Blasphemy (explanasyon sa pagiging ex-alien at ex-angel ko)

November 1, 2007 § 11 Comments

INTRO: bago mag-react sa pagiging blasphemous ng blog entry na to! basahin nyo to hanggang sa dulo…

Di kailang date akong alien mula sa Planet Puto o mas kilala bilang Planeta ng mga Tsonggo (Planet of the Apes sa English). Dahil isa akong rich & famous Politician na nangungurakot at madameng naiingit kase super lakas ng seks apil ko sa planeta ng mga tsonggo , Nagsuot sila ng yellow, Nag Monkey-Power at Pinatalsik nila ako (Mala-Marcos). Habang nasa spaceship ako upang lumanding sa ibang mundo bigla akong inatake sa puso. Ayun nadedo. Mega-cry cry ang mga bebot ng Planet Puto na inanakan ko.

Napunta ako sa heaven at Nagmukha na akong tao. Nakita ko na rin sa wakas si Repang Dyos. Grabeeeeeeeh! ang haba ng hair. Walang sinabi si Kim Chiu Kering Keri nya at anong say ni Sandara; Walang sabet talaga. Tas niyaya nya si San Pedro at nag-dance dance sila tulad ng jaboom twins (sumusunod sa galaw ko… sumusunod). Pumapalakpak ako ng pagkalakas-lakas daig pa ang bomba. Di na ako interview ni San Pedro na mahilig sa Sabong dumeretso agad ako ke Repang Dyos kase V.I.P ako…

Ginawa nya akong anghel. ako pumalit kay St. Michael at sya’y ipinasok sa PBB. Pero di kalaunan tinukso ako ng mga anghel. Kahit anghel pala marunong din lumandi, biro mo daig pa nila sina Mariposa at Lunining sa Iksi ng Suot nila at sa paggiling. Talo ang Sexbomb Pati Pussycat Dolls sigurado mapapanganga pag nakita sila… ang saya saya ko Para akong nasa playboy mansion..

This is heaven talaga. Nagkatuwaan, nakalasingan at doon ako pinagsamantalahan ng mga malalanding angel. Dumating si God at napamura (Tangina) nung makita nyang nakapatong ako sa anghel na kamukha ni Angel Locsin (OO! hindi si angel locsin yung nasa scandal kundi ako at yung kamukha nyang anghel kaya lang inedit, tinaggal yung Pakpak namen, Tae yung nagkalat humanda ka sakin). Natuwa naman ako dahil nakita kong napamura ang Dyos. Gusto ko sanang sabihin na nagbubura lang kame ng kalawang kaso iba ang lumabas sa bibig ko.

Sabe ko: Wow Pare ko kawangis mo nga talaga ang mga fifol pati ugaling palamura ng tao nakuha din pala nila sayo.

Bigla kong tinanong: nakikipasex ka din ba tsong?(Lasheng ako eh)

Nabigla sya at pinapunta nya ako sa earth sakto naman na-evict si St. Michael sa PBB at pinabalik sya sa dateng pwesto.

Mula ngayon magiging mataba ka na para hindi ka na lapitan ng mga babae sabe nya. Nainggit din kase sya sa aking seks apil (di nya alam mas dumami ang umaakap sakin nung binigyan nya ako ng taba.. Unan daw ako eh.. kaya pati sa kama gusto nila akong katabi. kaya ayun nagkakasala ). Nung nasa Earth na ako natuto akong magfriendster at sa myspace nakikipaglandian ako sa mga foreigners at ngayon nagkakalat ng pervertion sa mundo ng blog.

Pahabol: parang kiti-kiti ang mga neurons ko ang dame ko tuloy naiisip siguro dahil full moon kahapon (Full moon nga ba kahapon?) o dahil November 1 ngayon. at dahil marameng espirits at Dahil mag-isa ako dito sa bahay. Walang magawa at kung ano ano na lang ang naiisip ko. Naiisip ko din mag-suicide dahil mababaliw na ako sa dame ng pumapasok sa utak ko kaya naman kesa magpakamatay maigi magsulat na lang ako. ewan ko ba kung ba’t nung nasa harap na ako ng laptop (sosyal ako eh as in soyal claymber) eto na yung naisip kong isulat. amf! walanghiya! pusang gala! tangina! hay nagkasala na naman ako. Di ko na naman sinunod yung Commandment number two

kunwari deal or no deal to,

Kris A: Commandment number two buksan mo na!
Kris A: hello God?
GoD: ___________
Kris A: Salamat! ang offer sa pagbabalik ng Deal or No Deal?

This might be a non-sense entry for you. Walang kwenta at nagsasayang lang ako ng time para ipost ito. Pero I made this to remind us this Holy Day of All Saints Day and All Souls Day na lahat ng tao nagkakasala. by writing this entry nagkasala ako, Blasphemy. Pero I am now asking for God’s forgiveness. Hindi ako Dyos, hindi ako perpekto, lahat tayo nagkakasala. Pero bago pa tayo mawala dito sa mundo tulad ng mga namayapa nateng mahal buhay. Magsisi na tayo, humingi ng patawad at magpatawad. Panahon na para ilibing ang mga kasalanan naten at ang hinanakit naten sa iba. Ipanalangin naten ang mga mahal nateng namayapa na. Have a blessed All Soul’s Day and All Saints’ day mga kaibigan. Apir!

Tagged: ,

§ 11 Responses to Blasphemy (explanasyon sa pagiging ex-alien at ex-angel ko)

  • Shane says:

    hay nako mycko. magdasal ka nga. pero i love it. 1st time kong magcomment sa entry mo. hahaha. and it’s so hillarious. ok i’ll see you around. check your myspace, i commented you, lmao.

    mwah! i miss you

  • dorkzter says:

    aww. its good to repent on all the mistakes that we do in the past. humility b un??
    nway good post. the first part was funny then it aall turned soooo serious at the end😀

  • Fer Bert says:

    @ shane: himala nagcomment ka sa entry ko… correction hindi na ako si MYCKO ako na si Fer Bert

    @ dorkzter: salamat naman tol at naaliw at nag-isip ka sa entry ko.. OO tol kelangan naten humingi ng tawad at mapakumbaba… Humility, yes it is (sus! nakapang-ingles din me… hahaha… Apir!

  • crazed_heck says:

    hala…nakonsyensya…isali ba si GOD sa kanyang perversion…wahehehe…

    btw, natawa ko tol…pinipigil ko kaya utot yung lumabas…ooops sori…at least di ako blasphemous ano na bumabawi sa huli…

    peace y’all…

  • crazed_heck says:

    wahahaha…pinalitan ko na po ginnong fer bert…wahehehe…

    wahahahah

  • Fer Bert says:

    @ rey: hehe… apir! kunwari ikaw si St. John the Baptist tas ako s Jesus.. Dali Binyagan mo na ako sa pangalang Fer Bert..

    Dyos Ko, Patawarin nyo po ulet ko… Isa na akong Blasphemous at Pervert na anghel… Sorry na po God… Promise magsisimba ako sa linggo.. Sorry po ulet.

  • Fjordan Allego says:

    hayz!! nakakalungkot!! najudge ko kagad ang artik mo.. hehehe.. nalimutan ko kagad yung sinabi mo sa intro mo tsk tsk!! nasabi ko tuloy habang binabasa ko to “bakit kailangan niyang magmura ng magmura at gamitin ang pangalan ng Diyos?” pero nung nabasa ko yung concluding statement mo, nabatukan lang ako bigla. Tsk tsk! Biglang sumagi sa akin ang intro mo:

    INTRO: bago mag-react sa pagiging blasphemous ng blog entry na to! basahin nyo to hanggang sa dulo…

    hehehe ayun! magaling magaling magaling… siguro its your own way of writing and ganun ka lang talaga mag-isip kasi ganun yung pinoportray mong personality. Like it brad! kip it up! one word to describe your blog: unexpectable. (May word bang ganun hahahaha!!)

    http://hiraya.co.nr

  • Fer Bert says:

    @ Fjordan: original post wala yung intro na yun. tas bigla akong napa-isip kase pansin ko isa kng relihiyosong tao kaya dinagdag ko ung intro.. Para sayo talaga yung intro na yun… Oo tol may word na ganun… ehehehe… apir!

  • redlan says:

    Napadpad rin ako dito sa blog mo thru hiraya.

    Tulad ng comment ni fjordz, nabigla ako kasi parang walang ugat ang iyong dila at pati diyos pinamura mo at ginamit ang pangalan niya. it’s a situation pala at hindi naman intentionally. pinamukha mo lang na makasalanan ang tao. Sa puntong nabasa ko at napa-isip ako sa sinabi mo, sinabi mo sa akin na: Kaw ba hindi nagkasala?

    Galing mong bumawi sa huli. Maganda tong blog mo infairness. Iba ang style mo. Siguro kung ito ang naging strategy ni wendy, nanalo sana siya sa pbb. Speaking of pbb, hmmmm kapamilya ka rin?

    Gumala ka pare para mapansin ang blog mo. Galing mo!

    Buti na lang naging tama ang desisyon mo na huwag burahin ang blog na to. eh, di sana hindi ko natuklasan to.

    BTW, bout ng intro mo at ng whole post na to, ito ay tulad ng sinabi ni Tony kagabi sa pbb noong nagpaalam na siya. Sabi niya na hindi pala dapat i-judge ang tao kaagad base sa nakikita mo sa kanya . Malalaman at madiscover ang kanyang tunay na pagkatao kung makasama mo na siya. Am pretty sure kaw rin ay ganun.

    Ipagpatuloy mo ‘to. Congrats!

  • Fjordan Allego says:

    @Fer Bert:

    Galing galing!! pero hindi ako relihiyosong tao tsk tsk!! lets just say a believer… nyak nyak!!!

  • Fer Bert says:

    @ Redlan: hehehe.. salamat..

    @ Fjordz: nalito ako dun ah… apir!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Blasphemy (explanasyon sa pagiging ex-alien at ex-angel ko) at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: