Zemmiphobia

September 18, 2007 § Leave a comment

Lahat tayo may kinakatakutan. Pero sa akin mas natatakot pa ako sa mga daga kesa sa mga Multo. Yeah! RATS that hairy animal na may “eeeewwy” appearance (hahaha. nakuha ko sa Chuck and Larry. “Its so eeeewwwy“). Wala naman ginawa tong mga daga na to sa akin kaya lang takot ako sa kanila. More like nandidiri ako kesa sa natatakot. Phobia on Rats iz Zemmiphobia daw ang tawag. May alaga akong hamster nung kid ako pero di ko malaman kung bat bigla na lang ako natakot sa mga rodent. I hate rodents especially the black one na mas kilala sa Scientific term na RATTUS RATTUS. Sa pagreresearh ko din nalaman na may 56 species ang rats. TAE! ang dame nila!

according sa wikipedia:
In Imperial Chinese culture, the rat (sometimes referred to as a mouse) is the first of the twelve animals of the Chinese zodiac. People born in this year are expected to possess qualities associated with rats. These include creativity, honesty, generosity, ambition, a quick temper and wastefulness. “Rats” (i.e. people born in a year of the rat) are said to get along well with “monkeys” and “dragons,” and to get along poorly with “horses.”

Year of the Dragon ako pero hindi kame magkapalagayan ng loob ng kuya ko na pinanganak sa Chinese Zodiac na Rat. Hindi ko talaga gusto ang mga Daga pati mga taong pinanganak sa taong ito hindi ko makasundo. Napanood ko din sa Ripley’s Believe or not na ginagawang Dyos ng mga Hindu ang mga daga.

eto daw naman yung reason kung baket (mula ulet sa wikipedia):
In Indian tradition rats are recognized as the vehicle of Lord Ganesh and a rat’s statue is always found in a temple of Ganesh. In the northwestern Indian city of Deshnoke, the rats at the Karni Mata Temple are held to be destined for reincarnation as Sadhus (Hindu holy men). The attending priests feed milk and grain to the rats, of which the pilgrims also partake. Eating food that has been touched by rats is considered a blessing from god.

Hindi ko din pinanood yung Rattaouille kase nga daga ang bida dun, Hindi ko din nagustuhan yung mouse trap (tama title ng movie?) saka stuart little pati Teenage Mutan Ninja Turtles, ahhh basta I still hate Rats kahit gawin silang mukhang cute sa pelikula, para sa akin nakakadiri pa rin sila

Advertisements

Damn This Flick!

September 17, 2007 § Leave a comment

Alas onse na ng Gabi ng umuwi ang kuya ko. Magsususlat sana ako ng blog kaya lang gustong nyang gamitin tong laptop. (hindi kase kame mayaman kaya share share kameng tatlong magkakapatid dito sa laptop pero parang ako lang ang may-ari dahil ako lang naman ang madalas gumamit.)

Dahil inistorbo ng aking kuya ang pagsusulat ko ng blog. Kumuha na lang ako ng DVD mula sa DVD case naiisipang panoorin ang Bone Collector na nabili ko sa mga Pirata ng Quiapo). Dahil walang magawa. Pinanood ko rin ang pelikula ng Pushing Tin kahit na alam kong 1999 pa ginawa tong flick na to. (pag luma kase di ko trip panoorin)

Ok naman tong pelikula. Tungkol to sa taong nasa tuktok at biglang bumagsak. Nakarelate ako sa pelikulang to pakiramdam ko talaga tungkol to sa akin. Bumagsak, nabigo, at nawala. Sana nga lang tulad ng ending nitong pelikla sana sa huli matagpuan ko din muli ang sarili ko.

Pinanood ko to ng mga bandang alas 2:30 at natapos nung mga alas kwatro. Pero natulog na ako ng alas singko. nagising ako ng mga 2:30 na ng hapon.. Putangina exam ko pala ngayon.. Kaya sinisi ko tuloy tong pelikulang to.. God Damn this flick sabe ko. wala lang.. wala akong sense. para tuloy akong abnoy. hehehe (x_x)

Ninong Erap

September 15, 2007 § Leave a comment

Minsan ko na rin pinangarap na maging Pulitiko, para makatulong sa mahihirap at para maging katulad ni Erap para sa mahirap

Bakasyon ng taong 1998, maggragrade 5 na ako at supot pa rin ako. Pero walang kinalaman yung pagiging supot ko sa isusulat ko ngayon Bakasyon nung taong 1998 ng magsimula ang kampanya para sa Presidential elections. Bata pa ako nun pero gumawa din ako ng listahan ng iboboto ko. Linagay ko si Erap sa listahan ko dahil mahilig ako sa action movies (kahit na di a ako pinapananganak nung gumagawa sya ng action movies), saka may picture sya sa bahay namin kasama mama ko.. kaya akala ko ninong ko sya.

Ang namayapa kong lolo ay Maka-Erap din kaya naman mas lalo kong nagustuhan si Erap kahit na alam kong peke lang yung ginawa kong listahan at hindi naman talaga ako makakaboto. Dun ako nagsimulang magkagusto sa pulitika. madame akong stickers ni erap nun, mga wrist band, at kung ano ano pa. Pero para sa akin pinaka da bes yung comics na kung saan nakasaad ang buhay nya. Dahil sa comics na yun hinangaan ko sya at pinangarap na maging kagaya din nya.

Hunyo ng taong 1998, pasukan na namen sa wakas maggragrade five na ako. Pero bukod dun sinelebrate din ang ika 100th na kalayaan ng Pilipinas sa mga kastila pero pinakahighlights talaga nung mga buwan na yun ang Panunumpa ni Ninong Erap.

“Walang Kumpa-Kumpare, Walang kapa-kapatid. Walang ……… (nakalimutan ko na kung ano yun)”. Pinanood ko sa TV yun kasama ang aking lolo.. Tuwang Tuwa ako nun, pumapalakpak at na inspire sa mga sinabi nya.

May election din sa school para sa Student Council. Dahil may utak daw ako saka matalino (date yun) sabe ng teacher ko isasali daw nya ako sa sa Student Council. Hindi ko na matandaan kung anong posisyon yung sinalihan ko basta alam ko ginaya ko si Erap. naging makamasa ako, lahat kinakausap ko at sinasabihan silang “Please Vote For Me”. Dahil dun marami akong nakilala. Madameng naging plastik na kaiibigan.. mga Bampira gustong maki-ride sa kasikatan ko. Dahil sa pagiging masa ko at sikat ko nung mga panahong iyon, ano pa nga eh di syempre nanalo ako.

Pero nung tumuntong ako ng highschool. Tinamad na akong mag-aral, di na rin ako tumakbo sa kahit na anong posisyon sa student council. Medyo nawalan na ako ng gana sa Pulitika katulad ng pagkawalan ng gana ko sa pag-aaral. Lalo pa ako nawalan ng gana ng ipa-impeach ang hilaw kong Ninong Erap. Kahit papano ginaya ko din sina Lacson at Gloria nung mga panahong iyon. Naging balimbing ako, tinalikuran ko ang aking Ninong. Isa akong alibughang hilaw na anak sa binyag

Ngayon nahatulan na ng guilty ang aking Hilaw na ninong. Wala lang.. nakadama lang ng konting lungkot, Matagal na din naman syang nakakulong ang pagkakaiba nga lang ngayon lang sya nahatulan. Wala na din akong pakealam sa takbo ng pulitika ng Pilipinas. Wala na din akong pakealam kung sino man ang maupo. Bahala na.

Hindi ko din alam kung tama yung naging desisyon ng korte pero hindi na ako interesadong alamin. Nung nakaraang mayo sa wakas nakaboto na rin ako pero di na ako na excite, hindi tulad nung grade 5 ako na inaaway pa ako sa Dyos at tinatanong kung bakit hindi pwedeng gawin 10 years old ang age para makaboto. Nawalan na ko ng gana, Nawala na rin ang aking panagarap na maging pulitiko. Kinalimutan ko ng lahat yun mula ng makulong ang aking Hilaw na Ninong.

Hello world!

September 14, 2007 § 18 Comments

Welcome to WordPress. This is your first post. Edit or delete it, then start blogging!

Alam nyo ba nakakagago ang gumawa ng .com.. hay buhay.. shet! di pala nakakagago.. Tanga lang pala talaga ako.. ahihihihi

yosi, alak, pera at babae

September 14, 2007 § 1 Comment

minsan ko ng ginawang shout out
sa friendster to
Yosi, Alak, Pera at babae

Tulad ng inaasahan
madaming naging reponse
madaming natuwa
at nagyayang magyosi
at magpick up ng pokpok

pero madame din ang
medyo nagalit
ang bastos ko daw
napakamabisyo
materialistik

Apat lang kailangan ko
Yosi, Alak, Pera at Babae
hindi ko alam
na sa pagsasabi ko nito
madame akong mababangga
madameng magugulat
madameng makikitid ang utak

bat kaya ang Pinoy
kapag nagsabe ka ng totoo
kamumuhiaan ka
Kapag sinabi mo kung
ano talaga ang gusto mo
pagagalitan ka pa

makitid ang utak ng mga pinoy
napakitid
kaya hindi umuusad
ang takbo ng ekonomiya

napakamapanghusga
ng mga tao
kaya hindi ako
nagtataka
kung bakit maraming
natatakot
maraming natatago
madaming ayaw ilantad
ang tunay na sarili
dahil ang mga Pinoy
ay mapanghusga
at makikitid ang utak

apat lang kailangan ko
Yosi, Alak, Pera at Babae
so ano ngayon
Pake mo
Sasabihin ko kung
ano man ang gusto ko
Husgahan mo na ako
Makitid ang Utak
Mapanghusga

TANGINA KA!

Where Am I?

You are currently viewing the archives for September, 2007 at Kokey Monster.