Kirat

November 27, 2007 § 34 Comments

KIRAT ANG MATA KO!

Patunay na hindi ibibigay ng Dyos ang lahat sa tao. Kung hindi naging Kirat ang mata ko malamang Perfect na ako. Kukunin na ako ni God at uupo sa tabi ng kanyang Trono. Singkit na nga Kirat pa, pero wag ka dahil kahit kirat ang mata ko ay maraming nahuhumaling na chicks dyan (Inggit ka naman). Walang wala si Piolo na sinasabihan ng mga tao na nag-aakin ng may pinaka-expressive eyes sa showbiz, pasalamat sya’t ayokong maging artista dahil mas maganda at mas expressive ang Kirat kong mata.

Hindi rin pantay ang itlog ko mas mababa ang sa kanan kesa sa kaliwan. Sus! ano naman ngayon kung hindi pantay ang itlog ko, hindi naman yun nakaka-apekto sa performance ko sa kama. Alam ko din naman na hindi pantay ang mga dibdib ng mga kababaihan. Mas madalas na mas malaki yung sa kaliwa kesa sa kanan. Kung gusto nyong pumantay iyan, Give me a call at magagawan naten iyan ng paraan. (Puta! umiiral na naman ang aking kamanyakan)

LAHAT TAYO AY PANTAY PANTAY! Putangina isang malaking kalokohan.

Pano mo masasabeng pantay pantay tayong lahat? Uupakan ko yung nagformulate ng kowt na to. Isa syang malakeng Tae!

Kapag ikaw ay ipinanganak na panget, sasabihan ka ng mga taong hindi ka pwedeng magka-asawa ng Gwapo o Maganda dahil ang panget ay para sa panget.

Kapag ikaw ay isang artista’t hindi ka biniyayaan ng Dyos ng Maganda’t Gwapong mukha na taglay ko, hindi ka pwedeng Gawing bida dahil hanggang supporting roles ka lang. Pang Comedy o Pang horror, Sa Action Movies ikaw ang gagawing bestfriend ng bida pero ikaw din ang unang mamatay. Hanggang alalay, katulong, extra, sidekick at maligno lang ang pwede mong gampanan kahit na kaya mong umiyak ng isang milyong balde at mas magaling kang umarte kesa dun sa bidang artista. Hindi ka bibigyan ng pagkakataon kase Panget ka.

Maswerte ako’t marame akong pera, sa sobrang dame ng pera ko kaya kong bayaran ang utang ng Pilipinas (Mas Mapera pa ako kay Eddie Gil). Pero kapag ikaw ay ipinanganak na mahirap at lagi kang inaagrabyado hindi ka pwedeng magreklamo.

Kapag nagkataon na ikaw ay sinampahan ng kaso at mayaman ang kalaban mo, wala kang ibang magagawa kundi ikaw mismo ang maghatid sa sarili mo sa presinto. Asan ang Ang Justice? asan ang Equality? Baket yung babaeng sumisimbolo ng Hustisya ay nakapiring? at Hindi pantay ang Weighing Scale? nangangahulugan ba ito na bulag at hindi pantay ang Hustisya? Ang sagot ko ay hindi ko alam, magtatanong ba ko kung alam ko ang sagot.

Ang society mismo ang madidikta sayo kung ano ang pwede mong gawin, kung ano ang hindi mo dapat gawin, at kung ano ka dapat. Hindi ka pwedeng makihalubilo sa aming mga mayayaman dahil mahirap ka, Hindi ka rin pwedeng makipagkaibigan sa amin kung panget ka, Eto lang ang dapat mong gawin,maging hardinero, labandera, kusinero/kusinera, constuction worker o katulong. Idinidikta sayo yan ng society, ipinamumukha sayo na walang Equality.

Maari pang pumantay ang kirat kong mata pero malabong magkatotoo na maging pantay pantay lahat ng tao. Siguro nga’y hindi tayo makakahanap ng Equality dito sa hindi perpektong mundo. Pero naniniwala pa rin akong totoo ang langit at balang araw magkikita tayo dun, lahat tayo pantay pantay at wala ng gulo.

Advertisements

Putangina Theory

November 24, 2007 § 26 Comments

Maagang natapos ang klase ko kahapon kaya naman umuwi na agad ako para magsulat sana ng bagong post kaso biglang nagtext yung tropa ko kaya di na ako nakapagpost.

katropa: TAE! asan ka? punta ka dito. Inuman tayo.

ako: PUTANGINA! color coding ang 9 at 0 ngayon

katropa: GAGO ka May kotse ka na?

ako: PAKYU Wala pa.. Sige punta na ako dyan.

Sa twing katext ko ang mga tropa ko hindi pwede mawala ang mura. Paraan yan ng pagpapakita namin na pinapahalagahan namen ang isa’t isa (ang weird no?) Pero ni minsan hindi ko inakala na magmumura ako, pinalaki kase ako ng isang Nanay na ginustong maging Madre, Seminaristang Kuya, Lolang Apostolada, Tatay na di ko narinig na nagmura at Ateng uber sa pagkarelihiyosa. Hindi ako nagtangkang magmura nung nasa poder pa nila ako pero nung College na ako, dun na ako naging palamura, nanibago ang mga kakilala ko dahil di nila lubos maisip na nagmumura na pala ako. Tingin kase nila sakin ay Isang Santo na hindi nagkakasala, hindi nagbibigkas ng mga masasamang salita, walang kalibog libog sa katawan at hindi nagsasalsal. Masyadong malake ang inaasam ng mga tao sakin kaya matagal tagal bago nila natanggap na hindi talaga ako santo na dapat purihin at sambahin.

Kelan at Paano ba nagiging Masama ang isang salita? balak ko sanang magresearch tungkol dito sa National Library kaso may inuman kame ng tropa. Hindi tuloy nasatisfy ang curiosity ko. Alam kong ang salitang puta ay hango sa salitang Spanish dahil sa twing nanonood ako ng Latin Porn ay lagi kong naririnig ang salitang PUTA (Shet! di naman halata na mahilig akong manood ng porn). Dahil hindi nakapunta sa library para magresearch pinagtyagaan ko na lang ang internet.

PUTA- Literally means whore. Although in Spanish this word is used as the word “fuck” in English; even though their meanings are different. This word expresses anger, discontent, embarrassment and many more. Could be used as a verb, adverb, adjective, ect. (http://www.urbandictionary.com/define.php?term=Puta)

Likas na Matatalino ang mga Pilipino at Makabayan kaya siguro nila dinagdagan nila ng INA ang PUTA para maging makaPilipino at dun nabuo ang salitang PUTANGINA.

PUTANG INA-It is generally a filipino curse literally meaning bitch mother or if used against somebody as a curse like ” putang ina mo” means you’re mother is a bitch or son of a bitch. Usually used when ones gets really mad with somebody and wants to pick a fight. (http://www.urbandictionary.com/define.php?term=Putang+Ina)

Pero kelan at paano nga ba nagiging Masama o bastos ang isang salita?

Walang detalye kung pano nagsimula ang salitang Puta pero may mga possibleng pinanggalingan ito. Maaring ito ay nagmula sa salitang Italian na PUTTANA o kaya isang Salitang Spanish na pinaikling PROSTITUTA.

Hindi naman ako palabasa ng Bibliya kaya hindi ko alam kung merong verse dun na nagsasabeng may mga salitang bawal sambitin dahil kapag nagsalita ka nito ay mapupunta ka sa impyerno at susunugin ang kaluluwa mo. Gayunpaman alam kong bawal manghusga ng kapwa, bawal mang-insulto at bawal manakit ng tao. Kung ang salitang PUTA is pinaikling salita para sa PROSTITUTA o Prostitute, hindi ba nakakainsulto at nakakapanakit ito. Kung ganun nagiging bastos o mahalay ang isang salita kapag ginamit ito upang mang insulto, manghusga at makapanakit na iba.

Ewan ko kung tama ang teorya ko dahil hindi naman ako gaanong matalino at patay na si Ernie Baron para mapagtanungan ko kung tama nga itong Theory ko. Pero alam kong masama ang salitang Putangina. Gayunpaman wala akong pakealam kung masunog man ako sa impyerno dahil hindi ko naman intensyon makapankit ng tao kaya magmumura ako hanggang kelan ko gusto. Inilalabas ko lang ang nararamdaman ko. Husgahan nyo na ako bilang isang taong mahalay, walang modo, o bastos dahil nagmumura ako pero naniniwala akong Hindi porket nagmumura ang isang tao ay dapat na itong i-lethal injection at sunugin sa impyerno. Husgahan nyo na ko, wala akong pakealam dun basta tandaan nyo lang to:

“Judge not, that you be not judged. For with what judgment you judge, you will be judged; and with the measure you use, it will be measured back to you. And why to you look at the speck in your brother’s eye, but do not consider the plank in your own eye? Or how can you say to your brother, ‘Let me remove the speck from your eye’; and look, a plank is in your own eye? Hypocrite! First remove the plank from your own eye, and then you will see clearly to remove the speck from your brother’s eye” (Matthew 7:1-5).


Tangina mo kung hindi ka nagmura ni minsan sa buhay mo. Maaring mahilig akong magmura pero wala kang karapatan para husgahan ako. Shet! mukhang Serious na ang dating ko nito. nakakapanibago.. hahaha

Coming Soon

November 21, 2007 § 11 Comments

Nagtatanong sina Fjordz at Kuya Redlan:
Tanong: Kelan ang susunod na post?

Sagot: Coming Soon (huwaw! parang pelikula)

Busy kase ako sa Shooting ng movie ko, tapings para sa mga commercials ko at TV shows. Super Hectic ng Sched ko. Shet! ang hirap maging sikat! No wonder kung baket madaming Adik sa Showbiz at marami ang nagpapakamatay. Abangan nyo na lang ang next entry ko. Sa ngayon pagdamutan nyo muna tong post ko na to. Kaabang abang ang next entry ko dahil isusulat ko dun yung isinulat ko sa SAGAD. kung di nyo alam tong malaswang babasahin na to, you’re missing 80% of your life. Go and Buy na sa pinakamalapet na bangketa sa inyo…

nakakahiya!

November 18, 2007 § 22 Comments

Nung thursday, pababa na ako ng building namen sa school ng may makita akong chick na kumakaway, tinignan ko at mukhang isa sa mga kaibigan ko. Eh di kumaway din ako. Ang ganda pa naman ng pagkakakaway ko tas nung tinitigan ko ng maigi habang kumakaway na parang beauty queen ay hindi pala sya yung kaibigan ko at hindi rin ako yung kinakawayan nya kung hindi yung nasa likod ko. Ayun tumawa yung magandang chick at napahiya ako. SHET! nakakahiya ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

May crush ako dati nung Grade 1 ako ,Itago na lang naten sya sa pangalang MARIA. kapitbahay namen at mas matanda sakin. 6 ako, sya naman ay 14. Mahaba ang kanyang buhok, ganun ang tipo ko nung bata ako basta mahaba ang buhok maganda na sa akin, yun kase ang pamantayan na kagandahan na nakikita ko sa shampoo commercial.

Laking probinsya ako at may puno kame ng mangga ng pinamumugaran daw ng White Lady, mahaba din daw ang buhok nun, siguro kung nagpakita yung White Lady sakin baka naging crush ko pa yun. Pero extra lang yung white lady dito sa entry ko dahil hindi naman to tungkol sa moo moo..

Isang araw nagpunta si MARIA sa bahay para makipagtsismisan sa ate ko na kabarkada nya. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko, at tumigas yung ano ko. mael at malandi na talaga ako mula pa nung bata ako. Naisip kong baka maimpress sya at magkacrush sya sa kin kapag inakyat ko yung puno ng mangga. Talentado akong bata pero hindi ko alam kung bat yung skills ko pa sa pag-akyat ng puno ang naiisipan kong ipamalas.

Inakyat ko nga yung puno, pero wala pa ako sa tutok ay natakot na ako. Gusto ko ng bumaba pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot ako. Ayokong humingi ng saklolo para tulungan ako pababa dahil mapapahiya ako sa crush ko. Pero hindi na ako nakatiis, umiyak ako ng pagkalaks lakas, buti na lang andun yung kuya ko at ibinababa ako. Pero hindi pa dyan natatapos yung kahihiyan ko dahil pagkababa ko ay napunit pa yung shorts ko, saktong wala akong brief nun kaya nakita ni MARIA ang supot na birdie ko. Shet! nakakahiya.

Pero may natutunan naman ako mula sa nakakahiyang pangyayaring iyon. Una na dyan na hindi mo kailangang i-impress ang mga chicks para mahumaling sila sayo, na mas gusto nila yung taong simple at hindi presko, kung alam ko lang sana to di sana hindi na lang ako umakyat ng puno nung bata ako, nagka-fear of heights tuloy ako. Pero aaminin kong masarap ang pakiramdam nung paakyat ako sa puno, parang lahat sila ay nasa ilalim ko, Pataas ako ng pataas pero nung malapet na ako sa tuktok ay natakot na ako. Parang buhay lang din, habang umaangat ka ay natatakot ka ng bumababa, natatakot ka ng bumagsak.

Dito sa earth minsan kung ano pa yung nakakahiyang pangyayari ay sya pang nagbibigay ng lessons sa atin, Parte na siguro yan ng takbo ng buhay ng mga tao, mapapahiya ka muna bago ka may matutunan, o kaya masasaktan ka muna bago ka mataunahan. Pero at least may maisusulat ka na sa slam book sa question na most embarrassing moment. Napahiya ka na nga may natutunan ka pa at may maisusulat ka pa..

Kaya wag kang mahihiyang mapahiya dahil lahat naman ay napahiya na at walang mangyayare sayo kung lage ka na lang mahihiya pero kelangan pa rin maging mahiyain ng konti para di naman maging Walang Hiya. (Nagets mo?).. Apir!

Thank You… I’ve got a Friend in You

November 16, 2007 § 25 Comments

Nagpalit na ako ng template mula sa pagiging madilim at malungkuting anghel na tema napunta ako sa dati kong titulo ang Tanginang Alien. Balak ko sana gawing green tong blog kase green ang kulay ng alien at green din ang utak ko tulad ng utak mo kaso absent ako nung tinuro sa school yung color wheel kaya di ko alam kung anong font color ang babagay sa green. Madami pa sana akong ilalagay dito na kaartehan kaso bobo ako sa photoshop at sa pag-aakala ko date na walang maitutulong sa akin ng subject kong HTML nung first year college ay tinulugan ko lang ito. Tanging IMG SRC,FONT FACE=, at basic lang ang di ko tinulugan. Kung alam ko lang sana na mapapaganda nung subject na yun ang aking blog sana hindi ko na lang ito tinulugan. Naging kamukha tuloy ng Blog Sikret ni Super Xienah tong blog ko. (Oh ayan Xienah may free advertisement ka na naman).

Kung kayo ay naghahanap ng sagot sa inyong katanungan wag mag-atubiling bisitahin ang Blog Sikret. Ang tanong mo ay sasagutin ni Super Xienah ang Self Proclaimed Dyosa ng Blogosphere, basta wag nyo lang itatanong ang mga tanong na tulad nito “given angle α to be 60degrees with an opposite side of 30m find the length of the hypotenuse” dahil tiyak n di nya kayo masasagot.

3 days ago may natanggap ako mula sa Super Friendly na Tao dito sa blogosphere na si Parisukat. Hindi agad ako nakagawa ng entry dahil sabog pa ako/bangag sa tinira kong katol, sa hinihit kong sunog na gulong, sa hinigop kong sinabawang rat poison at ininom kong orange juice na may kasamang muriatic acid. Adik kase ako.. (OO adik ako pero hindi porket adik na ako ay hindi na ako pwedeng mag-mahal. May puso rin ako… aysus! madrama ba?). eto nga pala yung binigay sakin ni Pareng Square:

Natuwa ako kase friend pala turing nya sakin… wala kase syang ibang alam gawin kundi tawagin akong Mr. Clean kase kamukha ko daw kase yung kalbong lalakeng na nasa sabon. Pero salamat Pareng Square! Salamat tol!

Nais kong ipasa to kina:

Rey/Hecktor– alam kong binigyan ka rin ni Pareng Square ng ganito pero dahil ako si Patrick at Ikaw si Spongebob dito sa blogosphere, ayan ibibgay ko pa rin to kahit alam kong meron ka na

Xienah– for teachs me that in life above and below we does not it to be perfectionist in english alphabet like the ever famous in the universe INDAY to makes other homo sapiens around the world like the merry-go-round and round table have blood in their nose and for willingness to helping hand me in CSS and HTML which me is not very so good.

TRANSLATION: sa pagtuturo sakin na hindi mo kailangang maging magaling sa ingles tulad ni Inday para paduguin ang ilong ng mga tao. Saka sa walang pag-aalinlangang offer nya na tulungan ako sa CSS at HTML, isang bagay na kung saan ay TANGA ako.

Fjordz– ang aking per eber fan na nagbigay ng per eber award sakin. Hindi ka nagkamali sa pagpili sa akin upang hangaan (SHET! ang kapal na mukha ko). Isa ka sa mga dahilan kung baket di ko pa binubura tong walang kwentang blog na to. Kahit na marameng mas magaling sakin ay pinili mo ako kaya hindi kita bibiguin.. hahaha.. Ang totoo nyan una akong humanga sayo bago ka pa humanga sakin dahil magaling kang magsulat at di ako magtataka kung balang araw ay pareho tayong makatanggap ng Nobel Prize. Ikaw sa literature ako naman sa Peace.. bwahahaha.

Kuya Krisjasper– Dahil gusto kong makita ang sarili ko sa lugar nya pag 28 na ako, mayaman, habulin, at successful sa career. APIR!

Kuya Cedeux– Dahil malungkutin sya kaya ilalagay ko pangalan nya dito para sumaya sya. Saka napansin ko na pareho din kameng mahilig…. hahaha. Ipagdidiinan ko to-KUYA!!! KUYA!! KUYA!!

Kuya Arjay– Ang lalakeng gustong maging aso. Takot ako sa aso pero ilalagay ko name nya kase mabaet sya sakin. Saka masakit ulo nya kase trying hard syang gayahin si Chris Brown. (ano koneksyon nun sa paglagay ko ng pangalan nya dito?)

Kuya John-Pasenya na kung wala yung pangalan mo sa original entry… Ipapasa ko sayo to kase INGGIT AKO SA iPOD touch mo. hehehe

Sir Daniel– Sya ang taong nagsabeng na isa akong Bob Ong in the making (singlake ng Jupiter ang ulo ko dahil sa papuring iyon). kahit na nagtatampo ako sa kanya dahil di na nya binibisita tong blog ko ay ilalagay ko pa rin sya dito dahil tulad ni Fjordz isa din sa sa mga dahilan kung bat di ko pa binubura tong blog ko.

Kuya Redlan-Alam kong meron na sya nito pero ilalagay ko pa rin sya dahil nilelevel nya ako sa mga sikat na bituin na tinitingala at hinahangaan ng publiko. Syempre feeling sikat ako.. di pa nga ako nakakapasok ng PBB eh sikat na ako pano na lang kaya pag pumasok ako..

Aleli– Dahil sya ang magiging rason kung bat ako titigil sa pagyosi. hahaha

Dorkzter– Dahil pareho kameng Ilokano, pareho pa kame ng prof, at pareho din kameng naaadik sa Death Note.

Noime– Ang batang ayaw patawag na bata dahil di na daw sya bata. Nilista nya ako sa Blogs I Love hindi sa Exlinks ibig sabihin love nya blog ko. ahihihi (Shet! Ang landi)

Meryl– Adik ako, Adik sya kaya click kameng dalawa! Mabuhay ang mga Adik! (Psst! akin si Riza!)

Icka– Ninang ko sya dito sa blogosphere… Baka kase di nya ko bigyan ng regalo sa Xmas kaya KAILANGAN TALAGA na kasama sya.

Quing– ang tanging kakilala ko sa mundo ng mga tao. Kung nagdududa kayo na gwapo talaga ako pwes tanungin nyo tong babaeng to.

Joella– dahil alam kong magseselos sya kapag wala sya dito kase nagselos sya nung sinabe kong future GF ko si Riza Santos. Kras na kras kase nya ako… hahaha

PS.Kung wala pangalan mo dito, wag ka ng magtampo kase tamad akong matype. Next time ka na lang… APIR!

Tagged and Award

November 13, 2007 § 16 Comments

I‘ve been blogging for 60 days at mag-tu-2 months na tong God Damned Angel bukas. Trip ko lang talagang magsulat, wala akong kaide-ideya na may mga tao pala na nagbabasa ng blog ko. Syempre nagulat kase hindi ko naman inaakala na may papansin ng Blog ng Anghel na Pervert. Gusto ko lang talagang magsulat at di ko intensyon na humakot ng atensyon at pansin, kuntento na ko na nailalabas ko kung ano yung opinyon, kuro-kuro, hinanakit, saloobin at nararamdaman ko, pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga taong nagbibigay ng kanilang oras para icheck kung may bago akong post at para makapagcomment.

Eksaktong 60 days na tong blog ko ngayon at lubos akong nagagalak at nais kong ipamahagi sainyo ang aking unang award na pinagkaloob ng isa kong kaibigan na si Fjordz. Eto ang aking pers eber award mula sa aking pers eber fan:


“I’m so in love with my brother right now,”sabe ni Angelina Jolie nung tanggapin nya ang Oscar nung year 2000 na pinagpyestahan sa tabloid. Gusto ko din sanang sumambit ng katagang makakapagpagulo sa mundo tulad nyan pero sapat na siguro ang salitang SALAMAT para ipaabot ang tuwa at kaligayan ko ngayon.

Para akong nasa langit at lumilipad ako ngayon. Grabe. daig ko pa tumira ng shabu! High na High ako! (ui di ako nagshashabu ah). Gusto kong pasalamatan Si God, Ang Parents ko, my sibblings, friends and relatives, mga fans ko, wala ako dito kung wala kayo. My sponsors, Doktora Vicky Belo (Only Belo touches my Skin… Who touches yours?!), Salon de Manila, F&H, Converse, Sketchers Time, Fitrum (looking wow! feeling wow), Mucher green peas, Boy Bawang, Datu Puti, Rexona, Talent Center, ABS-CBN, GMA, RPN, ABC 5, IBC 13, at sa lahat ng Station sa Pilipinas kasama na ang UNTV

Walaakong pagpapasahan nito kase baka may magtampo.. Kaya akin lang to… Bwahahahaha!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos ng isang award may natanggap naman akong tag mula sa Kuyang Pogi/Kuyang gustong maging aso na si Arjay

