Magiging Housemate na ako!

November 3, 2007 § 18 Comments

Nakatanggap ako ng text. At na-shock ako ng makita kung sino yung sender at galing ito kay idol BOB ONG. pero nung binasa ko yung message nya nalungkot ako, nagulat, umiyak, humagulgol, humikbi at tumulo sipon ko. eto text nya:

“Sino ka ba? Nabasa ko blog mo at anong karapatan mong pumalit sakin. Gaya gaya ka. Tumigil ka na sa pagblablog. Kunwari bobo ka dyan,Marunong akong magHack at nakita ko grades mo sa College Portal nyo at puro Uno yun. Nuknukan ka ng yabang. wag ka na nga.”
Kahapon naman nakatanggap ako ng death threat, eto yung mensahe:
“Hoy demonyo eto yung tunay na anghel. Baka gusto mong matulad sa mga pinatay ko sa nobela ko. Gusto mo pa atang gayahin ang Da Vinci Code. Siraulo!
Nagmamahal;
D.B

Nag thank you naman ako kase kahit na gusto nya akong patayin eh love pa rin nya ako .basahin nyo, Nagmamahal; DB, edi ibig sabihin love nya ako. Ngunit napaisip ako… sinong DB? kaya naisip kong baka clue yung Anghel, Demonyo, nobela at Da Vinci Code. sa ilang oras na pag-iisip napagtanto kong si Dan Brown yun. OMG! papatayin nya ako.. papatayin daw nya ako!! HELP! TULONG! SAKLOLO!

Para matanggal yung kaba ko nagcheck ako ng friendster. Wow may 100 pending comments ako. Syempre na-excite at nakita ko galing kay J.K Rowling lahat ng yun. Pero imbes na ikatuwa ko lalo akong nangamba sa buhay ko. kikidnapin daw nya ang pusa ko kapag di ko tinigil tong pagblablog. 100 pending comments yun pero yun lang ang sinabe, ang balak nyang pagkidnap sa pusa ko. (ang sipag palang magcomment ni JK Rowling). Nag comment rin ako sa kanya, sabe ko basta wag mong kalimutan na nagsusuplada minsan si Kira (pangalan ng pusa ko) kaya kelangang mong bigkasin ang magic spell na: wiss wiss wiss pusa ni Fer Bert ako’y iyong pansinin

Inisip kong maluwag na talaga ang turnilyo ko kaya mainam na matulog na lang ako. Pero pati ba naman sa pagtulog ko eh hahuntingin ako. Dinalaw ako nina Shakespeare, Rizal, Balagtas at J.R.R Tolkien. Una nasa Middle World ako tas biglang napunta sa scene na Romeo at Juliet, tas natali na ako sa isang puno at kaharap ko ang isang leon, ang ending dinala ako sa luneta park at dun binaril. Nakausap ko sila sa aking panaginip at galet na galet sa akin.. ITIGIL MO NA YANG PAGBLABLOG KUNG AYAW MONG MULTUHIN KA NAMEN!

Nagising ako bigla.. chineck ko ang cellphone at may pitong missed call ako. Una kay Oprah, Sunod Kay Larry King, ikatlo kay Nanay Christy Femin, Ika-apat si Tito Boy, Ikalima si Manay Lolit,Ika Anim kay Joey de Leon, Ikapito galing kay Spongebob. Tinext ko sila at agad naman silang nagreply. Niyaya nila akong mag guest sa show nila. Iinterviewhin daw ako tungkol sa text ni Bob Ong, Death Threat ni Dan Brown at Message ni Rowling sa friendster. Pero tinanggihan ko sila. Si Spongebob naman niyaya nya ako pero hindi para mag-guest sa show nya kundi para mag-jellyfishing kasama sina Patrick at Gary.

Naghanap ako ng makakausap kaya binuksan ko ang YM. Nakachat ko si Marian Rivera at niyayaya nya akong mag-artista para maging leading man sa susunod nyang telenovelang Rosalinda, di na daw kase nya makayanang makipaghlikan sa leading man nya sa Marimar, may hallitosis daw kase si Dingdong Dantes. Saka sabe ni Marian gusto din nyang matikman ang aking mapupula at kissable lips, at para malaman nya kung totoo ang tsismis na masarap akong humalik.. Tatanggapin ko sana ang offer nya kaso bigla kong naalala na nanganganib nga pala ang buhay ko.

Ang lungkot lungkot ko. Im a very miserable kid at nagwish na magkaroon ng Fairy Odd Parents pero si Super Cow ng Cow and Chicken ang dumating. Winish ko din na sana magkaroon ako ng Death Note para maunahan ko sila sa pagpatay sakin pero nangamba akong baka mahuli ako ni L. Desperado na ako kaya nagpunta ako sa PBB house kase si Kuya lang ang tanging nakakaintindi sa akin. Humingi ako ng tulong saka ng rin ng pambili ng iPhone kase nainggit ako kay John be Anonymous.. ahihi.. nagsuggest sya na para maproteksyunan nya ako ay kelangang ikulong muna nya ako sa bahay nya ng 100 days. Saka na daw yung iPhone ko pag na-evict na ako. Correction Ipod Touch daw yun hindi Iphone pero inggit pa ren ako. isa akong inggitero!

Kaya ayun. baka di na muna ako makapagsulat kase magiging housemate na ako. mamimiss ko kayo. Sa lahat ng fans ko, iboto nyo ko pag nanominate ako (as if naman meron eh si Fjordz lang naman ang Fan ko) saka parate nyo pa ren bisitahin tong blog na to kahet na wala akong bagong post.

Salamat sa pagbasa ng isa na namang ilusyonado at walang kwentang post!

Ang Katotohanan:
Next week balik Eskwela na ako at magiging priority ko muna to pero simula bukas ihahanda ko na lahat ng mga requirements para makapag-enroll ako kaya magiging busy na ako at malabong makapagpost pa ako ng entry ngayong linggong ito. Isang Sem din kase akong nakakulong sa kwarto kaya naman naeexcite ako na sa wakas makalipas ang anim na buwan eh makakabalik na ako sa pag-aaral. Para akong Prostitute na nakatengga at walang customer sa mahabang panahon kaya ganun na lamang ako ka-excited.. Siguro matatagalan pa ang susunod na entry ko. pero sisikapin ko na every week ay makakapagpost ako ng at least isa o dalawang entry..
SALAMAT SA SUPORTA…
I shall return…Promise!

Tagged:

§ 18 Responses to Magiging Housemate na ako!

  • john be anonymous says:

    salamat sa pag-mention sa’kin, btw, hindi po sya iphone, ipod touch po.. apir!!! hehehe.. anyway, ang galing mo naman magsulat… astig..🙂

  • KRISJASPER says:

    two thumbs + two big toes up… lol.. galing mo talaga..

  • redlan says:

    grabe ka ha. ang drama ng farewell post mo. hehehe. nag-enjoy ako sa pagbasa.

    promise magpost ka ng dalawang entry every week. sabi mo yan!

    study hard!

  • Fer Bert says:

    @ john be anonymous: walang anuman! apir din!

    @ krsjasper: kuya pinapalake mo na ulo ko nyan… salamat!

    @ redlan: susubukan ko po kuya na makapaspost ng at least dalawang entry sa loob ng isang linggo… Salamat!

  • CeLPHiS < aBRaM > MoRPHiN says:

    hahaha.. gud luck po sa studies…

    haha.. natawa ko dun sa spongebob jellyfishing na part… hahaha.. kulet… hahaha…

    nice post…

  • CeLPHiS < aBRaM > MoRPHiN says:

    hahaha.. gud luck po sa studies…

    haha.. natawa ko dun sa spongebob jellyfishing na part… hahaha.. kulet… hahaha…

    nice post…

  • Juz says:

    galing… asteeg! hehehe!

    nakaka aliw. nawala depression ko! haha

    thanks

  • KRISJASPER says:

    sana ma evict ka (frm PBB) kaagad para balik ka sa blog mo.. hehe..

  • Fer Bert says:

    @ juz: vinote ko yung kaibigan mong si Mira sa FHM Girl Next Door.Napakaswerte mo kase may kaklase at kaibigan kang napakaHOTTTT!!! nagbabaga… ang init!nga pala salamat sa pagdaan… apir!

    @ Kuya KrisJasper: hmmmmmm… wala akong masabe… ahihihi… namiss ko mama ko sa latest mong entry… salamat kuya!

  • dorkzter says:

    ai akalain mu un. kaya ka titgil sa pagbablog dahil lang sa pagaaral? pesteng edukasyon yan. wag kn magaral, magblog knlng. promis, panira lang yan sa pagbablog. (joke!)
    😀

  • Fer Bert says:

    nakunaman.. yaan mo pag-iisipan ko yan…hehehe… saka di naman ako titigil eh… mamahinga lang ng konti.. apir!

  • Fer Bert says:

    @ CeLPHiS < aBRaM > MoRPHiN: salamat kaibigan.. gudlak din sa studies… pagbutihan mo!apir!

  • Mumarmadel says:

    hi, i like ur entries, hehhe

  • Aleli says:

    wehehe..bawal ba magblog pag nsa loob na ng bahay ni kuya???wehehe…bka pwde naman..naaliw ako..wehehe..

  • Fer Bert says:

    @Mumarmadel -salamat po…. salamat din po sa pag-daan

  • Fer Bert says:

    @ Aleli- nilink na kita..ayon sa rule book ni kuya bawal ang celphone, computer/laptop kahit na anong gadgets na pwedeng magkaroon ng koneksyon sa labas ng bahay… ahihihi… pero dahil close kame ni kuya nakakapagcheck pa rin ako ng blog… apir!

  • kingdaddyrich says:

    ha ha ha!! nagtatagalog na pala si dan brown!!

    😉

  • Fer Bert says:

    @ kingdaddyrich- oo marunong syang magtagalog.. hindi lang yan marunong din syang magbisaya, ilokano, chavacano, at ilonggo… linguistic talaga sya…. apir!

    salamat nga pala sa pagdaan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Magiging Housemate na ako! at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: