HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!

November 8, 2007 § 16 Comments

Isinilang ako dito sa mundo ng mga bandang 2:30 hapon. Tuwang tuwa ang parents ko nung nilabas ako galeng sa pwerta ng mama ko. Alam kase nilang magiging gwapo, matalino at habulin ang kanilang baby boy. Akalain mo yun. Hindi sila nagkamali dahil nagkatotoo ang suspetya nila. Ganun talaga ata ang buhay, Unfair. Kaya yung mga panget dyan at insecure wag na kayong magselos kay God pwede nyo naman iparetoke yang pagmumukha nyo kung kaseng yaman nyo ko pero kung wala kayong pera PWES MAGTIIS KAYO!

Parang kelan lang nung Isa akong batang uhugin, dugyot na mahilig maglaro sa kalye at ngayon… Ehem… Isa na akong Ginoo na gwapo, matipuno, maginoo, mabait, medyo matalino at habulin ng mga chicks (lakas ng hangin noh?). Hindi na ako bata at kaya ko na rin bumuo ng bata. Balak ko ngang idonate ang tamod ko (shet! bulgaran na to) sa sperm bank para naman dumame ang mga gwapo o di kaya’y magaganda sa mundo.

Ngayong 19 na ako, marame na akong natutunan sa buhay… Sabe nga ng mga nagiging syota ko na mas matanda sa akin ng ilang taon (Pinakamalayong gap is 8 years; 17 ako nun at 25 naman sya… mahilig ako sa makakatanda hindi sa matrona..) ay sobrang matured daw ako para sa age ko kumpara sa mga ibang kabataan siguro dahil maaga akong natuto sa buhay. Maaga akong sinubok ng Dyos. Mula pagkabata alam ko ng maikli ang buhay ng tao, 4 years old ako nung napunta sa heaven ang mama ko kaya siguro halos mas matanda sa akin ang mga nagiging karelasyon ko kase siguro naghahanap ako ng mother figure.

Dahil sa mga pinagdaan ko sinasabe ng tropa ko na hindi ako marunong mag-enjoy. Hindi ako kase yung tipikal na teenager na nasa bar, o di kaya’y naglalasing sa kanto, at kung ano anong ginagawa sa buhay. Hindi ako naglulustay ng pera sa mga bagay na hindi naman kelangan kase Tinitiyak kong na bawat bagay at desisyon na gagawin ko eh magdudulot ng mabuti sakin o di kaya’y sa kapwa ko at kung mabigo man ako, Okay lang sakin pero sinusigurado kong babangon ako. Hindi ako natatakot na magkamali at hindi rin ako nahihiyang aminin ang aking mga pagkakamali. Dahil wala kang matutunan sa buhay kung di ka naman magkakamali, hindi mo malalasap ang sarap ng tagumpay kung hindi ka rin mabibigo, blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah.

Nga pala bago nyo ako batiin ng happy birthday, gusto kong sabihin na HINDI ko birthday ngayon… Birthday ng batang kapitbahay ko. Hindi nya ako inimbita dahil dinaya ko sya sa tumbang preso, at dahil di nya ako inimbita, nainggit ako kaya nagsusulat na lang ako tungkol sa birthday at buhay ko. Tignan mo naman pati bday ng bata kinaiingitan ko. Isa akong dakilang Inggitero! Apir!

Tagged:

§ 16 Responses to HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading HAPPY BIRTHDAY TO ME!!! at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: