5 years 1 month 3 days 14 hours

October 17, 2012 § 3 Comments

‘Nung Kinder ako may nap time kami at kada mag-uumpisa ang nap time, kukuha ng storybook ang Teacher namin saka kami kinuk’wentuhan. Tuwing magsisimula siyang magkwento, pumupunta muna ako sa labas ng classroom para hanapin si Yaya at dumedede muna ako ng gatas sa bote nang patago dahil kunwaring big boy ako sa mga kaklase ko’t ayokong masira ang aking image. Malandi ako ‘nung limang taon ako’t pinapahalagahan ko ang tingin sa’kin ng ibang tao.

Ang k’wento ay tungkol sa kung bakit nakahiwalay ang hinlalaki sa hintuturo, hinlalato, palasisingan at hinliliit. Narinig ko na ang k’wentong ito noon kaya hindi ako nakinig sa dinadaldal ng aking guro. Ayon sa natatandaan kong bersyon ng k’wento, may ninakaw si hinalalaki kina hintuturo atbp. kaya nagpagdesisyunan nilang ihiwalay siya pero iba ang bersyon ni Teacher at gawa nang hindi ako nakinig, mali tuloy ang nasagot ko ‘nung question and answer portion na. Hindi ko na alam kung ano ang bersyon ng k’wento ng aking guro tungkol kay hinlalaki, hindi naman kasi ako nakinig. Halos magdadalawang dekada na at hanggang ngayon palaisipan pa rin sa’kin kung alin ang tama, ang k’wentong alam ko o ang bersyon ng aking guro.

‘Nung araw na iyon ay hindi ako nakapag-uwi ng ribbon na star pero higit pa sa ribbon ang natutunan ko. Una ay hindi lahat ng tao’y sasang-ayon sa kung anong alam mong tama. Ikalawa’y laging may ibang bersyon ang k’wento. Marahil itong dalawang bagay na ‘to ang nagtulak sa akin na magblog dahil may boses ako’t kailangan kong ibahagi ang bersyon ko ng k’wento at may opinyon akong nais ipakilala sa ibang tao.

Saktong limang taon, isang buwan, tatlong araw at labing-apat oras sa pagkakapaskil ng entry ito ay ang unang pagtapak ko sa blogosperyo. Fuck buddy ko ang blogging, kung kailan tamaan ng urge ay doon ako titirada. Pero natitiyak kong magsusulat pa rin ako, hindi man gaanong active tulad ng nakagawian, hindi man sa blog na ‘to o kahit wala nang makabasa, magsusulat pa rin ako  dahil may bersyon ako ng k’wentong nais kong ibahagi sa ibang tao.

Hashtag

June 2, 2012 § 3 Comments

Ang huling tsismis na umabot sa akin ay ang digmaan ng Tsina at ng Pilipinas. Wala akong kwentang tao dahil wala akong masyadong alam sa current events. Hiwalay na rin pala sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay, hindi ko alam kung anong magandang maidudulot nitong balitang ito sa buhay ko at kailangan pang i-report ito ng mga mamahayag. Wala pa rin akong pag-asa kay Angelica kahit na mamatay pa si Derek.

Pangalawang pwesto si Jessica Sanchez sa  American Idol at naglipana na naman ang mga huwad na proud sa pagiging Pilipino. Mababaw lang siguro ang mga kababayan ko. ‘Nung 2009 sa palabas na Glee may eksenang nagsasayaw sila sa loob ng isang mall at sa likod ‘nung lugar kung saan sila sumayaw na parang tanga eh ang fastfood chain na Jolibee at dumagsa ang mga Pinoy na proud sa kanilang bayan dahil sa loob ng one hour tv show na Glee eh nakita ang Jolibee ng tatlong segundo. Like seriously? Pupusta ako ng bente lilipana na naman ang hashtag na Proud Pinoy sa Twitter dahil sa trailer ng Bourne Legacy.

Sa Twitter na lang din ako nagiging updated sa mga nangyayare sa bansa natin. Tulad halimbawa ng mga paglalandi ng mga housemates ng PBB Teens o kung sino ang guest sa show ni Vice Ganda. Napapag-trending nila ang mga palabas na ‘to pero ang isyung pulitikal ng bansa natin eh hindi nila napapagtrend maliban na lang sa kaso laban kay Corona na dinagsa ng mga frustrated newscaster at kada segundo eh kailangan nilang i-tweet ang eksena–may din TV po kami.

Medyo hati ako sa laban ng Boston Celtics at Miami Heats pero Spurs ako laban sa Thunders. Bahala na kung sinong manalo, masaya akong wala ang Lakers. Haha! At mukhang matatalo ‘tong si homophobe Pacman sa laban niya kay Bradley, pakiramdam ko lang.

Nabawasan na naman ako ng ilang pounds ayon sa sirang weighing scale dito sa bahay. Alam kong wala naman magandang maidudulot ang balitang ito sa inyo pero gusto ko lang i-share eh kung lablayp nga ng mga artista pinapakealaman natin, ba’t hindi niyo rin kaya pakealamanan ang timbang ko nang sa ganon naman eh mapilitan akong magbawas pero parang hindi rin kasi wala din naman akong pakealam sa opinion ng ibang tao.

At June na pala at ayon kay Kuya Kim panahon na ng mga ulan at bagyo. Sa mga katulad kong mahirap at walang pambayad ng aircon eh magandang balita ito pero masamang balita din ito lalo sa mga kapwa ko nagcocommute papasok sa trabaho. Tapos na ang summer at nitong nakaraang tag-araw ay nakaligo sa tubig alat at tubig tabang, nakaakyat ako ng bundok na buwis buhay bago marating, muntikang madulas sa 80 ft na waterfalls, nakapag-rock climbing at nakapagkayak din ako kaya siguro medyo nabawasan din ang timbang ko. Ngayong tag-ulan naman wala akong ibang gagawin kund  matulog maghapon, manood ng pelikulang pinirata ko sa torrent at magbasa ng libro.

Bumili din ako ng bagong underwear dahil sigurado akong isa ako sa mga unang casualties ‘pag natuloy ang digmaan ng Tsina at Pilipinas. Sa larong giyerang pang-internet lang ako mahusay pero sa tunay na buhay, olats ako men. Nakakahiya naman ‘pag nahukay ang bangkay ko at makita pa ng mga rescuers ang bacon kong underwear.  At dahil may bago akong underwear ang feeling ko tuloy ngayon eh ang sexy sexy ko.

Kinuwento sa’kin ng kaibigan ko sa Tate na may isang lalake raw sa Miami na kinain ang mukha ng isang 60 years old pulubi. “Patay” sabi ko sa isip ko kasi sa pelikulang Zombieland ang unang pinapapak ng mga zombie eh ang mga kauri kong mabagal ang metabolismo—Oo, excuse ko ‘yan sa pagiging mataba ko. Buti na lang may bago akong underwear para kung sakaling papakin man ako ng mga zombies eh feeling sexy pa rin ako. Ohh yeah, sige! Kainin mo ako!

Otso Pesos Ang Pamasahe Papuntang Ligaya

May 11, 2012 § 3 Comments

Manong, magkano ligaya?

Tinawanan ako ng isang chick ‘nung tinanong ko ito sa driver ng jeep na nasakyan ko. Malamang hindi siya taga-dito. Probinsyana? Mukhang hindi. Maaring nagkakamali lang din ako, siguro nagkataon lang na hindi barriotic ang itsura niya.

Kung Taga-Metro East ka, Pasig, Marikina, Cainta, Antipolo at Taytay; ang parte ng Metro/Mega Manila na parang ginang-rape ni Ondoy ay malamang pamilyar ka sa lugar na Ligaya. Tambayan daw ‘to ng mga puta noong unang panahon, mapababae o lalakeng puta ayon sa katropa kong inabutan ang panahon ng pagpuputa sa lugar na Ligaya. Ligaya ang daan patungong langit, samakatuwid ang destinasyon ng mga sasakyan na galing Ligaya ang siyang magpaparaya sa katawan at diwa kong ginahasa.

Mali naman kasi ang pagkakatanong ko. Ang “Manong, magkano ligaya” ay parang pakikipagnegosasyon sa isang bugaw. Parang naghahanap lang ng pantawid init ng katawan ang katanungan ko. Wala pa akong karanasan sa pokpok dahil pokpok na ako kahit gustuhin ko man at patulan na ang mga naglalako ng panandaliang-aliw sa overpass ng Cubao ay hindi ko ginawa. Hindi pumapatol sa kapwa pokpok ang isang pokpok, isa iyon sa 10 commandments ng pagpuputa; “Thou shall not make patol to your own kauri.”

Maraming pokpok sa internet, lalo na ‘yung mga exotic A.K.A mukhang sinaunang tao. Minsan kung sino pa ang panget ‘yun pa ang may lablayp kahit na sa internet lang. Hindi sila pumapatol sa mga kauri nilang Pinoy dahil gusto nila ng matandang Caucasian na malaki ang tyan at mabuhok ang likod. Half-Pinoy ka ba? 30% ang chance na pokpok ang nanay mo.

“Manong, magkano hanggang Ligaya?” Ang tamang paraan ng pagtatanong sa kung magkano ang pamasahe hanggang Ligaya, samantalang ang ginamit kong pangungusap o paraan ng pagtatanong na “Manong, magkano ligaya” ay para sa mga tsekwa na lagi lugi negosyo na wala kita kahit dami nila pera.

Pero magkano nga ba ang ligaya? Saan nakakabili nito at magkano?Sa mga batang nasa kalye, piso lang dahil sa sabi ni Little Prince; “what is essential is invisible to the eye?”. Sabi naman ng isang komersyal ng softdrinks, nasa kanila daw ang “Happiness”. Akalain mo nga naman pati kaligayahan ay parte na ng komersyalismo.

Ano nga ba ang makakapagpaligaya sa’kin? “All you need is love” ang sagot ng paborito kong bandang The Beatles. Tama, kailangan ko ng pag-ibig o sadyang tigang lang ako at muli na naman akong pinagkaitan ni kupido. Muli na naman akong pinagsaraduan ni tadhana, nahuli ako ng ilang minuto, hindi ko nasakyan ang eroplanong dapat na magdadala sa’kin patungo sa’yo. Pasensya na, tao lang.

Nadurog ang puso ko ‘nung malaman kong wala na siyang interes sa’kin. Ganon na lang pala ‘yun. “Maraming salamat! Nag-enjoy ako, pero hindi na tayo magkakantutang muli dahil may iba na akong gusto”. Hindi naman niya lantarang sinabi pero ganon na nga. Gago eh, nahulog, sadyang hindi naman talaga dapat. Umibig kahit na alam na walang patutunguhan, suicide ika nga. Ayon kay Judy Ann Santos sa pelikulang Ploning – “ang nagmamahal ay nasasaktan”. Nasasaktan pa rin ako bagkus umiibig pa rin ako pero bukas makalawa ayos na ako. Puso lang ‘to, malayo sa bituka. Babae lang ‘yan, marami ‘pang iba.

‘Wag mo akong alalahanin. Ilang bote lang ‘to ng alak at magiging ayos na ako. Ilang tulog lang ‘to at muli na namang sisigla ang katawan ko pero pansamantala muna kitang iba-block sa Facebook dahil ayokong makita ang updates ng relasyon mo sa bago mong boypren. Nga pala, ang Ligaya ay matatagpuan sa Brgy. Santolan, gitna ng Pasig at Marikina, pagitan ng motel na Sogo at Mariposa, sa sakayan ng jeep pa-San Joaquin. Wala ang kaligayahan sa’kin pero masaya na ako piling ng ilang bote ng beer.

Tara parekoy! Tama na ang drama! Tagay mo na!

Jack Bauer

March 11, 2012 § 7 Comments

Tatlong araw na ang nakakaraan pero hindi pa rin tumatatak sa isip ko na bente-kwatro na ako. Tangina! Ang tanda ko na pero wala pa rin akong sariling bahay at lupa at malayo pa sa isang milyon ang pera ko sa bangko. Porno at droga lang naman ang solusyon sa pagyaman ko pero nagpapalamig muna ako, mahirap nang mabitay sa Tsina at hindi pa firm ang muscle ko para gumawa ng sex video.

Nagkayayaan ang mga kasama ko sa trabaho na mag-inom pero umiral ang pagiging Ilokano ko at tumanggi muna ako. Walang budget. Kailangang mag-ipon lalo na’t malapit nang maging Daddy. Gusto ko pa sana mamuhay binata kaso nakalaan na ang pera ko para sa panganganak ng syota ko. Oo may syota na ako! Binuntis ko na para hindi na makawala saka nakahithit ako ngayon ng marijuana kaya gumagawa na lang ako ng kwento para magmukhang interesting naman ang buhay ko. Wala akong girlfriend… ata.. at mas lalong hindi pa ako magkaka-junior. Yey! Effective ang suka bilang spermicide! YEHEY!

“ATA” ang sagot ko sa tanong na kung meron ba akong girlfriend. Alam ng mangilan-ngilan kong kaibigan ang sagot. Hindi ako sigurado kung meron o wala pero nakakasawa na rin pala ‘yung puro labas na lang at kantutan ang inaatupad namin. Pumayag na lang ako na ‘wag lagyan ng label ang relasyon namin pero hindi ko naman akalain na mahuhulog pala nang tuluyan ang puso ko, kala ko pantanggal init lang pero bumigay ‘tong gagong nasa dibdib. Patay ka sa’king letse ka! Kakain ako ng lechon at magyoyosi ako ng tatlong kahang walang hintuan, ‘tignan ko lang kung ‘di ka bumigay.

Tinanong ko siya minsan.
“Kuntento ka na ba talaga sa ganito?”

Pero sinagot din niya ako ng tanong. “Anong ganito lang?”

“‘Yung ganito lang. ‘Yung casual lang.” Sambit ko sa sa kanya

“‘Yung sex lang?” Putanginang bunganga ng babaeng ‘to, sabi ko sa isip ko.

“Hindi mo ba hinahanap (ang) maging in a relationship?” Hirit ko sa kanya.

“Hindi rin.” Matuwid na sagot niya sa’kin.

“Bakit?” Usisa kong muli.

“Bakit naman ako kukuha ng ipupukpok sa ulo ko? Ang ending ‘nun, hiwalayan lang. ‘Di na uso ‘yun ngayon.” Ang matigas na sagot niya sa’kin.

“Eh puta ka pala eh! Katawan ko lang pala ang habol mo! Bitch!” Gusto ko sanang isagot ‘to kaso sabi ni Direk Cathy Garcia-Molina, hindi daw bagay sa karakter ni John Lloyd kaya tinanggal ko na lang.

Ninakaw ko lang ‘yang linyang ‘yan sa pelikulang “Unofficially Yours” dahil likas akong jologs at Dear Star Cinema, hinihintay ko pa rin ‘yung pera ko. Ginamit niyo ang buhay ko sa pelikula niyo! Pinagkakitaan niyo! Bayaran niyo ako!

Pero tulad ng ibang pelikulang gawa ng Star Cinema, naging sila ‘din bandang huli. Pero hindi naman kasi sine ‘tong buhay ko, totoong buhay ‘to! Kapag tumalon ako mula sa 30th floor ng building namin siguradong mamamatay ako at hindi ako ise-save ni Sarah Geronimo na may suot na pakpak ng anghel. ‘Yun lang ang kaibahan, happy ending ang wakas ng pelikula, sa totoong buhay– trahedya.

Bente-kwatro na ako pero ang drama ko pa rin. Kailangan ko ng mas positibong pananaw sa buhay. Ayokong tumandang puro peklat ang pulso ko dahil sa kakalaslas. Masarap mabuhay! I’m 24 and I’m gonna save the world like Jack Bauer.

Suplado = Gwapo

September 18, 2011 § 9 Comments

May nag-aya sa’kin na manood ng UAAP Cheerdance pero tinanggihan ko. May inuman ngayon ang tropa ko ‘nung kolehiyo na unti-unti nang nalalagas dahil sa mas magandang sahod sa ibang bansa pero tinatamad ako. May inuman din bukas kasama ang mga dating katrabaho ko pero malamang hindi rin ako dumalo. Birthday din ng kapitbahay kong sinisilip ko sa bintana gabi-gabi (Hihihi!) kaso hindi ako imbitado. [insert sad smiley]

Hindi mo pwedeng makuha lahat ng gusto mo. Siguro kung ‘yung paninilip ko dito kay Binibining Kapitbahay eh inilaan ko na lang para makilala siya malamang imbitado pa ako. Ang kaso, nasampal na ako dati. Oras ang itinagal bago mawala ang mala-kampanang tunog sa tenga ko noon. ‘Nung nagpa-ulan ng confidence si Hesus ay malamang hindi din ako dumalo at nagjakol ako sa porno.

Makapal ang mukha ko, torpe nga lang ako. Ni hindi nga ako marunong manligaw. Nauutal ako kapag kaharap ko na ang babaeng tipo ko. Sumpa ata ‘to sa’kin ‘nung seatmate ko ‘nung grade 1 na ninakawan ko ng halik. Para halik lang eh.

Dinadaan ko na lang sa inuman tapos saka ko pinupulutan ang gusto kong pormahan. Biro lang. Maginoo naman ako kahit na mukha akong malibog. Pramis! Itanong mo pa kay Mama Mary. Nadadaan ko sa pagiging suplado ang pangunguha ng girlfriend. “Suplado = Gwapo” payo sa’kin ng kaibigan kong babae. Saka kahit sa mga chick flicks eh patay na patay ang mga bebot sa mga lalakeng hindi sila pinapansin. Tignan mo si Basha, mangiyak-ngiyak pang nagmakaawa kay Popoy. “Ako na lang, ako na lang ulit.” Putangina mo Basha!

Medyo maingay ang kapitbahay ko ngayon, walang naman kasing party na tahimik. Dumating din ‘yung boypren niya na ang tanging lamang ko lang ay malaking tiyan. Malamang magkantutan sila pagkatapos nitong birthday party, alangan namang mag-rosaryo sila. Hanggang paninilip na lang talaga ako. Hindi ko naman kasi ugaling manungkit ng syota ng may syota.

Parang gusto ko na lang patugtugin ng malakas ‘tong kanta ng Giniling Festival. “Tsong boyfriend mo pokpok. Boyfriend mo nymphomaniac. Boyfriend mo malandi.” kaso kanta ng The Killers ang pumapasok sa isip ko. “I just can’t look it’s killing me“.

Letse! Makaalis na nga lang, alas-dose pa lang naman. Malamang hindi pa tapos ‘yung inuman ng tropa ko at least sa kanila sigurado ako na dadalo sila sa lamay ko. Bros before hoes.

Saka Miss Kapitbahay, kung sakaling iwanan ka ng boypren mo, tumingin ka lang sa bintana nandun lang ako. ‘Wag kang magpi-freak out kasi pramis dibdib mo lang ang nakita ko at hindi ang buong katawan mo.

‘Wag mo akong gaguhin. May blog ako. Gusto mo i-blog kita?!

September 14, 2011 § 11 Comments

Sa kalagitnanaan ng taong 2008

Tropa 1: Oy Tsong, blogger ka daw?
Ako: Oh.
Tropa 2:  Hindi lang basta blogger tsong. Humor blogger.
Tropa: Naks! Humor blogger! Joke nga diyan.
Tropa 2: Oo nga. Joke naman diyan.
Ako: Mukha niyo!
Tropa 1: Sige na, mag-joke ka na. Tignan natin kung nakakatawa ka talaga.
Ako: Mukha niyo! Napakalaking joke ng pagmumukha niyo!

End.

Anyway, Happy 4th blogversary sa’kin!

6 Easy Steps

August 11, 2011 § 4 Comments

Kakatapos ko lang basahin ang Love is a Mix Tape na isinulat ng isang manunulat ng Rolling Stone Magazine. Tungkol ito sa pag-ibig, kamatayan at musika. Ayos naman ang libro, hindi gaanong madrama na swak sa panlasa ko at hindi din pala ako marunong gumawa ng review. Kahit noong high school ako tuwing may kinalaman sa pagrereview ng pelikula at libro ang assignment o project ay sinasangguni ko na lang kay Manong Google. Hindi pa gaanong uso noon ang internet kaya nakapasa ako ng high school na may halong pandaraya.

Kung ikaw ay mahilig sa musika, isinasangguni kong gumawa ng account sa last.fm. Dahil bibinigyan ka nito ng recomendasyon ng mga “artists” na maari mo ring magustuhan ayon sa panlasa mo sa musika. Madami akong nakilalang musikero dahil sa last.fm at kaibigan ko din pala doon ang direktor na si Quark Henares (Bragging rights! Woohoo may kaibigan akong sikat sa isang social networking site!) *ilag sa mga binabatong kamatis*.  Kung sakaling may account ka na dito o kung sakaling maisipan mong sumali, pwede mo akong i-add (alienferbert ang username ko) at baka ikaw na ang matagal ko nang hinahanap na musical soul mate ko at kung sakaling “super” ang compatibility natin ay pwede na tayong mag-inuman kahit anong araw (sagot ko ang isang bucket! pramis!)

Yaman din lamang napag-uusapan ang musika ay gumawa akong listahan o hakbang kung paano gumawa ng pop song na magiging number 1 sa MYX at sa US Billboard.

  • 1. Auto-tune

Hindi na importante kung sintunado ka dahil sa kapangyarihan ng autotune ay matataamaan mo na ang bawat nota. ‘Wag mong alalahanin kung para kang asong ulol tuwing kumakanta dahil sa auto-tune ay tiyak na magiging Grammy Award winning singer ka. Itanong mo pa kay Kanye West. Kung wala kang autotune na software ay pwede kang kumanta sa harap ng electric fan.

  • 2. Lyrics

‘Wag kang masyadong mag-alala dahil hindi mo kailangang maging mahusay na liriko para makagawa ng pop song. Mag-isip ka lang ng tatlong salita at ulitin mo lang ito sa loob ng tatlong minuto. Halimbaw: “Paulit-ulit, Ulitin ulit” . Tandaan naging milyonaryo ang mga miyembro ng Black Eyed Peas dahil sa dalawang salita lang “My humps, my humps, my humps, my humps”. Syempre kasali din ang lukaret ng mundo na si Lady Gaga “Pok pok pok pok pok poker face”. Kung sumikat ang mga awitin nilang paulit-ulit, walang dahilan para hindi sumikat ang kanta mong paulit-ulit din ang lyrics. At ang pinakaimportante sa lahat;  huwag na huwag kakalimutang isingit ang “Ohhhh”, “Ahhhh” at “Yeah”.

  • 3. Rap

Lahat ata ng sikat na pop songs kailangang may rap. Hindi na importante kung masira nito ang takbo ng kanta mo. Tignan mo ang “Baby” ng boses-pekpek na si Bieber, pinasingit lang niya si Ludacris sa kanyang awit at kinabaliwan na siya ng mga bagong-reglang dalagita.

  • 4. Himig

Hindi matatawag na awit ang isang awit kung wala itong himig. Kung ikaw ay pinagpala sa larangan ng paggawa ng himig ay pwede mong simplihan lamang ang gawa mo sa minimum na tatlong chords at maximum na ewan ko dahil wala din akong alam sa paglalapat ng himig. Kung ikaw ay kagaya kong walang alam sa himig maliban sa alphabet song, pwede kang pumili ng lumang awitin ay pabilisin mo ito. Isang magandang halimbawa ang “Lambada” na parang-ni-revive-pero-hindi ni J.Lo

  • 5. Ryan Bang/Sandara Park (Optional)

Kung ang target mong market ay Asya ay pwede kang kumuha ng Koreano na marunong sumayaw, tiyak magiging sold out ang concert mo sa Araneta. Sikat sa mga kabataan ang mga Koreano dahil sa kadahilanang hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung anong nakita nitong mga batang ‘to sa mga singkit na amoy kimchi. Tumatanda na siguro ako saka laos na din kasi ang F4.

  • 6. Lesson

Para tangkilikin ng madla ang awit mo kailangan may matututunan silang leksyon dito.  Tulad nang kung paano ka sumuka dahil sa alak. Kung bakit mo pinagmumog ang gin ‘nung bagong gising ka. Kung ano ang nangyari sa’yo habang nanonood ng porno. Kung sino sina Doug, Shorty at Shawty. O kung ano ang susunod na araw pagkatapos ng Huwebes at kung bakit masaya ang weekend.

‘Yan ang anim hakbang para makagawa ng sikat na pop song ang kailangan mo na lang ay kumikinang na kasuotan para maihayag ka nang tunay na pop star.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.