Sasabog na

November 2, 2007 § 15 Comments

Parang sasabog ang dibdib ko
ARA MINA

o0o(x_x)o0o

PASASALAMAT!

Nung gradeschool ako isa akong supot na bata. Pero walang kinalaman yung pagiging supot ko nun sa entry ko na to. Sinulat ko lang yung para humaba to. Nung gradeschool ako, muli kong inuulit isa akong supot na bata, pero nung panahong iyon una akong nakatanggap ng recognition. Nanalo ako sa isang Editorial Writing Contest (woooohooo). Yun ang una kong lasap ng pagkapanalo. Talagang di mo malilimutan ang iyong First at totoong masarap nga ito, heaven ika nga (WAG MADUMI ISIP… hindi sex pinag-uusapan dito pero masarap din pag 1st time kuman-‘*TOOOOOOOOT*’) Nung Highschool ako dun naman nahasa ang pagiging madaldal ko. Isinasali nila ako sa mga Oratorical contest pati na din sa debate kahit na medyo bobo ako pero pag ako na nagsalita Pinapalakpakan na ako, Standing Ovation pa. (woooooh ang yabang, mabuhay ang mga bobo!). Nadadala ko kase sila sa maarteng diction ko. Ngayong nasa kolehiyo na nagagamit ko pa rin yun.

I made this blog last September para isulat ang kadramahan, kagaguhan at mga emosyonal na yugto ng buhay. I was an alien lost in space, and an Angel who had a wingdectomy (Inimbento kong word para sa Surgery na pagtatanggal ng Wings. Apir!). I always thought I’m different that I dont need a cloke to be invinsible. I’m a freak writing a blog just to express whatever I feel. This blog all started as a Diary of a wounded soul, the search of a man in finding his self in short blog ng isang madramang tao. Then lately the blog intended for writing my sorrow ay naging blog ng isang payaso. My search is over and I am myself again. This is the real me, bubbly, cheesy and corny. Kahapon lang binalak kong tumigil sa pagblablog. Panahon na para itigil tong kagaguhang ito sabe ko. Pero nabasa ko ang isang entry ng isang mabuting nilalang. (God Bless You Tol). Inuulan na din ng comments o pagmumura ang mga entry ko, napapansin na rin sa wakas ang Kulang Sa Pansing blog ko. Salamat Po sa Inyo.

<Parang sasabog ang dibdib ko! yan ang katagang binitawan ni Bb. Ara Mina nung manalo sya ng Best Actress sa Mano Po. Para maiba naman, Para akong nakikipag-‘*TOOOOOOOOT*’ at sasabog na ang katas ko (SHET! ang baboy…Pasensya na wala akong ibang maisip na metaphor)
In the world of Blogosphere, I encounter a lot of people. AS IN A LOT pero iilan lang ang nagtuon ng pansin sa blog ko. Ngayon, I wanna say thank you to the man na nagbigay ng panahon para purihin ako. Ibang klase ang Dulot ng recognition na bigay ng taong hindi mo naman nakikita pero nakakausap. I found a new friend. I am Patrick and now I found Spongebob in this world of blogosphere.
Salamat sa inyong lahat. Salamat Pareng Rey….
hindi kita malilimutan may you rest in Peace sabay katok sa wood.. Salamat salamat salamat tol!

Tagged: ,

§ 15 Responses to Sasabog na

  • arjay says:

    okey tong blog mo ah, nakakaalis ng problema.hehe. ipagpatuloy mo pa ang pagblog. more power!

  • Fer Bert says:

    salmat arjay… apir!

  • crazed_heck says:

    ang drama nito…gawin ba akong si spongebob…wahahaha…ok lang at least nasa bandila ako ng pilipinas…ang bandila…wuhowuho…ahehehe…salamat na din sa pagmention ng pangalan kong common…asar nga e, para akong nag-aauditory hallucinations sa mall…feeling ko ako tinatawag lahat ng tao…palitan ko kaya name ko? any suggestion?

  • Fer Bert says:

    @ rey- wala eh…ayaw gumana ng mga neurons ko ngayon… hehehe…

  • Daniel Yuson says:

    i knew it..!
    tama ang theory ko..!
    hindi porke’t hindi outstanding ang academics ay…
    hindi na mag e-excel..!
    you are really an outstanding…
    writer/blogger..!
    kakaiba ka..!
    how about saying…
    another…
    bob ong in the making..?
    sige pa bata..!
    keep it coming..!
    BOMBA!!!

  • Daniel Yuson says:

    have you ever heard of…
    the thoery of…
    “multi inteligence”…
    by…
    dr. william gardner..?

  • KRISJASPER says:

    on this sad day.. napatawa mo ako via this post.. salamat..

  • Fer Bert says:

    @ Sir Daniel: parang gusto kong mamatay sa papuring sinabe nyo.ngayon pwede na akong kunin ni Lord dahil sa galak na dulot ng inyong tugon sa king post. natutuwa naman po ako sa inyong sinabing. Isa akong another Bob Ong in the making. Hayaan nyo po’t madadasal ako sa quiapo para ipanalangin na kunin na sya ni Lord at para ako na ang pumalit sa kanyang pwesto. Ngayon ko lang din po narinig tunkol sa multiple intelligence kaya naman nagresearch ako sa sa wikipedia. Salamat po ng marami Sir Daniel. Parang sasabog ang dibdib ko. apir!

  • Fer Bert says:

    @ kris jasper: lubos po akong nagagalak at kyo po’y aking napasaya sa araw na kung saan kayo ay malungkot. Salamat po kuya. Apir!

  • crazed_heck says:

    tol ilang beses ka nang namatay today?

  • Fer Bert says:

    @ Rey- Ilang beses nga ba? Pusa ako.. 9 ang buhay ko…

  • Fjordan Allego says:

    hahaha.. iab ka talaga boi! kakaelibs!!! kip it up!! may isang masugid kang tagahanga mula sa isang sulok ng cyberworld!!

    http://hiraya.co.nr

  • Fer Bert says:

    Wow! may pers eber fan. si Fjordan! hahaha… may fan na ako.. ang saya saya naman… APIR tayo..

  • arjay says:

    tinitingnan ko pa lang, nalulunod na ako sa cleavage ni inday. hahaha

  • Fer Bert says:

    @ arjay- hahahaha… apir!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Sasabog na at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: