Probable Cause of Death

October 27, 2007 § 6 Comments

Minsan nagpaka-Michel de Nostredame kame ng isa kong kaibigan at hinulaan kung ano magiging cause ng death namen. sabe nya sa kin

ako, mamatay ako dahil sa aids o kaya mamatay ako dahil mahuhuli akong may kalandiang iba sa kama

Hindi malayong
mangyare yan dahil napakaLibog mo (sabay tawa ng malakas)

Tugon ko saka nagshare ako ng kung ano a tingin ko ang magiging dahilan ng kamatayan ko

Apat lang yan eh,

  • Sakit sa Puso
  • Sakit sa baga
  • Sakit sa Kidney
  • O kaya may papatay sa kin

Karamihan ng mga pasyente sa hospital ay namamatay dahil sa apat na to. Nung 1998 nangunguna ang sakit sa puso bilang sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino. Hindi rin malayong mangyare to sa kin, dahil ang Lolo (tatay ng tatay ko) at ang Mama ko ay namatay dahil dito.

Lahi din namen ang pagiging hikain kaya maaaring mamatay rin ako sanhi ng sakit sa Baga. Saka hindi ko na matanggal sa sistema ko ang paninigarilyo kaya kung hindi ako mamatay dahil sa sakit sa puso malamang mamatay ako dahil may lung cancer na ako o di kaya’y may ibang sakit ako na may kinalaman rin sa baga.

Mahirap ang buhay ng isang Diabetiko, ayoko man isipin pero, baka(knock on wood) magkaroon din ako ng sakit na to, hindi rin malayong magkaroon ako ng sakit sa kidney dahil sa lageng pag-inom ng alkohol at dahil na rin hindi balance ang diet ko. Wala naman kameng lahing diabetiko at wala rin naman akong alam na kamag-anak namen na namatay dahil dito. Sana lang hindi ako yung kaunaunahan sa Family tree namen na mamamatay dahil dito. (Wag naman po sana Dyos ko)

Panghuli, Ipapatay ako, ipapa-ambush, o papatayin ako mismo ng kaharap ko dahil mayabang ako at alaskador. Ilang away na rin kase ang nasalihan ko dahil sa pag-uugali kong to. Tipikal na ugaling Pinoy; mayabang at mapang-asar pero pikon.

Alam ko naman na maiksi lang ang buhay, maaring mawala na ako bukas. Sinubukan ko lang hulaan kung anong magiging sanhi ng kamatayan ko. tutal dun din naman tayo patungo.

Pero habang maaga pa siguro ay maiigi ng baguhin kung ano man ang nakasanayan ko. Babawasan ko na ang Yosi, kakainin ng tama, exercise, i-limit ang alcohol, ang siguro subukan na din bawasan ang ugaling ikamamatay ko (pagiging mayabang at mapang-asar). Sana lang humaba pa buhay ko dahil marame pa akong gustong gawin dito sa mundo. hehehe.. Enjoy natin ang buhay mga tsong pero wag naten itong iabuso. Apir!

Tagged: , ,

§ 6 Responses to Probable Cause of Death

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Probable Cause of Death at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: