‘*TOOOOOOOT*’

October 31, 2007 § 14 Comments

PUTAAAAAA!
sabe ng 3 y/o kong pamangkin na bulol nung makakita ng pusa

o0o(x_x)o0o


Parang gusto ko tong sabihin sa kakilala kong babae; hindi yun word na Pusa kundi yung word na PUTA. Pero syempre babae eh kaya di ko na sinabe.
Nagdradrama kase eh, nagpapaka-emo, napapaka-mariel rodriguez: O my God! I’m gonna die, I’m gonna die !!!

Nakipag-‘*TOOOOOOOT*’ sya sa taong din nya mahal tas yun nagdradrama na. I dont know what to do.. huhuhuh…

Baket ganun ang babae. Isisisi ang lahat sa lalake, o baka hndi ko lang maintindhan ang mga emotions ng mga babae kase. Para kaseng ang pinaplabas dito ay lalake lang ang gustong makipag-‘*TOOOOOOOT*’, Hello?! wala namang ‘*TOOOOOOOT*’ na mangyayare kung lalake lang me gusto. Kelangan pa ba nateng mag self-pity at isisi lahat ng mga nagyayare sa isa. It takes two to tango. So walang ‘*TOOOOOOOT*’ kung di mo rin gustong magpakan-‘*TOOOOOOOT*’.

Saka baket ka makikipag ‘*TOOOOOOOT*’ sa taong di mo naman mahal o gusto (such a filthy acT) dahil naramdaman mong tumititigas o namamasa ang iyong reproductive organ kelangan mo ng kuman-‘*TOOOOOOOT*’ o magpakan-‘*TOOOOOOOT*’, ano ka aso na magtu-‘*TOOOOOOOT*’ kapag naramdaman mo ang urge kahit nasa kalye kayo. Sex is sacred at napakalungot na malaman na may mga taong nagtu-‘*TOOOOOOOT*’ dahil lang sa libog. Asan na yung love, asan na yung repect, asan na yung dignidad?

Lahat naman ng tao malibog pero sana naman ilugar naten to. Malibog rin naman ako, tao ako eh, kaya kung sino man ang magsasabe wala syang libog sa katawan ay wag matatangkang lumapet sakin at baka sya’y makatikim ng suntok. Apir!

pahabol: HAPPY HALLOWEEN!
Advertisements

Evolution

October 29, 2007 § 11 Comments

Katropa: Tol, alam mo. I’m starting to believe na totoo ang evolution theory ni Charles Darwin


Ako: Parang alam ko na ang ibig mong sabihin (sabay tingin sa kakilalang mukhang ewan)

Katropa: Hahaha… tama! Sya ang patunay na ang tao ay nagmula sa mga matsing
o0o(x_x)o0o

I was reading an article kaninang madaling araw. Crack of the dawn kase ako nag-oonline kase yun yung time na kung saan gising yung mga kaibigan ko sa tate. Saka tulog naman ang aking kapatid na kahati sa laptop kaya kahit na mag-browse ako ng pornsite sa madaling araw ay walang maabala (im sucha pervert! LOL).

Back to the article. it was a yahoo featured article. Since madaling araw at wala akong magawa kundi magkipagkamusthan sa mga kaibigan kong nasa ibang bansa at magsurf ng pornsite. Naisipan kong basahin yung featured article nga sa yahoo.. It was all about evolution na by the year 3000 daw eh mari-reach na ng tao ang peak ng evolution. Tatagal ang buhay ng tao ng 120 years. AYOS! Ang mga kalalakihan magkakaroon ng malalaking hotdog (hahaha), magandang boses na makakaakit ng mga kababaihan, at magiging mas barako sa panahong iyon. Ang mga kababaihan naman ay magkakaroon ng malalakeng hinaharap, hindi na nila proproblemahin ang hirsutism dahil magiging makinis na ang balat nila, walang unwanted hair at malamang malulugi na ang mga gumagawa ng mga pang-shave. Pero mahahati naman ang group ng mga tao. Ang isang grupo ay cluster ng mga nag-gwagwapuhan, naggagandahan, at mga nagsisitalinuhang nilalang na magiging ruler ng mundo. Ang isang grupo naman ay ang kinabibilangan ng mga kamukha ni shrek at kasing tanga, kasing walang hiya, at kasing gago ni [INSERT NAME HERE]. Sila naman ang magiging slave ng mga naunang grupo.

Nalala ko tuloy yung pinag-usapan namin ng batchmate ko nung highschool sa YM. Pinag-usapan namen yung itsura namen sa yearbook. Mukha akong Sumo Wrestler/Bangkay na may Diabetes at Chinitong Baboy. Putangina ang panget. Ni hindi daw nya binuklat yun dahil di rin nya makuhang tignan yung itsura nya date. Ibang iba na kame. Nag-evolve na kame. Date pilit kameng nagmumukang panget kahit na gusto namen magmukhang kanais-nais (nakakainis). Ngayon mukha na kameng tao. Mukha na kameng normal na tao. Hindi na ako mukhang Sumo Wrestler/Bangkay na may Diabetes at Chinitong Baboy, mukha na akong normal. Hindi perpekto pero normal. Nag-evolve na kame.
Isang libong taon mula ngayon nasa tuktok na ng evolusyon ang tao. Pero hindi naman magandang mahati sa dalawang grupo ang tao. Ang isa’y aalilahin samantalang ang isa’y mag-aastang hari. Kahit namen panget yung iba, Tao pa rin naman sila. Dapat Pantay, dahil lahat naman tayo sa mata ng Dyos ay pantay pantay (AMEN). Buti na lang Theory lang ito, sana nga hindi magkakatotoo dahil maiingit lang ako sa mga apo ng apo ng apo ng apo ng apo ng apo ko na magkakasyota ng mga kababaihang mamalake ang B–BS. Apir!

Probable Cause of Death

October 27, 2007 § 6 Comments

Minsan nagpaka-Michel de Nostredame kame ng isa kong kaibigan at hinulaan kung ano magiging cause ng death namen. sabe nya sa kin

ako, mamatay ako dahil sa aids o kaya mamatay ako dahil mahuhuli akong may kalandiang iba sa kama

Hindi malayong
mangyare yan dahil napakaLibog mo (sabay tawa ng malakas)

Tugon ko saka nagshare ako ng kung ano a tingin ko ang magiging dahilan ng kamatayan ko

Apat lang yan eh,

  • Sakit sa Puso
  • Sakit sa baga
  • Sakit sa Kidney
  • O kaya may papatay sa kin

Karamihan ng mga pasyente sa hospital ay namamatay dahil sa apat na to. Nung 1998 nangunguna ang sakit sa puso bilang sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino. Hindi rin malayong mangyare to sa kin, dahil ang Lolo (tatay ng tatay ko) at ang Mama ko ay namatay dahil dito.

Lahi din namen ang pagiging hikain kaya maaaring mamatay rin ako sanhi ng sakit sa Baga. Saka hindi ko na matanggal sa sistema ko ang paninigarilyo kaya kung hindi ako mamatay dahil sa sakit sa puso malamang mamatay ako dahil may lung cancer na ako o di kaya’y may ibang sakit ako na may kinalaman rin sa baga.

Mahirap ang buhay ng isang Diabetiko, ayoko man isipin pero, baka(knock on wood) magkaroon din ako ng sakit na to, hindi rin malayong magkaroon ako ng sakit sa kidney dahil sa lageng pag-inom ng alkohol at dahil na rin hindi balance ang diet ko. Wala naman kameng lahing diabetiko at wala rin naman akong alam na kamag-anak namen na namatay dahil dito. Sana lang hindi ako yung kaunaunahan sa Family tree namen na mamamatay dahil dito. (Wag naman po sana Dyos ko)

Panghuli, Ipapatay ako, ipapa-ambush, o papatayin ako mismo ng kaharap ko dahil mayabang ako at alaskador. Ilang away na rin kase ang nasalihan ko dahil sa pag-uugali kong to. Tipikal na ugaling Pinoy; mayabang at mapang-asar pero pikon.

Alam ko naman na maiksi lang ang buhay, maaring mawala na ako bukas. Sinubukan ko lang hulaan kung anong magiging sanhi ng kamatayan ko. tutal dun din naman tayo patungo.

Pero habang maaga pa siguro ay maiigi ng baguhin kung ano man ang nakasanayan ko. Babawasan ko na ang Yosi, kakainin ng tama, exercise, i-limit ang alcohol, ang siguro subukan na din bawasan ang ugaling ikamamatay ko (pagiging mayabang at mapang-asar). Sana lang humaba pa buhay ko dahil marame pa akong gustong gawin dito sa mundo. hehehe.. Enjoy natin ang buhay mga tsong pero wag naten itong iabuso. Apir!

My Wishes (imagini.net)

October 15, 2007 § Leave a comment

Id like to see when Adam and Eve met and it all hung out. Ideally, I’d wake up in some cedarwood pavillion in Old Kyoto, where the maple trees reflect on the tranquil of morning lake, and later on calls as a Movie Director, directing that perfect shot with that perfect actress; If I thought about it, I really need more time to slow it down and to be myself, and sometimes I wish I could Soar with the music I was playing. I’d like to make any plants flourished in any landscape, however derelict and however poisoned it may be, it would be amazing to see the once-forgotten ruins of an ancient civilization in the recesses of the jungle, and who knows what secret chambers wait to be found. I’d like to have a wolf to keep me company (we can howl at the moon together). Finally, I’d like to throw a beach party where the limbo is optional, and maybe I’d Invite a marmaid along, just to be different

Overpass

October 5, 2007 § Leave a comment

Inabot na ako ng dilim at tanging overpass lang ang kailangan tahakin para makatawid sa sakayan ng jeep. nakita kong nagkakagulo ang mga tao ang iba’y nagsisiTakbuhan. . . bigla akong nag-alala, tumaas na naman ang aking BP. siguro may nadukutan yun agad ang sumagi sa aking isip o baka may nasaksak, napagtripan
ayun duguan, pipti-pipti, malapet ng mamatay

binilisan ko ang paghakbang sabay sa pagmamasid sa mga katabi. . . na-paranoid na naman ako tulad ng lola ko nung umuwi ako sa ilocos

biglang nagflashback ang nangyari nung bakasyon. tulad sa mga pelikula. . . colored tas biglang natulala. ayun nagflashback black en white na.

nakahenna tatoo ako noon, kalbo, madameng hikaw, mukhang adik. . . nagulat lola ko. . .
nagdasal, iniyakan napaisip tuloy ako:
Patay na ba ako?!
ganyan ma-paranoid ang lola ko kulang na lang ipalibing na nya ang pogi nyang apo. . .

pakatapos ng blast from the past bumalik na naman ako sa realidad. eto ako ngayon, paranoid sa pagtawid ng overpass. . . maingat pa rin ako sa paglakad . bigla kong nakita ang mga mamang naka-green, sila lang pala. . . mga kampon ni Bayani

nakikipagtalo sila sa ng mga tindera. . . saka kunumpiska ang mga paninda. . . wooooh!
napatigil ako. . . may shooting ba ng pelikula? sino ang bida?
may agawan,
may sakitan,
may iyakan. . .
hinanap ko ang kamera baka ito’y maibalita. . . panahon na para mabroadcast sa mundo ang aking pagmumukha

laking dismaya ng nalaman walang mga kamera. . .
alang hiya. . . kala ko pa naman panahon na

bigla akong nakaramdam ng awa para sa mga tindera sa bangketa. . . karamihan sa kanila
mukhang may edad na. . . tingin ko. . . sila lang inaasahan ng kanilang pamilya. . .

smol tym na bisnes kinumpiska. yosi, candy, dyaryo, atbp. samantalang yung mga big tym jan, hindi mahuli huli. . . palibasa mga tau-tauhan kase. . .

nakakaawa ang mga kababayan naten pilit na nilalaban ang kahirapan
naka-isip ng paraan para kumita tas ipagbabawal naman ng iba

nasa mga tindera ang simpatya ko parehong tindera kase noon ang mga lola ko
na tinaguyod ang buhay para makaahon

kung hindi sila nagtinda hindi makakatapos sa pag-aaral ang tatay at nanay ko. . . hindi ko rin sana mararanasan ang ginhawang natatamasa ko ngayon. . .

naaawa ako sa mga tindera sana naman magawan to ng paraan ni Gloria

Where Am I?

You are currently viewing the archives for October, 2007 at Kokey Monster.