INSTRUCTION:Each player starts with 7 random habits/facts about themselves. People who are tagged need to write on their own blog about their seven things, as well as these rules. At the end of your blog, you need to choose 7 people to get tagged and list their names. Don’t forget to leave them a comment telling them that they have been tagged and to read your blog!
Seven things I wanna share:
1.Bago ako grumduate ng highschool sinasabe ko na sa mga kaibigan ko na gusto kong maging Pari, pero hindi ako pinayagan ng Tatay ko kase sayang daw yung magandang lahi namen saka sabe din ng isang malapit na kaibigang babae na hwag ko na daw ituloy kase nanghihinayang sya sa titi ko. Pero hindi ko pa rin naman inaalis yung kagustuhan kong maging pari sana lang makayanan kong labanan ang tukso
2.Lahat ng first ko nangyare nung 17 ako. First magyosi, First uminom ng alak, First serious relationship, first masaktan dahil sa pag-ibig, first kiss at first _____…. (bahala na kayong mag-isip kung ano yun)
3. Iyakin ako nung bata ako hanggang nung highschool ako. Napakasensitive ko nun, simpleng bagay iniiyakan ko. Iniiyakan ko ang mga bagay na hindi naman dapat iyakan Ngayon naman hindi ko alam kung baket hindi ko iniiyakan yung mga bagay na dapat iyakan.Naubos na siguro ang aking luha.
4.Hindi ko kayang makakita ng babaeng umiiyak.. nadudurog ang puso ko kaya kung maari kapag nakikipagrelasyon ko trinatry ko na hindi sila umiyak. pero maarte talaga ang mga babae umiiyak pa rin sila….
5.Ilang beses na akong nadidisgrasya dahil sa multo. Kumakaripas kase ako ng takbo kapag nagpapakita sila.. Matatakutin ako at ewan ko ba kung bat trip nila akong pagpakitaan. Siguro adik yung mga multong yun.
6.Future girlfriend ko si Riza Santos. Sya ang reason kung bat ako nanonood ng PBB. Tandaan nyo yan, FUTURE GF KO SYA.. (masasapak ko yung kumontra)
7.Hindi ako kumakain ng Talong.. kahit anong luto, kahit torta, ayoko talaga.
Tag: Alphabet Version…

A – Age:

19

>B – Band Listening To Right Now: Snow Patrol
C – Career:Student sa umaga, Tambay pag hapon, Adik pag gabi
D – Drink or Smoke: Nainigarilyo ako mga 10 sticks bawat araw pero dalawang buwan na akong di umiinom
E – Easiest Friends To Talk To: Yung kaibigan kong mukhang aso, lahat kase pwede kong sabihin sa kanya na hindi nya ako jina-judge
F – First Crush: Joanne (kaklase ko nung kinder)
G – Gummy Bears or Gummy Worms: Gummy Bears
H – Have a Girlfriend/Boyfriend: wala.. (pumila na yung gustong mag-apply. lol)
I – In love: Ewan
J- Junk Food You Like: Boy Bawang kase pwedeng pulutan
K – Kids:someday, wag muna ngayon . wala pa akong ipapakain
L – Longest Ride Ever: Ilocos to Batanggas
M – Making love out of nothing at all: Wow! air supply!
N – Names For Your Future Kids: bahala na si misis dun
O – One Wish You Have Now: World Peace
P – Phobias: Zemmiphobia. takot at nandidiri ako sa daga
Q – Favorite Quote: “I’m a great believer in luck, and I find the harder I work, the more luck I have.” -Thomas Jefferson
R – Reasons To Smile: When I see her smile … oooh wooh! i can face the world…
S – Sleeping Time: 4-7 am pero babaguhin ko na kase balik eskwela na ko
T – Time You Woke Up: 1-2 pm
U – Unknown Fact About You: Di ako nakakalabas ng bahay na walang rosaryo
V – Vegetable You Hate: TALONG
W – Worst Habit: nakahilata magdamag
X – X-rays You’ve Had: every year nagpapacheck up kame kasama na xray. Praning kase tatay ko
Y – Yummy Foods: Ewan… basta ako yummy
Z – Zodiac Sign: Pisces

Tina-TAG ko lahat ng gustong sumagot nito

Brain Dead

November 11, 2007 § 18 Comments


Napaka-ironic ng picture kase naubusan na ako ng idea at nahihirapan akong mag-isip kung ano ang isusulat ko. Hindi na gumagana ang brain cells ko. Kung napapansin nyo puro mga walang kwenta ang mga entries ko kase wala akong maisip. Kumbaga sa cellphone eh low bat, battery empty ako o walang signal… Patay ang utak ko.. Brain Dead.

Sana may sigarilyo na kapag hinithit mo eh bigla bigla na lang papasok ang mga ideya sa utak mo, at gaganahan ka ng magsulat ng blog. Sana parang kape lang sa Starbucks ang ideya na u-order ka lang at hihigop nito eh babahain na ng sangkatutak na ideya ang utak mo. O kaya isang candy na binebenta ng mga takatak boys sa kalye. Sana may piratang DVD sa Quiapo na kapag pinanood mo eh lifetime ka ng hindi mawawalan ng ideya. o isang bombilya na kapag pinailaw mo eh liliwanag na ang paligid mo, magkakaideya ka pa

Nagtry akong mag-google kung sakaling merong item sa internet na makakapagbigay ng isang milyong ideya at information sa akin para hindi na ako nahihirapang mag-isip (Ganyan ako kadesperado at kabobo). Pero walang anong bagay na pwedeng bilhin para makapagpagana sa patay na utak, walang gamot para sa mga bobo’t desperado.
Minsan para akong baliw sa dame ng mga pumapasok sa aking brain para maisulat dito sa blog. Para akong unggoy sa zoo na nakawala at nagwawala. Pero nitong nakalipas na araw, kahit anong pilit kong mag-isip ayaw talaga.. Ilang gabe na akong nag-iisip ng maisusulat pero wala talaga. frustrated na ko balak ko ng magsuicide (EMO MODE! lol)
Minsan naman kung kelan ako busy at may ginagawa iba eh saka naman gumagana ang brain cells ko. Nakaupo na ako sa toilet bowl at kasalukuyang nagbabawas saka naman mabubuhay ang patay kong utak.. kailangan ko pang umebak para magkaroon ng ideya. TAE! tas pag nasa harap na ko ng laptop saka naman biglang mawawala (Tangina!). Buti na lang hindi pumapasok yung sankatutak na ideya kapag busy akong nakikipaglampungan kase siguradong bibitinin ko sarili ko nun, Salamat sa Dyos dahil kung nangyare yun tiyak sasakit puson ko (Whew! buti na lang. lol)

Naisip ko kung si Da Vinci kaya nagkaroon din ba ng pagkakataon na halos i-untog nya ang ulo nya kase wala ng pumapasok na ideya? Ang kawalan kaya ng kilay ni Mona Lisa ang patunay na nauubusan din sya ng ideya at kaya walang kilay ang $670 million na painting ay dahil wala syang ideya kung anong klase ng kilay ang ilalagay nya sa La Gioconda o La Joconde o mas kilala bilang Mona Lisa. Eh si Einstein kaya lage kaya syang may naiisip na ideya? Tingin ko hindi kase hindi nya naisip na pagsisisihan nya ang paglagda nya ng Einstein-Szilárd letter na naging daan sa imbensyon ng atomic bomb at kumitil ng marameng buhay, wala siguro syang ka-ide-ideya na ang pagkaka-imbento ng Bomba Atomica eh makakapagbigay ng ideya sa mga gagong scientist na lumikha ng mas peligroso at mas deikadong nuclear bomb.

Kung ang mga henyo ay katulad din ng mga normal na tao, makukumpara ko ang ideya sa Ulan. Minsan tagtuyot at walang pumapasok sa kukote mo pero minsan Bumubuhos ito ng sobra sobra at nagiging bagyo.
WANTED:
Kung hindi ka nauubusan ng ideya, bigay mo sakin picture mo at ilalagay ko sa altar at sasambahin kita na parang Dyos pero dahil ayokong suwayin ang Commandments ni God bigay mo sakin picture mo para makapaghanap ako ng kukulam sayo o kaya’y magpakita ka sa akin ng personal para maging duguan yang makapal na pagmumukha mo!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“Desire for an idea is like bait. When you’re fishing, you have to have patience. You bait your hook, and then you wait. The desire is the bait that pulls those fish in–those ideas.”
David Lynch (Catching the Big Fish: Meditation, Consciousness, and Creativity)

Where Am I?

You are currently viewing the archives for November, 2007 at Kokey Monster.