Brain Dead

November 11, 2007 § 18 Comments


Napaka-ironic ng picture kase naubusan na ako ng idea at nahihirapan akong mag-isip kung ano ang isusulat ko. Hindi na gumagana ang brain cells ko. Kung napapansin nyo puro mga walang kwenta ang mga entries ko kase wala akong maisip. Kumbaga sa cellphone eh low bat, battery empty ako o walang signal… Patay ang utak ko.. Brain Dead.

Sana may sigarilyo na kapag hinithit mo eh bigla bigla na lang papasok ang mga ideya sa utak mo, at gaganahan ka ng magsulat ng blog. Sana parang kape lang sa Starbucks ang ideya na u-order ka lang at hihigop nito eh babahain na ng sangkatutak na ideya ang utak mo. O kaya isang candy na binebenta ng mga takatak boys sa kalye. Sana may piratang DVD sa Quiapo na kapag pinanood mo eh lifetime ka ng hindi mawawalan ng ideya. o isang bombilya na kapag pinailaw mo eh liliwanag na ang paligid mo, magkakaideya ka pa

Nagtry akong mag-google kung sakaling merong item sa internet na makakapagbigay ng isang milyong ideya at information sa akin para hindi na ako nahihirapang mag-isip (Ganyan ako kadesperado at kabobo). Pero walang anong bagay na pwedeng bilhin para makapagpagana sa patay na utak, walang gamot para sa mga bobo’t desperado.
Minsan para akong baliw sa dame ng mga pumapasok sa aking brain para maisulat dito sa blog. Para akong unggoy sa zoo na nakawala at nagwawala. Pero nitong nakalipas na araw, kahit anong pilit kong mag-isip ayaw talaga.. Ilang gabe na akong nag-iisip ng maisusulat pero wala talaga. frustrated na ko balak ko ng magsuicide (EMO MODE! lol)
Minsan naman kung kelan ako busy at may ginagawa iba eh saka naman gumagana ang brain cells ko. Nakaupo na ako sa toilet bowl at kasalukuyang nagbabawas saka naman mabubuhay ang patay kong utak.. kailangan ko pang umebak para magkaroon ng ideya. TAE! tas pag nasa harap na ko ng laptop saka naman biglang mawawala (Tangina!). Buti na lang hindi pumapasok yung sankatutak na ideya kapag busy akong nakikipaglampungan kase siguradong bibitinin ko sarili ko nun, Salamat sa Dyos dahil kung nangyare yun tiyak sasakit puson ko (Whew! buti na lang. lol)

Naisip ko kung si Da Vinci kaya nagkaroon din ba ng pagkakataon na halos i-untog nya ang ulo nya kase wala ng pumapasok na ideya? Ang kawalan kaya ng kilay ni Mona Lisa ang patunay na nauubusan din sya ng ideya at kaya walang kilay ang $670 million na painting ay dahil wala syang ideya kung anong klase ng kilay ang ilalagay nya sa La Gioconda o La Joconde o mas kilala bilang Mona Lisa. Eh si Einstein kaya lage kaya syang may naiisip na ideya? Tingin ko hindi kase hindi nya naisip na pagsisisihan nya ang paglagda nya ng Einstein-Szilárd letter na naging daan sa imbensyon ng atomic bomb at kumitil ng marameng buhay, wala siguro syang ka-ide-ideya na ang pagkaka-imbento ng Bomba Atomica eh makakapagbigay ng ideya sa mga gagong scientist na lumikha ng mas peligroso at mas deikadong nuclear bomb.

Kung ang mga henyo ay katulad din ng mga normal na tao, makukumpara ko ang ideya sa Ulan. Minsan tagtuyot at walang pumapasok sa kukote mo pero minsan Bumubuhos ito ng sobra sobra at nagiging bagyo.
WANTED:
Kung hindi ka nauubusan ng ideya, bigay mo sakin picture mo at ilalagay ko sa altar at sasambahin kita na parang Dyos pero dahil ayokong suwayin ang Commandments ni God bigay mo sakin picture mo para makapaghanap ako ng kukulam sayo o kaya’y magpakita ka sa akin ng personal para maging duguan yang makapal na pagmumukha mo!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“Desire for an idea is like bait. When you’re fishing, you have to have patience. You bait your hook, and then you wait. The desire is the bait that pulls those fish in–those ideas.”
David Lynch (Catching the Big Fish: Meditation, Consciousness, and Creativity)

Tagged:

§ 18 Responses to Brain Dead

  • Eminemz says:

    wahehehehe! makakahanap karin ng mga magagandang idea!
    BTW maganda naman yang sinulat mo eh nakakatawa hehehehe

  • my-so-called-Quest says:

    wuyp! salamat sa pagdaan. nga pla, is this a blogger’s syndrome? dumadaan din ko sa ganyan. madaming idea pero di lam kung ano isusulat. heheh. pic ko ba pede na? cute naman ako dun e. haha. infats bro!

  • Aleli says:

    EMO MODE pla!!! ahaha… deny ka pa jan.. meron naman pla jang suicidal ideation.. basta ung No Suicide Contract.. kung hindi pipili ka na kung saaang Pavilion ang gusto mo….wehehe…

  • arjay says:

    may pagka-violent ka pala pag nauubusan ng ideya. nakakatakot. parang ayaw kong lumapit, baka maging duguan pa ‘tong pagmumukha ko. ahihihi. apir na lang!

  • icka says:

    sna nagpakuryente ka nlng para nabuhay yung brain cells mo.minsan kasi yan ang ginagawa ko eh. masarap naman.relaxing.

    peborit mo pla c bob ong, cguro nabasa mo na yung stainless longganisa.katulad din to ng post ko “NOKBUK”.

    sbi nga niya “Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong magsulat. Hindi lahat nabibigyan ng boses sa papel. Ang iba nga nakukuntento na lang sa ilalim ng tulay o upuan sa bus. Kaya di dapat sayangin ang pribilehiyo na mailapat ang isip sa isang babasahin. – Bob Ong. apir!

  • xienahgirl says:

    ako!
    hindi ako nauubusan
    ng ideya
    sa katunayan–
    may notebook nga ako
    na kung saan
    nakalagay doon
    lahat ng naiisip ko
    na pwedeng posibleng topic
    sa isang entry.

    isa pa
    may anterograde amnesia
    kasi ako e
    hahaha

    ang problema ko lang
    tinatamad ako.
    ayon
    haha

    sumulat ka
    tungkol sa
    kawalan mo ng ideya.
    katulad niyan.
    🙂

  • Fer Bert says:

    @ eminemz- wala akong kaide-ideya na matatawa ka… lol

    @ my-so-called-Quest- cguro nga eto yung usong syndrome sa mga blogger

    @ Aleli- kahit saang pavillion basta ikaw nurse ko…lol… Di ako magpapakamatay… Love ko buhay ko…

  • Fer Bert says:

    @ arjay- hahaha… wag kang magpapakita, magiging duguan yan… lol

    @ icka- di ko sya peborit kse inaway nya ako… cge hahanapin ko sa archives mo yung entry mo na yun….(paghanapin b ako… san nilagay mo yung link dito)

    @xienahgirl- depende, kung magbibigay ka bang picture sa akin o magpapakita ka. Itago mong mabuti yang notebook mo baka may magnakaw nyan…mamaya ako pa pagbintangan mo.. lol

  • redlan says:

    yan ba ang walang pumasok na idea sa kokote? as suaul i love reading ur post. may natutunan ako palagi.

    siguro walang kilay si mona lisa dahil nausog siguro ng ilaw.

    takot ako magbigay ng pic baka makulam ako. hehehe

  • Meryl says:

    Naku, nakakatakot ka nga pala pag nauubusan ng ideya. Waaah! Hahaha!

    Pero, wala naman nag-force sa iyong magsulat ah. Kung wala kang ideya ngayon, okay lang, hindi naman kami magagalit sa’yo.🙂

  • Fer Bert says:

    @ redlan- ui salamat kuya! di mo na kailangang magbigay ng pic kase pwede ko naman kunin yung mga pic mo sa blog mo.. kaya kung ako sayo kung ayaw mong may mangkulam sayo. burahin mo yung mga yun…

    @ meryl- lol.. alam ko naman na hindi ako obligadong magsulat kaya lang naiinis ako kase kung kelan gusto kong magsulat saka naman walang pumapasok na ideya… hehehe…

  • dorkzter says:

    wow, at least u were able to make a post about not knowing what to post. hehehehe. pero ganyan talaga, minsan kelangan din tayong maubusan ng bright ideas. it’s part of being writers. hehe. wow cool. naging prof. mo un? hehe. astig nga xa eh. ako monitor nun sa class namin. haha. la lang. san b skul mo ‘tol ?

  • noime says:

    haha. ang hirap talaga kapag walang pumapasok sa utak. tsk. pero mas mahirap kung walang utak., diba?

  • KRISJASPER says:

    HOW AM YA?

    Hirap magbigay ng comment ngayon. Basta natawa pa rin ako.

  • Fer Bert says:

    @ Dorkzter- oo nga eh nakagawa pa ko ng entry about sa kawalan ng idea

    @ Noime- OUCH! ang sakit.. natamaan ako dun… wala kase akong utak.. lmao..

    @ Krisjasper- ang hirap din replyan ng comment ng taong hirap magbigay ng comment ngayon… lol

  • arjay says:

    tagged you. aw! aw! aw!

  • redlan says:

    uy, napag-sipin ko nga yung ganun after i watched mmk. hehehe. wala namang naging bato dito sa mundo except ng mga heroes.hehehe. yung nangkulam magiging crispy chicken sa impyerno. hehehe

  • Fer Bert says:

    @ arjay- Aso? lol

    @ redlan- hahaha… mmk… Tungkol ba sa mangkukulam yung episode last week?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Brain Dead at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: