Overpass

October 5, 2007 § Leave a comment

Inabot na ako ng dilim at tanging overpass lang ang kailangan tahakin para makatawid sa sakayan ng jeep. nakita kong nagkakagulo ang mga tao ang iba’y nagsisiTakbuhan. . . bigla akong nag-alala, tumaas na naman ang aking BP. siguro may nadukutan yun agad ang sumagi sa aking isip o baka may nasaksak, napagtripan
ayun duguan, pipti-pipti, malapet ng mamatay

binilisan ko ang paghakbang sabay sa pagmamasid sa mga katabi. . . na-paranoid na naman ako tulad ng lola ko nung umuwi ako sa ilocos

biglang nagflashback ang nangyari nung bakasyon. tulad sa mga pelikula. . . colored tas biglang natulala. ayun nagflashback black en white na.

nakahenna tatoo ako noon, kalbo, madameng hikaw, mukhang adik. . . nagulat lola ko. . .
nagdasal, iniyakan napaisip tuloy ako:
Patay na ba ako?!
ganyan ma-paranoid ang lola ko kulang na lang ipalibing na nya ang pogi nyang apo. . .

pakatapos ng blast from the past bumalik na naman ako sa realidad. eto ako ngayon, paranoid sa pagtawid ng overpass. . . maingat pa rin ako sa paglakad . bigla kong nakita ang mga mamang naka-green, sila lang pala. . . mga kampon ni Bayani

nakikipagtalo sila sa ng mga tindera. . . saka kunumpiska ang mga paninda. . . wooooh!
napatigil ako. . . may shooting ba ng pelikula? sino ang bida?
may agawan,
may sakitan,
may iyakan. . .
hinanap ko ang kamera baka ito’y maibalita. . . panahon na para mabroadcast sa mundo ang aking pagmumukha

laking dismaya ng nalaman walang mga kamera. . .
alang hiya. . . kala ko pa naman panahon na

bigla akong nakaramdam ng awa para sa mga tindera sa bangketa. . . karamihan sa kanila
mukhang may edad na. . . tingin ko. . . sila lang inaasahan ng kanilang pamilya. . .

smol tym na bisnes kinumpiska. yosi, candy, dyaryo, atbp. samantalang yung mga big tym jan, hindi mahuli huli. . . palibasa mga tau-tauhan kase. . .

nakakaawa ang mga kababayan naten pilit na nilalaban ang kahirapan
naka-isip ng paraan para kumita tas ipagbabawal naman ng iba

nasa mga tindera ang simpatya ko parehong tindera kase noon ang mga lola ko
na tinaguyod ang buhay para makaahon

kung hindi sila nagtinda hindi makakatapos sa pag-aaral ang tatay at nanay ko. . . hindi ko rin sana mararanasan ang ginhawang natatamasa ko ngayon. . .

naaawa ako sa mga tindera sana naman magawan to ng paraan ni Gloria

Tagged:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Overpass at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: