Tagged and Award

November 13, 2007 § 16 Comments

I‘ve been blogging for 60 days at mag-tu-2 months na tong God Damned Angel bukas. Trip ko lang talagang magsulat, wala akong kaide-ideya na may mga tao pala na nagbabasa ng blog ko. Syempre nagulat kase hindi ko naman inaakala na may papansin ng Blog ng Anghel na Pervert. Gusto ko lang talagang magsulat at di ko intensyon na humakot ng atensyon at pansin, kuntento na ko na nailalabas ko kung ano yung opinyon, kuro-kuro, hinanakit, saloobin at nararamdaman ko, pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga taong nagbibigay ng kanilang oras para icheck kung may bago akong post at para makapagcomment.

Eksaktong 60 days na tong blog ko ngayon at lubos akong nagagalak at nais kong ipamahagi sainyo ang aking unang award na pinagkaloob ng isa kong kaibigan na si Fjordz. Eto ang aking pers eber award mula sa aking pers eber fan:


“I’m so in love with my brother right now,”sabe ni Angelina Jolie nung tanggapin nya ang Oscar nung year 2000 na pinagpyestahan sa tabloid. Gusto ko din sanang sumambit ng katagang makakapagpagulo sa mundo tulad nyan pero sapat na siguro ang salitang SALAMAT para ipaabot ang tuwa at kaligayan ko ngayon.

Para akong nasa langit at lumilipad ako ngayon. Grabe. daig ko pa tumira ng shabu! High na High ako! (ui di ako nagshashabu ah). Gusto kong pasalamatan Si God, Ang Parents ko, my sibblings, friends and relatives, mga fans ko, wala ako dito kung wala kayo. My sponsors, Doktora Vicky Belo (Only Belo touches my Skin… Who touches yours?!), Salon de Manila, F&H, Converse, Sketchers Time, Fitrum (looking wow! feeling wow), Mucher green peas, Boy Bawang, Datu Puti, Rexona, Talent Center, ABS-CBN, GMA, RPN, ABC 5, IBC 13, at sa lahat ng Station sa Pilipinas kasama na ang UNTV

Walaakong pagpapasahan nito kase baka may magtampo.. Kaya akin lang to… Bwahahahaha!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos ng isang award may natanggap naman akong tag mula sa Kuyang Pogi/Kuyang gustong maging aso na si Arjay

INSTRUCTION:Each player starts with 7 random habits/facts about themselves. People who are tagged need to write on their own blog about their seven things, as well as these rules. At the end of your blog, you need to choose 7 people to get tagged and list their names. Don’t forget to leave them a comment telling them that they have been tagged and to read your blog!
Seven things I wanna share:
1.Bago ako grumduate ng highschool sinasabe ko na sa mga kaibigan ko na gusto kong maging Pari, pero hindi ako pinayagan ng Tatay ko kase sayang daw yung magandang lahi namen saka sabe din ng isang malapit na kaibigang babae na hwag ko na daw ituloy kase nanghihinayang sya sa titi ko. Pero hindi ko pa rin naman inaalis yung kagustuhan kong maging pari sana lang makayanan kong labanan ang tukso
2.Lahat ng first ko nangyare nung 17 ako. First magyosi, First uminom ng alak, First serious relationship, first masaktan dahil sa pag-ibig, first kiss at first _____…. (bahala na kayong mag-isip kung ano yun)
3. Iyakin ako nung bata ako hanggang nung highschool ako. Napakasensitive ko nun, simpleng bagay iniiyakan ko. Iniiyakan ko ang mga bagay na hindi naman dapat iyakan Ngayon naman hindi ko alam kung baket hindi ko iniiyakan yung mga bagay na dapat iyakan.Naubos na siguro ang aking luha.
4.Hindi ko kayang makakita ng babaeng umiiyak.. nadudurog ang puso ko kaya kung maari kapag nakikipagrelasyon ko trinatry ko na hindi sila umiyak. pero maarte talaga ang mga babae umiiyak pa rin sila….
5.Ilang beses na akong nadidisgrasya dahil sa multo. Kumakaripas kase ako ng takbo kapag nagpapakita sila.. Matatakutin ako at ewan ko ba kung bat trip nila akong pagpakitaan. Siguro adik yung mga multong yun.
6.Future girlfriend ko si Riza Santos. Sya ang reason kung bat ako nanonood ng PBB. Tandaan nyo yan, FUTURE GF KO SYA.. (masasapak ko yung kumontra)
7.Hindi ako kumakain ng Talong.. kahit anong luto, kahit torta, ayoko talaga.
Tag: Alphabet Version…

A – Age:

19

>B – Band Listening To Right Now: Snow Patrol
C – Career:Student sa umaga, Tambay pag hapon, Adik pag gabi
D – Drink or Smoke: Nainigarilyo ako mga 10 sticks bawat araw pero dalawang buwan na akong di umiinom
E – Easiest Friends To Talk To: Yung kaibigan kong mukhang aso, lahat kase pwede kong sabihin sa kanya na hindi nya ako jina-judge
F – First Crush: Joanne (kaklase ko nung kinder)
G – Gummy Bears or Gummy Worms: Gummy Bears
H – Have a Girlfriend/Boyfriend: wala.. (pumila na yung gustong mag-apply. lol)
I – In love: Ewan
J- Junk Food You Like: Boy Bawang kase pwedeng pulutan
K – Kids:someday, wag muna ngayon . wala pa akong ipapakain
L – Longest Ride Ever: Ilocos to Batanggas
M – Making love out of nothing at all: Wow! air supply!
N – Names For Your Future Kids: bahala na si misis dun
O – One Wish You Have Now: World Peace
P – Phobias: Zemmiphobia. takot at nandidiri ako sa daga
Q – Favorite Quote: “I’m a great believer in luck, and I find the harder I work, the more luck I have.” -Thomas Jefferson
R – Reasons To Smile: When I see her smile … oooh wooh! i can face the world…
S – Sleeping Time: 4-7 am pero babaguhin ko na kase balik eskwela na ko
T – Time You Woke Up: 1-2 pm
U – Unknown Fact About You: Di ako nakakalabas ng bahay na walang rosaryo
V – Vegetable You Hate: TALONG
W – Worst Habit: nakahilata magdamag
X – X-rays You’ve Had: every year nagpapacheck up kame kasama na xray. Praning kase tatay ko
Y – Yummy Foods: Ewan… basta ako yummy
Z – Zodiac Sign: Pisces

Tina-TAG ko lahat ng gustong sumagot nito

Tagged: ,

§ 16 Responses to Tagged and Award

  • xienahgirl says:

    pwede ka na mamatay
    may award ka na
    tapos na misyon mo
    hahaha
    *knocks on wood*

    congratulations!
    naaalala ko pa dati
    nung 100th day ko
    bilang blogger
    mukhang tanga
    ibang nagcocomment
    sabi nila
    100th post daw.
    e ungas pala sila
    haha

    siguro dapat
    magpalit ka na ng layout.
    nakaraos na e.
    haha

    magluluto ako ng
    pritong talong.
    wahaha

  • arjay says:

    nakakahawak pa pala ng rosaryo si Fer Bert? buti naman at hindi napapaso. hahaha. apir!

  • Fer Bert says:

    @ xienah- cge palitan ko sa saturday tong layout ko… mejo tanga pa ko sa html at css eh… turuan mo ko… Langyan talong yan.. Cge enjoy mo pagkain nyan..

    Ano bang masarap sa talong?
    (wow pwedeng title ng Rated R na movie)

    @arjay- anghel na pervert ako hindi malanding demonyo kaya walang rason para masunog ako… hahaha

  • KRISJASPER says:

    Rili??? totoong may multo?

    @ bait mo naman, ayaw mo’ng umiiyak ang mga girls..

  • Aleli says:

    happy 60 days bday na pala ang blog mo!! wehehe..congrats sa award!!!aus ka ah 10 sticks a day – para kang tatay ko..lagi kaming ng heart to heart to talk dahil sa pagiging adik nya sa sigarilyo at alak!! wag ka na smoke, inum ka na lang alak..wehehe..

  • Fer Bert says:

    @ Krisjasper- OO ata! ewan ko bakanamamalikmata lang ako… Naalala ko kase mama ko kapag umiiyak ang mga babae…

    @ Aleli- yaan mo babawasan ko yang yosi.. kelangan ko lang ng babaeng magpapatigil sakin nyan.. malay mo ikaw na pala yung babaeng yun na hinahanap ko… hahahahahahaha

  • Aleli says:

    ahaha..dyan ka nagkakamali. hindi ako un!! hindi ko nga mapatigil ang tatay ko.ikaw pa kya..wehehe…

  • Fer Bert says:

    @ Aleli- alang alang sa pag-ibig titigil ako.. alang alang sayo.hahaha… CHEESY! lol

  • my-so-called-Quest says:

    huy! pareho pala taung piscean! langoy langoy! heheheh! kelan ba eksaktong bday mo at reregaluhan kita ng 2! hindi isa, hindi 3 kundi 2ng basket ng talong. heheh. congrats sa award at keep on posting bro! ingats!

  • Aleli says:

    katol na lang tlaga ang itigil mo. iba na kasi epekto sau eh..wehehe…

  • Fjordan Allego says:

    kulit mo talaga brad!! hehehe.. congreats sa 60th day mo sa blogosphere at swak pa pala ang pagiging amazing mo!!! hahaha

    http://hiraya.co.nr

  • noime says:

    haha.. hapi 60 days!

    .bat ayaw mo ng talong?

  • Fer Bert says:

    @ Cedeux- lol! aabangan ko yang regalo mo

    @ Aleli- magbabago ako alang alang sayo… hahaha

    @ Fjordz- hahaha! salamat sa award parekoy!

    @ Noime- Salamat bata.. ewan ko basta ayoko ng lasa ng talong… di ko nga rin maintindihan kung baket ganun ako…

  • Abad says:

    wow, buti ka pa may award, ako kiniclaim ko lang na ako ang pinakasikat na blogger sa tuguegarao kasi wala naman akong kilalang ibang blogger dito. haha. hello, ako si Abad.

  • dorkzter says:

    bakit kaya ayaw mo ng talong? hehehe. congratz po dahil 2 months ang iyon gblog😀
    tsk tsk. lessen your smoking. hehe. pakelamero?😀

  • Fer Bert says:

    @ Abad- wow!naman sikat ka pala dyan sa tuguegarao.

    @ Dorkzter- Kase abnoy ako kaya ayaw ko ng talong

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Tagged and Award at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: