Thank You… I’ve got a Friend in You

November 16, 2007 § 25 Comments

Nagpalit na ako ng template mula sa pagiging madilim at malungkuting anghel na tema napunta ako sa dati kong titulo ang Tanginang Alien. Balak ko sana gawing green tong blog kase green ang kulay ng alien at green din ang utak ko tulad ng utak mo kaso absent ako nung tinuro sa school yung color wheel kaya di ko alam kung anong font color ang babagay sa green. Madami pa sana akong ilalagay dito na kaartehan kaso bobo ako sa photoshop at sa pag-aakala ko date na walang maitutulong sa akin ng subject kong HTML nung first year college ay tinulugan ko lang ito. Tanging IMG SRC,FONT FACE=, at basic lang ang di ko tinulugan. Kung alam ko lang sana na mapapaganda nung subject na yun ang aking blog sana hindi ko na lang ito tinulugan. Naging kamukha tuloy ng Blog Sikret ni Super Xienah tong blog ko. (Oh ayan Xienah may free advertisement ka na naman).

Kung kayo ay naghahanap ng sagot sa inyong katanungan wag mag-atubiling bisitahin ang Blog Sikret. Ang tanong mo ay sasagutin ni Super Xienah ang Self Proclaimed Dyosa ng Blogosphere, basta wag nyo lang itatanong ang mga tanong na tulad nito “given angle α to be 60degrees with an opposite side of 30m find the length of the hypotenuse” dahil tiyak n di nya kayo masasagot.

3 days ago may natanggap ako mula sa Super Friendly na Tao dito sa blogosphere na si Parisukat. Hindi agad ako nakagawa ng entry dahil sabog pa ako/bangag sa tinira kong katol, sa hinihit kong sunog na gulong, sa hinigop kong sinabawang rat poison at ininom kong orange juice na may kasamang muriatic acid. Adik kase ako.. (OO adik ako pero hindi porket adik na ako ay hindi na ako pwedeng mag-mahal. May puso rin ako… aysus! madrama ba?). eto nga pala yung binigay sakin ni Pareng Square:

Natuwa ako kase friend pala turing nya sakin… wala kase syang ibang alam gawin kundi tawagin akong Mr. Clean kase kamukha ko daw kase yung kalbong lalakeng na nasa sabon. Pero salamat Pareng Square! Salamat tol!

Nais kong ipasa to kina:

Rey/Hecktor– alam kong binigyan ka rin ni Pareng Square ng ganito pero dahil ako si Patrick at Ikaw si Spongebob dito sa blogosphere, ayan ibibgay ko pa rin to kahit alam kong meron ka na

Xienah– for teachs me that in life above and below we does not it to be perfectionist in english alphabet like the ever famous in the universe INDAY to makes other homo sapiens around the world like the merry-go-round and round table have blood in their nose and for willingness to helping hand me in CSS and HTML which me is not very so good.

TRANSLATION: sa pagtuturo sakin na hindi mo kailangang maging magaling sa ingles tulad ni Inday para paduguin ang ilong ng mga tao. Saka sa walang pag-aalinlangang offer nya na tulungan ako sa CSS at HTML, isang bagay na kung saan ay TANGA ako.

Fjordz– ang aking per eber fan na nagbigay ng per eber award sakin. Hindi ka nagkamali sa pagpili sa akin upang hangaan (SHET! ang kapal na mukha ko). Isa ka sa mga dahilan kung baket di ko pa binubura tong walang kwentang blog na to. Kahit na marameng mas magaling sakin ay pinili mo ako kaya hindi kita bibiguin.. hahaha.. Ang totoo nyan una akong humanga sayo bago ka pa humanga sakin dahil magaling kang magsulat at di ako magtataka kung balang araw ay pareho tayong makatanggap ng Nobel Prize. Ikaw sa literature ako naman sa Peace.. bwahahaha.

Kuya Krisjasper– Dahil gusto kong makita ang sarili ko sa lugar nya pag 28 na ako, mayaman, habulin, at successful sa career. APIR!

Kuya Cedeux– Dahil malungkutin sya kaya ilalagay ko pangalan nya dito para sumaya sya. Saka napansin ko na pareho din kameng mahilig…. hahaha. Ipagdidiinan ko to-KUYA!!! KUYA!! KUYA!!

Kuya Arjay– Ang lalakeng gustong maging aso. Takot ako sa aso pero ilalagay ko name nya kase mabaet sya sakin. Saka masakit ulo nya kase trying hard syang gayahin si Chris Brown. (ano koneksyon nun sa paglagay ko ng pangalan nya dito?)

Kuya John-Pasenya na kung wala yung pangalan mo sa original entry… Ipapasa ko sayo to kase INGGIT AKO SA iPOD touch mo. hehehe

Sir Daniel– Sya ang taong nagsabeng na isa akong Bob Ong in the making (singlake ng Jupiter ang ulo ko dahil sa papuring iyon). kahit na nagtatampo ako sa kanya dahil di na nya binibisita tong blog ko ay ilalagay ko pa rin sya dito dahil tulad ni Fjordz isa din sa sa mga dahilan kung bat di ko pa binubura tong blog ko.

Kuya Redlan-Alam kong meron na sya nito pero ilalagay ko pa rin sya dahil nilelevel nya ako sa mga sikat na bituin na tinitingala at hinahangaan ng publiko. Syempre feeling sikat ako.. di pa nga ako nakakapasok ng PBB eh sikat na ako pano na lang kaya pag pumasok ako..

Aleli– Dahil sya ang magiging rason kung bat ako titigil sa pagyosi. hahaha

Dorkzter– Dahil pareho kameng Ilokano, pareho pa kame ng prof, at pareho din kameng naaadik sa Death Note.

Noime– Ang batang ayaw patawag na bata dahil di na daw sya bata. Nilista nya ako sa Blogs I Love hindi sa Exlinks ibig sabihin love nya blog ko. ahihihi (Shet! Ang landi)

Meryl– Adik ako, Adik sya kaya click kameng dalawa! Mabuhay ang mga Adik! (Psst! akin si Riza!)

Icka– Ninang ko sya dito sa blogosphere… Baka kase di nya ko bigyan ng regalo sa Xmas kaya KAILANGAN TALAGA na kasama sya.

Quing– ang tanging kakilala ko sa mundo ng mga tao. Kung nagdududa kayo na gwapo talaga ako pwes tanungin nyo tong babaeng to.

Joella– dahil alam kong magseselos sya kapag wala sya dito kase nagselos sya nung sinabe kong future GF ko si Riza Santos. Kras na kras kase nya ako… hahaha

PS.Kung wala pangalan mo dito, wag ka ng magtampo kase tamad akong matype. Next time ka na lang… APIR!

Tagged: ,

§ 25 Responses to Thank You… I’ve got a Friend in You

  • Abad says:

    Hindi mo talaga sila kakilala ng personal? Bobo ako sa ganito eh. Nilink ko pala tong site mo.

  • xienahgirl says:

    maraming salamat
    sa pagbanggit mo
    sa aking pagiging diyosa
    ng blogosphere
    thank you.
    hahaha

    kaya kong paduguin
    ang ilong ng
    kahit sino
    sa pamamagitan lang
    ng ganda ko.
    chos
    haha

    nga pala
    napapadalas ang
    blovertisement ko
    nakooo–
    ano naman kaya
    kapalit nito?
    pero salamat na rin
    ULIT.

    hindi naman kita
    natulungan sa html
    wangak.

    aaaat
    nasagot ko
    yung math problem na yun.
    di ko nga lang alam
    kung tama
    hahaha

  • Parisukat says:

    *APIR* xmpre malakas ka sakin ‘tol!

  • Fer Bert says:

    @ Abad- oo di ko sila kilala ng personal. wag kang mag-alala bobo rin ako dito. at ililink na din kita

    @ Xienah- ah ganun ba? nasagutan mo pala yun… per tinatamad na akong mag-edit eh… May bayad yang blogvertisement. 500 kada entry.. hahaha

    @ Parisukat- naka naman. tats na tats naman ako… wooo hoo

  • Aleli says:

    ah ito pala ipapasa mo!!! cge at maraming maraming salamat naman.Kahit palagi mo akong inaasar sa yosi katol at emo na yan..pagbbgyan kita, tutal ate mo naman ako..wehehe…Salamat uli!!! TC!!!

  • john be anonymous says:

    binasa ko sya kahit di ako na-mention.. hehe..

  • Fer Bert says:

    @ Aleli- lola, walang anuman! penge katol! hahaha

    @ John Be Anonmous- kuya kasali ka na… baka nagtatampo ka… lol

  • Aleli says:

    oo grandson, papadalhan kita jan ng katol..anong brand gusto mo?may stand ba?ilang box?

  • Fer Bert says:

    @ aleli- Lola gusto ko ng dalawang baikbayan box napuro katol ang laman

  • KRISJASPER says:

    salamat.. pinasa ko uli sa iyo.. sana ok lng..

  • Daniel Yuson says:

    na touch naman ako..!
    salamat..!
    pero wrong ka nang sabihin mong..,
    hindi ko na binibisita blog mo..!
    i am..!
    and…
    i always will..!
    aliw ako sa mga sinusulat mo eh..!
    medyo busy lang talaga to even leave a comment..!
    but it’s saturday today..!
    kaya..,
    medyo maluwag schedule ko..!
    may time ako ulit for blog hopping ang comment leaving..!
    keep it up young man..!
    your doing good..!
    BOMBA!!!

  • dorkzter says:

    enyamettin. hehe. kakatouch naman!😀
    thanks din po for being a friend! yey.😀

  • redlan says:

    Actually i visited ur blog last night before I logged out. I surprised to see my name on the list. Gusto ko sana magcomment agad pero hindi ko nabasa ang buong post na to. Baka mag-iba naman ang comment ko sa nilalaman nito(gaya ng reaction ko noon sa entry mo na pati si God napamura mo, hehehe), kaya binalikan ko siya ngayon as I sign in the blogsphere. Nabasa ko na ang buong entry. Mahilig ka kasi mag-twist eh kaya dapat talaga basahin ng buo. And I know na the whole story.

    Thanks sa pagpasa sa akin ng award kahit na meron ako. thoughtful mo. hehehe.

    Since na diskubre ko tong blog mo thru kay fjordz, binabalikan ko na to kasi most of the time, may lungkot sa loob ng dibdib ko at napatawa mo kami sa mga post mo…. palaging may reliable source. Uy marami palang babae sa buhay mo, dalawa pa lang ang nabasa at nalaman ko, si riza at si joellla. joke.

    Pagpatuloy mong magpatawa dito. Sana pagbalik ko dito wala pa ring bayad at kung umabot man dun dapat nakalagay na sa libro ang utak mo(gumawa ka ng libro para maging kumpitensiya ni Bob Ong) hehehe.

    Thanks once again. Mabuhay ka helien.

  • arjay says:

    haha. kulet. parang ayaw mong i-emphasize yung KUYA noh? di pa ako ganun katanda. pak. matanda na ba ako? ayan napamura tuloy ako. hehehe. apir!

  • Fer Bert says:

    @ Krisjasper- Ok lang kuya.. ipasa mo sakin ipapaa ko ulet yan sayo..lol

    @ Daniel- sana laging saturday para lagi kang makavisit.. hehe

    @ Dotkzter- hahaha.. apir!

  • Fer Bert says:

    @ Redlan- Wow Kuya! masipag ka talaga magsulat.. napakahaba ng iyong comment.. hahaha… salamat kuya! Sumabog na ang ulo ko kase ponalaki mo lalo.. hahaha… APIR!

    @ Arjay- Kuya ano yung PAK … hahahaha… oo matanda ka na lol… joke lang.. bata ka pa nga eh… kaya di ka pa pwedeng gumawa ng baby

  • kingdaddyrich says:

    ha hah.. buti naman at hindi pa tayo ganon ka close at hindi kasama ang pangalan ko dito..

    mas masarap basahin ang blog mo ngayun kasi maliwanag sa paningin…

    at mabuhay tayong mga tagalog bloggers at hindi nagpapaka trying hard tulad ng IBA na chuchuchyal chuchyal.. hindi ko nilalahat ah.. ang sabi ko iba! baka marami akong maging kaaway dito.. ha ha\

    gusto mo bang magexchange links tayo repa!!?😉

  • Meryl says:

    Hehehe. Tama si Kingdaddyrich, mas masarap nga tingnan/basahin ang site mo ngayon.🙂 Mukhang wholesome tingnan kahit hindi. Hahaha! At, thank you sa pag-mention ng name ko. Adik ka talaga. Pare, wag mo na agawin si Riza. Paglabas niya ng bahay, papiliin na lang natin siya kung sino gusto niya sa ating dalawa. Malamang ako pipiliin niya.🙂

  • crazed_heck says:

    tagal ng huli kong bisita…pasenxa na bc talaga…me requirements na naman ako…asar!

    salamat sa pagpapahalaga, ang drama mo!

  • Fer Bert says:

    @ Kingdaddyrich- Tanga ako sa english kaya ako nagtatagalog.. nilink na kita repakoy…

    @ Meryl- ADik! wholesome naman talaga ako… (kapag tulog… lol)… Nagmamakaawa ako sayo… kay ETHEL ka na lang wag na kay RIZA! hahaha

  • Fjordan Allego says:

    huwaw!!! salamat kaibigan!! nakakatuwa.. kailan kaya tayo mananalo ng nobel prize ano? hehehe thanks ulit!!!

  • FerBert says:

    @ Fjordz-basta, magtiwala ka lang… mananalo din tayo nun.. lolz

  • hazelzamora says:

    Quing- ang tanging kakilala ko sa mundo ng mga tao. Kung nagdududa kayo na gwapo talaga ako pwes tanungin nyo tong babaeng to.

    haha. salamat sa pagbanggit ng aking pangalan.

  • FerBert says:

    @ hazel- perst taym kong makareceive ng comment sayo.. gudluck hazel!

  • Anonymous says:

    Binalikan ko na naman ang mga entries mo, walangya. di pala ako nakapagpasalamat dahil kasama ako sa napili mong bigyan ng award. ‘salamat nga pala’. Matagal-tagal na rin pala tayong magkaibigan. Namiss ko yung pag-tawag mo sakin ng bata. Miss ko na yung Kuya Panget ko. Nakakalungkot naman.

    Hindi mo naman kailangang lumayo. Pero ikaw, bahala ka. Rerespetuhin ko yung desision mo wag ka lang magtatagal. Please?

    Kapag nabasa mo’to wag mo na lang sabihin sa akin ah!. Dito ka na lang rin sumagot.

    aymisyu. =,(

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Thank You… I’ve got a Friend in You at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: