Ninong Erap

September 15, 2007 § Leave a comment

Minsan ko na rin pinangarap na maging Pulitiko, para makatulong sa mahihirap at para maging katulad ni Erap para sa mahirap

Bakasyon ng taong 1998, maggragrade 5 na ako at supot pa rin ako. Pero walang kinalaman yung pagiging supot ko sa isusulat ko ngayon Bakasyon nung taong 1998 ng magsimula ang kampanya para sa Presidential elections. Bata pa ako nun pero gumawa din ako ng listahan ng iboboto ko. Linagay ko si Erap sa listahan ko dahil mahilig ako sa action movies (kahit na di a ako pinapananganak nung gumagawa sya ng action movies), saka may picture sya sa bahay namin kasama mama ko.. kaya akala ko ninong ko sya.

Ang namayapa kong lolo ay Maka-Erap din kaya naman mas lalo kong nagustuhan si Erap kahit na alam kong peke lang yung ginawa kong listahan at hindi naman talaga ako makakaboto. Dun ako nagsimulang magkagusto sa pulitika. madame akong stickers ni erap nun, mga wrist band, at kung ano ano pa. Pero para sa akin pinaka da bes yung comics na kung saan nakasaad ang buhay nya. Dahil sa comics na yun hinangaan ko sya at pinangarap na maging kagaya din nya.

Hunyo ng taong 1998, pasukan na namen sa wakas maggragrade five na ako. Pero bukod dun sinelebrate din ang ika 100th na kalayaan ng Pilipinas sa mga kastila pero pinakahighlights talaga nung mga buwan na yun ang Panunumpa ni Ninong Erap.

“Walang Kumpa-Kumpare, Walang kapa-kapatid. Walang ……… (nakalimutan ko na kung ano yun)”. Pinanood ko sa TV yun kasama ang aking lolo.. Tuwang Tuwa ako nun, pumapalakpak at na inspire sa mga sinabi nya.

May election din sa school para sa Student Council. Dahil may utak daw ako saka matalino (date yun) sabe ng teacher ko isasali daw nya ako sa sa Student Council. Hindi ko na matandaan kung anong posisyon yung sinalihan ko basta alam ko ginaya ko si Erap. naging makamasa ako, lahat kinakausap ko at sinasabihan silang “Please Vote For Me”. Dahil dun marami akong nakilala. Madameng naging plastik na kaiibigan.. mga Bampira gustong maki-ride sa kasikatan ko. Dahil sa pagiging masa ko at sikat ko nung mga panahong iyon, ano pa nga eh di syempre nanalo ako.

Pero nung tumuntong ako ng highschool. Tinamad na akong mag-aral, di na rin ako tumakbo sa kahit na anong posisyon sa student council. Medyo nawalan na ako ng gana sa Pulitika katulad ng pagkawalan ng gana ko sa pag-aaral. Lalo pa ako nawalan ng gana ng ipa-impeach ang hilaw kong Ninong Erap. Kahit papano ginaya ko din sina Lacson at Gloria nung mga panahong iyon. Naging balimbing ako, tinalikuran ko ang aking Ninong. Isa akong alibughang hilaw na anak sa binyag

Ngayon nahatulan na ng guilty ang aking Hilaw na ninong. Wala lang.. nakadama lang ng konting lungkot, Matagal na din naman syang nakakulong ang pagkakaiba nga lang ngayon lang sya nahatulan. Wala na din akong pakealam sa takbo ng pulitika ng Pilipinas. Wala na din akong pakealam kung sino man ang maupo. Bahala na.

Hindi ko din alam kung tama yung naging desisyon ng korte pero hindi na ako interesadong alamin. Nung nakaraang mayo sa wakas nakaboto na rin ako pero di na ako na excite, hindi tulad nung grade 5 ako na inaaway pa ako sa Dyos at tinatanong kung bakit hindi pwedeng gawin 10 years old ang age para makaboto. Nawalan na ko ng gana, Nawala na rin ang aking panagarap na maging pulitiko. Kinalimutan ko ng lahat yun mula ng makulong ang aking Hilaw na Ninong.

Tagged:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Ninong Erap at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: