konti para di naman maging Walang Hiya. (Nagets mo?).. Apir!

Tagged: , ,

§ 22 Responses to nakakahiya!

  • redlan says:

    galing ng flow ng entry mo. mula sa mahabang buhok at sa pag-akyat sa puno tas ang ending lesson sa buhay.

    keep inspiring us helien.

  • xienahgirl says:

    walang hiya ka.
    magunderwaer ka kaya?
    putulin na nga
    ang puno ng mangga.
    haha

    gawain ko yan–
    yung kakaway sa lalake
    pero yung tropa ko
    nan nasa likod niya
    ang kakawayan ko talaga
    haha

    hmm.
    madami nagpapaimpress sa akin e
    pero ang totoo–
    wala akong pakealam
    sa mga yun
    mas gusto ko yung gusto ko
    kesa ako hinahabol
    wahaha

  • FerBert says:

    @ redlan- Salamat kuya… ahihihi… wala na talaga akong ulo.. kakabuo lang kanina, tas ngayon sumabok na naman ulet..

    @ xienah- hahaha.. bata pa naman ako nun.. xempre ngayon marunong na akong mag-underwear…

  • Abad says:

    Sakto! May mga bagay na sa pagkakapahiya lang natin matututunan ng maigi.

    Natawa ako dun sa kaway incident mo. May mga hawig na experiences ako pero nakangitian ko lang.

  • FerBert says:

    @ abad- buti nga ngitian lang sayo. sakin talaga Kaway. nakakahiya.. hahaha

  • Fjordan Allego says:

    wow!! galing galing nakakatuwa..

  • noime says:

    haha. nangyari na sakin yun. grade one pa lang ako nun. nagkakatuwaan sa klasrrom, napatingin ako sa maym bandang kaliwa ko at nakangiti. kinausap pa nga niya “daw” ako pero walang tunog. mouthing of words. tas nung diqu maintindihan sinabi niya, nagtanong ako kung ano. sagutin daw ba naman ako ng “hindi ikaw, siya (sabay turo sa katabi ko). haha. nakakainis.

  • cedeux says:

    nyahah! nung grade 1-2 ako di rin ako nagbibrief! hehe sarap kasi ng pakiramdam. hehe. nu b yan bata mo pa ang L mo na! wahaha. ako rin e! whahaa! apir! – ang kuya mong napakasaksakan at uber sa kacute-an. hehe

  • arjay says:

    ayos talaga ‘tong alien na ‘to. galing nung transition ng entry. comedy ung simula ta’s nag-end about life’s lessons. wala akong masabi. gifted talaga. apir!

  • Aleli says:

    weeheh..ang galing at naaliw ako!!!..sa susunod kasi niyog na lang ang akyatin mo.wag na mangga…ahahaa…

  • FerBert says:

    @ fjordz-ui salamat fan… lol

    @ noime- hahaha.. grabeng pahiya yun ah… lol

    @ cedeux- hahaha.. nagmana pala ako sayo…

    @ arjay- lol… ayos ka din nman na aso eh… hehe

    @ aleli- wala kameng niyog eh…bintana mo na lang aakyatin ko…

  • Aleli says:

    bawal umakyat sa bintana ng lola.hindi mo nyan matatanggap ang pamana ko sau na mouse pad…

  • FerBert says:

    @ aleli- bat mouse pad lang? dapat pati mouse na din… kuripot naman nitong si lola

  • dorkzter says:

    nyay naman, bat ala kang undies? haha. yup tama ka jan. pero minsan nkkinis pag npphiya ka. parang ang tanga mo tuloy. hehe. pero after that, nkktawa naman na. hehe.

  • KRISJASPER says:

    wow.. from your post, parang nag mamature ka na ah?.. lolz..

    from ur post: “habang umaangat ka ay natatakot ka ng bumababa, natatakot ka ng bumagsak”.. dont know what to say
    (emote..)

    seriously, ako di ako takot bumagsak.. mas takot akong magutom.

  • U.T.O.Y says:

    lesson 1: magbrief bago umakyat ng puno

    lesson 2: kung anggang ngaun aakyat ka padin ng puno na ala blip, siguraduhin na di si mother ricky ang sasaklolo sau..

  • Aleli says:

    tama na yang mousepad na yan..kasi especial naman yan. pagsinindihan mo yang mouse-pad may aroma na mala katol!!dba great?

  • kingdaddyrich says:

    ha ha… hindi mo ba naisip na pinagtitripan ka lang ng 2 chick?

    ha aha…

    at grade 6 ka pa lang ma el ka na..

    ako ata grade 5 nang madiskubre ang mga makamundong bagay na iyan,,

    at siguro naman marunong ka nang mag underwear ngaun.😉

  • FerBert says:

    @ Dorkzter- kasi bata ako nun kaya ayokong mag-undies, pero minsan pag nasa kwarto ako wala din akong undies, tulad ngayon… hhaha

    @ Krisjasper- hahaha.. tumatanda na kase kaya nagmamature na.. salamat kuya.. takot din akong magutom.. pareho lang tayo

    @ U.T.O.Y- HINDING HINDI na ako aakyat ng puno… lol

    @ Aleli- Pang adik yang mousepad na yan…kelan mo ba bibigay sakin yan Lola?

    @ KingDaddyRich- anu ba, 6 YEARS OLD ako nun hindi GRADE 6…. lol

  • Aleli says:

    pamana nga..kaya ibibigay ko sau pagnamatay na ako…

  • Eminemz says:

    Ahahahaha Nice experience yan!
    Talentadong bata ka pala! daming skills

  • FerBert says:

    @ Aleli-Yehey!thanks lola

    @ Eminemz- Oo naman.. Super talented.. kaya ko ngang kumain ng apoy… lol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading nakakahiya! at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: